You are on page 1of 12

2.1.

Anong uri ng tekstong impormatibo


ang mahihiwatigan sa itaas?
3. Pag-uugnay sa Binasang teksto
1. Paano naging impormatibo ang
binasang teksto?
2. Ano layunin ng tekstong binasa?
3. Ano kahalagahan ng tekstong
impormatibo
D.
Pagtataya
10 minuto
Pangkatang Sesyon sa Google
Classroom.
Panuto: Matapos suriin ng bawat
pangkat ang mga tekstong nakatalaga sa
kanila. Ilalahad ng piniling kinatawan
ang mga nabuong pagsusuri sa
buong klase.
Pamagat:
Layunin:
Mga Pantulong na
Detalye:
Uri ng Tekstong
Impormatibo:
Pangkalahatang
Kaisipan:
1. Pangkat Diwa – Kalusugan
https://www.fda.gov/consumers/consumer-
updates/tumulong-upang-
mapahinto-ang-pagkalat-ng-coronavirus-
protektahan-ang-iyong-pamily
2. Pangkat Sangkap – Kapaligiran
https://climate.gov.ph/news/426
3. Pangkat Haligi – Pamamahala
https://dilg.gov.ph/news/DILG-
inatasan-ang-mga-LGU-na-simulan-nang-
magplano-para-makabangon-mula-sa-
pandemya/NC-2020-1274
4. Pangkat Silab – Teknolohiya
https://www.pressreader.com/philippines/pa
nay-
news/20201116/281986085090867
5. Pangkat Haraya - Napapanahon Sining
https://www.rappler.com/life-and-
style/literature/昀椀 lipino-poetry-
coronavirus-
pandemic-winners
Paglalahad ng Totoong
Pangyayari/Kasaysayan – Sa uring ito
ng teksto inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa
isang panahon o pagkakataon.
Maituturing na pagpapaliwanag ang uri
ng tekstong impormatibo
sapagkat mariin nitong binigyang-
linaw ang mismong salita na
esensyal sa kabuuan ng teksto.
Pag-uulat pang-impormasyon, ito ay
nagpapaliwanag ng mga
impormasyong kakaiba, natatangi o
naayon sa kategorya o bahagi
ng sesyon.
DILG INATASAN ANG MGA LGU NA SIMULAN NANG MAGPLANO PARA
MAKABANGON MULA SA PANDEMYA
August 6, 2020

Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU) na simulan
na ang pagpaplano at paglalaan ng pondo para sa local recovery at rehabilitasyon, bagama’t hindi pa tapos ang
pandemya ng COVID-19, upang makabangon na ang ekonomiya mula sa nakamamatay na sakit.

Inihayag ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan E. Malaya na ang DILG, sa tulong ng World Bank, ay nakabuo
ng “Ready to Recover (We Rise as One) COVID-19 Local Recovery Planning Guide” upang tulungan ang mga LGU na
makabawi at maghanda sa pagtatapos ng kasalukuyang krisis pangkalusugan.

“Dapat makabawi na tayo ngayon kahit ‘di pa tapos ang COVID-19 crisis kasi mas lalala ang epekto nito sa ekonomiya at
kabuhayan ng ating mga kababayan,” ani Malaya.

"Nakikipagtulungan ang DILG sa ibang mga ahensya ng pamahalaan sa Inter-Agency Task Force (IATF) para maalalayan
ang mga LGU sa paghahanda ng kanilang mga stratehiya at programa. Ang layunin ay 'build back better,'” sinabi niya sa
isang webinar ng mga local chief executives (LCEs).

Ayon sa tagapagsalita ng DILG, marami sa mga bahagi ng bansa ngayon ay low-risk, kaya malaking bahagi ng bansa ang
maaari nang magsimula ng kanilang pagbangon sa local level upang maprotektahan ang mga hanapbuhay at mapasigla
ang ekonomiya.

“Kailangang paigtingin ng pambansa at lokal na pamahalaan ang consumption at investment sa pamamagitan ng


government spending at mga polisiyang tutulong sa paglago at pagbawi sa lokal na pangangalakal,” ani Malaya, na
chairman ng STG Governance of Task Group Recovery ng NTF COVID-19.

“Padadaliin ng Local Recovery and Planning Guide ang pagpaplano sa pagbawi at rehabilitasyon upang mabigyan ang
mga LGU ng kalayaan sa pagpili ng solusyon. Mayroon itong sample framework, template at mga programs, projects and
activities (PPA). Gagabayan nito ang mga LGU sa koordinasyon ng mga gagawin ng pambansa, pang-rehiyon at lokal na
pamahalaan, pati ang mga papel, responsibilidad at mga institutional structures,” dagdag niya.

Hindi kailangang lumikha ng bagong grupo upang gumawa ng pagpaplano at pagba-budget, sabi ni Malaya. Ito ay
magagawa sa pagbubuo ng economic cluster sa loob ng Local COVID-19 Task Force na pinamumunuan ng mayor o
governor.

“Ang institutional set-up sa pagbangon ay siya ring set-up para sa Local COVID-19 Task Force. Habang tumutugon ito sa
COVID-19, dapat inuumpisahan na ang pagsasaayos sa mga napinsala nito. Matitiyak nito na ang recovery planning ay
gagawin sa konteksto ng contact tracing, mga patakaran ng quarantine at ng new normal. Maaari naman kayong
magdagdag ng mga kasapi kung ibig ninyo,” payo niya.

Panlipunang Pagmamahal para sa Sustenableng Pamumuhay ngayong Panahon ng


Pandemya sa Episode 34 ng 'Stories for a Better Normal'

MAYNILA, Ika-9 ng Pebrero 2021—Virtual na magtitipon-tipon ang ilang mga eksperto sa pagsusulong at pagsasabuhay
ng sustainable living upang maipakita ang kanilang sari-sariling paraan ng pagmamahal sa mga usaping pang-agrikultura,
pagkain at pamumuhay ngayong Valentines’ day, ika-34 na episode ng "Stories for the Better Normal: Pandemic and
Climate Change Pathways" na may temang "Sustenableng Pagmamahal ang Makabagong Pag-Ibig, ngayong Panahon ng
Pandemya".

Sa pangunguna ni dating Senadora at ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda, mapapanood ang kabanatang ito ngayong
Huwebes ika-11 ng Pebrero 2021, 10:00 AM sa Facebook Live

Kasama sa nasabing online na talakayan ang mga eksperto na sina Chit Juan, Founder ng ECHOfarms at ECHOstore; Chef
Jam Melchor, Head ng Slow Food Youth Network Philippines; at si Anna Manalastas na isang certified yoga teacher.

Matatandaang sa nakaraang mga episode, pinag-usapan ang iba’t ibang sustenableng mga kasanayang
nakapagtataguyod ng pangangalagang pang-kapaligiran, na nagbibigay-diin sa ugnayan ng climate change at
environmental issues kasama na rito ang consumerist culture.

Samantala, para naman sa episode na ito, hihikayatin ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng kaniyang mga panauhin ang
lahat lalung-lalo na ang mga millennial Pinoys upang pangalagaan at itaguyod ang isang mapagmahal na ugnayan ‘di
lamang sa kanilang mga mahal sa buhay, kundi pati na rin sa kalikasan

Sapagkat ang pagdiriwang natin ng Valentines’ day ay isa ring okasyon para magpakita tayo ng pagmamahal sa kalikasan
at pag-ibig sa kinagisnan at nag-iisa nating mundo at ituon ang ating mga pusong puno ng paninindigang labanan ang
climate change sa pamamagitan ng pagkakaroon natin ng sustenableng pagpili at pagpapasya tulad na lamang sa
pagkain at pananamit, at maging sa pagkilos sa gitna ng maraming iba pang mga bagay.

Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pang-kapaligiran, climate-adaptive, ang
"Stories for a Better Normal" ay naglalayong baguhin ang kaisipan ng mga tao, mga pamilya, at mga pamayanan sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga pamamaraan kung saan maaaring magkaroon tayo at maisasabuhay natin ang
isang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.

Na-organisa ang online na talakayang ito mula sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda at ng
Climate Change Commission (CCC) na binigyang-suporta naman ng Institute for Climate at Sustainable Cities, The
Climate Reality Project- Philippines at ng Mother Earth Foundation.

Tula sa pandemya: Mga nagwaging COVIDiona,


COVIDagli, COVIDalit

Sa unang bahagi ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic, naglunsad ng hamon ang Rappler at ang Foundation
AWIT (Foundation for Advancing Wellness, Instruction and Talents): ihayag ang opinyon, damdamin, obserbasyon
tungkol sa COVID-19 gamit ang iba’t ibang anyo ng katutubong tulang Filipino. 

Unang challenge ay ang magsulat ng orihinal na “diona” sa Twitter, gamit ang hashtag na #COVIDiona. 

Ang diona ay isang tulang may 3 linya, 7 pantig sa bawat linya, at ang lahat ng linya ay magkakatugma.

Sumunod nating hiningi sa netizens na mag-post ng COVIDaglî sa Facebook.

Ang daglî, ayon sa Sagisag Kultura ng Filipinas, ay isang kuwento na mabilisang isinusulat at inilalabas. “Mas madalas
kaysa hindi, ang daglî noong una ay ‘mapagpatawa’ at ‘nagpapahayag ng matapang na pamumunáng pampolitika,’”
ayon sa premyadong makatang si Vim Nadera, na opisyal ng Foundation AWIT .  

Pinakahuli, nangalap naman tayo ng COVIDalit. Ang “dalit” ay tulang may 4 na linyang magkakatugma, at ang bawat
isang linya ay may 8 pantig. “Kumbaga, parang tanaga lamang ito na may dagdag na isang pantig,” paliwanag ni
Nadera sa kanyang Rappler column. 

Daan-daang social media users and nag-post at nag-tag sa Rappler at Foundation AWIT sa bawat callout. Sa naging
tugon na ito ng netizens, nakapag-ambag kami sa isa sa mga misyon ng foundation. 

Ang Foundation AWIT ay isang non-profit organization na ang layon ay mapabuti ang kalusugan, edukasyon, at
pagkamalikhain ng kabataang may kapansanan. Malaki at mahalagang bahagi ng teaching-learning materials na
binubuo ng foundation ang sining. Halimbawa, nagsasagawa sila ng workshops para sa mga batang may terminal
illness or may mental health issues at sa kanilang caregivers, kung saan ipinahahayag nila ang kanilang damdamin sa
pamamagitan ng art works at tula. 
Ngayong Agosto, Buwan ng Wika, akalain ba nating nasa lockdown pa rin ang Pilipinas dahil sa pandemya? Pumili
ang foundation ng pinakamagagaling na COVIDiona, COVIDaglî, at COVIDalit – hangarin na sana’y maging
inspirasyon ito sa atin na mga “ikinulong” ng pandemya na palayain ang sarili sa pamamagitan ng paglikha.  

Pagdurusa ng manggagawang Pilipino sa gitna ng


pandemya
Programa ng gobyerno para sa mawawalan ng trabaho dahil sa pandemya, sapat ba?

MANILA, Philippines – Ang epekto ng coronavirus pandemic ay hindi nagtatapos sa mga pasyenteng
napupunta sa mga ospital. Ito ay makikita rin sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Abot 5 milyong Pilipino  ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic, ayon sa Department of
Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay maaaring tumaas, depende kung gaano kalakas ang
impact ng pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan. 

Sa podcast na ito, pag-uusapan nina Rappler labor reporter Aika Rey at researcher-writer Jodesz Gavilan
kung bakit aabot sa ganitong bilang ng mga Pilipino ang nawalan at mawawalan ng trabaho, anu-ano ang mga
programa ng gobyerno para tulungan ang mga mamamayan, at paano makakabangon muli ang ating
ekonomiya.

Ano ang worst case senario? Ayon kay Rey:

Kung hindi pa magjumpstart ang economy natin, a lot of businesses will have to close down and it’s going to be
hard, especially for the small businesses, to go back up. Right now, may mga nakikita na ako at nakakausap na
business na really have to close kasi nga hindi na nila kayang sustehan ang mga empleyado nila. Earlier, we also
heard na may school na nagsabi na hindi na nila kaya mag-operate sa next school year. I mean, it’s an effect of
the pandemic na not a lot of people have money to buy, to enrol their students. Worst case scenario, marami
talagang mawawalan ng trabaho. Itong 10 million na sinasabi ng House na posible at sinasabi ni Secretary
Silvestre Bello na posibleng mangyari, worst case scenario.

Handa ba ang gobyerno sa maaaring epekto ng kawalan ng trabaho sa ekonomiya? Ano ang mga dapat na
programang bigyang prayoridad para sa mga mamamayan?  
Ang nakahain na economic stimulus package sa Kamara ang isang maaaring makatulong. Ngunit dapat ito ay
maging sapat dahil:

Sinasabi kasi ng senators, even some of the lawmakers sa House, that if you are going to propose a small
economic stimulus package program amounting to around P160 billion, it won’t be enough to stimulate the
economy because ang point nga, because itong pandemic na ito has actually made the economy at the
standstill, the government has the responsibility to infuse as much money as they can, as much cash as they
can, to push forward iyong economy natin. If the economy is doing great, edi beneficial rin siya for the workers.  

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking
isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

ANO ANG CLIMATE CHANGE?


Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg
greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.  Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng
heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.  Kapag
tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea,
malnutrisyon at iba pa.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1.  Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na


panahon.  Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at
sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na
bumabalot sa mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang
greenhouse gases )GHGs).  ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo.  Ang pagbuga ng
carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na
siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic
na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate
change.

Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE

Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.

 Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:


- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga
(Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
 Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at
pangkabuhayan nito.

Miss Universe crown, binawi


para kay Pia Wurtzbach
Matapos ang 42 taon, nabawi ng Pilipinas ang prestihiyosong titulo nang koronahan si Pia
Alonzo Wurtzbach bilang 2015 Miss Universe sa tatlong oras na pageant na niyanig ng
kontrobersiya dahil sa maling pagpapahayag ng event host sa nanalong contestant.

Laking gulat ni Wurtzbach, 26-anyos at tubong Cagayan de Oro City, nang bumalik sa
entablado ang television host at comedian na si Steve Harvey para bawiin ang una nitong
inihayag na si Miss Columbia Ariadna Gutierrez Arevalo ang nagwagi ng prestihiyosong titulo.

Ngunit makaraan ang ilang minuto ay bumalik si Harvey sa entablado upang aminin na mali
ang kanyang pagkakabasa sa winners’ card at ang totoong itinanghal ng mga hurado na
2015 Miss Universe ay ang Fil-German beauty.

Ilang ulit pang ipinakita ni Harvey ang card sa television camera na roon nakasaad na ang
pambato ng Pilipinas ang 2015 Miss Universe; Columbia, first runner up; at USA, second
runner up.

“I am taking responsibility for my mistake,” inihayag ni Harvey sa libu-libong nanood sa Planet


Hollywood in Las Vegas.

Umakyat si reigning Miss Universe Paulina Vega upang pakalmahin si Arevalo kasabay ng
pagbawi ng korona mula sa kapwa niya Columbian.
Nangibabaw ang kagandahan at talino ni Wurtzbach sa 79 na iba pang kandidato mula sa
iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi rin maipinta ang mukha ni Pia nang ihayag na siya ang talagang nanalo bilang Miss
Universe.

Siya ang ikatlong Pinay na nakasungkit sa titulo, kasunod sina Margie Moran noong 1973, at
Gloria Diaz noong 1969.
(ROBERT R. REQUINTINA)

“Ano Ang Sanhi At Bunga Ng Pag Aalsa Ni Dagohoy?”


PAG AALSA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang mga pangyayari sa pag aalsa ni Dagohoy.

Ang pag-aalsang ito ay ang pinakamatagal na himagsikan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay naganap sa Bohol kung saan
naninirahan si Francisco Dagohoy.

Ang paghihimagsik na ito ay hinimok ni Francisco Dagohoy na nagsimula sa indibidwal na kawalan ng kakayahan na
humimok sa mga indibidwal ng Bohol na tumawag para sa pagkakataon.

Nagdulot ito ng isang mabisang pag-aalsa laban sa mga walang puso na mga Espanyol, na nagtiis sa loob ng 85 taon. Ang
Pulo ng Bohol ay handa na para sa paglaban at pagod sa nakakagulat na pang-aabuso ng mga Espanyol, tulad ng pigil na
paggawa, koleksyon ng singil sa labas ng linya at pagbabayad ng pagbabayad, at ang mapang-akit na pangangasiwa ng
mga dalubhasa at mga prayle.

Ang bilang ito ay ang bagay na kinakailangan upang simulan ang pagsuway ay ang nakakaganyak na pangyayari. At dito
nakapasok sa eksena si Francisco Dagohoy, ang cabeza de barangay ng Inabanga.

Sa mga araw na iyon, si Dagohoy dahil kinakailangan ng isang angkop na Christian burial para sa kanyang kapatid na si
Saragino, isang opisyal ng armadong puwersa ng Espanya na sinipa ang balde habang sinusubukang hulihin ang isang
lalaking nagbawi sa Katolisismo.

Gayunpaman, ang Heswita na pari sa Inabanga, Padre Gaspar Spirits, ay nagtanong kay Saragino na binigyan ng isang
Christian burial. Bilang isang resulta, nagalit si Dagohoy at naramdaman na insulter siya sa pagtanggi ng prayle. Ang higit
na nagagalit sa kanya ay ang reyalidad na si Padre Spirits mismo ang humiling kay Saragino na hulihin ang mga kriminal.

Dalawampu ang naging mga pangkalahatang gobernador na naghimok upang pigilan ang pagsuway ni Dagohoy.

Sa kabila ng katotohanang ang petsa ng pagpanaw ni Dagohoy ay kaduda-dudang, ang rebelyon na sinimulan niya ay
nagpatuloy sa kabila ng katotohanang siya ay patay na ngayon.
Mula 1744 hanggang 1829, ilang panahon ng mga taga-Bohol ang napalaya mula sa pag-uusig ng Espanya. Natapos ang
pagtutol noong 31 Kamangha-manghang 1829.

Ang paghihimagsik ni Dagohoy na 85-taon ay maaaring maging isang lakas ng loob – isang kritikal na pag-asenso na
napagtagumpayan ng mga Pilipino ang kanilang paglaban sa pagkagalit ng mga Espanyol para sa kontrol kani-kanina
lamang ay ang Philippine Insurgency noong 1896. Ang isang bayan sa Bohol na itinatag noong 1958 ay ipinangalan kay
Dagohoy.

Ang Life Cycle ng Ladybug


Ang life cycle ng isang ladybug ay hindi mayadong magkalayo sa life cycle ng isang
paruparo. Ang isang ladybug ay dumadaaan din sa apat na yugto kagaya sa buhay ng
isang paruparo; egg stage, larvae stage, pupa stage, at ang adult ladybug stage. Alam
natin ang anyo ng isang adult ladybug ngunit di nating makikilala hanggang umabot ito
sa huling yugto ng kanyang life cyle.

 Egg Stage
Ang isang babaeng ladybug ay nangingitlog sa ilalim na parte ng dahon. Sa
pamamagitan nito, hindi makikita ng mga lumilipad na mga insektong kumakain ng
itlog at proteksyon na rin sa masamang panahon. Ang isang inang ladybug ay
nangingitlog ng mahigit kumulang na sampu hanggang labing-limang itlog sa isang
lugar at inilalagay niya ito sa lugar na maraming pagkain upang di magutom ang
kanyang mga anak na anyong larvae pagkatapos nitong mapisa. Ang itlog ng ladybug
ay kulay dilaw na parang maliliit jelly beans.

Larvae Stage

Kapag ang itlog ay napisa, ang larvae ay lalabas at maghahanap ng pagkain gaya ng
maliliit na anay at aphids. Ang bagong silang na mga larvae ay kawangis ng maliliit na
buwaya. Pagkatapos lamang ng ilang araw, ang larvae ay lalaki at simulang magpalit
ng balat. Ang prosesong ito ay tatagal hanggang sila ay lumalaki.

Pupa Stage

Pagkatapos ng dalawang linggo ng paglaki, ang larvae ay mag-uumpisang magpalit ng


anyo na kamukha ng isang hipon. Maghahanap ito ng dahon at animoy matutulog ng
ilang araw, ngunit hindi talaga ito natutulog. Sa pagkakataong ito ang larvae ay
sumasailalim sa pagpapalit anyo o metamorphosis hanggang sa ito ay maging adult
ladybug.
Adult Ladybug Stage

Kapag ang pagpapalit-anyo o metamorphosis ay natapos, ang balat ng larvae ay


mahahati at lalabas ang adult ladybug. Magmumukha itong malambot at kulay pink o
maputla na ilang oras hanggang sa ang shell nito ay magiging matigas. Habang ang
shell nito ay tumitigas nagkakaroon din ito ng pigment na kung saan nagkakaroon ito
ng matingkad na kulay pula.

You might also like