You are on page 1of 2

Ang Hagupit ni 2020

Ni: Jesbelle DS. Tolentino

Marami ang sumalubong sa 2020 na puno ng pag-asa ngunit unang buwan pa lamang ng panibagong
dekada ay napakarami ng pangyayaring tumatak at talagang nagbigay takot at pangamba sa
taumbayan dahil sa sunod sunod na pangyayari.

Iba’t ibang kalamidad din ang ating naranasan habang tayo ay sumasailalim sa nationwide
lockdown.Sinimulan ito ng sunog sa Australia kung saan maraming tahanan ang nawasak at mga
hayop na namatay na sinundan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 12 na naging dahilan ng
paglikas ng mga taga Batangas.

Enero 26 ng taon ay binigla ang buong mundo sa balitang namatay ang sikat na basketbolistang si
Kobe Bryant kasama ang anak at 7 pang kasamahan.

Buwan pa rin ng Enero 28, pumalo sa 100 katao ang namatay sa kontroberysal na Novel Corona Virus
na pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan City, China.

Kasabay nito ay kinumpirma ng Department of Health ang unang kaso sa Pilipinas ng kinatatakutang
Corona Virus.

Pagdating ng Marso nagsimula na ang pagdami ng mga kaso ng Covid 19 sa mundo. Matatandaang
Marso 15 ay isinailalim ni Pang. Duterte ang buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine.Dahil
sa pandemyang dulot ng COVID-19, tumigil ang mundo at ilang milyong tao na ang na hawaan ng
sakit. Sa Pilipinas, mahigit 100,000 na ang na hawaan ng nakakamamatay na coronavirus.

Sa kasalukuyan buwan ng Agosto, isang malaking pagsabog ang naganap sa Beirut. Sa sobrang lakas
ng sabog, naramdaman pa ito ng halos 240 na kilometrong layo. Sa buwan din ito naitala ang
pinakamataas na kaso ng Covid 19 sa bansang Pilipinas.

Unang araw ng Nobyembre, naitala ang pananalasa ng Bagyong Rolly kung saan ito ang
pinakamalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas sa taong 2020 sa Karagatang Pasipiko na nag-iwan ng
matinding pinsala sa mga naninirahan lalo na sa tabing-dagat.

Matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly, buwan pa rin ng Nobyembre, di pa man nakakabangon
ang taumbayan, isa na namang bagyo ang humagupit sa bansa., ang Bagyong Ullyses.Malakas na pag-
ulan at matinding pagbaha ang idinulot ng bagyong ito na nagpalubog sa maraming lugar sa Metro
Manila partikular na ang Marikina.

Dinagsa man tayo ng napakaraming trahedya, pagsubok, kalamidad at iba pang pangyayari sa ating
kapaligiran, nanantili pa rin matatag ang bawat isa sa atin. Nananatili pa rin ang pusong-pinoy,ang
tumulong sa mga kababayan at hindi rin maalintana ang pagnanais ng bawat isa na makatulong sa
kapwa sa anumang kaparaanan maibsan man lang ang paghihirap na dinadanas ng bawat isa.
Hinagupit man tayo ng taong 2020,mga sakuna,kalamidad at matinding sakit, nananatili pa rin ang
pag-asa at katatagan ng kalooban ng bawat Pilipino

You might also like