You are on page 1of 7

lOMoARcPSD|21602397

Naratibong Ulat (Paghahanda sa Buwan ng Wika 2023)

Contemporary world (Quezon City University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Jhonpaul Pojas (pojasjhonpaul205@gmail.com)
lOMoARcPSD|21602397

NARATIBONG ULAT
(PAGHAHANDA PARA SA BUWAN NG WIKA 2023)

I. Pamagat
Pangalan: PAGHAHANDA PARA SA BUWAN NG WIKA 2023
Petsa: Ika-13 ng Hulyo 2023
Pinagganapan: Harapang pagkikita, silid ng 303, Kolehiyo ng Edukasyon sa
Pamantasang Pampamahalaan ng Hilagang-Kanlugarang Samar

II. Rasyunale

Ang “Buwan ng Wikang Pambansa” ay ipinagdiriwang taon-taon, kaya bilang


paghahanda para sa pagdaraos ay nagkaroon ng pangalawang pagpupulong ang lahat
ng opisyales ng organisasyong LuMaWik upang mailahad ang mga aktibidades at
mahingi ang opinyon ng bawat isa sa mga kailangang pag-usapan. Sa gayun ay
maging matagapumpay ang daloy ng programa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika
2023 na may temang “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”, at inaasahang
ipagdidiriwang sa buong buwan ng Agosto 2023.

III. Mga Dumalo

Ang mga dumalo sa pagpupulong ay sina Pangulong Cherry Gain Lanupa, Lucy Marie
Sitiar, Hazel Dean Gonzaga, Joshua Perocho, Jejomar Laoyon, Pearlie Tabogoc, Ana
Deloveres, Cherry Ulila, Heart Magbutay, Hyde Gementiza, Yashier Hadjirasul, Shena
Marie Suarez, at Anthony Disbarro.

IV. Tagapagtaguyod ng Pagpupulong

Pinangunahan ni Pangulong Cherry Gain Lanupa ang pagpupulong na sinuportahan ng


iba pang kasapi ng opisyales ng Lupon ng Mag-aaral sa Wika (LuMaWik).

V. Detalye ng Pagpupulong

Pormal na binuksan ang pagpapupulong ni Pangulong Cherry Gain Lanupa sa pagbati


at sinundan naman ng panalangin na pinangunahan ni Binibining Pearlie Tabogoc,
tagasuri ng organisasyon. Agad na sinundan ng Pangulo sa paglalahad ng Agenda ng
pagpupuplong at inumpisahan sa pagbibigay ng mga kinakailangang gawin para sa
paghahanda sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang mga sumusunod ay ang Agenda
ng pagpupulong:

1. Pagpirma ng Resolusyon Blg. 1


Inilahad ng pangulo ang Resolusyon Blg. 1, patungkol sa pagbitiw ng dating
naihalal na pangulo na si Binibining Jelly Emnas, ganun din ang kaniyang liham
ng pagbitiw, para sa mga hindi nakadalo sa unang pagpupulong noong buwan ng
Hunyo. Hinihintay na lamang ang magiging lagda ng mga tagapayo upang
pormal na maaprubahan ang Resolusyon Blg. 1, at posibleng sa buwan ng
Agosto ay makokompleto ang lagda ng bawat isang kasapi ng organisasyon
maging ang mga tagapayo.

Downloaded by Jhonpaul Pojas (pojasjhonpaul205@gmail.com)


lOMoARcPSD|21602397

2. Buwan ng Wika FB Frame


Para sa Buwan ng Wika, napagdesisyonan na magkaroon ng Facebook Frame
na maaaring gamitin ng lahat ng gustong makibahagi sa pagdiriwang ng Buwan
ng Wika sa buwan ng Agosto. Pag-uusapan pa kung makapagpapagawa sa mga
kasapi ng The Mentor o sa kasapi na lamang ng technical team ng organisasyon.
Lahat ay sumang-ayon sa nasabing plano para makiisa sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika hindi lamang sa unibersidad maging sa online na mundo.

3. Pambungad na Pananalita
Upang pormal na buksan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, magkakaroon ng
pambungad na pananalita na ipapaskil sa Facebook Page ng Lupon ng Mag-
aaral sa Wika. Ang pambungad na pananalita ay pumapatungkol sa kung ano
ang ipinagdidiriwang at ang tema nito na pangungunahan nina Juan T. Baladad
at Hazel Dean Gonzaga. Magsisimula ang paggawa ng bidyo sa ika-apat na
linggo ng Hulyo at maipapaskil sa Facebook Page marahil sa ikalawang linggo
ng Agosto.

4. Buwan ng Wika Pambungad na Programa


Ang pagkakaroon ng Pambungad na Programa para sa Buwan ng Wika ay
naging suhestiyon ng isa sa mga tagapayo ng organisasyong LUMAWIK na si
Gng. Cleta Santos. Kung saan, maikling programa lamang ito na magpapakilala
sa lahat patungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023. Magkakaroon ng
maikling pagtatanghal ng katutubong sayaw, ngunit wala pang pinal na pasya
kung sino ang maaaring magtanghal para sa pambungad na Programa. Naging
suhestiyon naman ni Pangulong Cherry Lanupa na kausapin ang klase ng BPED
kung maaari silang magtanghal para sa Pambungad na Programa dahil aniya
mayroon na silang kasuotan at nakapagtanghal na rin sa mga nauna pang
programa ng unibersidad. Dagdag pa niya, maaari ring nanggagaling na lamang
sa mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino, mangyaring magboluntaryo na
lamang kung sino ang may gusto. Nagtalaga na rin ng mga komite at
tagapagdaloy para sa naturang gawain.

5. Oryentasyon ng mga nasa unang taon


Ang oryentasyon ng mga nasa unang taon ay taon-taon isinasagawa. Sa
pagbubukas ng panuruang taon 2023-2024, ang organisasyong LuMaWik ay
nagpasiyang magkaroon ng programa kung saan ang lahat ng mag-aaral na
nagpapakadalubhasa sa Filipino ay kasama sa oryentasyon ng mga nasa unang
taon. Gaganapin ang oryentasyon ng mga nasa unang taon sa ika-11 ng Agosto,
2023 araw ng Byernes. Inaasahan na lahat ng opisyal at mag-aaral ng
nagmamayorya ng Filipino ay makakadalo at nakasuot ng katutubong kasuotan
sa pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at pagpapakilala ng pinasukan
nilang mayorya sa Kolehiyo ng Edukasyon. Layunin ng oryentasyong ito na
maipakilala sa mga nasa unang taon ang patungkol sa organisasyon kasama na
ang membership fee, Ang Konstitusyon at ang ByLaws ng organisasyon.

Downloaded by Jhonpaul Pojas (pojasjhonpaul205@gmail.com)


lOMoARcPSD|21602397

6. Isalin mo, Norwesians!


Isa ang aktibidad na ito sa magaganap ngayong buwan ng Agosto na gaganapin
isang beses sa isang linggo. Inilahad ng pangulo ng organisasyon ang mekaniks
ng aktibidad at inaasahang sa ika-14, 21, at 28 ng Agosto bawat araw ng Lunes
ang paglalagay ng salita o parirala na ipapaskil malapit sa registrar at bawat
araw ng Huwebes naman ang pagbubunot ng mananalo sa pamamagitan ng
bidyo at ipapaskil sa Facebook Page ng Lupon ng Mag-aaral sa Wika. Sa unang
araw ng pagpapaskil, ika-14 ng Agosto, wikang Ingles patungong Filipino ang
isasalin. Sa ika-21 ng Agosto naman, wikang Filipino patungong Waray ang
isasalin, at sa ika-28 ng Agosto ay wikang Waray patungong Filipino ang parirala
o salitang isasalin. Lahat ng mag-aaral ng unibersidad maliban sa mag-aaral ng
nagpapakadalubhasa sa Filipino ay kasali sa pagsasalin. Napagdesisyonan at
sinang-ayunan din ng lahat na 50 pesos ang magiging premyo ng mananalong
estudyante sa Isalin mo, Norwesians!

7. Itanong mo sa Norwesians
Isa rin ito sa magiging ganap sa buwan ng Agosto at inilahad din ng pangulo ng
organisasyon ang magiging mekaniks ng aktibidad na ito. Kung saan,
magtatanong ng tatlong tanong sa mga mag-aaral ng bawat kolehiyo ng
unibersidad na pumapatungkol sa wikang Filipino at konektado sa tema sa
Buwan ng Wika. Bawat tanong ay may kalakip na 20 pesos at ibibidyo ang
magiging tanong at sagot ng mag-aaral at ipapaskil sa FB page ng Lupon ng
Mag-aaral sa Wika. Sisimulan ang pagbibidyo sa ika-7 hanggang 11 ng Agosto
2023.

8. Araw ng LuMaWik- Lakan at Lakambini ng LuMaWik 2023


Ito naman ang magiging ganap ng buong mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa
Filipino, kung saan bawat taon na nagmamayorya sa Filipino ay magkakaroon ng
kalahok na magiging panlaban sa titulong Lakan at Lakambini ng LuMaWik 2023.
Sa kabuuan, apat na pares ang kailangan upang maisagawa ang aktibidad na
ito. Inaasahan na sa ika-25 ng Agosto 2023 gaganapin ang aktibidad at
paghahandaan pa kung paano ang magiging daloy ng programa maging kung
sino ang huradong kukunin para sa aktibidad na ito. Subalit naging suhestiyon
naman na ang mga tagapayo na lamang ang gawing hurado dahil ekslusibo
lamang ang aktibidad na ito sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa
Filipino.

9. Buwan ng Wika (Institusyonal)


Para naman sa Buwan ng Wika (Institusyonal) o main event ng pagdiriwang, ay
gaganapin sa unang araw ng Setyembre. Ang layunin nito ay ang maging bahagi
ang lahat ng mag-aaral ng NWSSU sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023.
Napagdesisyonan na gaganapin ang main event na ito sa BDC at kinakailangan

Downloaded by Jhonpaul Pojas (pojasjhonpaul205@gmail.com)


lOMoARcPSD|21602397

na magkaroon ng komite sa bawat patimpalak na gaganapin sa araw na ito. Ang


mga sumusunod ay ang mga patimpalak para sa Buwan ng Wika (Institusyonal):

1. Tagisan ng Talino – 12 na kalahok, dalawa sa bawat departamento


2. Sambit Salita – 6 na kalahok, isa sa bawat departamento
3. Tradisyunal na Paggawa ng Poster – 6 na kalahok, isa sa bawat
departamento
4. Himig ng Pinoy (live) – 6 na kalahok, isa sa bawat departamento
5. Cosplay – 6 na kalahok, isa sa bawat departamento
Kasunod nito ay ang pagtalaga sa magiging komite ng bawat patimpalak. Kung
saan, ang mga komite na ito ay ang maghahanda ng mekaniks at sulating-
paanyaya para sa mga magiging hurado sa bawat patimpalak. Ang mga
sumusunod ay ang mga komite na mangunguna para sa partikular na aktibidad:
1. Tagisan ng Talino – Hyde Gementiza at Cherry Ulila
2. Sambit Salita – Shena Marie Suarez at Yashier Hadjirasul
3. Tradisyunal na Paggawa ng Poster – Pearlie Tabogoc at Joshua
Perocho
4. Himig ng Pinoy (live) – Ana Rose B. Deloveres at Jejomar Laoyon
5. Cosplay – Heart Magbutay at Anthony Disbarro
Napagkasunduan din na ang magiging tagapagdaloy sa nasabing patimpalak ay
sina Juan Baladad at Hazel Dean Gonzaga. Gayundin, ang mamamahala ng
rehistrasyon ay ang kalihim at ang mamamahala para sa premyo ay ang mga
tagapamanihala ng organisasyon.

10. Accreditation
Para naman sa accreditation ng organisasyon, kinakailangan ang mga
hinihinging papel bago ang araw ng pasahan.
Napag-usapan din pagkatapos ang pagkakaroon ng uniporme ng opisyales ng
organisasyon at ang planong pagpapagawa ng Tarpaulin para sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika na ipapaskil sa labas ng unibersidad.
Napagkasunduan at sinang-ayunan ng lahat ng opisyal ng LUMAWIK ang mga
aktibidades at mga kailangang paghahanda para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika.
Ngunit, kailangan pa ng huling pasiya galing sa mga tagapayo ng organisasyong
LUMAWIK patungkol sa mga aktibidades na pinag-usapan sa pagpupulong.
Gayunpaman, magkakaroon pa rin ng susunod na pagpupulong sa ika-17-21 ng Hulyo
kaya kinakailangan pa rin ang partisipasyon ng bawat opisyal ng organisasyon.

Tinapos ang pagpupulong sa muling pagpapasalamat sa mga dumalo sa kanilang


ibinigay na oras, suporta at sa pakikinig ng bawat pasiya ng opisyal.

VI. Dokumentasyon

Downloaded by Jhonpaul Pojas (pojasjhonpaul205@gmail.com)


lOMoARcPSD|21602397

Mga dumalong opisyal sa nasabing pagpupulong na


pinangunahan ni Pangulong Cherry Gain Lanupa, upang pag-
usapan ang mga aktibidades at paghahanda para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023

PAGHAHANDA PARA SA BUWAN NG WIKA 2023

Naratibong Ulat

Inihanda ni:

LUCY MARIE R. SITIAR


Kalihim, LuMaWik

Binigyang Pansin nina:

Downloaded by Jhonpaul Pojas (pojasjhonpaul205@gmail.com)


lOMoARcPSD|21602397

CLETA M. SANTOS, EdD JULIE ANN D. EDRAGA, EdD


Tagapayo Tagapayo

MA. LUZ F. MARINGAL, CAR


Tagapayo

Downloaded by Jhonpaul Pojas (pojasjhonpaul205@gmail.com)

You might also like