You are on page 1of 10

Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas

Samahang Diwa at Panitik


Kolehiyo ng Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños
PAMUNUAN Paciano Rizal, Bay, Laguna
T.P. 2019-2020

Melaica S. Lozada
Pangulo Buwan ng Wika 2019
Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino
Dan G. Abad Agosto 30, 2019 | JSLS GYMNASIUM
Pangalawang Pangulo –
Panloob Paliwanag Ukol sa Tema
Ngayong taon, bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan
Elise Marielle S. Bucu
Pangalawang Pangulo – ng Wikang Pambansa ay napili ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Panlabas ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Ang
nabanggit na tema ay susundin ng UPRHS Departamento ng Filipino at
Alexandra B. Dayo Samahang Diwa at Panitik (SDP) sapagkat katulad ng KWF, kinikilala
Kalihim ng Departamento at SDP ang kahalagahan at gampanin ng mga
Juzel Gale L. Perfecio
katutubong wika sa Pilipinas sa pagtataguyod ng isang nagkakaisang
Katuwang na Kalihim bansang Filipino.
Gaya ng itinatadhana ng 1987 Konstitusyon, mahalaga ang pag-iral
Kisha S. Pastrana at paglalahok ng mga katutubong wika sa pagpapaunlad ng wikang
Ingat-Yaman Filipino. Kung gayon, kasabay ng pagpapahalaga at patuloy na
pagdevelop sa Filipino ay ang pagpapayabong at pangangalaga rin sa
Ana A. Aquino
Tagasuri mga katutubong wika sa bansa. Subalit, mahalaga ring kilalanin na hindi
hiwalay ang usaping pangwika sa kasalukuyang kalagayan at pandarahas
Yuan V. Magsino na nararanasan ng mga katutubo sa bansa. Ang mga panamamantala na
Tagapagbalita nagtataboy sa mga katutubo mula sa kanilang komunidad at ang mga
pamamaslang at kawalang katarungan sa kanilang hanay ay nagdudulot
Elyssa Rodriguez
Punong Tagapamahala ng malaking pagbabago hindi lang sa linguistic landscape ng Pilipinas
kundi sa pananaw, kamalayan, at karanasang Filipino sa kabuoan.
Dominic Bandojo Kaya naman, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa
March Barra UPRHS ay inaasahang magiging kaisa sa pagtataguyod at pagsusulong
Jared Borce ng mga katutubong wika at ng mga mananalita nito tungo sa sama-
Mark Cuaresma
samang pagbubuo ng isang malaya, pantay, at makatarungang bansang
Mga Tagapamahala
Filipino.

John Carlo B. Cabilao


Mga Layunin:
Tagapayo
1. makiisa sa pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Cris R. Lanzaderas Pambansa
Jason F. Pozon 2. maitaguyod ang wikang Filipino bilang isang wikang
Departamento ng Filipino pinayayaman ng mga katutubong wika sa Pilipinas
3. maitampok ang mga katutubong wika bilang bahagi ng ating
Dr. Gregorio Y.
Ardales, Jr. kaakuhan at pagkakakilanlan, at
OIC-Punongguro 4. mapataas ang antas ng pagpapahalaga at kamalayan ng mga
mag-aaral sa mga usaping pangwika at panlipunan sa bansa
sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawain.

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


MEKANIKS NG MGA PATIMPALAK AT GAWAIN

Patimpalak, Petsa, Punong-abala Mekaniks


at Lugar
Baybayin Natin Mga Mag-aaral: 1. Bawat pangkat ay magtatalaga ng dalawang
(Pagsulat ng Melaica Lozada, Dan (2) kinatawan upang dumalo sa Palihan sa
Pangalan ng Pangkat Abad Baybayin. Gaganapin ang palihan sa
sa Baybayin) Agosto 19, Lunes.
Agosto 19, 2019 Mga Guro: 2. Ang mga dumalo sa palihan ay
Silid MST JCB Cabilao, CR awtomatikong magiging kalahok sa
Lanzaderas, JF patimpalak sa pagsulat sa baybayin.
Pozon 3. Bibigyan ng sangwalong (1/8) illustration
board na gagamitin sa paggawa ng section
name plate.
4. Maaaring gamitin ang anumang gamit
pansining tulad ng watercolor, pintura,
Crayola, at iba pa. Ang disenyo ay ibabatay
sa tema ng Buwan ng Wika ngayong taon:
“Wikang Katutubo: Tungo sa Isang
Bansang Filipino”.
5. Tatlong araw ang ibibigay na palugit upang
tapusin ang name plate. Inaasahan na sa
Agosto 22, Huwebes ay nakapaskil na ang
name plate sa kanilang pinto.
6. Isang pangkat lamang sa bawat baitang ang
pipiliing pinakamaganda. Makatatanggap
ng sertipiko ang lahat ng pangkat na
magwawagi.
7. Ang pasya ng lupon ng inampalan ay pinal
at hindi mapasusubalian.
TNT (at Awdisyon) Mga Mag-aaral: 1. Ang Tawag ng Tanghalan sa Rural ay bukas
Agosto 20 at 30, Yuan Magsino, sa lahat ng mag-aaral ng Junior High School.
2019 Melaica Lozada 2. Ang mga kalahok ay inaasahang pipili ng
Silid MST/JSLS mga OPM na maaari nilang kantahin ngunit
Gymnasium Guro: JF Pozon bilang pakikiisa sa tema ng Buwan ng Wika,
ang mga awitin ay dapat na tumatalakay o
may kaugnayan sa mga katutubo, kulturang
Pilipino, at pagkamakabayan.
3. Ang bawat kalahok ay maghahanda ng
minus one na kanilang aawitin sa
eliminasyon na magaganap sa ika-20 ng
Agosto sa Silid MST pagkatapos ng klase.
Iaanunsyo ang iba pang detalye hinggil sa
eliminasyon.
4. Ang lupon ng inampalan ay pipili lamang ng
sampung pinakamahuhusay na kalahok
(hindi mahalaga ang baitang) mula sa
eliminasyon na maglalaban-laban sa pinal
na patimpalak na gaganapin sa Araw ng
Wika sa ika-30 ng Agosto 2019.
5. Ang mga maglalaban sa pinal na patimpalak
ay kailangang bumunot ng kanilang numero
para sa ayos ng pagtatanghal pagkatapos ng
programa sa umaga ng Araw ng Wika.
6. Ang Tawag ng Tanghalan sa Rural ay
magaganap sa JSLS Gym. Maaaring

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


magbago ng awitin na kakantahin batay sa
kagustuhan ng kalahok ngunit isaalang-
alang ang tema at paksa ng Buwan ng Wika.
7. Ang magwawaging kalahok sa pinal na
patimpalak ay makakalaban ng dating
kampeon ng Tawag ng Tanghalan sa Rural
2018.
8. Ang magwawagi sa huling yugto ng
patimpalak ang tatanghaling kampeon ng
TNT 2019.
9. Ang pasya ng lupon ng inampalan ay pinal
at di mapasusubalian.
Bali(pin)ta Mga Mag-aaral: 1. Bukas ang patimpalak sa mga mag-aaral
Agosto 22, 2019 Juzel Perfecio, Dan lamang ng Baitang 7 at 8.
Silid MST Abad 2. Bawat grupo na lalahok ay kailangang buoin
ng tatlong (3) miyembro lamang. Ang bawat
Guro: CR pangkat/seksyon ay maaaring magkaroon ng
Lanzaderas higit pa sa isang grupo na kalahok. Maaari
din namang magmula sa iba’t ibang
pangkat/seksyon ang mga miyembro ng
grupo.
3. Sa araw ng patimpalak, magbibigay ang
SDP ng artikulo o mga balita na may
kaugnayan sa kalagayan ng mga katutubo sa
bansa. Mula rito, bubuo ang mga kalahok ng
isang likhang sining sa pamamagitan ng
pagpipinta ng larawan na maaaring
sumalamin sa nabasang balita.
4. Ipipinta ito sa ¼ illustration board. Maaaring
gumamit ang mga kalahok ng iba’t ibang
gamit pangkulay.
5. Ang araw ng Patimpalak ay sa Agosto 22,
2019 mula ika-4 n.h. hanggang ika-6 n.g.
May dalawang oras lamang ang bawat
pangkat na kalahok upang tapusin ang
pagpipinta. Gaganapin ang patimpalak sa
MST room.
10. Tatlo lamang ang magwawagi; una, ikalawa,
at ikatlong gantimpala. Ang pasya ng lupon
ng inampalan ay pinal at hindi
mapasusubalian.
Larong Pinoy Mga Mag-aaral: 1. Ang bawat pangkat ng JHS at mga gurong
Agosto 22 at 27, Dan Abad, Mark nais sumali (hiwalay na oras) ay
2019 Cuaresma magkukumpitensya sa mga tradisyonal na
JSLS Gymnasium at larong Pinoy.
Field Guro: CR 2. Kinakailangan na ang bawat mag-aaral at
Lanzaderas gurong sasali ay magsuot ng pananamit na
angkop sa paglalaro.
3. Ang programa ay gaganapin sa loob ng
dalawang araw.
4. Magkakaroon ng apat na grupo bawat laro.
5. Bubuuin ng mga estudyante na galing sa
iba’t ibang baiting ang isang grupo.
Halimbawa: Dalawa bawat baitang
(dalawang grade 7, dalawang grade 8, atbp.)
6. Mahahati ang programa sa tatlong laro:

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


I. Agawang Base (Field) Agosto 27, 2019,
Martes.
• Dami ng manlalaro: Labindalawa
o Dalawang grupo bawat laro,
tatlo bawat baitang
o Isang kinatawan bawat pangkat
• Layunin: Makapanalo ng dalawang
puntos sa loob ng tatlong laro
• Ang dalawang grupo ay magkakaroon
ng kanilang "base", kung saan
kinakailangan nila hawakan o tayain
ang base ng kalaban para makakuha ng
puntos.
• Mang-iiwan ang bawat grupo ng
kanilang miyembro upang bantayan
ang base.
• Puwede mangtaya ang mga manlalaro
ng mga nasa kabilang grupo upang
sila'y mabilanggo sa base ng nangtaya.
• Puwede lamang mangtaya gamit ang
kamay
• Pupuwede mataya ang isang manlalaro
sa pamamagitan ng kanilang damit.
• Ang mga nabilanggo ay puwede bumuo
ng kadena sa base ng kalaban upang
matulungan ang mga kakampi nila sa
pag-agaw ng base.
• Higit na ipinagbabawal ang pagdaan sa
mga ruta na labas ng Field.

II. Patintero (Gym) Agosto 22, 2019, Martes.


• Dami ng manlalaro: Walo
o Dalawang grupo bawat laro,
dalawa bawat baitang
• Layunin: Makakuha ng mas maraming
puntos sa loob ng tatlong laro
• Maaari maglaro ng mabilis na laro ng
bato bato pics ang dalawang grupo para
malaman kung sino ang mga bantay at
mananakbo.
• Ang mga bantay ay nakaposisyon sa
mga linyang pahalang na ihahanda
bago ang laro.
• Kinakailangan makapunta ang mga
mananakbo sa dulo at makabalik sa
sinimulan nila nang hindi natataya ng
mga bantay.

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


• Hindi puwede tumigil ang mga
mananakbo sa gitna ng mga linya.
Bibigyan sila ng 30 segundo para
makalampas. Ang hindi paglampas ay
maituturing na nataya na.
• Lahat ng mananakbo na makakabalik
sa simula ay makakakuha ng isang
punto para sa kanilang grupo.
• Kapag wala nang mananakbo,
magpapalit ang dalawang grupo ng
posisyon.

III. Dinoron (Gym) Agosto 22, 2019, Martes.


• Dami ng manlalaro: Walo
o Dalawang grupo bawat laro,
dalawa bawat baiting
• Layunin: Makapanalo ng limang
puntos
• Mahahati sa dalawa ang gymnasium sa
paglagay ng masking tape bilang
hangganan.
• Ang dalawang grupo ay hahawak sa
kanilang parte ng bamboo pole at
magsisimulang magtulakan.
• Ang unang grupo na makatulak sa
kanilang kalaban kung saan ang huling
miyembro nila ay makakalagpas sa
linyang ay makakakuha ng punto.
• Inaanyayahan na ang mga kalahok ay
magdala ng proteksyon sa kanilang
kamay tulad ng mga gloves upang
maiwasan ang mga sugat sa kamay.

Dulang Panradyo Mga Mag-aaral: 1. Ang patimpalak ay bukas para sa mga mag-
Agosto 30, 2019 Ana Aquino, Kisha aaral ng Baitang 9.
JSLS Gymnasium Pastrana 2. Bawat pangkat (Acacia, Mahogany, at
Molave) ay kinakailangang bumuo ng isang
Guro: JCB Cabilao grupo na may 6-10 miyembro na magsisilbi
nilang kinatawan.
3. Lilikha ang bawat pangkat ng iskrip na
papaksa sa kasalukuyang kalagayan ng mga
katutubo. Inaasahang mananaliksik ang
bawat pangkat tungkol sa isang pangkat
etniko o katutubo na paghahalawan nila ng
kanilang dula.
4. Hinihikayat na gumamit ng mga katutubong
salita na unique o kabilang sa wika ng
pangkat etniko/katutubo upang maitanghal
ang kanilang wika at kultura.

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


5. Ang presentasyon ng Dulang Panradyo ay
hindi dapat bumaba sa 5 minuto at hindi
naman dapat lumampas ng 10 minuto.
6. Iwasang maglagay ng mga elementong
bastos, di sensitibo, o mga salitang maaaring
makasakit sa sinomang tagapakinig.
7. Maaaring magpakonsulta/magpakritik ang
bawat pangkat sa gurong punong-abala ng
patimpalak hinggil sa kani-kanilang iskrip
subalit hindi nito saklaw ang pag-eedit ng
iskrip at iba pang kaugnay na gawain.
8. Kung may sinaliksik na isinama sa iskrip,
siguraduhing may sanggunian ito.
9. Ipapasa ang soft copy ng iskrip sa Agosto
23, 2019 upang mabigyan ng huling kritik.
Gayundin, ipapasa ang sound effects/musika
na nakalagay sa isang flash drive na isasauli
rin pagkatapos ng patimpalak.
10. Gaganapin ang patimpalak sa Araw ng
Wika. Gagamitin ang entablado ng JSLS
Gymnasium bilang venue ng patimpalak.
Maglalagay ng harang upang hindi makita
ang mga nagtatanghal.
11. Mayroon lamang 2-3 mikropono na
maaaring gamitin kaya naman pagplanuhan
ang tamang puwesto at palitan ng
mikropono.
12. Magiging palabunutan ang pagkasunod-
sunod ng mga kalahok na magtatanghal.
13. Inirerekomendang magdala ng sariling
laptop ang bawat pangkat kung saan nila
malayang mao-operate ang elementong
teknikal gaya ng sound effects/musika ng
kanilang dula.
14. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi
mapasusubalian.
15. Ang magwawagi ay tatanggap ng sertipiko
at papremyo.

IndaKatutubo Mga Mag-aaral: 1. Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng mag-


Agosto 30, 2019 Kisha Pastrana, Ana aaral sa Junior High School.
JSLS Gymnasium Aquino, FDT 2. Bawat bubuoing grupo ay dapat na may 8
miyembro lamang.
Guro: JF Pozon 3. Dahil katuwang ng SDP ang Filipiniana
Dance Troupe sa nasabing patimpalak, ang
bawat kalahok na grupo ay magkakaroon
ng apat na choreographer mula sa FDT na
tutulong sa pagbuo ng galaw/sayaw.
4. Hindi maaaring lumahok ang mga kasapi
ng FDT na nasa Baitang 8-10. Ilan sa kanila
ay magsisilbing choreographer.
5. Bilang pakikiisa sa tema ng BNW, ang mga
musikang gagamitin ay dapat na inspired sa
mga katutubo. Maaaring gumamit ng mga
modernong musika na ini-remix sa mga
katutubong musika subalit ang galaw o

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


pag-indak ay marapat na manatiling
katutubo. fold dance mula sa (Luzon,
Visayas. at Mindanao)
6. Maaaring gumamit ng mga props na
angkop sa sayaw. Maaaring magsuot ng
costume ngunit hindi maaaring lumagpas sa
halagang Php 2,000.00 para sa buong
grupo.
7. Ang mga musikang gagamitin ng mga
kalahok ay ipapadala sa
sdprural@gmail.com na may subject na
Musika-PangalanNgGrupo. Ito ay
tatanggapin lamang hanggang ika-10 ng
gabi sa ika-28 ng Agosto.
8. Mayroon lamang hanggang 3 minuto ang
bawat pangkat para sa pagtatanghal.
9. Ang mga kasuotan at props ay
kinakailangang angkop sa napiling sayaw
sapagkat ito ay paggalang sa kanilang mga
pinanggalingan.
10. Ang pasya ng lupon ng inampalan ay pinal
na at ddi mapasusubalian.
Sweet Play Mga Mag-aaral: 1. Ang bawat pangkat ng baitang 10 (Guijo,
Agosto 30, 2019 Melaica Lozada, Narra, at Yakal) ay kinakailangang bumuo
JSLS Gymnasium Alex Dayo ng isang Sweet Play, isang maikling dula na
hindi hihigit sa sampung (10) minuto ang
Guro: JF Pozon pagtanghal.
2. Ang dula ay dapat magpakita ng mga
kasalukuyang isyu o kalagayan ng mga
katutubo sa Pilipinas.
3. Maaaring gumamit ng kasuotang katutubo,
sound effects, kakikitaan ng mga elemento
ng isang dula at paggamit ng kakaunting
props ayon sa kagustuhan ng pangkat upang
mapadali at maging mas malikhain ang
pagtatanghal.
4. Ang bawat pangkat ay magtatanghal sa
JSLS Gymnasium sa ika-30 ng Agosto sa
ganap na 2:30 hanggang 3:30 ng hapon.
Ang pagkakasunud-sunod ay malalaman sa
pamamagitan ng draw lots. Pagkatapos ng
“Tawag ng Tanghalan”, bibigyan ang bawat
pangkat ng limang (5) minuto upang ihanda
ang kanilang gagamiting props sa entablado
at ang pagsubok sa mikropono. Bibigyan
sila muli ng limang (5) minuto para iligpit
ang mga ito pagkatapos ng pagtatanghal.
Ang mismong pagtatanghal ay magaganap
sa loob lamang ng hindi bababa sa 8 minuto
at hindi naman lalampas sa 10 minuto. Sa
kabuoan, may 20 minuto ang bawat
kalahok.
5. Kapag nagkataong sumobra sa 20 minuto
ang paghahanda at pagtanghal,
mababawasan ng tatlong (3) puntos ang

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


kanilang pinal na puntos sa bawat minutong
sosobra. Isasaalang-alang ang situwasyon at
pinal na desisyon ng inampalan.
6. Ang bawat pangkat ay inaasahan na
makapagpasa ng inisyal o paunang
draft/burador ng iskrip (hindi ito pinal at
maaaring mabago) isang linggo bago ang
araw ng pagtatanghal.
7. Ang desisyon ng lupon ng inampalan ay
pinal at hindi mapasusubalian.

MGA KOMITE SA BUWAN NG WIKA


Komite Gawain/Responsibilidad Punong-abala
Patimpalak at • Pangkalahatang pagpaplano, Melaica Lozada, JCB
Aktibidad pakikipag-ugnay, atbp. Cabilao
Publicity Material • Paggawa ng tarp at online posters Elyssa Rodriguez, CR
Lanzaderas
Mga Liham • Paggawa ng mga liham, pag-a- SDP at Departamento ng
update, atbp. Filipino
Exhibit • Pagkokonsepto, pagdidisenyo at Elise Bucu, JF Pozon
pagbubuo ng exhibit
Pagnenegosyo • Pagtitinda ng SDP Merch, Dominic Bandojo, March
pagbuo/paggawa ng mga ititindang Barra, JCB Cabilao
produkto
Sertipiko, Token, at • Paggawa ng mga sertipiko, pagbili Alex Dayo, Jared Borce, JCB
Papremyo ng mga token at papremyo Cabilao
Dokumentasyon • Pagkuha ng larawan sa iba’t ibang The Ruralite
gawain ng SDP

PROGRAMA SA ARAW NG WIKA


ORAS GAWAIN PUNONG-ABALA
8:30-9:00 Pagpaparehistro at Pagpapaupo SDP at COCC Officers
9:00-9:20 Mimesis SDP
9:20-9:25 Pambansang Awit at Panalangin Glee Club at SDP
9:25-9:35 Pambungad na Pananalita Dr. Gregorio Y. Ardales Jr.
9:35-9:40 Pagpapakilala sa Panauhing Tagapagsalita Pangulo ng SDP
9:40-10:10 Mensahe ng Susing Tagapagsalita Panauhing Tagapagsalita
10:10-11:00 Dulang Panradyo Mga Kalahok (Baitang 9)
11:00-12:00 IndaKatutubo Mga Kalahok (Baitang 7-10)
12:00-1:00 TANGHALIAN
1:00-2:00 Sweet Play Mga Kalahok (Baitang 9)
2:00-3:00 Tawag ng Tanghalan Mga Kalahok (Baitang 7-10)
Filipiniana Dance Troupe,
3:00-3:20 Pampasiglang Bilang Glee Club, The Ruralite, at
UsaPintor
3:20-3:40 Paggawad ng mga Sertipiko SDP
Melaica Crishell S. Lozada,
3:40-3:50 Pangwakas na Pananalita
Pangulo, SDP
3:50-4:00 Pagbabalik-ayos ng Gym SDP at CAT Officers

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


MGA PAALALA SA ARAW NG WIKA

1. Lahat ng mga mag-aaral ng Junior High School, fakulti, at kawani ay kailangang dumalo
sa Araw ng Wika.
2. Para sa kulay ng damit na susuotin, tingnan ang talahanayan sa ibaba:
Baitang 7 Puti
Baitang 8 Lila
Baitang 9 Kalimbahin
Baitang 10 Kahel
Fakulti at Kawani Itim
3. Bilang karagdagan sa kasuotan, inaasahan na magsusuot din ang bawat isa ng mga
accessories na likha o may disenyong katutubo.
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbili sa canteen habang may programa. Maaaring
bumili bago o pagkatapos ng programa. Kung sakaling may dalang pagkain sa gym,
siguraduhing hindi pakalat-kalat ang mga pakete nito. Itapon ito sa tamang basurahan.
5. Iwasang magdala ng mga mamahaling gamit gaya ng laptop, tablet/iPad, camera, atbp.
6. Iwasan ang paggamit ng cellphone habang may programa. Lahat ng gumagamit ng
cellphone sa paglalaro o paggamit ng socia media habang may programa ay sisitahin ng
CAT offices.
7. Mahigpit na ipinagbabawal ang tumambay sa bleachers sa paligid ng gym.
Kinakailangang umupo sila kasama ang kanilang mga kaklase sa kani-kanilang puwesto.
8. Ipinagbabawal ang pagkukumpulan sa harap ng mga malalaking fan upang ang lahat ay
mapakinabangan. Maaaring magdala ng mga sari-sariling pamaypay o mga mini electric
fan sa gym para hindi mainitan.
9. Iwasang makipagkuwentuhan sa katabi at huwag lumikha ng ingay na maaaring makagulo
o makaabala sa daloy ng programa.
10. Makiisa sa mga gawain para sa Araw ng Wika bilang pagsuporta hindi lamang sa SDP at
Departamento ng Filipino kundi sa buong Rural.

SISTEMA NG PAG-UPO

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389


KALENDARYO NG BUWAN NG WIKA 2019
Li L M Mi H B S
1 2 3

4 5 6 7 8 9 10

11 12 13 14 15 16 17
EID’L Worksyap
ADHA sa Pagsulat
sa Baybayin

18 19 20 21 22 23 24
Awdisyon NINOY Bali(Pin)ta
para sa TNT AQUINO (G8)
DAY Larong
Pinoy 1
25 26 27 28 29 30 31
ARAW NG Larong Araw ng
MGA Pinoy 2 Wika
BAYANI

Pabatid: Lahat ng mga gawain/patimpalak ay magaganap labas sa oras ng klase (4-6 pm)
maliban sa Araw ng Wika.

Inihanda nina:

(Lgd.) (Lgd.)
Melaica Crishell S. Lozada John Carlo B. Cabilao
Pangulo, Samahang Diwa at Panitik Tagapayo, Samahang Diwa at Panitik

(Lgd.) (Lgd.)
Jason F. Pozon Cris R. Lanzaderas
Instruktor, Departamento ng Filipino Tagapag-ugnay, Departamento ng Filipino

Inaprubahan ni:

(Lgd.)
Dr. Gregorio Y. Ardales, Jr.
Pansamantalang Punongguro

Paciano Rizal, Bay, Laguna sdprural@gmail.com (049)501-0389

You might also like