You are on page 1of 6

MAHABANG PAGSUSULIT – AKADEMIK – 2ND QUARTER

TEST 1. MULTIPLE CHOICE – ARALIN 7

Ito ay isang akademikong sulatin ang nagsisilbing opisyal na tala o dokumentasyon sa kung ano ang
tinakbo ng isang partikular na talakayan.

Agenda

Naratibong ulat

Katitikan ng pulong

Panukala

Ito ay ang uri ng katitikan ng pulong kungsaan dito binibigyan ng diin lamang ang mga pangunahing
desisyon, nakapagkasunduan o anumang mahalagang aspeto ng pulong na hindi kinakailangan ng
detalyadong pagtatala.

Ulat ng katitikan

Salaysay ng katitikan

Datos ng katitikan

Resolusyon ng katitikan

Sa bahagi ito ng katitkan ng pulong itinatala ang pangalan ng samahan, petsa, lokasyon at maging ang
oras ng pagsisimula ng pulong.

Iskedyul ng susunod na pulong

Pagtatapos

Heading

Usaping napagkasunduan

Sa bahaging ito ng pulong inihahanay ang ang naging sistema ng pagpupulong mula sa call to order,
panalangin, pananalita ng pagtanggap, pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong at ang
pagtalakay sa adyenda ng pulong.

Iskedyul ng susunod na pulong

Pagtatapos

Heading
Usaping napagkasunduan

Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang bahagi ng katitikan ng pulong. Maliban sa?

Mga kalahok o dumalo

Pananalita ng pagtanggap

Usaping napagkasunduan

Iskedyul ng susunod na pulong

TEST 1. MULTIPLE CHOICE – ARALIN 8

Ito ay isang akademikong sulatin na gumagamit ng mga ebidensya at argumentong magpapatotoo sa


opinyon, at kalaunan ay makapagkukumbinsi sa mga mambabasa na pumanig at sumang-ayon.

Katitikan ng pulong

Panukalang proyekto

Reaksiyong papel

Posisyong papel

Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng posisyong papel. Maliban sa?

Angkop na Tono

Mapangumbinsing Argumento

Solidong Posisyon

Pormal na wika

Sa katangiang ito ng posisyong papel mahalagang isaalang-alang ang paggamit ng mga salitang direkta at
payak nang sa gayon ay madali itong maunawaan ng mga mambabasa ng iyong posisyong papel.

Angkop na Tono

Mapangumbinsing Argumento

Solidong Posisyon

Malinaw na paksa
Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel. Maliban sa?

Hamunin ang iyong napiling paksa

Isulat ang iyong posisyong papel

Magsagawa ng paunang pananaliksik

Magbasa ng mga sanggunian

Ito ay ang bahagi ng posisyong papel na tumutugon sa tanong na “Ano ang nais mong gawin ng
mambabasa matapos basahin ang posisyon mo?”

Kaligiran

Panimula

Katawan

Kongklusyon

TEST 2. TAMA O MALI – ARALIN 7

TAMA O MALI: Mahalaga na ang isang kalihim ay maging maingat sa pagtatala ng datos at ito ay dapat
magmula sa kaniyang masinsinang pakikinig upang makasigurong subhetibo ang mga impormasyon.

MALI

TAMA O MALI: Sa pagsulat ng isang katitikan ng pulong, mahalaga na maging pormal ang paggamit ng
wika upang masigurado na ang konteksto na maging komprehensibo o madaling naiintindihan.

TAMA

TAMA O MALI: Ang resolusyon ng katitikan ay ang uri ng katitikan ng pulong na mahalagang kompleto,
buo at wasto ang mga impormasyon, kung kaya’t ito ay nangangailangan ng intensibong pakikinig.

MALI

TAMA O MALI: Ang resolusyon ng katitikan ay naglalaman ng mga konkretong hakbang o aksyon na
plano na gagawin pagkatapos ng pulong.

TAMA
TAMA O MALI: Sa pagtatala ng bilang ng mga dumalo sa pulong mahalaga na ito ay isinusulat sa paraang
numerikal.

MALI

TEST 2. TAMA O MALI – ARALIN 8

TAMA O MALI: Ang pang-akademikong posisyong papel ay may layuning makapagbigay lamang ng
personal na opinyon o reaksiyon ukol sa isang paskil na artikulo nabasa o isyung napag-uusapan.

MALI

TAMA O MALI: Sa pagsulat ng posisyong papel, inilalatag lamang ang sariling katuwiran at hindi
isinasama rito ang mga ebidensyang sumasalungat sa ating posisyon.

MALI

Tama o Mali: Sa pagsulat ng posisyong papel, kinakailangan na mailapat ang parehong panig, kungsaan
mababanggit ang nagsasalungatang argumento na maaaring sang-ayunan at kontrahin.

TAMA

TAMA O MALI: Sa katawan na bahagi ng posisyong papel inilalahad ang mga argumento at ebidensyang
sumusuporta at sumasalungat sa posisyon ng manunulat.

TAMA

TAMA O MALI: Ang posisyong papel ay teknikal bokasyunal na sulatin na gumagamit ng matalinong
opinyon at pananaw gamit ang makatotohanan at mapagkakatiwalaang datos at impormasyon.

MALI

TEST 3. IDENTIPIKASYON – ARALIN 7

Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng lahat ng napagkasunduan at napag-usapan sa isang


partikular na talakayan.

KATITIKAN NG PULONG / MINUTES OF THE MEETING


Ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing ____ sapagakat maituturing itong legal na ebidensya bilang
patunay sa mga napag-usapan at napag-usapan sa talakayan.

PRIMA FACIE EVIDENCE

Ito ay ang uri ng katitikan ng pulong na naglalaman ng mga solusyon o naging resolba sa isang partikular
na problemang pinag-usapan sa isang pulong.

RESOLUSYON NG KATITIKAN

Ito ay maituturing na pinakang mahalagang bahagi ng katitikan ng pulong dahil dito inihahanay ang mga
napag-usapan sa isang partikular na pulong.

USAPING NAPAGKASUNDUAN / ACTION ITEMS

Ang paglalagay ng ____ ay isang pormal na katibayan na ang isang katitikan ng pulong ay talagang itinala
at kasama rin dito ang sumulat nito.

LAGDA

TEST 3. IDENTIPIKASYON – ARALIN 8

Ang ___ ay isang akademikong sulatin kungsaan sa pagsusulat nito isinasaad o ipinapahayag ang
paninindigan sa pamamagitan ng pananaw, perspektibo o opinyon sa isang paksa o isyu.

POSISYONG PAPEL

Ito ay isang anyo ng posisyong papel na maituturing pinakang simpleng anyo na nagsasaad lamang ng
mga pananaw ng manunulat hinggil sa balita o artikulong kaniyang nabasa.

LIHAM SA EDITOR

Ito ay ang bahagi ng posisyong papel na tumatalakay sa kungsaan pumapatungkol ang isyu at ang
napiling posisyon rito.

PANIMULA
Ito ay isa sa mga modes of persuasion ni Aristotle na nagsasaad na mahalaga na maging malinaw at
maayos ang pagrarason sa isinusulat na posisyong papel.

LOGOS

Kinikilalang modes of persuasion ni Aristotle na naglalayong gumamit ng mga emosyon upang


kumbinsihin ang mga mambabasa.

PATHOS

You might also like