You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

Pananaw ng mga Piling Mag-aaral Hinggil sa


Epektibong Social Media Site
Para sa Online Selling

(Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)

Ipinasa nina:
Calumpiano, Cyrel
Conde, John Paul
Degiñ on, Andria Nicole
Eugenio, Jobert
Manlangit, Jessica
Tacio, Jasmine

11 – ABM Henry Sy

Ipinasa kay:

Bb. Amajette A. Mansanero

Petsa
Mayo 27, 2021

1
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatan na “Pananaw ng mga piling mag-aaral hinggil


sa epektibong social media site para sa online selling” na may layuning magbigay ng
impormasyon tungkol sa sariling opinyon ng mga mag-aaral para sa epektibong social
media site para sa online selling.

Sa pananaliksik na naganap, pumili ng dalampung (20) mag-aaral sa baitang 11 sa


mataas na paaralan ng Batasan Hills National High School. Ang mga mananaliksik ay
gumamit ng “Google Form” upang maipakat ang mga katanungan na: Ano-ano ang batayang
kaalaman ng mga piling mag-aaral hinggil sa online selling?, Ano-ano ang tatlong kilalang
social media site na ginagamit sa online selling?, Ano ang pinakaepektibong social media
site sa pagsasagawa ng online selling?, ang mga kasagutan ay tungkol sariling pananaw at
kaalaman ng mga mag-aaral sa nasabing paksa.

Ang resulta na isinagawang pananaliksik ay malaking bahagdan ng mga tagatugon


ang lubos na sumang-ayon na ang online selling ay nakatitipid sa oras at ligtas sa panahon
natin ngayon. Marami din ang sumasang-ayon na ang online selling ay epektibo sa panahon
ng pandemya. Mula naman sa resulta sa pangalawang talanungan, lumalabas na ang
Facebook, Instagram, at Youtube ang nangungunang social media site para sa online selling.
Samantalang sa pangatlong katanungan ay nagresulta na ang facebook ang
pinakatinatangkilik at ito din ang mabilis na social media site na epektibo para mag-
endorso ng produkto.

Mula sa mga resulta na nakalap, ang mga mananaliksik ay nagmungkahi ng mga


rekomendasyon upang mas maging epektibo ang pagbili at pagbebenta ng mga produkto.
Ang ilan sa mga rekomendasyon na ito ay siguraduhin na lehitimo ang pinagbibilhan ng
mga produkto, siguraduhin na ang mga produkto ay nasa maayos at dekalidad na
kondisyon upang walang matanggap na negatibong pahayag mula sa mga mamimili.

2
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

Talaan ng Nilalaman
PABALAT 1
ABSTRAK 2
TALAAN NG NILALAMAN 3
KABANATA I: SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A. Rasyunale 4–5

B. Paglalahad ng Suliranin 5

C. Saklaw at Limitasyon 5

KABANATA II: METODOLOHIYA

D. Disenyo ng Pag-aaral 6

E. Kalahok sa Pag-aaral 6

F. Intrumento ng Pag-aaral 6–7

G. Pook ng Pag-aaral 7

H. Hakbang sa Pangangalap ng Datos 7–8

KABANATA III: RESULTA NG PAG-AARAL

I. Lagom 9

J. Konklusyon 9

K. Rekomendasyon 10

TALASANGGUNIAN 11
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

3
Kabanata I: Suliranin at Kaligiran Nito

A. Rasyunale

Bago pa man magsimula ang pandemya ay kilala at tinatangkilik na ng mga


mamimili ang online selling. Maraming mga mamimili na mas gusto na bumili online dahil
ito ay ligtas at tiyak din na maiiwasan na mahawa ng kumakalat na virus. Patuloy na
lumalawak at umuusbong ang nasasakop ng online selling sa ating bansa. Maraming mga
kababayan natin ang humahanap ng paraan kung paano kumita sa panahon natin ngayon
lalo pa’t patuloy na lumalala ang sitwasyon ng ating bansa at parami ng parami ang
nawawalan ng hanap-buhay. Isa sa mga nakikita nilang mabisang paraan upang kumita ay
ang online selling. Ang online selling ay makabagong pamamaraan ng pagbebenta kung
saan kinakailangan na gumamit ng mga makabagong teknolohiya tulad na lamang ng
kompyuter, laptop, cellphone at iba. Subalit bago mo ito magamit ng tuluyan ay
kinakailangan mo din ng internet connection na magbibigay tulong upang makita mo ang
iyong ninanais na bilhin. May tatlong social media site kung saan talamak ang pag-eendorso
at pagbebenta ng produkto at ito ay ang Facebook, Instagram, at YouTube.
Ayon kay Nations (2021) ang Facebook ay isang social media site kung saan
maaaring magbahagi ang kahit na sino ng komento, larawan, at mga balita. Madalas na
ginagamit ang Facebook upang mag-endorso ng mga produkto na dekalidad at abot-kaya
ng mga mamimili. Sa paraan rin na ito napapabilis ang transaksyon na nangyayari sa
pagitan ng mamimili at nagbebenta.
Batay kay Olivier (2015) ang Instagram ay isang aplikasyon na tulad ng Facebook at
Twitter kung saan maaaring magbahagi ng mga larawan at bidyu ang mga gumagamit nito.
Patok ang naturang aplikasyon dahil maaari kang magbahagi ng produkto sa pamamagitan
ng larawan o bidyu, ngunit sa limitadong oras lamang.
Alinsunod sa sinabi ni Walker (2021) ang Youtube ay maaari na gamitin sa iba’t
ibang paraan kagaya na lamang ng panonood ng bidyu na nagmula sa ibang tao at paggawa
ng sariling bidyu. Ang aplikasyon na ito ay maari mong gamitin upang ipakilala ang
produktong nais mong ibenta. Ang mga nasabing aplikasyon ay higit na nakatulong lalo na
sa panahon ng pandemya na kinakaharap natin at naibsan rin nitong lumabas ang mga tao
upang mamili ng kanilang mga kinakailangan.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

4
Sa mga nakalipas na buwan, patuloy na lumalaki ang bilang ng mga online seller na
gumagamit ng mga aplikasyon upang makahikayat ng mga mamimili bagamat maraming
mga nabibiktima sa ganitong pamamaraan. Karamihan din sa mga online seller ay mga
kabataan na nag-aaral sa mataas na paaralan ng BHNHS – SHS, kaya naman ang pag-aaral
na ito ay nakatuon sa pananaw ng mga piling mag-aaral hinggil sa epektibong aplikasyon
upang mag-online selling.
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay magbigay impormasyon at kaalaman patungkol
sa pananaw ng mga piling mag-aaral sa epektibong social media site para sa online selling.
Makakatulong din ito upang mabigyang kasagutan ang mga katanungan ng mga
tagapagsaliksik tungkol sa naturang paksa.

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Pananaw ng mga Piling Mag-aaral Hinggil sa Epektibong
Social Media Site Para sa Online Selling, na naglalayon na sagutin ang mga sumusunod na
katanungan;
1. Ano-ano ang batayang kaalaman ng mga piling mag-aaral hinggil sa online selling?

2. Ano-ano ang tatlong kilalang social media site na ginagamit sa online selling?

3. Ano ang pinakaepektibong social media site sa pagsasagawa ng online selling?

C. Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtukoy ng epektibong social media


site sa pagsasagawa ng online selling na nakabatay sa pananaw ng mga mag-aaral. Ito ay
limitado lamang sa tatlong onlite site o application, ang Facebook, Instagram, at Youtube na
madadalas gamitin sa pag-eendorso, pagmumungkahi, at sa mismong pagbebenta ng iba’t
ibang produkto.
Ang mga datos sa pag-aaral na ito ay nakuha mula sa pagsasagawa ng sarbey sa
dalawampung (20) piling mag-aaral sa programang ABM na nasa ika-11 antas sa Mataas na
Paaralan ng Batasan Hills. Ang mga tanong sa nasabing sarbey ay nakatuon sa mga
impormasyong kailangan ng mga mananaliksik sa pagpapatibay ng kanilang pag-aaral.

5
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

Kabanata II: Metodolohiya

D. Disenyo ng Pag-aaral

Bilang pagtugon sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng disenyong


kwantitatibong pag-aaral. Ayon kay Valdez (2019) ang kwantitatibong pananaliksik ay
sistematiko at empirikal na pagsisiyasat ng iba’t ibang paksa sa pamamagitan ng paggamit
ng matematika, estadistika, at mga teknik na gumagamit ng pagkalkula ng mga datos.
Kadalasan rin itong ginagamit sa mga nasusukat at nababalangkas na pamamaraan gaya na
lamang ng sarbey, eksperimentasyon at pagsusuring estadistikal.
Upang maisagawa ang pananaliksik, ang mga mananaliksik ay gagawa ng mga
katanungan para malaman ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa epektibong social
media site para sa online selling.

E. Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pumili ng mga kalahok na tiyak na makakatulong sa


pagbibigay ng kanilang sariling pananaw. Dalawampung (20) bilang na mag-aaral ang
napili ng mga mananaliksik sa mataas na paaralan ng Batasan Hills National High School at
particular na ang ABM Strand na baitang 11. Pinili ng mga mananaliksik ang paaralan na ito
dahil ang kanilang strand ay may kaugnay sa negosyo na makakatulong sa pagsagot sa mga
katanungan upang makakuha ng tiyak na datos mula sa mga tagatugon. Ang paraan ng
pagpili ng mga tagatugon sa isasagawa na sarbey ay random upang makakuha ng
epektibong opinyon mula sa kanila.

F. Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionare bilang


pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pagaaral. Ang
instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos ay gagawin ng may pag-
iingat upang maging epektibo ang mga datos na makakalap na lubusang makakatulong sa
pag aaral at mabigyan ng tama o wastong kasagutan ang mga katanungan o problema na
nais masagutan.

6
G. Pook ng Pag-aaral
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

Ang mataas na paaralan ng Batasan Hills National High School – Senior High School
upang maisakatuparan ang pag-aaral tungkol sa epektibong social media site para sa online
selling. Ang paaralan na ito ay ang may pinakamalaking populasyon na mga mag-aaral sa
buong bansa at ito ay matatagpuan sa Brgy. Batasan Hills Quezon City, Metro Manila. Napili
ang paaralan na ito upang maging mabilis at epektibo ang mga impormasyon na malilikom
na makatutulong upang mapagtibay ang pag-aaral ng mga mananaliksik.

H. Hakbang sa Pangangalap ng Datos

1. Paghahanap sa mga kaugnay na pag-aaral at artikulo. Naghanap ang mga


mananaliksik ng mga pag-aaral at artikulo na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral tungkol
sa paksang kanilang napili at napagkasunduan.

2. Paggawa ng survey at mga katanungan. Sa tulong ng mga suliranin sa pag-aaral,


bumuo ang mga mananaliksik ng mga tanong na gabay sa pagbuo ng mga datos.

3. Pagbibigay ng mga google form links na naglalaman ng mga katanungan sa mga


mag-aaral. Ipapamahagi ang mga google form na ginawa ng mga mananaliksik sa mga
mag-aaral na tutugon sa mga tanong ng mga mananaliksik, upang makakuha ng datos na
gagamitin sa pag-aaral.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

4. Paggawa ng talahanayan sa mga datos at impormasyon na nalikom. Matapos na


sagutan ng mga mag-aaral ang survey ay magsisimula na ang mga mananaliksik sa paggawa
ng talahanayan na nagbubuod ng lahat ng magiging kasagutan ng mga mag-aaral. Ang
talahanayan ay naglalaman ng mga datos at impormasyon para makamit ang konklusyon
ng pag-aaral.

5. Pag-aanalisa ng mga datos. Sa pamamagitan ng mga datos at impormasyon na nakuha


mula sa sumagot sa survey, gagawa ang mga mananaliksik ng matalinong pagistatistika
upang mapaliwanag ng maayos ang mga datos na nakuha para sa pagtugon sa pag aaral.

8
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

Kabanata III: Resulta ng Pag-aaral

I. Lagom

Ang bilang isa ,dalawa at lima na nagsasaad na ang online selling o paggamit ng
social media sites sa pagbebenta ng produkto, ang pinili ng karamihan sa mga tagatugon na
nasa labingisang baitang ay "Ang paggamit o pag endorso sa pamamagitan ng facebook
site". Ito ang kanilang ginagamit sa pagpili ng mga produkto, bukod sa mga pahayag sa mga
naunang nabanggit na bilang sang ayon din ang mga tagatugon sa mga pahayag sa bilang
tatlo at apat, kung saan ito ay nagtamo ng apatnapu’t lima (45) at tatlumpu’t limang (35)
porsyento ng dalawampung (20) tagatugon. Nakasaad sa bilang tatlo na ang pagbili sa
online ay nakakatipid sa oras ng mga mamimili, batay sa nakalap naming datos na sinasang
ayunan ng mga tagatugon ang pahayag na ang online selling ay ligtas para sa mga mamimili
kung saan sila ay makaiiwas sa lumalaganap na pandemya dahil naiiwasan nila ang
lumabas para bumili.

Batay sa mga datos sa bahaging ito ang pag aaral sa pitong social media site na pinili
ng mga mananaliksik, ang tatlong pinaka kilalang ginagamit sa online selling ayon sa
pananaw ng dalawampung (20) tagatugon ay ang Facebook na nakakuha ng isang daan na
porsyento (100%), pangalawa ang Instagram na mayroong walampu’t limang porsyento
(85%) , at ang pangatlo ay Youtube na may labing-isang porsyento (11%).

Bilang kabuuan ng sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik ang pinaka mabisang


social media site sa pagsasagawa ng online selling na mas pinili ng mga mag-aaral ay ang
Facebook ang social media site na hinahanapan nila ng impormasyon sa isang produkto.

J. Konklusyon

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay


humantong sa mga sumusunod na konklusyon sa kung ano ang mga pananaw ng mga piling
mag-aaral hinggil sa epektibong social media site para sa online selling. Mataas ang antas
ng kaalaman at lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na ang online selling ay
paggamit ng internet sa pagbebenta ng lrodukto, epektibo ang online selling sa panahon ng
pandemya, at nagbibigay ng oportunidad ang online selling sa iba't ibang negosyo.

9
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

Gamay at sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa epektibong site para sa online


selling dahil sa mga kadahilanang iyan. Ang pinaka nangibabaw na kilalang social media
site sa online selling ay: (a) Facebook, (b) Instagram, at (c) YouTube.
Ang tatlong (3) napili ng mga mag-aaral na ang pinakamabisang social media site
para sa pag o-online selling ay walang iba kung di ang: (a) Facebook, mabilis
makapamahago ng impormasyon ukul sa produkto, (b) Instagram at YouTube na kung saan
may dalawang (2) nagsagot na dito nila unang naiisip na maghanap ng mga kailangang
produkto, at (c) Twitter na mayroong isang (1) nagsagot na ito ang social media site na
nagbibigay ng pinakamadaling paraan para sa paghahanap ng produkto.

K. Rekomendasyon

Batay sa nakuhang impormasyon at sa kinalabasan ng pag-aaral ang mga sumusunod ay


itinatagubilin ng mga mananaliksik.
 Para sa mga kostumer. Kailangan ay maging maingat sa pagbili ng mga produkto
sa mga online shopping site at dapat siguraduhing lehitimo ito. Maaari din magbasa
ng mga "customer reviews" sa nasabing online shopping site upang malaman ang
mga opinion ng mga customer na nakaranas ng makabili sa site na ito.
 Para sa mga Online Seller. Kailangan maipakita sa mga kostumer na maganda ang
kalidad ng mga produktong ibinebenta upang maraming mahikayat na bumili ng
iyong produkto. Siguraduhing mapupunan ninyo ang mga hinaing ng inyong
kostumer upang hindi ito maka epekto sa inyong negosyo. Siguraduhing bago at
walang sira ang mga produkto bago pa ito ipadala sa mga kostumer.
 Para sa mga Online shopping site. Siguraduhing lehitimo ang mga nagbebenta o
binebenta ng mga online seller upang hindi ito maka epekto sa inyong online
shopping site. Siguraduhin din na agad na matutulungan ang mga kostumer sakaling
mali ang naipadalang produkto sakanila at kailangan malalaman ng mga online
seller kung ang produkto ba ay naipadala ng maayos sa kanilang kostumer.
 Para sa mga iba pang mananaliksik. Kailangan ay palawakin pa ang pag-aaral
upang makatuklas ng mga bagong pag-aaral sa hinaharap. Siguraduhing maayos at
naiintindihan ng mga mambabasa ang inyong nais na sabihin patungkol sa inyong
paksa. Siguraduhin din na makakakalap kayo ng epektibong impormasyon upang
maihayag ng maayos ang iyong napiling paksa.

10
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City
Senior High School

Talasanggunian

 Olivier, K. (2015). Instagrammer.


https://alaminmokasi.wordpress.com/2015/04/18/instagrammer/

 Nicole, J. (2016). Online Business.


https://jasninenicole.wordpress.com/2016/01/20/online-business/

 Nations, D. (2021). Ano ang Facebook. https://tl.eyewated.com/ano-ang-facebook/

 Valdez, J. O. (2019). Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik.


https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-at-pamamaraan-ng-
pananliksik.html

 Wlaker, L. (2021). Paano Gamitin ang Youtube. https://tl.eyewated.com/paano-


gamitin-ang-youtube/#

 Cruz, M. C. (2016). Online selling. Prezi. https://prezi.com/xgochxmeetxc/online-


selling/

 De Guzman, R. (2020). DTI, may paalalasa online sellers at shoppers sagitna ng


community quarantine. UNTV. https://www.untvweb.com/news/dti-may-paalala-
sa-online-sellers-at-shoppers-sa-gitna-ng-community-quarantine/

 Perinal, J. Q. (2019). Pamilihan vs. online shopping. Medium.


https://medium.com/@jasquiambaoperinal/pamilihan-vs-online-shopping-
818cb1270254

11

You might also like