You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Kinder
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

Q3: MELC 4 - Week 3


Development & Editorial Team
Writer: Girlie L. Dela Cruz Management Team: Malcolm S. Garma, Regional Director - NCR
Illustrator: Mary Grace De Vera Mauro C. De Gulan, SDS SDO-Malabon City
Layout Artist: Aisalyn L. Labagala Genia V. Santos, CLMD Chief – NCR
Content Editors: Romarico P. Lopez Hermina C. Garcia Josefina M. Pablo, CID Chief SDO-Malabon City
Maria Josefina Borres Ryan Macaraeg Maricar D. Agao, EPS-Kindergarten, MTB
Gemma S. Santiago Le-An I. Mojica Dennis M. Mendoza, LR, EPS-NCR
Language Editors: Marites M. Tabor Rosalinda B. Gabriel Dalisay E. Esguerra, EPS LR/Kindergarten – Malabon City
Ana Lisa. M. Mesina, PDO II Malabon City

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________
Inaasahan
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay naikukuwento ang mga naging
karanasan bilang kasapi ng komunidad (MELC WEEK 3 KMKPKam-00-6Third Quarter) Mga Tala para sa Tagapagdaloy
Maikling Pagpapakilala sa Aralin Bago sumagot sa mga gawain
maaring panooring ang mga
1. Sasabayan ng magulang ang bata sa pagbabasa ng mensahe. link na ito:
https://youtu.be/I9JWyOMkC0o
“Ako ay kasapi ng komunidad.” https://youtu.be/trMukNmGrtE
https://youtu.be/2-eTxEJsFkk
2. Panimulang Gawain:
Ipapakita ng magulang sa bata
ang larawan na nasa ibaba. Itanong
kung ano ang kanyang nakikita sa
larawan. Sabihin sa bata na bilang
kasapi ng komunidad tayo ay maaaring
tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan
at kaayusan sa ating komunidad.

(Gabay na tanong)
- Paano mapapanatili ang
kalinisan sa ating komunidad?
- Bilang bata, ano ang
maitutulong mo sa komunidad?
___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 2
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________
Oras ng Pagkukuwento Mga Tala para sa Tagapagdaloy
Pag nalaman na ng bata ang
a. Paghahawan ng Balakid mga sagot sa tanong, maaring
Ipaliwanag ang kahulugan ng salita. tanungin muli ang bata at sasagutin ng
bata ang mga tanong na wala ng
Komunidad- lugar o barangay kung saan ka nakatira. gabay ng magulang.
Malasakit- may pag-aalaga o handang tumulong.

Ngayon ay may babasahin akong kuwento tungkol sa isang batang babae, ang
pangalan ay Tina. Alamin natin kung paano siya at ang kaniyang pamilya nakatulong sa
sa kanilang komunidad. Bago ko simulan ang kuwento ay sabihin mo muna ang mga
pamantayan sa pakikinig.
- Maupo nang maayos.
- Makinig nang mabuti.
Mga Tala para sa tagapagdaloy
- Itaas ang kamay kung may nais sabihin. Basahin sa bata ang mga pagganyak
na tanong. Ipasagot ito sa bata pagkatapos
b. Pagganyak na tanong niya mapakinggan ang kuwento.

- Ano ang pangalan ng ating Barangay?


- Paano napapanatili ang kalinisan sa ating paligid?
- Ano ang maaring mangyari kung hindi nagkakaisa ang mga tao sa ating
barangay?

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 3
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________
Maaring panoorin ang kuwento sa link na ito https://youtu.be/ME7dkMATJ6c

Ang Aming Barangay Talisay


(Isinulat ni Girlie L. Dela Cruz)
Ako Si Tina, nakatira ako sa Barangay Talisay, hindi pa man sumisilip ang haring araw,
maririnig mo na mga langisngis ng walis ng mga tao sa aming barangay, iyan ang aming
Barangay Talisay, nagtutulungan ang mga tao upang mapanatili ang kalinisan. Tuwing Linggo,
___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 4
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________
kasama ako ng aking nanay, tumutulong kaming magdala ng pagkain sa mga naglilinis, isa kasi
si tatay sa mga naglilinis dito. Pagkatapos pupunta kami sa libreng gamutan sa Health Center
ng aming barangay kung saan nakakahingi kami ng gamot ng aking nanay para sa aking
bitamina. Araw-araw ding umiikot ang aming kapitan kasama ang mga tanod para malaman
ang dapat gawin upang mapaganda pa ang aming mahal na barangay at siyempre para
mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. May bagong proyekto nga raw si kapitan, sabi ni nanay
Kailangan raw naming magtanim ng halaman para magkaron ng sariwang hangin. Iyan ang
aming Barangay Talisay nagtutulungan at nagkakaisa para sa ikauunlad ng lahat
Pagtalakay sa Kuwento: (Gabay na tanong)
- Ano ang pamagat ng kuwento?
- Ano ang pangalan ng barangay nila Tina?
- Bakit kailangan magtanim ng puno?
- Dapat ba tayong tumulong sa paglilinis sa barangay? Bakit?
- Bakit kailangang magtulungan ang mga tao sa Barangay?

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 5
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain
Magkuwentuhan Tayo
Kagamitan:
photo album, bond paper at pandikit
Pamamaraan:
1. Ipakita sa bata ang inyong photo album o anumang larawan na kasama siya. Halimbawa
noong kayo ay namamasyal sa mall, naglaro sa parke, nagpunta sa zoo o nagsimba.
2. Tanungin ang bata kung natatandaan niya ba ito. Hayaan siyang magkuwento kung ano ang
kanyang naaalala mula sa larawan.
3. Papiliin ang bata ng isang larawan na pinakapaborito niya. Idikit ito sa bond paper at hayaan
ang bata na lagyan ito ng disenyong gusto niya. Pasulatan ito ng kanyang pangalan sa itaas.

Tandaan
Sabihin sa bata, “Bilang kasapi ng komunidad, tayo ay may maaring tumulong sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan ng ating komunidad.” Tulad ng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan.
Sa simpleng paraang ito ay mapapanatili natin ang kalinisan sa ating komunidad at maiiwasan ang
pagbaha tuwing tag-ulan.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 6
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________

Pangalan

Pagtulong sa Komunidad
Panuto: Basahin sa harap ng bata ang mga pangungusap tungkol sa pagtulong sa komunidad. Lagyan ng
tsek ( ✔ )ang patlang kung ito ay tama at ekis (✘) naman kung ito ay mali.

_____________1. Iwasang magtapon ng basura sa kalsada.

_____________2. Tumawid sa tamang tawiran.

_____________3.
Magtapon ng basura sa ilog.

_____________4. Iwasang sirain ang mga halaman sa parke.

_____________5. Pagtatapon ng mga kalat sa tamang basurahan.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 7
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________

Pangalan
Gupitin ang mga larawan sa kanang bahagi ng mga basurahan. Idikit sa
tamang lagayan ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok.

nabubulok
di-nabubulok

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 8
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________

Pag-alam sa Natutuhan

Pangalan
Kulayan ng dilaw ang larawang nagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa
komunidad, kulay pula naman kung hindi

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 9
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________
Pangalan

Bilangin ang mga katulong sa pamayanan na makikita sa larawan at isulat ang bilang sa
loob ng kahon.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 10
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Kinder
_______________________________________________________________________________________________________________________________

Kard ng Susi ng Sagot

_/_5.
_/_4.
_X_3.
__/2.
_/ 1.
Tandaan
natutunan
Pag-alam sa natutunan
Pag-alam sa
natutunan
Pag-alam sa

Sanggunian
National Kindergarten Curriculum Guide
DepEd Kindergarten MELCs 2021
DepEd BLR illustrations

___________________________________________________________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) Pahina | 11

You might also like