You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF BATAC
SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, CITY OF BATAC, ILOCOS NORTE

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

I. LAYUNIN
A. Pamantayan Naipamamalas ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at,
Pangnilalaman pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang
teksto/babasahing lokal at pambansa.
B. Pamantayan sa Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
Pagganap Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto.
Napahahalagahan ang pagiging mapanuri sa pamimili.
C. Mga Kasanayan Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa isang dayagram, tsart at
sa Pagkatuto mapa. F5PB-IV-j-20
II. NILALAMAN Pagtatanong tungkol sa Impormasyong Inilhad sa Isang Dayagram, Tsart at Mapa
Pagiging Mapanuri/Masusing Pamimili
Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP), Mathematics, Arts, Health, ICT
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Most Essential Learning Competencies (MELCs), ph. 220
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Alab FIlipino 5, ph. 172, 178
Teksbuk Yaman at Dunong 5, ph. 236-239
3. Karagdagang http://e-filipino101.blogspot.com/2009/10/uri-ng-pangungusap-ayon-sa-gamit.html
Kagamitan
sa portal ng https://www.plickers.com
Learning Resource
Website/Link
B. Iba pang laptop, projector, slide presentation, larawan, activity card, plickers cards
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Panimulang Gawain
nakaraang aralin 1. Pagdarasal/pagbati/pag-alam sa attendance
at/o pagsisimula 2. Pagtatakda ng mga Pamantayan
ng bagong aralin
Bago natin simulan ang ating aralin, alamin natin ang mga dapat tandaan upang
mas lalong maunawaan ang ating tatalakayin.

 Makinig nang mabuti sa guro.


 Makilahok nang aktibo sa talakayan.
 Huwag gumawa ng di-kinakailangang ingay.

Address: Brgy. 29 San Pedro, City of Batac Matityahu: San Mateo, Sagot ni Apo para kadagiti Agtutubo!
2906, Ilocos Norte, Philippines
Contact Number: 09569678889 Document Code: 100099-CI-QF-010 Page 1 of 8
Version: 1.0 Revision: 02 11 Mar 2024
Facebook page: San Mateo ES Effectivity: 24 February 2021 ISO 9001:2015
E-mail: smes100099@gmail.com Certificate Reg. No. QAC/R63/0261
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF BATAC
SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, CITY OF BATAC, ILOCOS NORTE

Ano-ano naman ang mga dapat isaalang-alang upang maiwasan ang COVID-19.
 Takpan ang bibig at ilong gamit ang facemask. Huwag kalimutang isuot nang
maayos ang inyong facemask. Mainam din na ugaliin ang pagsuot ng
faceshield.
 Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay sa pamamagitan ng wastong
paghugas gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer o alkohol.
 Panitilihin ang social distancing. Iwasan ang malapit na pakikisalamuha.
 Palaging tandaan at isagawa ang mga nabanggit upang maiwasan ang COVID-
19 at ang pagkalat nito. Ipaalala rin ang mga ito sa inyong kapwa.

(Kra 2: Obj. 5: Planned and delivered teaching strategies that are responsive to the
special educational needs of learners in difficult circumstances, including
geographic isolation; chronic illness; displacement due to armed conflict, urban
resettlement or disasters; child abuse and child labor practices)

3. Balik-aral
Bago tayo dumako sa bagong aralin, atin munang balikan ang nakaraang leksyon.
Tanong:
 Ano ang pangungusap?
B. Paghahabi sa Pagganyak
Layunin ng Aralin Pagpapakita ng larawan babaeng namimili.

Tanong:
 Ano ang nasa larawan?
 Naranasan niyo na bang sumama sa inyong tatay o nanay sa pamilihan?
 Ngayong panahon ng pandemya, sumasama pa ba kayo sa pamimili? Bakit?
 Ano ang ginagamit at ginagawa ng inyong mga magulang sa tuwing sila ay
namimili o lumalabas ng tahanan?
 Nagsusuot ng facemask at face shield
 Nagdadala ng hand sanitizer o alcohol
 Dumidistansiya sa mga tao

(Kra 2: Obj. 5: Planned and delivered teaching strategies that are responsive to the
special educational needs of learners in difficult circumstances, including
geographic isolation; chronic illness; displacement due to armed conflict, urban
resettlement or disasters; child abuse and child labor practices)

Address: Brgy. 29 San Pedro, City of Batac Matityahu: San Mateo, Sagot ni Apo para kadagiti Agtutubo!
2906, Ilocos Norte, Philippines
Contact Number: 09569678889 Document Code: 100099-CI-QF-010 Page 2 of 8
Version: 1.0 Revision: 02 02 Jun
11 Mar2021
2024
Facebook page: San Mateo ES Effectivity: 24 February 2021 ISO 9001:2015
E-mail: smes100099@gmail.com Certificate Reg. No. QAC/R63/0261
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF BATAC
SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, CITY OF BATAC, ILOCOS NORTE

C. Pag-uugnay ng Paglalahad
mga halimbawa 1. Pagbasa ng Dayalogo
sa bagong aralin Mayroon tayong babasahing usapan ng isang mamimili at ng isang tindera.
a. Pag-alis ng Balakid
Bago natin ito basahin, alamin natin ang kahulugan ng mga sumusunod
na salita na matatagpuan sa dayalogo.
nagtungo kinilatis

b. Pagsariwa sa mga Pamantayan


Sariwain nating muli ang mga pamantayan kapag tayo ay nagbabasa.
 Huwag makipag-usap sa kaklase.
 Pakinggan at unawain nang mabuti ang binabasa.

c. Paglalahad sa Pang-unawang Tanong Bago ang Pagbasa


Basahin at subukan nating sagutin ang mga sumusunod na tanong
tungkol sa ating babasahin. Muli natin itong balikan at sagutin pagkatapos
nating basahin ang dayalogo.
 Sino ang nagtungo sa palengke?
 Ano ang kanyang binili?
 Ilan ang kanyang binili?
 Magkano lahat ang kanyang binayaran sa tindera?

d. Pagbasa ng Teksto/Dayalogo
Basahin natin ang dayalogo.
Sabado nang umaga, maagang nagising si Aling Nora. Nagtungo siya
sa palengke upang mamimili. Isinuot niya ang kanyang face mask at face
shield. Nagdala rin siya ng alkohol.

Tindera: Magandang umaga po. Ano po ang bibilhin ninyo?


Aling Nora: Nais ko sanang bumili ng pinya.
Tindera: Sakto! Marami po kaming panindang pinya.
Aling Nora: Maaari po bang malaman kung saan po galing ang itinitinda
ninyong pinya?
Tindera: Tanim po namin ang mga tinitinda naming pinya.
Aling Nora: Matatamis po kaya ang mga ‘yan?
Tindera: Opo, matatamis po ang mga ito. Heto po maaari po ninyong
tikman.
Aling Nora: Wow! Matamis nga. Magkano po ang halaga ng isang pinya?
Tindera: Limangpung piso po ang halaga ng isa.
Aling Nora: Bigyan mo ako ng limang pinya.
Tindera Heto po.

Kinilatis nang mabuti ni Aling Nena ang mga pinya. Tiningnan niya

Address: Brgy. 29 San Pedro, City of Batac Matityahu: San Mateo, Sagot ni Apo para kadagiti Agtutubo!
2906, Ilocos Norte, Philippines
Contact Number: 09569678889 Document Code: 100099-CI-QF-010 Page 3 of 8
Version: 1.0 Revision: 02 11 Mar 2024
Facebook page: San Mateo ES Effectivity: 24 February 2021 ISO 9001:2015
E-mail: smes100099@gmail.com Certificate Reg. No. QAC/R63/0261
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF BATAC
SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, CITY OF BATAC, ILOCOS NORTE

kung may sira ang mga ito.

Aling Nora: Pakibalot po nang maayos para hindi mahulog.


Tindera: Sige po. Heto po.
Aling Nora: Maraming salamat.
Tindera: Walang anuman po at maraming salamat din po sa inyong
pagbili.

Ipinagpatuloy ni Aling Nora ang kanyang pamimili.


D. Pagtatalakay ng Pagsagot sa Pang-unawang Tanong
bagong konsepto Balikan natin ang mga tanong tungkol sa ating binasa.
at paglalahad ng  Sino ang nagtungo sa palengke?
bagong  Ano ang kanyang binili?
kasanayan #1  Ilan ang kanyang binili?
 Magkano lahat ang kanyang binayaran sa tindera? (Mathematics Integration)
 Ano ang ginawa niya bago niya bilhin ang mga pinya?
 Paano niya kinilatis ang produkto?
 Sa pamimili, bakit kailangan suriin nang mabuti ang mga produktong bagi ito
bilhin? (EPP Integration)
 Anong katangian ang ipinakita niya sa kanyang pamimili? (EsP/EPP
Integration)
 Mainam ba sa katawan ang pagkain ng prutas tulad ng pinya? Bakit?
(Health Integration)

(Kra1: Obj.1: Applied knowledge of content within and across curriculum teaching
areas.)

(Kra 1: Obj.3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and


creative thinking, as well as other higher-order thinking skills.)
E. Pagtatalakay ng Pagtalakay sa Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap
bagong konsepto Magpakita ng mga pangungusap mula sa kwento. Basahin at talakayin ang iba’t
at paglalahad ng ibang uri ng pangungusap.
bagong
1. Tanim po namin ang mga tinitinda naming pinya.
kasanayan #2
2. Magkano po ang halaga ng isang pinya?
3. Bigyan mo ako ng limang pinya.
4. Pakibalot nang maayos para hindi mahulog.
5. Wow! Matamis nga.
 Ano ang uri ng pangungusap ang unang pangungusap? pangalawa? pangatlo?
pang-apat? panglima?
 Ano ang pangungusap na pasalaysay? patanong? pautos? pakiusap?
padamdam?
 Pag-aralan at suriin ang larawan. Kilatisin ito gamit ang iba’t ibang uri ng

Address: Brgy. 29 San Pedro, City of Batac Matityahu: San Mateo, Sagot ni Apo para kadagiti Agtutubo!
2906, Ilocos Norte, Philippines
Contact Number: 09569678889 Document Code: 100099-CI-QF-010 Page 4 of 8
Version: 1.0 Revision: 02 02 Jun
11 Mar2021
2024
Facebook page: San Mateo ES Effectivity: 24 February 2021 ISO 9001:2015
E-mail: smes100099@gmail.com Certificate Reg. No. QAC/R63/0261
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF BATAC
SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, CITY OF BATAC, ILOCOS NORTE

pangungusap.

(Kra 1: Obj.3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and


creative thinking, as well as other higher-order thinking skills.)
F. Paglinang sa Pangkatang Gawain (Differentiated Activities)
Kabihasan 1. Pagsariwa sa mga Pamantayan sa Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain
(Tungo sa  Isaalang-alang at sundin ang health protocol tulad ng:
Formative  Isuot nang maayos ang inyong face mask.
Assessment)  Panatilihin ding nakasuot ang inyong face shield.
 Pakinggan nang mabuti ang panuto ng gawain na sasabihin ng guro.
 Isagawa nang maayos ang pangkatang gawain.
 Tumulong sa kapangkat sa pagsasagawa ng naiatas na gawain.

2. Paglalahad ng rubriks para gagawing pangkatang gawain


Rubriks para sa Pangkatang Gawain
Napakahusay Mahusay Katanggap-tanggap Mapahuhusay Pa
Pamantayan
4 3 2 1
Nilalaman Napakaayos, Maayos, naibigay Di-gaanong maayos, Mas marami ang
naibigay lahat ang ilan sa mga naibigay ang ilan sa pagkakamali
ang hiningi ng hiningi ng gawain at mga hiningi ng kaysa tama.
gawain at may 1-2 gawain at may 3-4
walang pagkakamali. pagkakamali.
pagkakamali.
Presentasyon Nakapahusay at May 1-2 May 3-4 Maraming
walang pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
pagkakamali sa presentasyon. presentasyon. presentasyon.
presentasyon.
Kooperasyon Gumawa at Gumawa at Gumawa at Nagkanya-kanya
nakipagtulungan nakipagtulungan nakipagtulungan at hindi nakipag-
ang lahat ng ang ilan sa mga ang ilan sa mga tulungan ang ang
kasapi. kasapi, isa ang di- kasapi, dalawa ang mga kasapi.
nakiisa. di-nakiisa.
Kaagapan Natapos ang Natapos ang Natapos ang gawain Natapos ang
gawain ng gawain ng buong ngunit lumagpas ng gawain ngunit
buong husay sa husay ngunit 2 minuto. lumagpas ng 3
loob ng lumagpas ng 1 minuto.
itinakdang oras. minuto sa
itinakdang oras.

Address: Brgy. 29 San Pedro, City of Batac Matityahu: San Mateo, Sagot ni Apo para kadagiti Agtutubo!
2906, Ilocos Norte, Philippines 02 Jun 2021
Contact Number: 09569678889 Document Code: 100099-CI-QF-010 Page 5 of 8
Version: 1.0 Revision: 02 11 Mar 2024
Facebook page: San Mateo ES Effectivity: 24 February 2021 ISO 9001:2015
E-mail: smes100099@gmail.com Certificate Reg. No. QAC/R63/0261
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF BATAC
SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, CITY OF BATAC, ILOCOS NORTE

3. Pagbibigay ng activity card


Gawain 1: Pagtukoy
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pagkilatis ng produkto.
1) Galing po sa San Nicolas itong itinitinda ninyong palayok?
2) Maraming salamat po!
3) Pabili po ako ng isang kilong kamatis.
4) Kailan po ang expiration date nito?
5) Pakibigyan po ninyo ako ng isang tali ng sitaw.
6) Bagong ani ang mga okra.
7) Ayos! Puro sariwa ang tinda ninyong bangus.
8) Pahingi ng isang piling na saging.
9) Ang mga mangag ay hinog na hinog na.
10) May tinda po kayong itlog na maalat?

Gawain 2: Pagsulat ng Pangungusap


Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng produkto batay sa
impormasyong makikita sa ibaba.
Produkto: saging
Impormasyon tungkol sa pinya: matamis, kulay dilaw at nagkakahalaga ng 60
pesos isang kilo
1. Pasalaysay: ________________________________
2. Patanong: _________________________________
3. Pautos: ___________________________________
4. Pakiusap: _________________________________
5. Padamdam: ________________________________

Gawain 3: Pagsulat ng Dayalogo


Isiping kayo ay bibili ng isang gamit o produkto na inyong kailangan sa pag-aaral.
Bumuo ng dayalogo na nagpapakita kung paano ninyo ito kikilatisisin gamit ang
iba’t ibang uri ng pangungusap.

(Kra 1: Obj.3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and


creative thinking, as well as other higher- order thinking skills.)

G. Paglalapat ng Paglalapat
aralin sa pang- Paggamit ng website na https://www.plickers.com
araw-araw na Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pagkilatis ng
buhay produkto.
1. Ang lamesang ito ay gawa sa ratan.
2. Sariwa po ba ang tinda niyong tilapya?
3. Pilian niyo ko ng hinog na mangga.
4. Mahusay! Ang ganda ng pagkakagawa ng basket.
5. Pakidagdagan po ng dalawang pirasong mais.

Address: Brgy. 29 San Pedro, City of Batac Matityahu: San Mateo, Sagot ni Apo para kadagiti Agtutubo!
2906, Ilocos Norte, Philippines 02 Jun 2021
Contact Number: 09569678889 Document Code: 100099-CI-QF-010 Page 6 of 8
Version: 1.0 Revision: 02 11 Mar 2024
Facebook page: San Mateo ES Effectivity: 24 February 2021 ISO 9001:2015
E-mail: smes100099@gmail.com Certificate Reg. No. QAC/R63/0261
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF BATAC
SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, CITY OF BATAC, ILOCOS NORTE

(Kra 3: Obj.7: Selected, developed, organized and used appropriate teaching and
learning resources, including ICT, to address learning goals.)
H. Paglalahat ng Sa pamimili, bakit kailangan suriing mabuti ang mga produktong inyong bibilhin?
Aralin  Sa pamimili, kailangan suriing mabuti ang mga produktong inyong bibilhin dahil
makatutulong ito upang masigurong malinis, maayos at de-kalidad.
 Upang mas lalo pang makilatis ang isang produkto, makatutulong din ang
pakikipag-usap o pagtatanong sa taong nagbebebnta ng produkto. Ang iba’t
ibang uri ng pangungusap ay magagamit sa pagkilatis ng produktong bibilhin.

Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap na maaaring gamitin sa pagkilatis ng


isang produkto?
 Ang paturol na pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay. Ito’y nagsasalaysay
ng isang katotohanan o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok.
 Ang pangungusap na patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa.
Ito’y gumagamit ng tandang pananong (?). Maaari ding gumamit ng mga
panghalip na pananong katulad ng ano, sino, saan, kalian, at iba pa.
 Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang
pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan.
Nagtatapos ito sa tuldok.
 Padamdam ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot,
pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa
tandang panamdam (!).
I. Pagtataya ng A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pagkilatis ng
Aralin produkto. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot mula sa loob ng kahon at
isulat ito sa bawat patlang.

A. pasalaysay C. pautos E. padamdam


B. patanong D. pakiusap

_____1. Grabe! Ang husay ng pagkakatahi ng damit.


_____2. Bigyan mo ko ng tatlong hinog na papaya.
_____3. Pakidoble ang balot ng kamote.
_____4. Galing ba sa Currimao ang tinda ninyong isda?
_____5. Bagong pitas ang mga talong na ito.
_____6. Matibay ang pagkakagawa ng upuan.

B. Kilatisin ito gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa
patlang.

Address: Brgy. 29 San Pedro, City of Batac Matityahu: San Mateo, Sagot ni Apo para kadagiti Agtutubo!
02 Jun 2021
2906, Ilocos Norte, Philippines
Contact Number: 09569678889 Document Code: 100099-CI-QF-010 Page 7 of 8
Version: 1.0 Revision: 02 11 Mar 2024
Facebook page: San Mateo ES Effectivity: 24 February 2021 ISO 9001:2015
E-mail: smes100099@gmail.com Certificate Reg. No. QAC/R63/0261
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF BATAC
SAN MATEO ELEMENTARY SCHOOL
SAN PEDRO, CITY OF BATAC, ILOCOS NORTE

7. Pasalaysay: ______________________________________
8. Patanong: _______________________________________
9. Pautos/Pakiusap: _________________________________
10. Padamdam: ____________________________________

(Kra 3: Obj.8: Set achievable and appropriate learning outcomes that are aligned
with learning competencies)
J. Karagdagang Panuto: Isiping ikaw ay bibili ng isda. Isulat sa inyong papel kung paano mo ito
gawain para sa kikilatisisin gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
takdang-aralin 1. Pasalaysay: ___________________________________
at remediation 2. Patanong: ____________________________________
3. Pautos: ______________________________________
4. Padamdam: __________________________________

V. MGA TALA

Prepared by:

SHEILA D. DELA CRUZ


Teacher I Checked by:

CRISENTA R. CARRASCA
Master Teacher II NOTED:

LOVELLA J. GALUT
Head Teacher III

Address: Brgy. 29 San Pedro, City of Batac Matityahu: San Mateo, Sagot ni Apo para 02
kadagiti Agtutubo!
Jun 2021
2906, Ilocos Norte, Philippines
Contact Number: 09569678889 Document Code: 100099-CI-QF-010 Page 8 of 8
Version: 1.0 Revision: 02 11 Mar 2024
Facebook page: San Mateo ES Effectivity: 24 February 2021 ISO 9001:2015
E-mail: smes100099@gmail.com Certificate Reg. No. QAC/R63/0261

You might also like