You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF CALAPAN CITY
BUCAYAO NATIONAL HIGH SCHOOL
BUCAYAO, CALAPAN CITY

BANGHAY ARALIN SA FILIINO 10


Petsa/ Oras: May 18-19, 2022 Markahan: IV
10-JGJ Miyerkules (8:00-10:00 ng umaga)
10-HJM Huwebes (8:00-10:00 ng umaga)
TEMA
El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo
bilang isang obra maestrang pampanitikan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuya

KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO
1. Nabibigyang- puna ang narinig na paghahambing sa akda sa ilang akdang nabasa, napanood o
napagaralan F10PN-IVg-h-86
2. Nailalapat ang mga tiyak na lapit at pananaw sa pagsusuri ng akda F10PB-IVg-h-91
3. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa
kasalukuyan F10PB-IVh-i-92
4. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol F10PT-IVg-h-85
5. Naiuulat ang ginawang paghahambing ng binasang akda sa ilang katulad na akda, gamit ang
napiling graphic organizer. F10PS-IVg-h-88
6 Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad na akdang binasa
F10PU-IVg-h-88
7. Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing. F10WG-IVg-h-81

II.NILALAMAN
A. Paksa: Si Huli: Ang simbolo ng babaeng Filipina, Noon at Ngayon
B.Sanggunian: Panitikan.com.ph, Modyul sa Filipino 10, YouTube (TitserMJTV)
C.Kagamitang Panturo: powerpoint presentation, video clip ng mga kabanata ng El Filibusterismo

III.PAMAMARAAN
A. Pagbabalik-aral
Magpapakita ang guro ng ilang mga pahayag at susubukang hulaan ng mga mag-aaral kung
sinong tauhan sa El Filibsterismo ang nagsabi nito. Ang ipapakita mga pangalan ang magsisilbing
pamimilian ng mga mag-aaral upang tukuyin ang tamang sagot.

Bucayao National High School, Bucayao, Calapan City


09176381699/09085355847/amazingbucayao@gmail.com
Committed to life engaged in nurturing and improving education - dhoneyl
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF CALAPAN CITY
BUCAYAO NATIONAL HIGH SCHOOL
BUCAYAO, CALAPAN CITY

B. Pagganyak
“Break the Code”
Magbibigay ng card ang guro sa ilang mapipiling estudyante gamit ang Wheel of Names kung
saan nakalagay code na kailangang sagutin ng estudyante. Sa tulong ng guide pattern na
nakapaloob din sa card, ang magsisilbing paraan upang mahulaan ng estudyante ang tamang
sagot.

C. Pagtalakay sa Aralin
a. Ipapanood ng guro ang video clip ng bawat kabanatang nagpakita ng Si Huli: Ang simbolo
ng babaeng Filipina, Noon ngayon, at sa kasalukuyan pagkatapos ay tatalakayin ng guro
ang nilalaman ng bawat kabanata na pinanuod. Magkakaroon din ng pagtatanong at sagot
na may kaugnay sa kabanatang tinalakay.
b. Tatalakayin ang tungkol sa Pahambing o Komparatibo at ang dalawang uri nito na ang
Hambingang Pasahol at Hambingang Palamang pagkatapos ay magkakaroon muli ng
maikling Tanon-Sagot patungkol naman sa paksang tinalakay.

Gawain 1: Isulat ang HPS sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay HAMBINGANG
PASAHOL at HPL kung ito ay HAMBINGANG PALAMANG.
Gawain 2: Salungguhitan ang wastong katagang naghahambing ang bawat upang mabuo ang diwa
ng pangungusap.
Gawain 3: Tukuyin mo ang kasingkahulugan sa Filipino ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol.
1. Prayle.
2. Kuwalta.
3. kumbento.
4. Kutsero
5. Suwerte

D. Paglalapat
Gawain 4: Iugnay ang mga sitwasyong nakalahad sa Hanay A sa mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan. Isulat ang sagot sa mga kahon sa Hanay B.
Hanay A
 Pag-abuso sa kapangyarihan
 Pagpapaalipin kapalit ng salapi
 Paniniwala sa mga pamahiin
 Pakikipaglaban para sa karapatang pantao

Gawain 5: Iguhit 😊 ang kung ang pangyayari ay makatotohanan at ☹ kung ang pangyayari ay di-
makatotohanan.
E. Paglalahat

Bucayao National High School, Bucayao, Calapan City


09176381699/09085355847/amazingbucayao@gmail.com
Committed to life engaged in nurturing and improving education - dhoneyl
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF CALAPAN CITY
BUCAYAO NATIONAL HIGH SCHOOL
BUCAYAO, CALAPAN CITY

Ipahayag ang iyong sariling pananaw o opinyon sa ating paksang “Si Huli: Ang Simbolo ng
Babaeng Filipina, Noon at Ngayon’, gumamit ng tamang salita o panlapi na panghambing para sa
iyong paglalahad ng sagot. Isaalang-alang ang mga mekaniks sa pagsulat tulad ng pagbabaybay,
bantas, wastong gamit ng salita, wastong paggamit ng mga salitang panghambing at organisadong
pagpapahayag ng ideya.

Pamantayan Puntos
Organisadong paglalahad ng ideya at opinyon. 3
Wastong paggamit ng bantas, kapitalisasyon at pagbaybay. 3
Wastong Paggamit ng mga salita o panlapi na panghambing. 2
Kaangkupan at makabuluhan ng nilalaman. 2
Kabuuan 10

F. Pagtataya
Gawain 3: Piliin sa loob ng kahon
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon

Pahambing na Di-Magkatulad Hambingang Pasahol


Pahambing na Magkatulad Hambingang Palamang
Pahambing o Komparatibo Hambingang Payak

_______________ 1. Ito ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng


tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.
_______________ 2. Nagbibigay ito ng diwang pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang
pangungusap.
_______________ 3. May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
Gumagamit ito ng mga salitang lalo, higit/mas, labis at di-hamak
_______________ 4. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
_______________ 5. May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
Gumagamit ito ng mga salitang lalo, higit/mas, labis at di-hamak.

G. Takdang-Aralin
Basahin ang buod ng kabanata 1-3,7 sa Panitikan.com.ph

Inihanda ni:
MARICEL C. COMIA
Gurong Nagsasanay

Nabatid ni:
Sa Kaalaman ni:

Bucayao National High School, Bucayao, Calapan City


09176381699/09085355847/amazingbucayao@gmail.com
Committed to life engaged in nurturing and improving education - dhoneyl
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF CALAPAN CITY
BUCAYAO NATIONAL HIGH SCHOOL
BUCAYAO, CALAPAN CITY

ALVIN KARL F. HERNANDEZ CARLOS V. LEDESMA


Gurong Tagapagsanay Punungguro III

Bucayao National High School, Bucayao, Calapan City


09176381699/09085355847/amazingbucayao@gmail.com
Committed to life engaged in nurturing and improving education - dhoneyl

You might also like