You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Paaralang Lungsod Dibisyon ng Bacoor
Mataas na Paaralan ng Bacoor – Main

PANUNTUNAN PARA SA PALIGSAHAN


SA PAGBUO NG POSTER/ ISLOGAN
(BAITANG 7)

I. LAYUNIN:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa ibinigay na tema sa
pamamagitan ng pagguhit at/o paglikha ng islogan
2. Naipamamalas ang angking husay sa nasabing gawain

II. PAKSA AT NILALAMAN:


1. Patimpalak sa Pagbuo ng Poster/Islogan
2. Kagamitan: ¼ size ng illustration board, lapis, pambura, mga
pangkulay
3. Mga Kalahok:
➢ Mga mag-aaral ng Bacoor National High School- Main mula sa
ikapitong baitang
4. Mga Taong Kasangkot sa Gawain:
➢ Mga gurong tagapayo sa bawat pangkat
➢ Mga guro sa Filipino
➢ Mga hurado
5. Kasuotan: Uniporme/ Puting T-shirt at maong
6. Petsa ng Patimpalak: Agosto 30, 2022
7. Lugar ng Pagdarausan: Silid-aklatan
8. Oras: Ika-9 ng umaga hanggang ika-10 ng umaga

III. ALITUNTUNIN NG MGA GAWAIN:


1. Ipagbibigay-alam ng mga guro sa Filipino ang nasabing gawain sa lahat ng
pangkat sa baitang 7.
2. Ang bawat pangkat ay kinakailangang may kinatawan sa paligsahan.
3. Sa araw ng patimpalak, isang oras lamang ang ilalaan upang makalikha ng
poster/islogan.
4. Ang lilikhaing poster ng mag-aaral ay dapat nakaangkla sa temang “Filipino at
mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”
5. Inaasahang walang sinuman ang maaaring lumapit sa mga kalahok sa
pagsisimula hanggang sa pagtatapos ng gawain.
__________________________________________________________________________________
Address: Molino I, Bacoor City, Cavite
Telephone & Fax No.: (046)417 6149
Email Address: 301171@deped.gov.ph
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Paaralang Lungsod Dibisyon ng Bacoor
Mataas na Paaralan ng Bacoor – Main

6. Mamarkahan ang mga gawang poster/islogan batay sa inilahad na


pamantayan.
7. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaring pasubalian pa.

Pamantayan sa Paglikha ng Poster/Islogan


A. Kaugnayan sa Paksa 30%
B. Pagkamalikhain 30%
C. Orihinalidad 30%
D. Pangkalahatang Anyo 10%

Kabuuan: 100%

Inihanda nina:

Gng. Ma. Kate Asther M. Irlandez


Tagapamahala

Bb. Maria Luisa S. Roman


Katuwang na Tagapamahala

__________________________________________________________________________________
Address: Molino I, Bacoor City, Cavite
Telephone & Fax No.: (046)417 6149
Email Address: 301171@deped.gov.ph

You might also like