You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

LEARNING ACTIVITY SHEET


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Panimulang Pananaliksik sa Iba’t Ibang Anyo ng Akademikong Pagsulat
Name of Learner: ________________________________________________________
Grade Level: 11 at 12_________________________________________________
Strand/Track: ABM, HUMSS, STEM (AKADEMIK)___________________________
Section: ________________________________________________________
Date: May 2021 (Panimula hanggang Pagpapaunlad)__________________
May 2021 (Pagpapalihan hanggang Pagtataya)__________________

A. Panimula (Susing Konsepto)


Ang sagutang ito ay makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa pagtukoy
sa mahahalagang impormasyon sa isang pulong. Kinapapalooban rin ito ng iba’t
ibang gawain at pagsasanay na makatutulong sa mga mag-aaral na matamo ang
nararapat na kaalaman na nakabase sa kasanayang pagkatuto.

B. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng
sintesis sa napag-usapan. CS_FA11/12PN-0j-I-92

C. Pangkalahatang Panuto:
Matapos pag-aralan ang yunit na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Basahin at unawain mabuti ang bawat bahagi ng aralin, maging ang mga
panuto na ibibigay.
2. Gawin ang mga nakalaang gawain para sa ganap na pagkaunawa ng mga
kasanayan.
3. Gamitin nang may pag-iingat ang mga Learning Activity Sheets.
4. Itala ang bawat puntos o marking nakukuha sa bawat gawain.
5. Sikaping makakuha ng 80% na puntos mula sa kabuoang bilang ng mga
aytem.
6. Magtanong o makipag-ugnayan sa guro sa pamamagitan ng messenger o
text kapag may mga katanungan.

D. Pamamaraan
UNANG LINGGO
D.1 PANIMULA

a. Alamin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang
makabuo ng sintesis.
2. Nagagamit ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong sa pagbuo ng
sintesis.

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

3. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagtukoy sa mahahalagang


impormasyon sa isang pulong sa pagbuo ng sintesis.

b. Tuklasin
Aktibiti 1: Larawan ng Pagkatuto!
Panuto: Ang sumusunod na mga larawan ay nagpapakita ng iba’t ibang
pagpupulong. Suriin kung anong uri ng pagpupulong ang makikita rito at saka
sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Mga Katanungan:
1. Ano-anong mga pagpupulong ang makikita sa larawan?
2. Ano ang mga bagay ang dapat na gawin o ihanda bago ang pulong?
3. Ano ang mga bagay na dapat gawin upang matandaan ang pinag-uusapan sa
pagpupulong?
4. May ideya ka ba sa paggawa ng agenda at katitikan o sintesis ng pulong?
5. Kung mayroon, ibahagi ang iyong nalalaman sa paggagwa nito.

D.2 PAGPAPAUNLAD
a. Subukin
Aktibiti 2
Panuto: Ang bahaging ito ay babasahin ng magulang o kasama sa bahay. Pakinggan
ang pagpupulong at itala ang mahahalagang impormasyon mula rito.

2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Pagpupulong Ukol sa Pagsasagawa Online Enrollment

Pangulo: Magandang araw sa inyong lahat! Simulan muna natin an gating online
pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin na pangungunahan ng ating kasamang si Gng.
Imelda Ramos.
Gng. Ramos: Tayo ay manalangin……….
Pangulo: Bago tayo magpatuloy sa ating gawain ay mag-uulat muna sa atin tungkol sa mga
dumalo ang ating kalihim na si Bb. Theresa Amon.
Bb. Amon: Ikinagagalak ko pong sabihin na lahat po ng inaasahang lumahok sa online
meeting na ito ay dumalo.
Pangulo: Kaya po tayo nagpatawag ng pagpupulong ay upang makapagplano sa gagawing
online enrollment sa darating na Hunyo 1. At narito ang ating punong guro upang
magpahayag.
Punongguro: Magandang araw sa inyo! Natutuwa ako na sa kabila ng pandemiya ay
nananatili ang malasakit natin sa mga mag-aaral. Sa darating na Hunyo 1 ay magsasagawa
tayo ng Online enrollment. May format ng pagkuha ng datos na ibinigay ang DepEd sa atin
kung kaya’t isasaayos lamang ito ng ating ICT coordinator na si Ma’am Maricar. Ang lahat ng
adviser ang magsasagawa ng online enrollment kung saan tatawagan o kokontakin nila ang
mga nakaraang advisery class nila upang tanungin kung magpapaenrol ang mga ito. Sa
tulong naman ng mga guro na itatalaga ay i-eencode nila ang mga datos na makukuha para
sa ating record. Magsisimula ito sa ganap na 8 N.U.-4NH..Ito ay mangyayari mula Hunyo 1
hanggang 15. May mga katanungan po ba kayo?
Guro 1: Ma’am, paano po kung wala kaming numero ng mga mag-aaral?
Punong guro: Maaaring sa facebook o social media o kaya ay magtanong sa mga kaklase o
kapitbahay nila.
Guro 2: Paano po kung hindi pa rin po sigurado ang mga magulang na papasukin ang mga
bata?
Punongguro: Ipaliwanag ninyo sa kanila ang ibang mode ng pag-aaral upang malinawan
sila. May tanong pa po ba? Hanggang dito na lamang an gating pagpupulong…Paalam na
sa inyo.

Gabay na katanungan:
1. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng isang pagpupulong?
2. Ano-anong mga datos ang dapat na taglay ng isang pagpupulong?
3. Ilahad ang mahahalagang datos mula sa napakinggang pagpupulong.
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magbuod ng pinagpulungan, paano mo
ito ilalahad?

b. Balikan
Aktibiti 3
Panuto:

c. Tuklasin

3
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Panuto: Panoorin ang mga bidyo tungkol sa paksang “Pagtukoy sa


Mahahalagang Impormasyon upang Makabuo ng Sintesis” sa pamamagitan ng mga
link sa ibaba. Gawin itong gabay sa pagsasagot sa mga susunod na aktibiti.
 https://www.youtube.com/watch?v=htbqvBxTV_Y
 https://www.youtube.com/watch?v=htbqvBxTV_Y
 https://www.youtube.com/watch?v=zmHxWh9tbPk

d. Suriin
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring basahin ng magulang o kasama sa
bahay.

PAGPUPULONG sa PAGSASAGAWA ng COMMUNITY DISINFECTION

Kapitan: Magandang araw sa inyong lahat. Nais kong pag-usapan natin


bilang mga opisyales ng ating baranggay ang gagawin nating community
disinfection sa darating na Sabado.
Konsehal 1: Ay! Kap., bakit po? May kaso po ba tayo ng Covid sa ating
baranggay?

Kapitan: Wala naman. Gusto lamang nating maiwasan ang pagkakaroon


ng kaso nito sa ating lugar. Atsaka dapat ng asana ay magawa natin ito kada
Sabado. Kaso ay kulang tayo sa budget. Magsisimula tayo ng 8 ng umaga
hanggang 5 ng hapon. Ang lahat kay gagamit ng PPE’s upang maprotektahan
ang sarili. Kukunin ang mga gagamitin dito sa baranggay. Magtatalaga rin tayo
ng magdodokumento at kukuha ng larawan. Inaasahang matapos natin ng
dalawang araw ang disinfection. May tanong pa po ba?
Mga Konsehal: Wala na po Kap!
Kapitan: Kung gayon ay maaari na tayong magsiuwi…Salamat sa
pakikiisa.

Aktibiti 4:
Panuto: Isulat ang TUMPAK Lagyan kung ang mga datos sa bawat bilang ay
datos na narinig mula sa pulong at LIGWAK kung hindi.

__________ 1. Magkakaroon ng mass testing sa barangay.


__________ 2. Nagpatawag ng pulong ang konsehal ng barangay.
__________ 3. Magkakaroon ng community disinfection.

__________ 4. Mayroong kaso ng Covid sa barangay.


__________ 5. Layunin ng gawain na maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng
Covid sa lugar.
__________ 6. Gagamit ng PPE’s ang lahat ng opisyales.
__________ 7. Magaganap ito sa loob ng dalawang araw.
__________ 8. Ang mga gamit ang kukunin sa munisipyo.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

__________ 9. Magtatalaga ng magdodokumento sa gawain.


__________ 10. Isasagawa ito mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Aktibiti 5:
Panuto: Magtala ng limang mahahalagang bahagi/impormasyong dapat ilagay
sa pagbuo ng sintesis. Matapos mong maitala ang mahahalagang impormasyon ay
sumulat ng sintesis ng nasabing pulong.

IKALAWANG LINGGO

D.3 PAGPAPALIHAN
a. Pagyamanin
Aktibiti 6: Itatala Ko!
Panuto: Makinig ng isang pagpupulong sa telebisyon o sa internet tungkol sa
kalagayan ng bansa sa panahon ng Covid. Ilahad at isa-isahin ang mahahalagang
impormasyong iyong nakuha mula rito. Ibalangkas ito na gagamitin sa pagbuo ng
sintesis.
Mga mahahalagang impormasyon:
 ______________________________________________
 ______________________________________________
 ______________________________________________
 ______________________________________________
 ______________________________________________

Aktibiti 7
Panuto: Tungkol sa iyong napakingggan o napanood na isang pagpupulong sa
telebisyon o internet tungkol sa kalagayan ng bansa sa panahon ng Covid. Sumulat
ng sintesis gamit ang mahahalagang impormasyong iyong nakalap.

b. Isagawa
Aktibiti 8: Isalaysay Mo!
Panuto: Ilahad ang mga mahahalagang pangyayari at napag-usapang paksa ng
taong huli mong nakausap sa pamamagitan ng pagsagot sa tsart sa ibaba.

 Mga napag-usapan:
Pangyayari  Mga napag-usapan:

 Mga napag-usapan:
Pangyayari  Mga napag-usapan:

 Mga napag-usapan:
Pangyayari  Mga napag-usapan:

5
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

e. Karagdagang Gawain

Aktibiti 9: SUBUKAN MO!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Bumuo ng tuntunin batay sa
hinihingi ng sitwasyon.

Magsasagawa ang inyong paaralan ng isang pagpupulong ng lahat ng pangulo ng


klase sa pagpili ng mga modelo ng kabataan para sa nalalapit na Youth Conference.
Bilang kalahok sa nasabing pulong, ikaw ay inaasahang bubuo ng mga tuntunin (Moral
Rules) ng isang huwarang kabataang pandaigdig. Ang nabuong tuntunin ay tatayain sa
mga sumusunod na pamantayan:

Mga Pamantayan 4 3 2 1

A. Kaugnay ng paksa ang binuong tuntunin

B. Nagtataglay ng wholistic na dulog na saklaw ang


kabataan
c. Gumamit ng mga payak na salita at madaling
maunawaan

D. Nasunod ang pamantayan sa pagawa ng tuntunin

A._________________________________________________
B._________________________________________________
C._________________________________________________
D._________________________________________________

D.4 PAGLALAPAT
a. Isaisip
Aktibiti 10
Panuto: Punan ng datos ang word web at sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

6
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Gabay na tanong:
1. Paano ka sumusulat ng sintesis?
2. Saan kinukuha ang mga datos sa sintesis?
3. Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng sintesis?

b. Tayain
Aktibiti 11
Panuto: Tukuyin kung TAMA ang konsepto tungkol sa tinalakay at MALI kung hindi.
1. Ang sintesis ay pinaikling bersyon ng batis ng kaalaman.
2. Maaaring kumuha ng datos mula sa napakinggan, napanood o nabasa.
3. Ang sintesis ay binubuo ng dalawang pahina o higit pa.
4. Hinahanap nito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga impormasyon.
5. Nagpapahayag ito ng pagsusuri sa isang pulong na naganap.

Repleksiyon:
Natutunan ko sa araling ito ang…

Rubrik Sa Pagpupuntos
1. Rubrik para sa Aktibiti 5 at 9
Mahusay (10) Katamtamang husay (6-9) Kailangan pang
paghusayan (1-5)
Maikli, malinaw at madaling Maikli ngunit di gaanong Gumamit ng maraming salita
maunawaan maunawaan at di maunawaan

Nailagay ang mahahalagang Nailagay ang ilang Naitala lamang ang kaunting
datos mahahalagang datos datos

Nakaayos mula sa Hindi gasinong sunod-sunod Hindi matukoy ang mga


pinakamahalaga ang detalye detalte

7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Sanggunian
Constantino, Pamela C. Filipino Sa Piling Larangan (Akademik).
Florante, G. C. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik), Quezon City:
SIBS Publishing House, Inc.
Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling
Larang (Akademik). Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
Mabilin, E. R. etal. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa
Esensyal na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House,
Inc.
Villafuerte, P. V. (2012) Pagpapahalaga sa Panitikan (Bolyum 1). Philippine
Normal University. Malabon City. Jimcyzville Publications.

Inihanda ni:

RUFINO H. LINGAHAN
JESICA ARAJA
Manunulat

Iniwasto ni:

LINA P. FALTADO
Head Teacher IV-BTIHS

Binigyang-pansin ni:

GABRIEL D. ROCO

8
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

You might also like