You are on page 1of 4

Republic of the Philippine

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Cavite Province
ANGELO L. LOYOLA SENIOR HIGH SCHOOL

LEARNING ACTIVITY SHEET SA


FILIPINO SA PILING LARANG(AKADEMIK)
IKAAPAT NA LINGGO (MAYO 2-5, 2023)

Kasanayang Pampagkatuto: Nakabubuo ng sintesis batay sa pulong na


napakinggan.

Layunin:

A. Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon na mula sa isang


pagpupulong.
B. Natutukoy ang mga paraan sa pagbuo ng sintesis batay sa isang
pagpupulong.
C. Nakasusulat ng sintesis na batay sa transkripsyon ng halimbawang pulong.
D. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagbuo ng sintesis.

ARALIN: PAGPUPULONG
UNANG AT IKALAWANG ARAW (2 ORAS)

SUBUKIN (PAHINA 15)

Humanap ng kasama sa bahay na maaaring tumulong sa pagbasa ng


transkripsyon ng pulong.

PAGPUPULONG SA PAGSASAGAWA NG COMMUNITY DISINFECTION


Kapitan: Magandang araw sa inyong lahat. Nais kong pag-usapan natin
bilang mga opisyales ng ating barangay ang gagawin nating community
BALIKAN
disinfection sa darating na Sabado.
Panuto: Piliin1:ang
Konsehal Ay!ginamit
Kap., na cohesive
bakit device
po? May sa bawat
kaso po bapangungusap.
tayo ng Covid Isulat ang
sa ating
tamang sagot sa sagutang papel.
baranggay?
1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago sa
Kapitan:
larangan ng Wala
paggawanaman. Gusto lamang nating maiwasan ang pagkakaroon
ng pelikula.
A.ng kaso nitomilenyo
bagong sa ating lugar. At dapat
B. kasabay nitonga sana ay magawa natin
C.mabilis D.saito tuwing
larangan
Sabado. Kaso ay kulang tayo sa budget. Magsisimula tayo ng 8 ng umaga
2.hanggang
Hindi 5 nag-shooting
ng hapon. Angang mga
lahatartista, bagkus
ay gagamit ngdumalo sila samaprotektahan
PPE upang isang rally.
A.ang sarili.
artistaKukunin angB.mga bagkus C.nag-shooting D. rally
gagamitin dito sa barangay. Magtatalaga rin
tayo ng magdodokumento at kukuha ng larawan. Inaasahang matapos
natin ng dalawang araw ang disinfection. May tanong pa po ba? 1
Mga Konsehal: Wala na po Kap!
Kapitan: Kung gayon ay maaari na tayong magsiuwi…Salamat sa
pakikiisa.
Republic of the Philippine
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Cavite Province
ANGELO L. LOYOLA SENIOR HIGH SCHOOL

Ano ang layunin ng pagpupulong?

Ano ang usapin na tinalakay sa pagpupulong?

Paano mo illarawan ang pagpupulong na iyong napakinggan?

Kaya mo bang itala ang mga mahahalagang napag-usapan sa


pagpupulong na napakinggan at bumuo ng sinopsis?

TANDAAN:

Ang sintesis ay isang uri ng lagom ay karaniwang ginagamit sa


pagbuo ng mga akademikong sulatin at ibang anyo ng panitikan.

Ang pagtukoy sa mahahalagang impormasyon ang isa sa mga susi


sa matagumpay na pagbuo ng sinopsis. Ito ay kinakailangang maging
maayos at malinaw.

May mga hakbang sa pagbuo ng sintesis na dapat isaalang-alang


TUKLASIN
upang ito ay maging wasto at epektibo.
Sa bahaging ito ay dagdagan pa natin ang mga kaalamang taglay mo sa pagbuo ng
sinopsis. Nawa ay makatulong ito upang mabigyang-linaw pa ang mga ideyang malabo pa sa iyong
isipan.
Tara! Pag-aralan at unawain natin ang mga kahulugan ng sintesis at kung paano bumuo ng
sintesis.

Ang sintesis ay kadalasang ginagamit sa akademikong pagsulat at iba pang anyo ng


panitikan. Ang isang sintesis o pagbubuod ay maaaring isulat sa isang talata o higit pa depende sa
anyo o uri ng binubuong sintesis.
Ang sintesis ay pinaikling bersyon at nagtatasa ng iba-ibang punto ng iba’t ibang batis ng
kaalaman at impormasyon.
Layunin ng isang sintesis na mailahad ang mahahalagang kaisipang taglay ng isang
binasang teksto o napakinggang usapan. Ito ay nakatutulong upang madali at mabilis na
maunawaan ang nilalaman ng isang binasang teksto o usapan.
Sa pagbuo ng sintesis, kinakailangan ang pagbubuod ay mailahad gamit ang sariling salita
at hindi direktang halaw o direktang inilimbag mula sa isang teksto o usapin.
Kinakailangang maisama sa pagsulat ng sintesis ang lahat ng mahahalagang datos upang
mabuo ang ideya mula sa nabasa, napakinggan, at napanood.
Mahalaga ang pagtatala ng mga datos sa pagsulat ng isang sintesis. Sa pamamagitan nito,
mas napapadali ang pagbubuod at nasisigurado na wasto ang mga detalye na mailalahad sa sintesis.

2
Republic of the Philippine
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Cavite Province
ANGELO L. LOYOLA SENIOR HIGH SCHOOL

PAGYAMANIN
Nais ng mga sumusunod na gawain na mapalalim pang lubos ang iyong
kaalaman at magamit ito sa mga susunod pang aktibiti.
Pagsasanay A: Ipabasa ang transkripsyon ng pulong sa iyong magulang o sinomang
kasama sa bahay. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Kung saka-sakali na mahirapan kang tukuyin ang sagot sa bawat bahagi ay muli mong
balikan ang bahaging Tuklasin.

Pagpupulong Hinggil sa mga Bagong Tuntunin sa mga Mall


Governor Benitez: Magandang Araw sa ating lahat, sisimulan natin ang ating pulong sa
ganap na ika-9 ng umaga.
Ngayong kumpleto na ang lahat ng kinatawan at may-ari ng mga mall sa Cavite, maaari na
tayong magsimula sa ating pulong via Zoom. Batid ko na lahat kayo ay nakatanggap ng
imbitasyon ukol sa pulong na ito, simulan na natin ang ating pulong sa pagrerebisa ng ilang
patakaran sa muling pagbubukas ng ating mga mall. Batid natin na hindi naging maganda
ang unang araw nag pabubukas ng ilang establisyemento, maraming nalabag na mga
protocol. Maari ba kong humingi ng suhestyon mula sa inyo?
Mr. Santos: Magandang Araw po, ako po ay kinatawan ng AEIOU Corporation at
imunumungkahi ko po na gawing 10am hanggang 5pm na lamang po sa lahat ng mall sa
ating lalawigan.
Governor Benitez: Mall hours, 10am hanggang 5pm ang mungkahi ni Mr. Santos, sang-ayon
po ba tayo rito? Kung sang-ayon ang mayorya ay ito ang ating ipatutupad. *(Pito (7) ang
sumang-ayon, apat (4) ang hindi).
Mayorya po ay sumang-ayon na ang mall hours ay magiging 10am hanggang 5pm. Ngayon
naman po ay ating talakayin ang limitasyon ng customer sa kaniyang pag-ikot sa loob ng
mall. Mayroon po ba kayong maibibigay ng suhestyon ukol dito?

3
Republic of the Philippine
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division of Cavite Province
ANGELO L. LOYOLA SENIOR HIGH SCHOOL

ISAGAWA
Panuto: Muling ipabasa sa inyong kasama sa bahay ang mga nilalaman ng bahaging
Tuklasin ng modyul na ito. Isulat ang / kung wasto ang kaisipan at X kung hindi
wasto.

________Ang sintesis ay isang uri ng lagom o pagbubuod.


________Ang sintesis ay binubuo ng pito hanggang sampung pangungusap lamang.
________Sa pagbuo ng sintesis, mahalagang sangkap ang pagtatala ng wastong
datos.
________Ang sintesis ay kinakailangang maging maikli lamang upang ito ay mabilis
na mabasa.
________Sa pagtatala ng datos, dapat maging matalas ang pandinig at ang
memorya.
_______Dapat ay maging subhetibo sa paglalahad ng impormasyon mula sa isang
pagpupulong
_______Kinakailangang gumamit ng unang panauhan sa pagbuo ng sintesis.
_______Maging mapanuri sa pagtukoy ng pangunahin at suportang detalye.
_______Ang paggamit ng graphic organizer ay nakatutulong sa paghahanda sa
pagsulat ng sintesis.
_______Kinakailangang maging mahaba upang komprehensibo ang isang sintesis.

You might also like