You are on page 1of 62

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH

SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY

IMPLUWENSIYA NG COMPUTER GAMES SA MENTAL AT PHYSICAL


NA ASPETO SA MGA GRADE 11 NA MAG-AARAL NG KASIGLAHAN
VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
SY;.2016-2017

Mungkahing pananaliksik na inihain sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat


Tungo sa Pananaliksik

Baguio,Sarah Jane

Fortes,Carmelyn
Macasero,Daniella Mae

Castillo,Mark Christian

Gudines,Bonjobe

Labrador,Johnwell

Zambales,Jessie

T.P: 2016-2017

Ikalawang Semestre
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH
SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY

PAGPAPAKILALA NG PANGKAT

Ang bumubuo ng pangkat para sa pag-aaral na may pamagat na IMPLUWENSIYA NG


COMPUTER GAMES SA MENTAL AT PHYSICAL NA ASPETO SA MGA
GRADE 11 NA MAG-AARAL NG KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH
SCHOOL ay ang mga sumusunod:

Baguio,Sarah Jane

Fortes,Carmelyn

Macasero,Daniella Mae

Castillo,Mark Christian

Gudines,Bonjobe

Labrador,Johnwell

Zambales,Jessie

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL
INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY

KATIBAYAN NG KATANGGAPAN

Tinatanggap bilang katibayan ng pagtugon sa kahingian para sa asignaturang


Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik.

Tinanggap ngayong ____________ ng Kagawaran ng Filipino,Kasiglahan


Village Senior High School.

Tinanggap ni:

Mr. Juvenal Sambrano

Guro sa Filipino

Mrs. Clarita C. Nocon

Punong guro

iii

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang kaloob na antas ay ____________

Lupon ng Pagsusulit

Mr. Juvenal Sambrano

Guro sa Filipino

ii

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY

PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos na nagbigay ng
lakas at kaalaman sa mga mananaliksik upang matapos ang pag-aaral na ito. Lubos
din ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa mga guro na walang sawang nag-
tiyaga, sumuporta at gumabay sa mga mananaliksik upang magawa ng maayos at
tama ang pananaliksik. Nais din ng mga mananaliksik na magpasalamat sa mga
magulang na umintindi habang ginagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na
ito. Salamat din sa mga respondante na tumulong at tumugon sa aming mga
katanungan upang mahanap ang mga kasagutan sa aming pag-aaral.

B.S.J

F.C

M.D.M

C.M.C

G.B

L.J

Z.J

iv

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY

PAGHAHANDOG
Ang pag-aaral na ito ay inihahandog sa mga magulang, magaaral, guro at
Lipunan. Naway maging isang kapakipakinabang na pananaliksik na ito sa bawat
isa.

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY

ABSTRAK

Pamagat:
Impluwensiya ng Computer Games sa
Mental at Physical na Aspeto sa mga Grade
11 na Mag-aaral ng Kasiglahan Village
Mga Mananaliksik: Senior High School

Baguio,Sarah Jane
Fortes,Carmelyn
Macasero,Daniella Mae
Castillo,Mark Christian
Gudines,Bonjobe
Layunin ng Pag-aaral: Labrador,Johnwell
Zambales,Jessie

Ang layunin ng mga mananaliksik ay


malaman ang Impluwensiya ng Computer
Games sa Mental at Physical na Aspeto sa
mga Grade 11 na mag-aaral ng Kasiglahan
Village Senior High School. Layunin ng
mananaliksik na malaman ang dahilan kung
bakit nahuhumaling ang mga kabataan
ngayon sa Computer Games. Hangad din ng
mga mananaliksik na imulat ang mga
kabataan ngayon sa masamang dulot ng
sobrang paglalaro ng Computer Games
vi

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY

MGA SULIRANIN:

Ang pananaliksik na ito ay may paksang Impluwensiya ng Computer Games sa


Mental at Physical na Aspeto sa mga Grade-11 na Mag-aaral ng Kasiglahan Village
Senior High School nais malaman ng mga mananaliksik kung paano ang Computer
Games ay nakakaapekto sa isang indibidwal. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masagot
ang mga sumusonod na tanong:

1. Ano ang profile ng mga respondente ?


1.1. Kasarian
1.2. Edad

2. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling sa paglalaro ng Computer


games ang mga respondente?

3. Ano ang mga palatandaan o sintomas naang isang indibidwal ay nahuhumaling


sa paglalaro ng Computer games?

4. Ano ang epekto ng Computer games sa ibat-ibang aspeto ng buhay ng mag-


aaral?

5. Ano ang mga posibleng paraan upang maiwasan o mabawasan ang kaso ng mga
kabataan na nahuhumaling sa Computer games?

vii

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY


PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK:

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Descriptive research na isang disenyo ng


pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga nakaugnay ng paksang pinag-
aaralan. Ang descriptive research ang napiling gamitin ng mga mananaliksik sa pagkatuto
at paraan ng pagkalap ng impormasyon at ninanais ng mga mananaliksik na matugunan
ang hinihingi ng mga mambabasa.

Ang Quantitative research ay tumutukoy sa sistematiko empirical napagsisiyasat ng


panlipunang phenomena sa pamamagitan ng mga istatistika, matematika o computasional
na diskarte. Napili ito ng aming grupo sa pagkat ito ay isang paraan ng pangunahing
method upang malutas ang suliranin ng paksang pinag-aaralan at dahil sa paggamit nito
ng matematika na estadistikang pamamaraan. Gumamit din ang mga mananaliksik ng
survey questioner dahil ito ay makapagbibigay sa mga mananaliksik ng kasagutan
tungkol sa epektong pangkaisipan at pisikal ng kompyuter ng games sa mga mag-aaral.
Ang talatanungan ding ito ay karaniwang bahagi ng sarbey at itoy aming isinasagawa sa
aming pananaliksik.

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION

TECHNOLOGY
TALAAN NG MGA NILALAMAN

NILALAMAN: PAHINA
PAGPAPAKILALA SA PANGKAT ......................................................... i
DAHON NG PAGPAPATIBAY ................................................................ ii
KATIBAYAN NG PAGTANGGAP ......................................................... iii
PAGPAPASALAMAT ............................................................................... iv
ABSTRACT ................................................................................................ v
MGA SULIRANIN ..................................................................................... vi
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK .vii

KABANATA I
ANG PANIMULA AT SANLIGANG KASAYSAYAN
Panimula ....................................................................................................... 1
Saligang Pangkasaysayan ........................................................................... 5
Balangkas Teoretical .................................................................................... 15
Balangkas Konseptwal ................................................................................ 18
Paglalahad ng Suliranin ............................................................................... 19
Saklaw at Delimitasyon ................................................................................ 19
Kahalagahn ng Pag-aaral ............................................................................ 20
Katuturan ng mga Tinalakay ...................................................................... 22

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Lokal na Pag-aaral ........................................................................................ 23
Banyagang Pag-aaral .................................................................................... 26
Lokal na Literatura ...................................................................................... 28
Banyagang na Literatura ............................................................................. 30

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH


SCHOOL

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY


TALAAN NG MGA NILALAMAN

NILALAMAN: PAHINA
KABANATA III
DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMAMARAANG GINAMIT

Pamamaraang Ginamit ....................................................................................... 35


Instrumentong Ginamit ...................................................................................... 36
Pangangalap ng Datos ........................................................................................ 37
Kompyutasyong Estatdistikal ............................................................................. 38

BIBLIYOGRAPI
APENDISE
TALATANUNGAN
KURIKULUM BITA
EKSIBIT
KABANATA I

ANG PANIMULA AT SANLIGANG PANGKASAYSAYAN

Tila malaki na ang pinagbago ng kabataan noon sa kabataan ngayon dahil sa


kasalukuyang panahon maraming kabataan na ang nahuhumaling sa pag lalaro ng
kompyuter kaysa lumahok sa mga pisikal na laro,kung ikukumpara sa mga kabataan noon
na ang hilig lamang ay mag laro sa labas at makipag laro sa kapwa niya bata. Mapapansin
natin sa kasalukuyang panahon na madalas mo ng makikitang nikikihalubilo ang mga
bata sa mga matatanda.Kung ating ipagkukumpara ang mga bata ngayon sa mga bata
noon ay malaki talaga ang pinagbago ng henerasyon natin ngayon.

Masarap mamuhay sa kasalukuyang panahon dahil hindi ka mauubusan ng


paglilibangan marami ng umuusong larong ngayon tulad ng Dota, LoL, Counter at
marami pang ibang larong kompyuter games. Kung di naman kaya ng budyet meron din
mga arcade game na pwedeng pag laruan ngunit iilang lugar na lamang ang meron nito,
matatagpuan rin ang arcade game sa mga arcade zone na meron sa mga sm.

Kalimitan sa mga manlalaro ngayong na makikita sa net cafe ay mga bata at


matatanda, samantalang noon matatanda lamang ang makikita sa mga kompyuter shop
ngunit ngayon maski bata ay nagiging suki at parokyano narin ng mga kompyuter shop.
Lingid sa kaalaman ng mga manlalaro ang masamang epekto ng matagalang pag gamit
ng kompyuter ilan sa mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyuter games ay ang
pagiging bayolente ng manlalaro resulta ng natutunan nila sa laro at dagdag pa rito ay ang
pagiging iritado ng mga manlalaro sa tuwing sila ay matatalo o di kayay naman dahil sa
hindi sila makapaglaro.Nagiging malnourished din ang manlalaro dulot ng hindi pagkain
sa tamang oras dahil masyado silang tutok at pukos sa kanilang pag lalaro. Isa pa pinaka
primerang tinatamaan nito ay ang utak dulot ng hindi pagkain ng tama nakakaranas sila
ng pag sakit ng ulo at mga delusyon at kung ano ano pa.

Ayon sa ilang mga pag aaral,karamihan sa mga naadik sa mga kompyuter games ay
mga lalaki dahil ayon sa ilang pag aaral ang mga lalaki ang mas aktibo sa paglalaro kaysa

1
mga babae dahil sa tuwing natatapos nila ang isang laro nagdudulot ito na maghanap pa
ng ibang laro dahil sa kanilang nakompleto tumataas ang kanilang self confidence sa pag
lalaro.

Marami sa mga nahuhumaling na kabataan ngayon ay mga istudyante kung kayat


ipinatupad sa ibang lugar sa pilipinas ang pagpapatayo o pagkakaroon ng malapit na
computer shop sa paaralanupang upang mapigilan ang pagiging adik ng mga estudyante
sa kompyuter games.Kadalasan kasi na dumediritso ang mga estudyante sa computer
shop kesa sa paaralan,nagreresulta ito sa pagbaba ng mga grado ng estudyante.Abg
sobrang pagkahumaling ng mga estudyante sa paglalaro ng kompyuter games ay
nagreresulta sa academic performance ng isang mag-aaral.

Maraming mag-aaral ang nagwawaldas nang kanilang mga pera sa pag-lalaro ng


kompyuter games,minsan pa nga ang kanilang pera ay ginagamit pa nila upang ipambili
ng tinatawag na Virtual Money,ito ay ang perang ginagamit sa ilang kompyuter games.
Ang pag-lalaro ng mga larong sa kompyuter ito ay aksaya sa oras lalo na at kinakain nito
ang oras mo na dapat ginagamit mo upang mapaunlad ang iyong sarili at ang iyong pag-
aaral. Ilan sa mga larong ginagamitan ng virtual ay ang larong Special Force , Crossfire ,
Cabal , etc. Hindi lamang oras ang sinasayang ng kompyuter games sinasayang din nito
ang buhay at inaagaw din nito ang kakayahan mong matuto.

Ang adiksyon sa mga kompyuter games ay nilalayo ang mga mag-aaral sa tunay na
mundo na dapat para sa kanila. Ang mundo na dapat ay lumilinang sa kanilang mga
isipan para magging mga propesyonal sa hinaharap.Ito ay nagbibigay ng mga
halimbawang hindi makakatulong sa paghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang
pagkatuto. Minsan pa nga sa sobrang adiksyon ay hindi na pumapasok ang mga mag-
aaral sa paaralan,imbis na pumasok ay nag-cu-cutting classes sila para lamang makapag
laro ng mga kompyuter games.

Marami sa mga kabataan ngayong ang nagiging obese at malnourish dahil sa pag
lalaro ng kompyuter games,samantalang dati nag lalaro lamang sila sa labas at nag

2
kakaroon sila ng kahit papano ng ehersiyo. Sa ngayon puro virtual na laro na ang nilalaro
ng mga kabataan kung kaya't nawawalan sila ng kapasidad na gawin ang gawaing bahay
gumawa ng takdang aralin at mag ehersisyo.

Bukod pa rito marami sa kabataang ito ang napapabayaan ang ibat ibang aspeto ng
kanilang buhay tulad na lamang ang aspetong sosyal na talaga namang nakakabahala.
Kaya ninais na gamitin ng mga mananaliksik ang survey upang malaman ang mga epekto
nito sa kanila at mga saloobin nila tungkol dito. Lalo na at karamihan sa mga kabataan
ngayon ay wala nang sinasanto, napapasok na sa ibat ibang bisyong at gulo na alam
nilay masama ngunit pinag-sasawalang bahala na lamang nila ito.

Madalas silang nasasangkot sa alak, sigarilyo, pagbababad sa kompyuter, droga,


premarital sex at iba pang bisyo na nakasasama sa kanila. Hindi lamang sa kalusugan at
pag-aaral ang naapektuhankundi pati na rin ang kanilang aspetong sosyal ay nalalagay
din sa alanganin tulad nalang pakikipag talo sa magulang, di maayos na pakiki tungo sa
iba, pigiging drug adik at iba pa. Ilan lamang ito sa mga nagiging problema ng mga nag
lalaro ng kompyuter games.

Ilan sa mga larong nauuso ngayon ay nag tataglay ng mga masamang elemento
sinasabi ng sikologo sa militar na si David Grossman, awtor ng aklat na On Killing, na
sinasanay ng karahasan ng mga laro sa computer ang mga bata sa katulad na paraan kung
paanong itinuturo sa mga sundalong sinasanay sa militar na kanilang daigin ang likas na
pagtangging pumatay. Halimbawa, natuklasan ng militar na posibleng unti-unting alisin
sa mga taong nasa impanteriya ang malaking porsiyento na mag-atubiling pumatay kung
papalitan lamang ng hugis-taong mga tudlaan ang pangkaraniwang inaasintang tudlaan sa
panahon ng pag-eensayo sa pagbaril. Sa katulad na paraan, ang sabi ni Grossman,
tinuturuan ng mararahas na laro ang mga bata ng kakayahan at pagnanais na pumatay.

Ayon naman sa pananaliksik na lumitaw sa Journal of Personality and Social


Psychology, ang karahasan ng laro sa video at computer ay maaaring mas mapanganib pa
nga kaysa sa napapanood na karahasan sa telebisyon o mga pelikula, bagay na nakikita
ng naglalaro ang kaniyang damdamin sa mga tauhang gumagawa ng karahasan.

3
Ginagawa tayo ng telebisyon na tagapanood ng karahasan; maaari naman
tayong gawin ng mga laro sa computer na waring tayo ang gumagawa ng karahasan. Isa
pa, gugugol lamang ng ilang oras para mapanood ng isang bata ang isang pelikula, subalit
maaaring gugulin ng isang bata ang hanggang 100 oras niya para matutuhang mabuti ang
isang pangkaraniwang laro sa video. May mga maganda rin namang nadudulot ang
kompyuter games gaya ng ibang laro na may mga simulator gaya ng farmville , na kung
saan tinuturuan ang manlalaro na mag alaga ng hayop sa mga ilang simulator tinuturuan
tayong mag tanim ng halaman atbp.

Pero sa ngayon mas kinahihiligan ng mga kabataan ang pag paglalaro ng mga larong
marahas dahil mas puno ng aksyon at mga bagay na di nila nagagawa sa totoong mundo.
Ang layunin ng aming pag aaral ay suriin ang mga masamang epekto ng kompyuter sa
pisikal at mental na aspekto ng mga manlalaro dahil ilan rin sa aming grupo ay
nakakaranas ng mga sintomas ng pag-ka-adik sa kompyuter games, nais naming bigyang
pansin ang problemang ito sa ating lipunan na lumalason sa pang kaisipan ng kabataan,
sa darating pang henerasyon ang mga bata paba'y magiging pag asa ng bayan kung bata
pa lamang ay nagiging adik na. Layunin ng pananaliksik na ito na ipamulat hindi lamang
sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa ibang kabataan ang hindi magandang naidudulot ng
kompyuter games. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maaring mabawasan kahit
papaano ang kaso ng mga kabataang nahuhumaling sa kompyuter games.

4
SALIGANG PANGKASAYSAYAN

Sa kasalukuyan panahon, kompyuter games ang pinaka sikat na pinag lilibangan ng


kabataan, ang kompyuter ang games ang pinaka bagong likha ng makabagong
teknolohiya, ito ayginagamitang internet at lan connection.

May dalawang uri ng kompyuter games ito ay ang Online Games at Offline Games.
Ang Online game ay ginagamitan ng internet ilan sa mga larong pasok rito ay ang League
Of Legends, ang larong ito ay gawa ng Riot, ang mekaniks ng game ay mangalap ng
ginto at bumili ng sandata at armas pandigma, kailangan sirain ang mga tore at nexus ng
kalaban upang manalo pag-katapos na laro ay may mga binibigay na influence points na
pambili ng hero or champion. Isa pa sa kinababaliwan ng buong mundo na laro ay ang
Dota 2.

Offline game ito naman ay ginagamitan lan connection kahit walang internet ay
makakalaro ka isa sa mga tanyag na laro dito ay Warcraft, ang mundo ng Warcraft ay
nakatayo bilang ang pinakamahusay na laro sa tanyag na serye, ang Warcraft ay naging
malaking tagumpay mula noong inilunsad ito noong Nobyembre 2004, Ito ay kinilala ng
mga kritiko at naging milyon milyon ang manlalaro nito.

Ang Dota ay nagsimula sa isang laro na tawag ay Warcraft 3: Frozen Throne. Sa


larong Warcraft 3 ay gumawa ang isang programmer ng isang stage na custom o sariling
mapa at magkaiba ito sa orihinal na storya ng warcraft. Ang nagawa niyang mapa ay
kinilala na ngayon na Dota or Defence Of The Ancient. Sa larong ito ay pipili ka ng
isang bayani or champion na ikaw ang gagalaw at may mga kakampi at kalaban.
Maraming tao ang naakit sa Dota at ito ang simula ng pagkauso o pagiging popular ng
Dota. Dahil dito maraming game company ang nagsimulang gumawa ng bariasyon nito.
Ang mga bariasyon nito na lumabas ay ang Heroes of Newearth, League of Legends.

5
Ang Defense of the Ancients (mas kilala sa tawag na DotA, at maaaring isalin sa
Tagalog bilang Tanggulan ng mga Sinauna) ay isang larong nagmula sa larong
bidyo na Warcraft: Reign of Chaos ,nang maglaon ay naging Warcraft: Frozen Throne.
Ang Mapa nito ay base sa mapang Aeon of strife ng larong Starcraft. Ang layunin sa
larong ito ay sirain ang mga imprastruktura sa kampo ng kalaban. Ang bawat manlalaro
ay mayroong katumbas na yunit. Katulad ng iba pang mga RPG, ang bawat manlalaro
ay nag-iipon ng ginto pambili ng gamit habang pinapataas ang antas ng kanilang
karakter.Ang DotA ay pinangungunahan ng dalawang pangkat ng manlalaro na kapwa
sumasalungat sa isa't isa: Ang Sentinel at ang Scourge. Ang mga manlalaro sa pangkat
ng Sentinel ay naka-base sa Timog-kanlurang bahagi ng mapa, samantala ang mga nasa
pangkat ng Scourge ay naka-base sa Hilagang-silangang rehiyon nito. Ang bawat kampo
ay dine-depensahan ng mga tore at bugso ng mga karakter (creeps kung ito ay tawagin)
na nagsisilbing tagapagbantay ng ruta patungo sa pinamumugarang puwesto ng isang
kampo. Sa gitna ng mga kampong ito, nakatayo ang isang antigong istruktura, ito ay
isang gusali na kinakailangang sirain upang manalo ang isang koponan sa laro.

Ang bawat manlalaro ay maaaring gumamit ng isang karakter (hero), isang


makapangyarihang yunit na walang ibang kawangis sa mga abilidad. Sa DotA, ang mga
manlalaro sa bawat kampo ay pipili ng kani-kanilang karakter na gagamitin sa 112 yunit
na maaari nilang pagpilian. Ang bawat hero ay nagtataglay ng kakaibang abilidad at
taktikal na kalamangan mula sa ibang mga karakter. Ang eksena ay mariin na nakatuon sa
pangkatang oryentasyon. Mahirap para sa isang manlalaro na dalhin ang kanyang mga
kasama sa koponan at ipanalo ang laro nang nag-iisa lamang.Ang laro ay maaaring
salihan ng aabot sa sampung katao na hahatiin sa limang manlalaro bawat grupo na
maaaring pang madagdagan ng aabot hanggang sa dalawang tao upang magsilbi bilang
mga tagapagmasid, kadalasan ang feature na ito sa mga larong may lima-katao sa bawat
partido.

Ang larong ito ay umiikot sa pagpapaibayo sa bawat indibidwal na karakter, kung


kaya't ito ay hindi na nangangailangan pa ng pangangasiwa ng mga kasangkapan at
pagtatayo ng mga istruktura gaya ng mga kadalasang isinasagawang pamamaraan sa mga

6
tradisyunal na Online Role-Playing Games. Ang pagpatay sa mga niyutral na yunit na
kinokontrol ng kompyuter ay mainam upang makalikom ng puntos mula sa
karanasan ang isang manlalaro. Sa oras na makamit ng isang player ang kinakailangang
puntos, ang manlalaro ay aakyat ng isang lebel. Ang pag-akyat ng lebel ng isang karakter
ay makakapagpaibayo sa abilidad ng hero na kanyang ginagamit, kalakip pa ang unti-
unting pagtaas ng mga ornamental nitong salik (Strength,Agility,Intelligence,
Damage,LifePoints,at Mana).Bilang karagdangan sa mga karanasang ito,
pinangangasiwaan din ng isang manlalaro ang kanyang indibiwal na yaman, gamit ang
ginto bilang representasyon ng salapi. Ang tipikal na pagkuha ng yaman mula sa pagbuo
ng mga istruktura, mula Warcraft 3, ay napalitan sa pamamagitan ng sistema ng
pananalapi mula sa indibidwal na engkwentro na siyang mararanasan ng isang manlalaro
habang tumatagal ang labanan. Bukod sa maliit at peryodikong sistema ng pananalapi,
ang isang karakter ay maaari ding kumita ng ginto sa pamamagitan ng pagpatay ng mga
yunit (mas pamilyar sa tawag na creeps), pagwasak sa mga istruktura ng katunggali, at
pagpatay sa mga karakter ng kalaban. Ang konotasyon na ito ang nagsilbing hudyat
upang maitutop ang istilong tinatawag na "last-hitting," kung saan humahanap ng isang
tiyempo ang manlalaro para patayin ang isang yunit sa pamamagitan ng isa o higit pang
tira, kalakip ang kalagayan na ito ay nasa kritikal nang estado at malapit nang makitil.
Gamit ang ginto (pera), ang mga manlalaro ay bumibili ng mga kagamitan (aytem) upang
mapalakas pa ang kanilang karakter at makalikom ng dagdag na kakayahan. Ang mga
aytem na ito ay maaaaring pagsamahin upang makabuo ng mas makapangyarihang gamit.
Ang pagbili ng aytem na tumutugma sa estado ng isang karakter ay isang mahalagang
elemento sa paglalaro ng Dota. Ang paraan ng pagpili ng aytem ay nakakaapekto sa
presentasyon ng isang manlalaro kung saan ang isang aytem ay maaaring
makapagdagdag ng puntos sa isang istatistika ngunit ang ibang ornamental na aspekto ay
maaari ding maiwang hindi nababago o nabibigyan ng karagdagang atribusyon.

Ang mapa ay ginawa na ginagamit ang World Editor ng Warcraft: Reign of


Chaos at nangmaglaon ay binago nang dumating ang Warcraft 3:Frozen Throne. Simula
nang malikha ang larong Dota, marami nang pagbabago ang naganap dito (pinakasikat

7
ang Dota Allstars) at nang tumagal ay tinawag nang Dota (bersyon 6.68). Ibat ibang tao
ang nasa likod ng pag-unlad ng larong ito. Isa narito si Icefrog na siyang nagpapanatili
ng laro simula pa nung 2005 hanggang ngayon.

Ilang beses ng nasali ang larong ito sa mga opisyal na patimpalak sa buong mundo.
Kabilang na dito ang Blizzard Entertainment's BlizzCon, Asian World Cyber Games,
Cyberathlete Amateurat at CyberEvolution leagues. Ayon kay Gamasutra, ang Dota na
marahil ang pinakasikat na libreng laro sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay gumagawa
ang Valve Corporation ng sequel ng Dota (Dota 2).

Ang Dota 2 ay isang libreng free to play multiplayer online battle arena (MOBA)
video game na binuo at nai publish sa pamamagitan ng Valve korporasyon. Ang Dota 2
ay isang stand-alone na karugtong ng sa Defence Of The Ancient (DOTA), kung saan ay
isang community nililha mod para sa Blizzard Entertainment Warcraft 3: Reign of Chaos
at ang pag papalawak ng pack, The Frozen Throne etc. Ang Dota 2 ay nilalaro sa mga
tugma sa pagitan ng dalawang koponan na binubuo ng limang mga manlalaro, na may
parehong mga koponan at may kanikanilang sariling hiwalay na base sa iisang mapa. Ang
bawat sampung manlalaro ay may isang hero na kokontrolin at papalakasin, ang bawat
hero ay may sariling kakayahan at mag kakaiba sila ng mga katangian, upang manalo
kailangang wasakin ang istrukturang Ancient.

Ang pag unlad ng Dota 2 ay nag sisimulang noong 2009, Si Icefrog ang nag
disenyo ng mapa ng orihinal na Dota. Sa pamamagitan ng korporasyong Valve ang Dota
ay naging opisyal na laro noong 2008. Pag katapos maging pinaka malawak na online
moba ang Dota 2 ay nagkaroon ng ibat ibang tournament gaya ng premier eSport.

Counter Strike isa sa mga na kinahiligan ng mga matatanda noong 2010, ang
larong ito ay katulad ng mga larong Medal Of Honor , Call Of Duty etc. Ang larong ito
ay gumagamit ng ibat ibang uri ng baril at iba pang equipment na ginagamit pang gera.

Left 4 Dead ito naman ay gawa rin ng Valve ang larong ito naman ay tungkol sa
mutation ng mga tao at sila ay naging mga bangkay na nag lalakad meron apat na

8
survivors sila ang magsisilbing karakter ng laro na kailangan kontrolin ng manlalaro.

Ayon sa article ni Mary Bellis ang unang computer game ay ginawa ni Steve
Russell ito ay ang "Space War". Ang larawan sa gilid ay ang piktyur ng pinaka unang
computer games sa buong mundo ayon kay Mary Bellis. Sinabi rin ni Mary Bellis sa
kanyang article na ang pinaka unang computer games na maaring laruin sa isang
telebisyon ay ang "Chase" nppa ginawa ni Ralph Baer noong 1967. Ayon muli sa artikulo
ni Mary ang pinaka unang arcade game ay ang "Computer Space" na base sa na unang
laro ni Steve Russel na "Space War" na ginawa ni Nolanp Bushnell at Ted Dabney noong
1971 at noong 1972 nilabas ni Nolan Bushnell ang larong "Pong" na ng kinalaunan ay
ginamit na pambahay na laro ng "Atari Video Game".Isa namang artikulo ang nabasa ng
mga mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng kompyuter games ito naman ay ayon sa
artikulo ni Geoff Edgers.

Ayon kay Geoff ang unang game console ay tinatawag na "Atari VCS" ito raw ay
nakabenta ng 30 million na uri nito, ito ay may dalawang joystick at itong console na ito
ang naghari hangang kalagitnaan noong 1980's ngunit marami daw ang hindi na
nakuntento sa game console na ito kaya dito nag simula ng pag gawa ng laro ang
nintendo ayon ito kay Geoff.

Ayon sa article ni Mary Bellis ang unang computer game ay ginawa ni Steve
Russell ito ay ang "Space War". Ang larawan sa gilid ay ang piktyur ng pinaka unang
computer games sa buong mundo ayon kay Mary Bellis. Nabangit rin Mary Bellis sa
kanyang article na ang pinaka unang computer games na maaring laruin sa isang
telebisyon ay ang "Chase" na ginawa ni Ralph Baer noong 1967. Ayon muli sa artikulo ni
Mary ang pinaka unang arcade game ay ang "Computer Space" na base sa na unang laro
ni Steve Russel na "Space War" na ginawa ni Nolan Bushnell at Ted Dabney noong 1971
at noong 1972 nilabas ni Nolan Bushnell ang larong "Pong" na ng kinalaunan ay ginamit
na pambahay na laro ng "Atari Video Game".Isa namang artikulo ang nabasa ng mga
mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng kompyuter games ito naman ay ayon sa artikulo
ni Geoff Edgers.

9
nakabenta ng 30 million na uri nito, ito ay may dalawang joystick at itong console na ito
ang naghari hangang kalagitnaan noong 1980's ngunit marami daw ang hindi na
nakuntento sa game console na ito kaya dito nag simula ng pag gawa ng laro ang
nintendo ayon ito kay Geoff.

1. Hindi ipinagbabawal ang pagtatayo ng computer shop sa tabi o paligid ng


mga eskwelahan. Pero mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga laro
tulad ng DOTA, SF, CF, CS at ibang pang mga Online games na
kinahuhumalingan ng mga kabataan. Sa UP diliman, ang mga computer shops sa
SC at sa ISKO ay magagamit lamang pang type at pang surf sa net. Kaya kung
isa ka sa mga estudyante dito at nangangati na ang kamay mong maka-beyond
godlike ay kailangan mo pang pumunta sa Philcoa para lamang makamot mo
ang iyong kamay. Tatamarin ka ng bumiyahe dahil gagastos ka rin pa ng extra
para sa pamasahe. Mag aaral ka na lang ng mag aaral o mag jojogging ka na
lang. Well, mas magiging produktibo naman ang buhay mo kesa sayangin mo
ang allowance at oras mo sa paglalaro ng 4 na oras na straight. Libong
estudyante ang magwewelga. Kung hindi umepek ang pagwewelga nila, gagawa
sila ng paraan tulad ng pagdadala ng Flash drive para makapaginstall ng laro.
Pero hindi pa rin sila papayagan dahil sa pangalawang batas.

2. Ang computer shop na mahulihan na may naka-install na laro o mga


estudyanteng nag-install ng laro na mga nabanggit ay magmumulta sa 1st
offense ng P300,000, 2nd offense P500,000, 3rd Offense P1,000,000 at
pagtanggal ng permit sa mga establisyimento.
Oo, alam namin na malulugi ang mga may ari ng computer shops. Pero mas
maraming maluluging mga bata kapag hindi kayo umayos. Kayo pera lang ang
mababawas sa inyo, sila pera, talino at oras ang makakain sa kanila.

10
3. Papayagan lamang ang mga computer shop na makapag-install ng games na
mga nabanggit kung walang school na nakapaligid sa kanila within 400m radius.
Layunin ng batas na ito na malayo ang mga kabataan sa pagkaadik sa computer
games dahil ang lubusang pag-kaadik dito ay magdudulot ng pagkababa sa
kanilang mga grado. Kung ang kalidad ng mga estudyante sa pilipinas ay
mababa, mababa rin ang magiging kalidad ng kanilang mga trabaho.

Kung 400m kalayo sa iyo ang laruan ng computer willing ka bang maglakad
(para sa mga walang kaya) para lang makapag-ranggo sa SF? Gagastos ka ba ng
6 pesos (para sa may kaya)? (Para sa mga mayayaman, Oo wala kayong
limitasyon. Makakapaglaro kayo hanggang sa gusto niyo dahil ano ba naman
ang 6 pesos para sa inyo. At malamang sa malamang, ok lang din naman sayo na
ikaw ang pinakamababa ang grade sa klase niyo)

4. Ang mga Computer shop ay magbibigay ng 20% na diskwento sa first hour ng


kanilang pagrenta at 15% naman na diskwento sa mga estudyante pag lumagpas
sa isang oras. May 10% discount naman sa iba pang serbisyo tulad ng printing at
scanning. Ang printing ng black sa short bond ay di lalagpas ng 3 piso ang
singil. Ang printing ng colored font o pic sa short bond ay hindi lalagpas ng 15
pesos ang singil. Ang maningil ng labis sa nasabing halaga ay agad na
tatanggalan ng permit pag napatunayan.
May mga proyekto minsan ang mga bata na kailangan gumastos ng papel tulad
ng essay writing at mga research. Kung ang singil sa iyo sa black print per page
ay 5 pesos, gaganahan ka bang pahabain at gandahan ang papers mo? Kung
siningil ka ng 40 pesos para sa pinaghirapan mong idesign na front page na
colored, gaganahan ka pa bang ibuhos ang idea at galing mo? Kung 20 pesos
lang ang binigay sayo ng nanay mo panggawa ng homework na computerized
magkakasya ba ito? Malamang kung anong unang lumabas sa google yun na
agad yun. Hindi magiging intensive ang magiging resulta ng research nila dahil
sa singil na hindi naman talaga nila abot-kaya.

11
Para sa ilang computer shop, hindi kailangang nakabukas ang aircon ng
computer shop niyo buong araw kahit 3/10 lang ang nakaupo dito. Sapat na na
walang tumutulong pawis sa aming mga leeg habang kamiy dumudutdot ng
keyboard. Ang kuryenteng inyo sanang babayaran ay ibawas niyo na lang sa
aming rerentahan.

5. Lahat ng computer sa computer shop ay kailangang may tig-iisang headset.


Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-gamit ng speakers. Dapat rin na may naka-
install na Microsoft or Open office, Adobe Photoshop, PDF at Auto Cad.

Isipin niyo naman na hindi lahat ng nasa computer shop ay naglalaro.

6. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng dirty promo sa mga computer


shop na pinapayagang mag-install ng games tulad ng 99 pesos only if you play
10 straight hours , 10 pesos per hour rate during midnight until 5am , Play 3
hours every day for 1 week and youll receive free umbrella at iba pa.
Ito ang nagiging dahilan sa iba kung bakit sila naaadik. Akala nila ay nakatipid
sila ng malaki kapag pinatos nila ang promo na ito. Kaya imbis na 2 hours ka
lang sana maglalaro tuwing sabado ay papatusin mo na ang 99 pesos nila. Imbis
na natutulog ka na ng mahimbing sa gabi ay gigising ka ng alas dose para
makatipid. Yan tuloy laging late pag pumapasok sa school o laging inaantok.

7. Bawal ang mga naka suot ng school uniform sa mga computer shop na
pwedeng mag lagay ng games
Atleast alam man lang ng magulang ng mga highschool student na galing na sila
ng kani-kanilang bahay dahil nakapagbihis na sila ng kani-kanilang damit.
Malamang sa malamang ay magbabaon na sila ng kani-kanilang damit sa school
pa lang para diretso na. Pero magsasawa rin sila dahil malamang ay magpapalit
din sila ulit ng kanilang school uniform bago sila umuwi. Kung hindi, mahuhuli
sila ng kani-kanilang mga magulang.

12
8. Bawal na ang slow na taga-bantay ng comp shop. Merong kasing ibang taga-
bantay na hindi man lang marunong gawing landscape ang portrait. 3 times 7
kina-calculator pa. Pag nagpa-in ka sa computer number 11, computer number 2
yung bubuksan. Tatanggap ng printing at isasalpak pa niya ang Flash drive mo
sa USB tapos kokopyahin pa yung files mo sa desktop tsaka sasabihin Ay wala
na nga pala kaming colored. Sana man lang pag ka abot ng USB tinatanong na
agad kung colored ba o hindi.

Ang larong online (Ingles: online game) ay isang laro na nilalaro sa ilang uri
ng computer network.Ito ay halos palaging gumagamit ng Internet o katumbas na
teknolohiya, at kung anong teknolohiya ang mayroon: modem bago ang Internet, at hard
wired terminal bago ang modem. Ang paglawak ng online gaming ay sumasalamin din sa
pangkalahatang pagbabago ng mga network na kompyuter mula sa maliit na lokal na
network sa Internet at ang paglago ng Internet mismo. Ang online games ay maaaring
sumaklaw mula sa simpleng texto na laro hangang sa mga larong may kumplikadong
grapiko at virtual na mundo na may maraming manlalaro. Maraming mga online games
ay kadalasang mayroong online na komunidad, na nagpapakita na may malawak na
pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pangisahang laro.

Ang tumataas na katanyagang Flash at Java ay humantong sa rebolusyon sa


Internet kung saan ang mga website ay maaari ng gumamit ng mga video, audio, at iba
pang bagay na nakakatulong sa gumagamit. Ang Microsoft ay nagsimulang isama
ang Flash bilang bahagi ng IE, ang Internet ay nagsimulang magbago mula sa simpleng
bahaginan ng data hangang sa pagkuhaan ng aliw. Ang rebolusyong ito ang nagbigay ng
daan para sa mga site na nag-aalok ng mga laro sa mga surfers sa web. Ilan sa mga online
multiplayer na laro tulad ng World ng Warcraft, Final Fantasy XI at Lineage II ay
naniningil ng buwanang bayad upang makatanggap ng kanilang mga serbisyo, habang
ang mga laro tulad ng Guild Wars ay nag-aalok ng alternatibong paraan kung saan hindi
sila nagpapabayad. Maraming ibang mga site ang umaasa sa kita sa paglalagay ng mga
advertisement mula sa on-site isponsor, habang ang iba, tulad ng RuneScape, at Tibia ay
nagpapalaro sa mga tao ng libre habang kung ikaw ay magbabayad ay makakatanggap ng

13
ilang dagdag na serbisyo.

Matapos ang dot-com bubble noong 2001, maraming mga site na umaasa sa
advertising ay humarap sa matinding kahirapan. Sa kabila ng pababa nga kakayahang
kumita ng mga website ng online gaming, may mga ilang mga site ang nakapagpatuloy sa
pabago-bagong merkado ng advertisments sa pamamagitan ng paggamit ng cross-
promote para sa paghimok ng mga bisita sa web upang bisitahin pa ang ibang website ng
kompanya upang mapababa ang pagkalugi ng mga tagapamahala ng mga online games.

Ang katagang online gaming para sa maraming mga grupo ay mahigpit na


tumutukoy sa mga laro na hindi kasangkot ang pustahan, bagaman maraming pa ring
gumagamit ng termino na online gaming bilang kahalintulad sa online na pagsusugal.
Ang artikulong ito ay tumutuon sa mga online games na hindi kasangkot ang mga
pustahan, online na pagsusugal ay tinatalakay sa isang hiwalay na artikulo.

"Ang Online gaming ay isang teknolohiya kaysa sa isang genre; isa itong
mekanismo para sa pagkonekta ng mga manlalaro para magkasama kaysa sa isang
partikular na uri ng paglalaro." Ang mga online games ay nilalaro sa ilang uri
ng computer network, na sa ngayon ay karaniwang sa Internet. Isang bentahe ng mga
online games ay ang kakayahan nitong kumonekta sa mga multiplayer game, bagaman
ang single-player online na laro ay lubos na karaniwan pa rin.Ang mga unang real-time
strategy na laro ay may konsepto ng ilang manlalaro sa loob ng isang lokal na network o
modem. Tulad ng Internet nagsimulang lumago sa panahon ng 1990s, ang software ay
binuo upang magpapahintulot sa mga manlalaro na magtunnel ng mga protocol LAN na
ginagamit ng mga laro sa Internet. Bago matapos ang 1990s, karamihan sa mga RTS
games ay may suporta galing sa Internet, na nagpapahintulot sa mga manlalaro mula sa
buong mundo upang makapaglaro sa bawat isa. Ang serbisyo ay nilikha upang payagan
ang mga manlalaro upang awtomatikong tumugma laban sa ibang manlalaro na
nagnanais na maglaro o lobbies na kung saan ang mga tao ay maaaring magkita-kita sa
loob ng mga game rooms. Isang halimbawa ay ang MSN Gaming Zone kung saan ang
komunidad ng mga online games ay nabuo sa pamamagitan ng aktibong mga manlalaro
mula sa mga laro, tulad ng Age of Empires at Microsoft Ants.

14
BALANGKAS THEORITICAL

SOCIAL LEARNING THEORY

Ang teoryang ito ay nakabatay sa obserbasyon ni Albert Bandura (1977). Ayun dito
ang bawat indibidwal ay natututo ng mga bagay bagay sa pamamagitan ng kanilang
obserbasyon o sa impluwensya ng kapiligiran o lipunang ginagalawan.
Sosyalismo,ang teoryang ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng bawat indibidwal sa isang
bagay. Bandura (1977) Ang pag-aaral ay magiging malubhang matrabaho hindi mailakip
ang mga mapanganib, kung ang mga tao ay aasa lamang sa epekto ng kanilang sariling
mga pagkilos upang ipaalam sa kanila kung ano ang gagawin.
Ang bawat tao ay natututo, nahuhumaling, at pag nag tagal ay kanilang kinaadikan
ang mga laro sa kompyuter. Ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan lamang ng pag-o-
obserba ay natututo ang isang indibidwal na maglaro ng computer games kahit na hindi
pa nila ito alam o nasusubukan. Ang iba naman ay naiimpluwensiyan ng mga kaibigan
nilang bihasa o may kaalaman sa paglalaro ng computer games,tinuturuan sila kung ano
at pano laruin ang isang laro hanggang sa matuto ito sa kung ano ang gagawin habang
naglalaro. Ang ilan naman ay ninanais na matuto na maglaro ng computer games dahil
iniisip nila na nakaka-astig ito. Isa pa sa mga rason ay naiingit sila sa mga kaibigan o
ibang tao na marunong maglaro ng computer games o di kayay iniisip nila sa isang
magandang libangan o pampailipas ng oras ang paglalaro ng computer games. Lingid sa
kaalaman nila na unti-unti na pala silang nahuhumaling ng sa computer games. Ang
sobrang pag-kahumaling ng isang indibidwal sa kompyuter ay nagreresulta ng masamang
epekto hindi lamang sa kanilang kalusugan kundi pati narin sa kanilang pag-iisip na
aspeto.

15
CONSENSUS THEORY

Ang Consensus Theory ay batay kina Durkhiem, Parsan, Merton, ay nag sasaad na
nakabase sa lahat ng aspeto ng lipunan katulad na lamang ang ibat-ibang institusyon,
sektor at kung ano-ano pa ang nagsisilbing gabay sa atin upang mabuhay ng matagal at
payapa sa mundo.
Ayon sa teoryang ito ang bawat indibidwal sa lipunan ay nakabase sa lipunang
kanyang ginagalawan. Tulad na lamang sa kung paano maimpluwensiyahan ng lipunang
kinagagalawan ang isang kabataan sa paglalaro ng computer games. Nakikita ng mga
kabataan ngayon na maraming nang nahuhumaling sa mga laro sa computer kung kayat
kanila narin itong susubukan nang sagayon ay malaman nila kung bakit
kinahuhumalingan ng ibang kabataan ang mga laro sa computer. Dahil sa pagiging curios
ng isang kabataan sa paglalaro ng computer games unti-unti nila itong pag-aaralan
hanggang sa kanilang malaman ang mga sagot sa kanilang mga katanungan hindi nila
namamalayan na unti-unti na pala nilang kinagigilawan ang paglalaro ng computer games
na nag-reresulta sa tuluyang pagkahumaling ng isang kabataan sa computer games.

SYMBOLIC INTERACTIONISM THEORY

Ang teoryang ito ay batay kina Blumer, Mead, at Goffman na nagpapatunay na ang
sosyalismo ay isa sa mga nagbibigay ng kahulugan sa mundo ng mga tao. Ang pag-uugali
ng mga tao ay hindi lamang malalaman sa kung may gusto lamang ito sa isang sitwasyon
pero dahil narin sa kung paano bigyan ng kahulugan ng tao ang isang sitwasyon.
Ayon sa teorya, ang tao daw ay hindi nakabatay sa gusto nila o nais sa isang
sitwasyon o bagay ito ay sa kung paano nila bigyan ng kahulugan ang isang sitwasyon.
Kugnay sa aming pananaliksik ang kagustuhan ng mga kabataan ay naka batay sa
kanilang kapaligiran, dahil sa mga taong nakakaimpluwensya sa kanilang kaisipan ang
pagbibigay ng kahulugan ng mga kabataan sa mga laro sa kompyuter ay nagiging
masama.
16
Dahil sa mga kabataang hindi na pumapasok sa paaralan at puro pag lalaro nalang
ng kompyuter ang alam ay naiimpluwensyahan nito ang kagustuhan ng ibang nais mag-
aral na magla na lamang din ng kompyuter games kesa sa pag-aaral at isa ring batayan
nito ay higit na makakahanap ng kasiyahan ang isang mag-aaral sa paglalaro ng
kompyuter kesa sa pag-aaral.

NEED THEORY

Ang teoryang ito ay ginawa ni Psycologist David McClelland noong 1960s at


batay sa obserbasyon ni Maslows sa need theory. Naka pokus dito ang pangangailangan
ng isang indibidwal pang araw-araw na gawain.
Ayon sa teoryang ito kaya nila natututunan ang isang bagay dahil sa kailangan nila
sa pang araw-araw na gawain. Tulad narin sa kompyuter, dahil sa kailangan nila ang
kompyuter lalo na ng mga katulad namin mag-aaral ay natututunan nila kung paano
laruin ang mga laro sa kompyuter dahil habang may ginagawa sila na gawaing pang
eskwela ay isinasabay narin nila ang pag lalaro at minsan pa nga ay isinasantabi nila ang
gawain pang eskwela upang hindi lamang maputol ang kanilang pag lalaro. Dahil sa
kailangan natin ang kompyuter lalo na sa mga estudyante at mga nagtatrabaho sa opisina
ay hindi talaga maiiwasan ang taong nahuhumaling sa mga kompyuter games dahil nag
sisilbi itong pam-palipas at pang libangan, pumapasok dito ang epekto ng larong
pangkompyuter sa pang kaisipan ng isang tao dahil sa sobrang pagkahumaling ay di na
nila nagagawa ang dapat nilang gawin bagkos ay inuubos nila ang kanilang oras sa pag-
lalaro.

17
BALANGKAS KONSEPTWAL
MANLALA
RO

CO
MPUTER GAMES

Online Offline

GAMES

PAG LIFESTYL
PAMILYA AARAL E

WALANG PATUTUNGUHAN ,
WALANG KINABUKASAN , WALANG
KWENTA
Pinapakita lamang ng aming diagram ang posibleng kahantungan ng isang indibidwal na
nahuhumaling sa kompyuter games.

18
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay may paksang Impluwensiya ng Computer Games sa


Mental at Physical na Aspeto sa mga Grade-11 na Mag-aaral ng Kasiglahan Village
Senior High School nais malaman ng mga mananaliksik kung paano ang Computer
Games ay nakakaapekto sa isa ng indibidwal. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masagot
ang mga sumusonod na tanong:

1. Ano ang profile ng mga respondente?


1.1. Kasarian
1.2. Edad

2. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling sa paglalaro ng Computer


games ang mga respondente?

3. Ano ang mga palatandaan o sintomas na ang isang indibidwal ay nahuhumaling sa


paglalaro ng Computer games?

4. Ano ang epekto ng Computer games sa ibat-ibang aspeti ng buhay ng mag-aaral?

5. Ano ang mga posibling paraan upang maiwasan o mabawasan ang kaso ng mga
kabataan na nahuhumaling sa Computer games?

19

SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang paksang IMPLUWENSIYA NG COMPUTER GAMES SA MENTAL AT
PHYSICAL NA ASPETO SA MGA GRADE 11 NA MAG-AARAL NG KASIGLAHAN
VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL ay naghahangad na ipaalam kung ano ang epekto
sa kaisipan at physical ng kompyuter games sa mga mag-aaral. Ang respondent ng
paksang ito ay ang lahat Grade 11 na mag-aaaral ng Kasiglahan Village Senior High
School na hindi aabot sa limang-pung mag-aaral na aming tanungin depende sa kung
paano ang kompyuter games ay nakakaapekto sa kanila.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magsisilbing daan upang mamulat ang


bawat isa sa mga negatibong resulta ng sobrang pagkahumaling sa computer games sa
mental at physical na aspeto ng isang indibidwal. Ang pananaliksik na ito ay
makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral :
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang mamulat ang
kanilang mga isipan patungkol sa di magandang impluwensiya ng computer games sa
mental at physical na aspeto ng isang indibidwal. Malalaman din nila ang di magandang
epekto ng sobrang pagkahumaling sa computer games. Sa pananaliksik na ito,
mauunawaan ng mga mag-aaral ang posibling kahihitnanan nila sa paglalaro ng computer
games.

Sa mga magulang :
Maaaring makatulong ang pananaliksik na ito sa mga magulang upang kanilang
madisiplina nila ang kanilang mga anak sa pag-lalaro ng computer games. Dahil sa rin sa
pananaliksik na ito, maaaring makontrol ng mga magulang ang kanilang mga anak sa
paglalaro ng computer games.
20
Sa mga guro :
Dahil sa pananaliksik na ito,matutuklasan ng mga guro kung bakit ang computer
games ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mababang grado ang isang
studyante.Ang pananaliksik na ito ay tutugon sa mga atensiyong kinakailangan ng mag-
aaral sa kanilang paaralan.

Sa mga mananaliksik :

Nais naming iparating sa aming kapwa mag aaral ang mga masamang epekto ng
Computer games at kung ano ang mga posibleng kahantungan ng mga nag lalaro ng
Computer games kami ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos na nagbigay ng lakas at
kaalaman sa amin upang matapos ang pag-aaral na ito. Lubos din ang pasasalamat
naming mga mananaliksik sa mga guro na walang sawang nag-tiyaga, sumuporta at
gumabay sa aming mga mananaliksik upang magawa ng maayos at tama ang
pananaliksik. Nais din naming mga mananaliksik na magpasalamat sa mga magulang na
umintindi habang ginagawa ang pag-aaral na ito. Salamat din sa mga respondente na
tumulong at tumugon sa aming mga katanungan upang mahanap ang mga kasagutan sa
aming pag-aaral.

21

KATUTURAN NG TINALAKAY
CHASE-Ito ay isang laro na ginawa ni Steve Rusell noong 1967.

DOTA-Larong denevelop ni Euls at Ice Frog.

LEAGUE OF LEGEND-Larong gawa ng riot.

PANG-Ito ay unang inilabas ng atari.

SPACE WAR-Isang video games na umuso noong 1971.

ONLINE GAMES-Mga larong malalaro mo lang ng online

OFFLINE GAMES-Mga larong malalaro mo kahit walang internet

COMPUTER-Isang aparatong dinisenyo ng tao para sa makatulong sa pag papabilis ng


gawain

ARCADE GAMES-Mga sinaunang laro sa video game

MMORPG-Isang online community ng mga players

RPG-role playing games

GAMERS-Mga manlalarong higit sa player kalimitan mahigait 10 pataas ang nilalaro


nilang computer games

PLAYERS-Mga manlalarong 1 o 2 lamang ang nilalarong computer games

OBESE-Mga taong may matabang pangangatawan at di na normal

MALNOURISH-Mga taong may kakulangan sa timbang

VIRTUAl MONEY-Mga salaping ginagamit sa mga laro sa computer

INTERNET-Kasangkapang ginagamit para maka konek online

22
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
LOKAL NA PAG-AARAL

Kung grabe na ang pagkahumaling ng mag-aaral sa computer games, nagkakaroon


na itong hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan at pati na rin sa kanilang pag-
iisip at ugali.Ang palagiang pagtutok sa computer ay nakakasira sa mata lalo na kung
wala proteksiyon ito.Ang katagalan sa pag-upo at hindi madalas na pagkilos ay
nagdudulot ng pangangawit atkalaunan ay pagsakit ng likod, ulo at iba pang bahagi ng
katawan. Ito ay sa kakulangan na rin saehersisyo. Nakakasira din ito sa pag-aaral
dahil ang konsentrasyon na lang ay sa paglalaro atnawalan na ng oras para mag-aral ng
leksyon. At kung walang sariling computer at nagrerentalamang, dito madalas nauubos
ang kanilang pera imbes na pambili ng baon o pagkain. at dahilang mga bata ay naaadik
sa mga computer games maaaring hindi na nila maatupag angpaglilinis ng kanilang sarili
at maaring magig tamad na sila sa mga gawaing bahay at kung ano paman.

Ayon sa pananaliksik na isinagawa nina Justine Visda, Heinson Tan at Bryan


Yaranon mula sa Universidad ng Santo Tomas noong pangalawang semestre ng taong
2008-2009, marami ang maaaring nating matutunan, katulad nalang sa kung paano ba
nagsimula at ano ba ang pinaka unang computer games na ginawa? At kung sinu-sino ang
mga unang computer programmer? Dahil sa pananaliksik nila, maaari din malaman kung
bakit nilikha ang computer games at kung sino ng kauna-unahang nakaimbento ng larong
computer games. Napatunayan ng mga mananaliksik na mayroong masamang epekto ang
paglalaro ng computer games, dahil sila ay mga isa rin sa mga estudyante na naglalaro ng
computer games at nakaranas ng masasamang epekto nito.

23
Ayon sa kanilang pananaliksik, isa sa mga masamang epekto ng sobrahang
paglalaro ng computer games ay pagiging anti-social ng manlalaro o ang pagiging layo
ng indibidwal sa ibang tao dahil mas pinu-pukos nila ang kanilang mga sarili sa paglalaro
kaysa makisalamuha sa iba. Kadalasan sa mga manlalaro ng computer games ay di alam
kung pano pakikitunguhan ang ibang tao. Napatunayan din ng ibang mananaliksik na
napakalaki pala ng epekto ng komyuter games sa isang taong mahilig maglaro lalong lalo
nasa kanilang pag-iisip at pag-uugaling aspeto. Hinggil sa kanilang kaalaman akala nila
na basta lang ito nagbibigay ng kaaliwan at kasayahan ngunit hindi na pala nila
namamalayan na unti-unti na palang naaapektuhan ang kanilang buong pagkatao. Ako na
bilang isang mananaliksik din, nais kong ibahagi sainyo ang isa sa aking kalapit bahay na
nagkasakit dahil sa sobrang paglalaro ng computer games. Sobrang siyang nahumaling sa
paglalaro ng computer games umaabot sa puntong halos araw-araw at buong araw niyang
ginugugol ang kaniyang oras sa paglalaro ng computer games. Kung minsan nga
nakakalimutan niya nang kumain dahil sa paglalaro kaya mapapansin mo ang pagka-
payat ng kaniyang katawa, kapansin-pansin din ang pag-kukuba ng kaniyang likod dahil
sa sobrang pagbabad sa paglalaro ng computer games. Hanggang sa dumating ang araw
na nagkasakit siya, nagkaroon siya ng sakit na ulcer, dagdag pa rito ay lumabo na rin ang
kaniyang mga mata at nacomfine siya sa hospital dahil lumihis ang kaniyang spinal chord
kaya nilagyan ito ng brace sa likod.

Batay naman sa pag-aaral ni Catayco (1998) hinihikayat niya ang mga bata o
kabataan na maglaro ng Puzzle Maze o kaya mga Adventure games kesa maglaro ng
games na may halong ka-brutalan tulad ng counter strike. Halimbawa ng larong
kapupulatan ng aral ay ang larong Book Worm at tulad rin ng mga games nabanggit sa
itaas, dahil sa mga larong ito maaari may mapulut silang magandang aral at bagong
kaalaman.Dahil sa mga ganitong klase ng laro maaaring tumaas ang antas ng kaalaman
nila at mas malinang at mapahusay pa nila ang kanilang pag-iisip.Maaari ring mas
maging mabils ang pag-function ng kanilang mga utak dahil sa mga larong ito.

24
Kung mahuhumaling ang mga kabataan na maglaro ng mga computer games na
kapupulutan ng aral mas mababawasan na ang tumataas na bilang ng patayan, sakitan at
pagkasira. Dahil sa computer games mas naiimpluwensiyahan ang isang indibidwal o
manlalaro na gumawa ng di mabuti. Ayon naman din sa kaniyang pag-aaral mas
nagiging agresibo ang isang indibidwal sa kaniyang pag-uugali dahil sa kanilang mga
nakikita sa larong kanilang nilalaro.

Ang computer games ay masasabing isang napakalaking rebolusyon sa internet


dahil sa sistematikong dulot nito sa mga kabataan hindi lang sa mga kabataan pati na rin
sa mga may edad na. At ang makikitang modelo ay mas higit na persuasive kaysa
informative,, dahil kung makikita natin sa ngayon mas mabilis ng makumbinsi ang
bawat isa na maglaro ng computer games, kahit pati na rin ang mga may mga edad na
dahil kung minsan ginagawa nila itong pampalipas oras kapag wala silang ginagawa. At
kung minsan hindi na nila napapansin na habang tumatagal kang naglalaro mas tumataas
din ang tiyansa na mauwi ito sa pagka adiksyon. Kaya bilang isang mananaliksik nais
naming ipabatid sa aming mga respondante ang magandang at di magandang naidudulot
nito sa isang indibidwal na mahilig maglaro ng computer games.

Sa palagay ko din dapat palaging ikonsidera ng bawat manlalaro o mga kabataan


kung ano ang dapat na laro ang angkop o nababatay sa kanilang mga edad, upang hindi
maapektuhan ng sobra sobra ang kanilang pag-iisip, pag-uugali at lalong lalo nasa
kanilang pag-aaral. Kahit sabihin na natin na ang ibang nilalaro nila ay mga adventure
games.Narapat din ang matinding gabay ng mga magulang sakanilang mga anak upang
hindi mauwi ang kanilang mga anak sa maling daan o sa pangit na kinabukasn.

25

BANYAGANG PAG-AARAL
Isa sa pinaka malalaking pananaliksik na ginawa ay ang pag-aaral ni Nicolas
Yee,Ph.D.,(1999) ng Communication Department ng Standford University. Nagsimula
ang kanyang pangangalap ng impormasyon noong taong 1999 at inilabas ang kanyang
mga findings sa isang website na tinawag niyang The Daedalus Project. Ayon kay
Yee,.may ibat ibang dahilan ang mga naglalaro ng computer games. Nagawa niyang i-
grupo ang mga dahilang ito sa lima at ito aya ang mga sumusunod: Achievement,
Socilization ,Immersion,Went/Escape at Competition. Lumalabas din sa kanyang pag-
aaral na ang kadalasang naglalaro ng computer games ay mga mag aaral mula sa edad na
labing dalawa hanggang sa labing walo(12-18)taong gulang. Ipinapakita sa kanyang pag-
aaral na ang bawat isa sy gumugugol ng labing isa hanggang dalawangpung isa (11-21)
oras sa paglalaro lamang iyon nga computer games sa isang buong linggo. Dagdag pa
niya, napalaki talaga ang epekto ng computer games sa bawat lalo na sa aspektong sosyal
at pakikisalamuha sa kapwa. Dagdag pa niya, kadalasn na ang mga lalaki ang
nahuhumaling sa kompyuter games. Ang paglalaro ng kompyuter games ay may
malaking epekto sa academic performance ng isang mag-aaral sapagkat ang kanilang
atensiyon ay naka-pokus lamang sa sa paglalaro

Mahalagang malaman natin ang mga posiblung epekto ng kompyuter games sa


isang indibidwal upang magabayan at mabigyan ng tamang kaalaman ang mga
estudyante sa uri ng ng klasipikasyon,espesyalidad at nilalaman ng gagamit nito
kahalintulad ng nakita ni Nick Yee sa kanyang pag-aaral noong 2000 napansin nya na
mas marami at mas bihasa ang mga lalaki sa pag lalaro ng computer games kaysa sa mga
babae. Ayon sa kanyang pag-aaral sa edukasyonal na epekto ng computer games,
lumalabas na karamihan sa mga respondente ay masasabing nilang ang kakayang ng
isang taong nag-apply sa isang posisyon na ngangailangan ng pamamahala.

26
Noong taong 2001,isang pag-aaral ang isinasagawa ng mga eksperto tungkol sa
computer games at marami na ring nailathalang libro,artikulo sa pahayagan at internet
journal tungkol sa mga posibleng epekto ng computer games nakapaloob sa dito amg
mga kadahilan,epekto at puno't dulo ng pagkalululing ng isang indibidwal sa kompyuter
games. Ilan sa mga halimbawa na nakapaloob sa mga ito ay ang pagiging agrisibo ng
mga manlalaro sa tuwing sila ay naglalaro ng mga mararahas na computer games.
Sinasabing ina-adopt ng mga manlalaro ang ugali at karahasan sa bawat larong kanyang
nilalaro, ginagaya rin isang indibidwal ang characteristics o attitude ng hero o avatar na
kanyang ginagamit sa laro.Dahil dito mas lalong bumubugso ang damdamin nilang
gayahin ang kanilang nilalaro dahil sa tingin niya siya ang nagiging karater sa
totoongmundo. Nagreresulta rin ito na mas maglaro pa isang indibidwal.

Ayon sa pag-aaral ng ng The Intertainment software noong taong 2006 na


nangunguna sa industriya ng video games ay dalawang put-isa (21%)na naglalaro ng
computer games ay ang kalalakihan na nasa edad na labing anim(16) dalawang put lima
na porsyento(25%)cnaman ang mga nasa average ng paglalaro ay may edad na tatlong
put walo(38).

Sa kanilang surbey ng kanilang respondante na may bilang na 1,102 na may edad


na labing tatlo (13) hanggang labing anim (16) siyam na put pito sa kanila ang
naglalaro.kalahati sa kanilang respondante ay naglaro kanila ring tinanung ang pitumput
anim na porsyento (76%) sa magulang ng kanilang respondante ang nagsasabing
binabantayan ang rating ng paglalaro ng kanilang mga anak sa paglalaro ng ibat ibang
computer games.

27

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Tim Jordan sakanyang librong Cyberpower (1999) na Cyber space is the
lord of empowerment of individuals of reinventing identities out of thought". Naniniwala
siya sa kakayahan ng internet na I-empower ang isang indibidwal sa pamamagitan ng
pagbibigay sa kanyang medium para mailabas ang kanyang mga hinaing maibahagi ang
kanyang mga nalalaman at paniniwala ukol sa adiksiyon na mailabas ang ugaling isang
manlalaro dahil sa paglalaro ng kompyuter games. Ang Medium na ginagamit ay Internet,
Computer sa linggwahe at sa kung anong klaseng tao ang iyong nakakausap at kung ito
ba ay mabait o masama, magandang impluwensiya o pangit na impluwensiya.

Sa panahon natin ngyon ay halos sinuman ay pumupunta sa isang computer shop


mapa-bata man o mapa-matanda upang makipagusap at makipagkasundo sa pamamagitan
ng keyboard at mouse upang makakuha ng isang mataas, istatistika, at rare set item. Ang
halimbawa ng larong ito ay CABAL ONLINE na isang uri ng MMORPG o Massive
Multi Player Online Role Playing Game, ito ay isang uri ng team play kung saan
nakikipagtunggali ang isang manlalaro sa kapwa nito manlalaro.Sa ganitong klase ng laro
na di-develop ang pakikipag sosyalidad sa ibang tao. Ang larong Cabal ay may mga
aspeto na gaya ng sa totoong mundo dito ay maaari kang makipag kwentuhan makipag
usap at makipag kaibigan sa ibang tao.

Sa akda ni De Castro, 2012 na pinamagatang computer games nakakatulong ba o


nakakasira sapag-uugali tinutukoy na ang computer games ay nag dudulot ng
pagkasugapa o adiksyon sa mga kabataan dahil sa sobrang pagkasugapa ng mga kabataan
sa computer games nakakalimutan nila ang dapat nilang gawin sa araw na iyon dahil
masyado silang tutok at walang paki alam sa paligid nya dahil iniisip nilang masasayang
lang ang kanilang oras sapag-gugugol doon imbes na bigyang pansin ang mga
makabuluhang bagay katulad ng pag-aaral at pakikisalamuha sa iba.Ang pag-aaral ng
mga mananaliksik at maihahalintulad sa pag-aaral na ginawa ng author sapagkat
magkaiba ang pinatutunguhan nito.

28

Ayon pa sa kaniya, may ibat-ibang dahilan ang paglalaro ng online games,


lumalabas din na kadalasang naglalaro ng computer games particular na ang role playing
games ay mga mag-aaral na nag karamihan sa mga ito ay gumugugol ng sampu hanggang
dalawampu,(10-20) oras na paglalaro sa isang linggo marami sa kanila ay kalalakihan
inuubos nila ang kanilang baon at panahon sa pag lalaro kayat kung mapllapansin sa mga
nag lalaro ng kompyuter games ay payat at nangangalo mata dahil sa pagpupuyat sa
kompyuter shop.

Ayon sa nakatala sa Manila Bulletin namay pamagat na The Digital Generation


noong Disyembre 7, 2012 ang acer ay isa sa makabagong teknolohiya sa ating panahon
na siyang nagbigay sa atin upang mapadali ang ilang mga bagay o makahanap ng mga
bagay.Ang acer ay nag mula noong 1976. Isinasaad ditto na ang acer ay word wide
partner of the Olympic movement.

Nakasaad sa Manila Bulletin na isa sa makabagong laro ng taon na dapat tao ng


magkaroon ay ang Mass Effect3 (PS3XBOX360,PC). Ito ang isa sa nangungunang laro
ng taon. Ito ay nagtataglay ng tatlong bagay na gusto natin sa isang laro at ito ay
nakadepende sa gusto ng maglalar o simulang unang Mass Effect.

Ang pamagat na Bordelands2 (PS3,XBOX360,PC) na nakasaad sa Manila


Bulletin na ang larong Bordelands2 ay isang uring larong barilan. Ang Bordelands2 ay
higit na nakakaadik ang panibago nitong estilo kapag ito ay nilalaro mo siguradong
maaadik ka at hindi mo mapipigilan ang iyong sarili sa paglalaro.

Mayroon ding larong Journey na sinasabing pinakamadali sa lahat, ito ay may


kinalaman sa ating emosyon.Sinasabi na ang pakiramdamkapag ikaw ay nag-lalaro ng
journey ayparang ikawtalaga mismo angnasaloobngcomputeratnaglalaro nito.

Sa Estados Unidos, nagging isang malaking problema ang computer games dahil sa
epekto na katulad din sa nagaganap sa Pilipinas. Ayon sa isang ulat ni Rafael Cabredo,
isang faculty sa De La Salle nag simulang maglaro ang isang bata sa Amerika sa edad na
6 at ang average na edad na naglalaro ay dalawamput-siyam (29).

29

BANYAGANG LITERATURA

Ayon sa Journal na ginawa ni Mehroof (2010),ang sobrang pagkahumaling ng


isang indibidwal sa kompyuter games ay nag-re-resulta ng pagbabago sa pag-uugali ng
isang tao maski kung ang pakikisalamuhang aspeto ng isang indibidwal ay naapektuhan
din ng kompyutr games.Base sa kanyang journal,kadalasang makaramdam ng pag-kairita
ang isang indibidwal na sobrang addict sa kompyuter games lalo na kung hindi ito
makapag-laro o kung sila ay natatalo sa isang laro. Para sa mga manlalaro ng kompyuter
games,malaking parte ng kanilang buhay ang paglalaro ng kompyuter games at isang
malaking kawalan sa kanilang sarili ang hindmakapag-laro. Nakapaloob din sa jouranal
niya na madalas balisa at wala sa sarili ang isang indibidwal na lulong sa kompyutet
games lalo na kung hindi ito nakakapag-laro ng kompyuter games. Dagdag pa niya na
kinakikitaan ng pagiging pag-ka-bayolente ang isang indibidwal na lulong sa kompyuter
games. Madalas kasi na ginagaya ng manlalaro ang attitude at characteristics ng hero o
avatar na ginagamit niya sa laro.

Base naman sa journal na ginawa ni Ko (2005), kadalasan na ang mga lalaki ang
nagiging biktima ng pagka-luluong sa kompyuter games, kadalasan na puro
brutalan,patayan at ka-bayolentehan ang nilalaro ng mga kalalakihan. Nakapaloob din sa
journal ni Ko , na ang kadahilan ng pagkaka-luluong ng isang indibidwal sa kompyuter
games ay dahil hindi sila satisfied sa buhay na meron sila at mababang pagtingin sa sarili
sinasabi ni Ko na nakakaepekto tin ang edad ng isang indibidwal para malulong o
mahumaling ito sa paglalaro ng kompyuter games. Ang pagkakaroon ng mababang
pagtingin sa sarili ay nagtutulak sa isang indibideal para maglaro ng kompyuter games,
dahil sa paglalaro nila, tumataas ang self-confidence ng isang indibidwal lalo na kung
ito'y nanalo. Natututo rin ang isang indibidwal na makisalamuha sa ibang manlalaro sa
tuwing magkakaroon ng team play. Kapag ang isang tao nagsasawa na sa paulit-ulit na
daloy o flow ng kanyang buhay maghahanap ito ng bagong pagkaka-abalahan o bagong
pagtutuunan ng pansin, siya ay maaring ma-uwi sa paglalaro ng kompyuter games lalo na
kung nakikita niya na patok ito sa mga kabataan sakasalukayang panahon.

30

Ang ibat ibang levels ng laro at saya ng ibang gamer sa kompyuter games ay
nagreresulta sa isang indibidwal na ma-curios sa kompyuter games. Ito ang mag-reresulta
sa isang indibidwal na maglaro rin kompyuter games.
Ayon sa librong ginawa ni Myers (1991) sinabi niya na ang kompyuter games ay isang
istraktura ng mundo na mahirap ipaliwanag, tanging ang naglalaro lamang ng kompyuter
games ang nakaka-alam ng konsepto kung paano makaka-survive sa mundong ito.

Ang pinaka primaryang problema dito ay kung papaano nila nagagawang sumabak
at mabuhay sa birtuwal na mundo , maari niyang magamit ang mga natutunan niya sa
totoong mundo ngunit ang mga aktibidad na nagaganap sa birtiwal na mundo ay
malabong mangyari sa tunay na mundo.Sa makatuwid tanging ang manlalaro lang ng
kompyuter games ang nakakaaalam kung paano ang istilo ng pamumuhay sa birtuwal na
mundo.Sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay nagagawa ng mga manlalaro na matuto sa
kapwa nila manlalaro sa ganitong bagay natuto silang gumawa ng mga solusyon at mga
bagay natatangi na sa laro lamang nila nagagawa.Sa mga bagay na ito natututo silang
mag-react sa mga biglaang sitwasyon o sa mga di inaasahang pagkakataon.

Upang maipaliwanag ang proseso ng adaptasyon ni Myers, gumamit si Ernest Von


Glasersfeld ng isang pilosopong model ng viability o "radical constructionvism" o
second-order cybernetics.Sinasabi ni Glasersfeld na ang kapasidad na gawin sa totoong
mundo ang mga nagagawa sa kompyuter games ay malabong mangyari dahil sa mga
aspektong mahirap ipaliwanag, di lahat ng nagagawa ng birtuwal ay pwede ngng gawin at
dalhin sa totoong mundo. Ang relasyon o koneksyon ng laro sa manlalaro ay nagiging
hindi direkta sa pagkat ginagawa itong malayo ng patakaran ng laro subalit gagawin at
gagawin pa rin ng isang manlalaro ang lahat upang mapalapit ang mga bagay na
pinapalayo ng konsepto ng patakaran.

Ang konsepto ng Viabilty ang ipinaliwanag ng isang bulag nanpamamataang


metapora. Sa kagubatan araw-araw ng naglalakad ang bulag, lagi rin siyang bumabanga
sa mga puno, pero sa katagalang panahon, natutuhan na niyang iwasan ang mga puno

31

dahil nabuo na niya ang konsepto ng lugar o nagkaroon na siya ng pamamaraan na siya
lang ang nakaka-alam.Ang kinsepto ng mapa sa kanyang isipan ay walang koneksyon sa
totoong gubat katulad din sa mga puno na lagi niyang nababangga.
Ang sinasabi ng representasyon sa birtuwal na mundo, napatunayan na ang mga
manlalaro ay nakakahanap ng ibang paraan upang masira ang mga hadlang at mga
balakid na nagpapahirap sa kanila, sumakatuwid natutunan ng manlalaro na humanap ng
ibang solusyon at manipulahin ito upang magamit na sagot, kahit na ang kanilang mata
ay nakapikit (Von Glasersfeld,1985).

Ayon sa ulat ng APA Task Force ng Washington D.C,ang kompyuter gamesay


tumutulong sa pag-aaral ng mga bata lalo na ang mga laro may tema ng patayan at
bayolenteng pamamaraan sa kanilang pag-aaral. Ang mga larong Warcraft, Angry Bird,
Left for Dead, Farm Ville, Counter Strike etc. ay may positibong dulot sa mga bata lalo
na sa pisikolohiya na pag-iisip.Ilan sa mga larong tumutulong sa kanilang pag-iisip ay
ang mga larong "FPS" first person shooting game dahil sa larong ito nagkakaroon ng
komprehensiya ang kamay at kanilang mata. Dagdag pa rito, pinapataas ang kapasidad ng
bata na mas mag-isip na wala na mundong ito (out of this world thingking).Nagkakaroon
din ng kritikal na pag-iisip ang mga bata kung saan nakakatulong sa mathematika at
syensiyang. Dine-develop din nito ang katangiang "visual spatial" ng mga bata.Sa
paglalaro ng kompyuter games, nagkakaroon ang isang indibidwal "skills" na nakukuha
niya sa kompyuter games na kanyang nilalaro. Ang ilan sa mga intelektwal na natutunan
ng indibidwal sa paglalaro ng kompyuter games ay ang problem solving. Sa matagalang
pag-lalaro ng kompyuter games nagiging creative ang mga bata. Ilan sa mga larong
nagbibigay libang sa mga player at pagiging creative ay ang larong "angry birds" sa
larong ito tinutulungan nito ang mga bata na magkaroon ng stratihiya kung pano
magagapi ang kalaban. Bukod pa rito maraming benibisyo ang makukuha rito. Ang video
gamrs ay magandang kasangkapan sa pagtuturo kung paano magiging malakas at maging
matatag sa buhay, nagsisilbi rin itong kasangkapan para harapin ang pagkakamali. Sa
larong FarmVille at Warcraft mahigit 70 percent na katao ang naglalaro ng may kasama,
sa mga larong ito nade-develop ang pakikisalamuhang aspeto ng isang

32

indibidwal.
Sa article naman na ginawa ni Jonathan Craton, sinabi niya na sa mga nakaraang
dekada lumago ang "interactive media". Mula sa virtual non-existence hanggang sa
maging primarya na binibigyang kahulugan na pagbibigay kasiyahan sa mga estudyante
sa kolehiyo.Sa maraming taon na nagdaan,ang internet ay nagkaroon ng malaking
pagbabago , at sa akdang ito sinusuri ang mga naging epekto ng pagtaas o paglaki ng
populasyon ng mga estudyante na gumagamit ng video games ganun na rin ang
kompyuter games.

Sinusuri din sa article na ito , ang naging epekto sa pagbabago sa isang indibidwal ,
ganun din kung paano mag-iisip ang bawat isang indibidwal sa lipunang kanilang
ginagalawan at sa pagtaas o paglaki ng bilang ng mga karaniwang manlalaro.Ang article
na ito ay nakatuon sa mga estudyante na nasasangkot sa mga larong kinahuhumalingan
ng nila at sa pagbabagong aspeto ng lipunan.

Sinasabi dito na ang Higher Research Institute ay nagbibigay ng impormasyon


patungkol sa video games o kompyuter games sa paggamit ng mga ito sa Campus ng
kololeyo.Pinapakita rito na halos lahat ng estudyante sa kolehiyo ay naglalaro ng
kompyuter games.Marami rin sa kanila ang madalas maglaro. Sa taong 2009 base sa
Freshman Survey,isang porsyento sa mga respondante ang naglalaro ng halos
dalawangput (20) oras mahigpit sa paglalaro ng kompyuter games kada linggo.Halos
35 porsyento ng mga respondante ang nagsabi na naglalaro sila ng atleast isang oras kada
linggo .

Ayon sa Sotelo (2005) isang Interactive Learning Facility , ang paggamit ng


teknolohiya at birtuwal na komonikasyon sa pag-aarL ay nagkakaroon ng mabilisang
pagtaas noong 2000 partikular sa mga istudyante.Ang paggamit ng teknolohiya sa pag-
aaral ng istudyante ay katulad lamang ng pag-hawak ng lapis at pambura ng normal na
istudyante.

Malaki rin ang tinutulong ng application software sa pagkatuto ng mga estudyante

33
dahil sa mga aplikasyon na ginagamit ng mga istudyante madali silang matuto at
masanay,dagdag par rito ay pinapadali ng aplikasyon ang trabaho ng guro at istudyante.

Noong Nobyembre 22, 2003 naglabas ang Anino Entertainment ng kaunaunahang


video game na gawa ng Pilipino ito rin ang simula ng paglago ng industriya ng video
game sa pilipinas. Ang larong ito ay isang role playing game (RPG) ito ay tinawag na
Defend a Large Enraged.

Ang android ay isang operating system base sa linux kernel at dinesenyo para sa
mga smart phones at tablets.

Ayon sa libro ni Liezel B. Ciar (2010) Ang paglalaro ng computer games ay


normal na lamang sa ating buhay. Sinabi din niyang ang computer games ay meron din
mabuti at di mabuting epekto sa mga manlalaro nito. Ayon sa kaniya maraming kabataan
ang naglalaro ng hindi alam ng kanilang mga magulang. Samakatuwid ang
pinakatinatamaan ng adiksyon sa computer games ay ang mga istudyante. Ayon pa sa
kanya malaki rin ang epekto ng computer game sa akademikong perpormans ng mga
istudyante. Ayon sa iba pa niyang pananaliksik sa 10 istudyante 7 sa kanila ang mahilig
mag laro ng computer game at 3 naman ay minsan lamang gumamit, ayon sa kanyang
pag aaral napag-alaman sa mga istudyante ang computer games ang sanhi kung bakit
tumataas ng bahagya ang drop rate ng mga eskwelahan.

Sa pamamagitan ng survey nakakalap sya ng tatlong primaryang problema kung


bakit naadik ang isang istudyante sa computer games. Una rito ay ang Environment
sinasabi nya na kahit hindi gusto ng istudyante na maglaro ay naakit ito dahil puro
manlalaro ang nakapaligid, dito naiimpluwensyahan ang isang istudyante na maglaro ng
computer games.

Ang pangalawa naman ay ang Profile ng estudyante, dahil malalaman natin dito
kung bata pa lamang sya ay nakikitaan na ng pag kahilig sa paglalaro. Ang pangatlo niya
ay ang Society, kung ang lugar nila ay pinapaligiran ng computer shops maari rin itong
magtulak sa isang estudyante na maglaro ng computer games.

34
KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMAMARAANG GINAMIT

PAMAMARAANG GINAMIT

Ang Descriptive research ay isang disenyong ng pangangalap ng mga datos at


impormasyon hinggil sa mga salik na kaugnay sa paksang pinag-aaralan. Sa madaling
salita, ang descriptive research ay sumasaklaw sa mga bagay na maaring mabilang at
mapag-aralan.

Ang Descriptive research ang napiling gamitin ng mga mananaliksik upang


matugunan ang kwalipikasyon kondisyon na umiiral ang itoay nagbibigay kahulugan at
naglalarawan sa kasalukuyan kondisyon sa umiiral sa panahong ito na kung saan ay
naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa paksang Impluwensiya ng Computer Games
sa Mental at Physical na aspeto sa mga Grade 11 na mag-aaral sa Kasiglahan Village
Senior High School.

Ang Quantitative research ay tumutukoy sa sistematiko empirical na pagsisiyasa ng


panlipunang phenomena sa pamamagitan ng mga istatistika, matematika o computasional
na diskarte.

Ang mga mananalisik ay gumagamit ng quantitative na pamamaraan dahil sinakop


nito ang pangongolekta ng mga datos pag-aanalisa at pagbibigay interpretasyon. Ito rin
ang pangunahing metodo upang malutas ang suliranin ng mga datos, pag aanalisa at
pagbibigay interpretasyon. Ito rin ang pangunahing metodo upang malutas ang paksang
pinag-aaralan dahil sa paggamit nito ng matematika sa estadistikang pamamaraan. Pinili
ito ng mga mananaliksik upang magtipon ng malaking bilang ng mga datos na direktang
makukuha sa mga sampol na mapipili sa populasyon. Sa ganitong paraan, matutulungan
ang pangkat na patunayan ang kanilang mga pagpapalagay at mga alalahanin tungkol sa
paksa at pati rin ang paglutas at pagtamo ng mga layunin.

35
Gumamit ang mga mananaliksik ng probability sampling. Sa probability sampling
ang bawat elemento ng populasyon ay isang kilalang posibilidad.na kasama sa sampol.
Ang probability Sampling ay nagbibigay-daan sa amin upang gumawa ng mga
posibilidad na pahayag sa mga sampol.Maaaring naming matantya ang lawak na kung
saan ang isang sampol na istatistika ay malamang na naiiba mula sa isang parameter na
populasyon.

May mga uri ng Probability Sampling, isa dito ay stratified sampling ay isang
paraan ng pagsa-sample mula sa isang populasyon. Ang prosesong paghahati ng mga
kasapi ng populasyon sa magkakauri mga grupo bago ang pags-sampol.

Ito ang napili ng aming pangkat dahil sa nakakatipid ito at madaling gawin o
intindihin. Mabibigyan nito ang bawat mag-aaral ng pantay-pantay na mga mapipili ay
kakatawan sa kabuuang populasyon kung kayat ang mga mananaliksik ay makakabuo ng
sapat at makatotohanang kongklusyon.

RESPONDENTE NG PAG-AARAL

Ang paksang IMPLUWENSIYA NG COMPUTER GAMES SA MENTAL AT


PHYSICAL NA ASPETO SA MGA GRADE 11 NA MAG-AARAL NG KASIGLAHAN
VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL ay naghahangad naipaalam kung ano ang epekto sa
kaisipan at physical ng kompyuter games sa mga mag-aaral. Ang respondente ng paksang
ito ay ang lahat Grade 11 na mag-aaaral ng Kasiglahan Village Senior High School, na
hindi aabot sa limangpung mag-aaral na aming tanungin depende sa kung paano ang
kompyuter games ay nakakaapekto sa kanila.

INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Descriptive research na isang disenyong ng


pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga na kaugnay ng paksang pinag-
36
aaralan. Ang descriptive research ang napiling gamitin ng mga mananaliksik sapagkat ito
ay paraan ng pagkalap ng impormasyon at ninanais ng mga mananaliksik na matugunan
ang hinihingi ng mga mambabasa.

Ang Quantitative research ay tumutukoy sa sistematiko empirical na pagsisiyasat


ng panlipunang phenomena sa pamamagitan ng mga istatistika, matematika o
computasional na dikarte. Napili ito ng aming grupo sapagkat ito ay isang paraan ng
pangunahing method method upang malutas ang suliranin ng paksang pinag-aaralan dahil
sa paggamit nito ng matematika na estadistikang pamamaraan. Gumamit din ang mga
mananaliksik ng survey questioner dahil ito ay makapagbibigay sa mga mananaliksik ng
kasagutan tungkol sa epekto ng Computer games sa pisikal at mental na aspekto sa mga
mag-aaral. Ang talatanungan ding ito ay karaniwang bahagi ng sarbey at itoy aming
isinasagawa sa aming pananaliksik.

PANGANGALAP NG DATOS

Sa unang linggo ng aming pananaliksik, kami ay nagpunta sa bahay ng aming


kagrupo upang makipagpalitan ng ideya para sa aming pananaliksik. Kung saan naming
kukunin ang mga impormasyon at papano naming ito uumpisahan ang pananaliksik.
Nakaroon kami ng pagkakataonng maggpalitan ng kuro-kuro kung papaano isasagawa
ang pananaliksik. Nagkasundo ang aming grupo na magkanya kanya ang gawain sa
paraan ng pagbibigay ng kanya-kanyang paksa. Hanggang sa mga unang kabanata ay
aming natapos ay guminhawa ng kaunti ang aming pakiramdam.

Hanggang dumating sa puntong nagkaroon ang aming propesor ng laglagan upang


makita kung sinu-sino talaga ang gumagawa at may kooperasyon walang nalaglag sa
aming grupo sa kadahilanang lahat kami ay gumagawa at nakakik-pagkooperasyon sa
grupo. Binigyan kami ng pagkakataong magsam-samang muli at mapatatag pa ang aming
grupo sa pagtatapos ng klase ay agad kaming gumagawa ng aming pag-aralan para sa
aming pananaliksik. Makita sa eksebit ang mga larawan ng aming pananaliksik.

37
INSTRUMENTONG ESTADISTIKAL

Sa pangangalap ng bilang ng magiging respondente sa pag-aaral,gumamit ang mga


mananaliksik ng pormulang Slovin:

Pormulang slovin:

n= N

1+N(e)

na kung saan:

n=sample size

N= total population

e= margin of error

n= 346

1+346(0.05)

n= 346

1+346(0.0025)

n= 346

1+0.865

n= 346

1.0865

38
n= 318.45

n= 318

Ang kompyutasyon na ito ay may total na populasyon na 346 at 5% na hanggang


ng kamalian, i-dinivide naming ang total populasyon sa kabuuang ng 1+total na
populasyon(5%)

at nakuha naming ang kabuuang bilang ng sampol na laki na may bilang na 138.

KOMPYUTASYONG ESTADISTIKAL

Gumamit ang mga numerical na datos sa pamamagitan ng pagkuha ng bahagdang


kasagutan natamo.

Itoy hango sa pormulang

%=f\n X 100

Na kung saan:

f=bilang ng respondente na tumugon sa survey

n=kabuuang bilang ng mga respondente

39
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR
HIGH SCHOOL

BIBLIYOGRAPI
A. MGA NALIMBAG

Yee, N. (2008). Maps of Digital Desires: Exploring the Topography of Gender and
Play in Online Games. In Kafai, Y., Heeter, C., Denner, J., & Sun, J. (Eds.), Beyond
Barbie and Mortal Kombat: New Perspectives on Gender and Gaming (pp. 83-96).
Cambridge, MA: MIT Press.

Jordan, T. (1999). Cyber Space, New York: Routledge.

Grifths MD et al, Davies MNO, Chappell D. Demographic fac-


tors and playing variables in online computer gaming.CyberPsychology & Behavior
2004; 7:47987

Ko, C (2005). Screening for internet addiction: an empirical research on cut-off


points for the Chen Internet Addiction Scale. Kaohsiung J. Med. Sci. 21, 545551.

Myers, David (1991): Computer Game Semiotics. In Play and Culture, No. 4

Magazine

Manila Bulletin, The Digital Generation and Borderlands 2, p. 14

B. MGA HINDI NALIMBAG (THESIS)

C. WEBSITE

http://library.thinkquest.org/07ang/01690/conehide.html

www.raisesmartkid.com/raise-smart-preschool-kid-articles/good-and-bad-effect-
of-video.html

http://www.studymode.com/essays/epekto-ng-makabagong-teknolohiya-
536371.html

http://healthland.time.com/2012/04/24/study-playing-a-video-game-helps-further-
beat-depression/#ixzz-3qDFuju2+

http://tl.wikipedia.org/wiki/facebook

http://www.apa.org/computergames

https://www.scribd.com/doc/79943119/kabanata-II-ppg

https://www.scribd.com/doc/147829489/Epekto-Ng-Online-Games-Sa-Mga-
Magaaral-Ng-Ceu-Makati-1-3

http://www.acsd.org/article/the-effect-of-videogames-on-student-achievement/
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR
HIGH SCHOOL

APENDISE

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR


HIGH SCHOOL
January __ 2017

Ginang Clarita Nocon


Punong Guro
Kasiglahan Village
Senior High School

Ginang Clarita Nocon:


Isang magandang araw po !

Kami po ang mga mananaliksik na galing sa Kasiglahan Village Senior High


School na may kursong Computer Programming na humihingi sa inyo ng pahintulot na
makapagsagawa ng isang survey sa lahat ng Grade 11 na mag-aaral sa Kasiglahan Village
Senior High School ukol po sa aming pananaliksik a may titulong Impluwensiya ng
Computer Games sa Mental at Physical na Aspeto sa mga Mag-aaral ng Kasiglahan
Village Senior High School S.Y:2016-2017

Maraming salamat po sa iyong kooperasyon.

Lubos na Gumagalang
Jessie Zambales
Kinatawan ng Grupo

Binigyang pansin ni:


Mr.Juvenal Sambrano
Gurong Tagapayo

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR


HIGH SCHOOL
KURIKULUM
BITA

Pangalan: Daniella Mae Macasero

PICTURE 1x1
Tirahan: Blk 6 Lot 15 Ecoville San Isidro Rodriquez Rizal

E-mail: daniellamae_macasero@yahoo.com

Kaligirang Pansarili:

Edad: 17 years old

Kasarian: Female

Kaarawan: July 15 1999

Lugar ng Kapanganakan: Tapaz,Capiz

Status Sibil: Single

Pangalan ng Ina: Julynda Macasero

Pangaln ng Ama: Nathaniel E. Macasero

Kaligirang Pang-Edukasyon:

Secondarya (Senior): Kasiglahan Village Senior High School

Secondarya (Junior): San Isidro National High School

Primarya : Lupang Pangako Elementary School

Pangalan: Bonjobe Gudines

PICTURE 1x1
Tirahan: Blk 219 Lot 9 Southville 8B Ph 3 San Isidro Rodriques Rizal

E-mail: bonjobe_gudines@yahoo.com

Kaligirang Pansarili:

Edad: 16 years old

Kasarian: Male

Kaarawan: August 22 2000

Lugar ng Kapanganakan: Makati

Status Sibil: Single

Pangalan ng Ina: Bernadeth Gudines

Pangaln ng Ama: Juni Asimudin

Kaligirang Pang-Edukasyon:

Secondarya (Senior): Kasiglahan Village Senior High School

Secondarya (Junior): San Isidro National High School

Primarya : Maligaya Elementary School

Pangalan: Carmelyn Fortes

PICTURE 1x1
Tirahan: Blk 13 Lot 29 Phase 1D Kasiglahan Village Rodriquez Rizal

E-mail: carmelynfortes@yahoo.com

Kaligirang Pansarili:

Edad: 17 years old

Kasarian: Female

Kaarawan: October 02 1999

Lugar ng Kapanganakan: Quezon City

Status Sibil: Single

Pangalan ng Ina: Melinda Fortes

Pangaln ng Ama: Oscar Galbez

Kaligirang Pang-Edukasyon:

Secondarya (Senior): Kasiglahan Village Senior High School

Secondarya (Junior): Kasiglahan Village National High School

Primarya : Kasiglahan Village Elementary School

Pangalan: Sarah Jane Baguio

PICTURE 1x1
Tirahan: Blk 77 Lot 9 Joville 3 Annex

E-mail: janevin08@yahoo.com

Kaligirang Pansarili:

Edad: 17 years old

Kasarian: Female

Kaarawan: June 17 1999

Lugar ng Kapanganakan: Quezon City

Status Sibil: Single

Pangalan ng Ina: Eleanor L. Baguio

Pangaln ng Ama: Apolinario S. Baguio

Kaligirang Pang-Edukasyon:

Secondarya (Senior): Kasiglahan Village Senior High School

Secondarya (Junior): San Isidro National High School

Primarya : San Isidro Elementary School

Pangalan: Marc Christian Castillo

Tirahan: Blk 70 Lot 44 Southville 8B San Isidro Rodriquez Rizal

PICTURE 1x1
E-mail: marco_akis@yahoo.com

Kaligirang Pansarili:

Edad: 16 years old

Kasarian: Male

Kaarawan: March 09 2000

Lugar ng Kapanganakan: Quezon City

Status Sibil: Single

Pangalan ng Ina: Catherine Balino

Pangaln ng Ama: Marlon Balino

Kaligirang Pang-Edukasyon:

Secondarya (Senior): Kasiglahan Village Senior High School

Secondarya (Junior): San Isidro National High School

Primarya : Paaralang Burgos Elementary School


Pangalan: Jessie Zambales

Tirahan: Blk 10 Lot 1C Phase 1B Kasiglahan Village PICTURE 1x1


E-mail: natzukizambales@yahoo.com

Kaligirang Pansarili:

Edad: 17 years old

Kasarian: Male

Kaarawan: December 22 1999

Lugar ng Kapanganakan: Tondo Manila

Status Sibil: Single

Pangalan ng Ina: Imelda O. Zambales

Pangaln ng Ama: Mario M. Zambales

Kaligirang Pang-Edukasyon:

Secondarya (Senior): Kasiglahan Village Senior High School

Secondarya (Junior): Kasiglahan Village National High School

Primarya : Kasiglahan Village Elementary Annex School

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL


EKSIBIT

You might also like