You are on page 1of 31

KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL

Science, Technology, Engineering and Mathematics

KARANASAN AT KALAGAYAN NG MGA STEM NA IREGULAR NA MAG-


AARAL SA KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
TAONG PAMPANURUAN 2019-2020

Mungkahing Pananaliksik na Inihain


Bilang tugon sa Kahilingan ng Asignaturang
Pagbasa at Pananaliksik ng Iba`t-ibang Teksto sa Pananaliksik

Ingal, Samuel A.
Tamayo, Rainier
Bercede, Allen Keziahn B.
Danay, Mary Joy M.

G11-STEM
Ikalawang Semestre, 2019-2020

i
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

KALAGAYAN AT KARANASAN NG MGA IREGULAR NA MAG-AARAL SA


KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
TAONG PAMPANURUAN 2019-2020

_________________________

Ingal, Samuel A.

_________________________

Tamayo, Rainier

________________________

Bercede, Allen Keziah B.

_________________________

Danay, Mary Joy M.

Pangalan ng Institusyon: Kasiglahan Village Senior High School

Address/Kinatatayuan: Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal

Petsang Nasimulan: Disyembre 2019

Petsang Natapos: Enero 2020

ii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

TALAAN NG NILALAMAN

NILALAMAN PAHINA

PAGPAPAKILALA NG PANGKAT............................................................................. i
DAHON NG PAGPAPATIBAY ................................................................................... ii
KATIBAYAN NG PAGTANGGAP ............................................................................iii
PASASALAMAT ......................................................................................................... iv
PAGHAHANDOG ........................................................................................................ v
ABSTRAK .......................................................................................................................

KABANATA I
ANG PANIMULA AT SANLIGANG KASAYSAYAN

PANIMULA ................................................................................................................ vii


SANLIGANG KASAYSAYAN .................................................................................... x

KABANATA II

BANYAGANG LITERATURA ......................................................................................


LOKAL NA LITERATURA ...........................................................................................
BANYAGANG PAG-AARAL........................................................................................
LOKAL NA PAG-AARAL .............................................................................................

iii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

ABSTRAK

iv
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang kalaoob na antas ay .

Lupon ng Pagsusulit,

GNG. RUBY CLAIRE B. LICTAOA


Gurong Tagapayo

v
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

KATIBAYAN NG PAGTANGGAP

Tinanggap bilang katibayan sa pagtugon sa kahilingan sa asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungkol sa Pananaliksik.

Tinatanggap ngayon Kagawaran ng Filipino.


Kasiglahan Village Senior High School, Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez,
Rizal.

Tinatanggap Nina:
GNG. RUBY CLAIRE B. LICTAOA
Gurong Tagapayo

MR. ALLAN C. DILAGAN


Punong Guro

vi
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

PASASALAMAT

Ang bahaging ito ay bilang pasasalamat sa Panginoon dahil sa paggabay Niya


sa mga mananaliksik sa araw-araw lalo na sa mga panahon ng pananaliksik. Lubos din
ang pasasalamat namin kay Bb. Ruby Claire Lictaoa na siyang nagturo, gumabay at
nagbigay ng kaalaman simula pa noong unang araw na isinagawa ang pananaliksik na
ito. Gayundin sa mga respondante at mga taong sakop at tumulong ng lubusan upang
maging matagumpay ang pananaliksik. Higit sa lahat, sa aming mga minamahal na
magulang na todo ang suporta sa aming pananaliksik.

Kayo ang nagsisilbing inspirasyon sa paggawa ng isang pananaliksik na ito!

vii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog ng mga mananaliksik sa mga taong


sakop at sangkot ng pag-aaral. Sa lahat ng mga tumulong at kasapi ng aming paaralan,
Kasiglahan Village Senior High School, minamahal na punungguro, sa aming guro sa
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto na si Gng. Ruby Claire Lictaoa, sa mga
butihing guro, mga kapwa kamag-aral, para sa aming mga magulang at higit sa lahat
sa pokus ng pa-aaral na ito, mga irregular na mag-aaral ng aming paaralan. Malugod
naming ibinabahagi ang mga impormasyon at pag-aaral na aming natuklasan para sa
inyo.

viii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

KABANATA I

ANG PANIMULA AT SANLIGANG KASAYSAYAN


PANIMULA
“Experience is the best teacher”, ika nga ng Romanong lider na si Julius
Caesar. Lahat tayo ay may kani-kaniyang karanasan. Ang mga karanasang ito ang
magtuturo, huhubog at magdidikta kung ano ang mga kalagayan at kalalagyan ng
isang indibidwal na batay sa libro ni Schank (2010).
Ayon naman kay Climer (2017), ang mga karanasan ay may iba’t ibang epekto
sa buhay ng tao depende kung hanggang saan kakayanin ng taong nakakaranas nito.
Hindi ang karanasan ang importante kundi ang kahulugan ng karanasan na batay sa
ating nakikita. Kung ano ba ang nais ituro ng karanasan sa nakakaranas nito.
Samakatuwid ay kung ano ang epekto nito bilang indibiduwal para sa desisyong
gagawin sa hinaharap at kung paano magagamit sa pakikisalamuha sa kapwa.
Bilang isang mag-aaral, may mga karanasan at pagsubok na dumarating sa
kanilang pang-araw-araw na paglagi sa bawat apat na sulok ng silid-aralan.
Kaalinsunod nito ay mga suliranin mula sa labas ng paaralan na kailangan rin ng
agarang solusyon. Kung kaya’t dumarating sa punto na kailangan nilang mamili kung
ano ang gagawing desisyon at prayoridad dahilan upang sila ay malito at magkaroon
ng epekto sa kanilang pag-aaral.
Sa pagkakataong ito, kadalasang nagiging batayan ng karamihan ay kailangan
na ang isang mag-aaral ay hindi lamang masipag dapat matutunan din nilang
balansehin ang mga gawain upang masabing “sapat na” para makapasa kung hindi ay
maaari silang mapabilang sa hanay ng mga irregular na mag-aaral. Ang mga irregular
na mag- aaral , batay sa depenisyon ng Kagawaran ng Edukasyon, ay mga mag- aaral
na may record na hindi naipasa ang asignatura o mga asignatura sa nakaraang baitang,
maaari ring ituring na irregular ang isang mag-aaral sa senior high school kung ito’y
lumipat ng strand o galing sa ibang paaralan (transferred in).

Sa mundong puno ng kahusgahan at puro pananakit ng damdamin, isang


hamon para sa mga mag-aaral na punan ang mga bagay at gawain na hindi nila
kayang gampanan. Dahil na rin dito nawawalan sila ng gana na humakbang at

ix
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

ipagpatuloy ang kanilang buhay. Nawawalan sila ng pag-asang umangat at


makapagtapos ng pag-aaral. Maraming mag-aaral ang pinipili na lamang huminto ng
pag-aaral . Di naman kaya’y bumabagsak sila sa mga asignatura na kung tutuusin ay
kaya naman nilang ipasa. Sila’y ituturing na iregular na mag-aaral. Sila ang mga mag-
aaral na kung tingnan ng karamihan ay walang pakialam sa kanilang grado, bumagsak
man sila o hindi. Kadalasang tinitingnan na puro lamang pagbubulakbol ang hanap,
mga hindi nagseseryoso sa pag-aaral at kadalasa’y binibigyan ng pangalang “walang
dulot sa lipunan” Madalas makaranas ng pambubuska (pambubully), stereotyping at
pamamaliit ang mga mag-aaral na kabilang sa ganitong pangkat.

Ayon kay Briones (2015) ang pagtatatag ng programang K-12 sa ilalim ng


Enhance Basic Education Curriculum (EBEC) ay nangangahulugang masisigurong
lahat ng mga mag-aaral ay makukumpleto ang lahat ng kakailanganing ipasang
asignatura sa paaralan upang maikintal sa kanilang isipan ang mga kakayanan at
kaalaman na maaari nilang magamit bago sila makapaghanap ng trabaho o
magnegosyo.

Kung kaya’t hanggang sa makakaya ay binibigyan sila ng pagkakataon na


ulitin ang mga asignatura at muling pag-aralan. Subalit paano nila ito magagawa kung
ang lipunang kanilang ginagalawan ay masyadong mapanghusga? Mula sa
eksperyensiya ni Roque (2016) na inilahad niya sa kanyang blog, sa bawat
pagkakataong sinusubukan nilang may kaya silang patunayan ay tanging masasakit na
salita at negatibo ang kanilang natatanggap. Ang mga mananaliksik ay nakahihinuha
na maraming potensyal ang kayang gawin ng mga mag-aaral na irregular sa likod ng
mga panghuhusga sa kanila. Nakikita rin nila na ang mga ito ay labis na
nakatatanggap ng pambubuska lalo na sa mga kapwa mag-aaral.

Bilang kamag-aral, ninanais ng mga mananaliksik na sila’y tulungan na


makamit ang tamang pagtrato at mabigyan ng solusyon ang suliranin kung bakit sila
nakakatanggap ng mababang grado. Lingid sa kaalaman ng karamihan hindi lamang
puro bulakbol ang iniisip ng mga iregular na mag-aaral. Maaaring napakalaki na ng
suliraning kanilang kinahaharap sa loob man o labas ng paaralan.

x
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Ang mga mananaliksik ay nagnanais na maipahiwatig ng mga naturang grupo


ng mag-aaral ang kani-kanilang saloobin, karanasan, kalagayan at mga suliraning
kanilang tinatamo. Ang mga suliraning kinahaharap ng mga irregular na mag-aaral ay
nakababahala sapagkat maaari itong magkaroon ng malaking epekto sa kanilang
pamumuhay, ito’y mula sa pag-aaral na isinagawa ni Bote (2018). Maaaring hindi na
nila ipagpatuloy pa kung hindi masusulosyunan at makapagdulot ng naising huminto
na lamang sa pag-aaral. Ayon pa sa kanya, kung patuloy na mananaig sa isipan ng
lipunan at ng mismong iregular na mag-aaral ang ganitong kaisipan, ito ang
magpapalugok sa kanila.

Subalit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro negatibo ang dulot ng pagiging


iregular na mag-aaral.Maraming matatagumpay na indibiduwal ang napagdaanan ang
suliraning ito. Ang mga mananaliksik ay nakikitaan ng potensiyal ang mga kamg-aral
na irregular na maaring makapagbigay ng solusyon sa isyu ng pagtaas ng bilang ng
mga mag-aaral na bumabagsak sa amga asignatura at nahihirapang balansehin ang
kanilang oras. Nakikinita ng mga mananaliksik na maaaring mabigyan ng solusyon
ang suliranin kung sakaling mabatid ng pananaliksik ang mga karanasan at kalagayan
ng mga irregular na mag-aaral.

xi
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

SANLIGANG KASAYSAYAN

Noong mga nakaraang henerasyon, malaking suliranin na talaga sa Pilipinas


ang pagtaas ng bahagdan ng mga mag-aaral na bumabagsak. Ayon sa naitala ng
World Data Atlas, umabot sa 39.1 % ang bahagdan ng mga nagdropout noon pa
lamang taon 1990 at pumalo naman sa 24.2 % pagdating sa taon 2008.
Ang unang pag-aaral na kinatawang pambansa ng Estados Unidos upang
matugunan ang mga kadahilanan sa pagbaba ng high school ay ang pag-aaral ng EEO
noong 1955. Ito ay isang pribadong pag-aaral ng 35,472 na mga diplomores sa high
school at nakatatanda na isinagawa ng Edukasyon sa Pagsubok ng Mga Serbisyo mula
sa isang bigyan ng National Science Foundation (Eckland, 1972; Griffin & Alexander
, 1978). Kasama dito ang 35,472 mga paaralan ng high school at ang mga sanhi ng
pag-dropout na kanilang iniulat. Noong 1970, isang kabuuan ng 2,077 orihinal na mga
mag-aaral ang nakipag-ugnay sa isang cluster sampling na humarap sa mga isyu na
may kaugnayan sa trabaho, kabilang ang mga dating karanasan sa pag-aaral. Sa
pangkalahatan, 220 mga dropout (10.5%) ang tumugon at nagbigay ng impormasyon
sa mga kadahilanang nauugnay sa karanasan sa pag-dropout.
Ang sanhi ng isang mag-aaral na bumababa ay madalas na tinatawag na
antecedent ng dropout dahil ito ay tumutukoy sa pivotal event na humahantong sa
pag-dropout. Ang kaganapang ito, gayunpaman, ay ang pagtatapos ng mas mahabang
proseso ng pag-alis sa paaralan na nagsimula nang mahaba bago ang petsa na ang
isang mag-aaral ay talagang nagpapatuloy sa pag-aaral. Ang makasaysayang iskolar
sa pag-dropout ng paaralan ay umaabot mula pa noong 1927 monograp na may label
na ito na "pag-alis ng paaralan" at nauugnay ang mga nasa panganib na may
posibilidad na kababaan sa kaisipan (Fuller, 1927). Kasabay nito, ipinaliwanag ng
nakaraang pananaliksik ang mga sanhi ng pag-dropout at kahit na katalogo ng dropout
na mag-aaral mula sa sumunod na mga dekada sa mga termino ng nilalaman at
empirical merit mula sa mga pinagsama-samang pag-aaral nila Dorn (1993),
Rumberger at Lim (2008) Short at Fitzsimmons ( 2007). Gayunpaman, hindi pa bago
nagkaroon ng mga ulat ng mga mag-aaral na bumagsak ay inihambing mula sa lahat
ng magagamit na pambansang pag-aaral na kinatawan ng pag-aaral at pagkatapos ay
ito’y nasuri. Ang sumusunod ay inilalarawan ang pitong pambansang kinatawan ng

xii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

pag-aaral sa pag-dropout ng paaralan at ang kanilang mga natuklasan. Gayundin,


sinuri ang mga pag-aaral na ito gamit ang balangkas ng pagtulak, paghila, at
pagbagsak ng mga kadahilanan, tulad ng natuklasan nina Jordan, Lara, at McPartland
(2009) at Watt at Roessingh (2011), upang matukoy kung aling mga uri ng mga
kadahilanan ang pinakakilala. Ang seksyon ng talakayan ay magbubunga ng mga
potensyal na kadahilanan para sa mga pangunahing uri ng mga kadahilanan, at ang
mga implikasyon na ito sa dropout sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

Batay sa istatistikang nakalap ni Malipot (2019) mula sa Kagawaran ng


Edukasyon, nagmula sa 158,000 mag-aaral , halos nadoble ang bilang sa 370,000
nangangahulugang tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na bumagsak na nagnanais
na ipagpatuloy muli ang kanilang pag-aaral simula taong 2015 hanggang taong 2016.

Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ang sistemang pang- A merikano at itinuturo


pa rin ang demokrasya gayundin inilunsad ang “study now, pay later” layunin nito na
mabigyan ng karapatan na makapagtapos ang mga mag-aaral na hindi gaanong kaya
ang pang tuition fee at marami ring nabigyan ng pagkakataon na makakuha ng
scholarhip.

Unang nagsimula ang pagkakaroon ng irregular na mag-aaral sa mga kolehiyo


kung kaya’t ang iba sa mga sekondaryang paaralan ay hind masyadong pamilyar kung
ano nga ba talaga ang isang irregular na mag-aaral. Kapag sinasabing iregular na mag-
aaral kalimitan na pumapasok sa isipan ng isang kabataan ay mga mag-aaral na hindi
nakapasa o bumagsak sa isang asignatura sa kanilang kinabilanagan. Posibilidad ang
mga rason na ito. Ngunit, kahit saang anggulo tignan, may mga iba’t ibang dahilan
kung bakit ang mga iregular na mag-aaral ay nasa kasalukuyang sitwasyon nila
ngayon. Ayon kay Minaldo (2014), sa kolehiyo ay pwedeng ituring na Block Section
o indibiduwal na iregular. Sa Block Section, ang mga kapwa iregular ang mga
magkakaklase sa kahit anong asignatura sa iisang silid o particular na lugar lamang.
Kapag iregular naman, iba’t iba ang kamag-aral sa iba’t ibang asignatura.

xiii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Sa maikling salita, ang mga iregular na mag-aaral ay mga mag-aaral na


walang permanenteng seksyon. Sila rin ang mga mag-aaral na maaaring pangasiwaan
ang kanilang sariling oras at ayusin ang kanilang mga ninanais na iskedyul. Sa
kolehiyo, kung ang isang iregular ay masuwerte, maaari siyang punili ng isang
seksiyon ayon sa kagustuhan niya. Subalit sa mga high school, nakadepende ito sa
patakaran ng paaralan.

ORIGIN OF IRREGULAR

Batas ng K-12 para sa mga Mag-aaral na Iregular


K-12 ang unang naging pagbabago sa sistema ng pamumuhay sa mga irregular
na mag-aaral.

Sinasaad ng programang ito na ang mga mag-aaral ay nararapat at obligadong


matutong magbasa o magsulat sapagat hindi tumatanggap ang Elementarya ng mga
mag-aaral na hindi nag-Kinder.

Kung gayon, karapatan nila na ipagpatuloy ang hindi naipasang mga


asignatura na batay sa DepEd Order: Nos. 8, 26 and 39, s. 2015 kung saan bibigyan
ng pagkakataon ang mga mag-aaral na hindi nakapasa sa nakaraang baitang na
kumuha o magkaroon ng interbensiyon upang mas maintindihan nila ang mga
leksyon. Kung tutuusin, noon pa man malaking isyu na ang pagbagsak ng mga grado
ng mga mag-aaral sa Pilipinas. Isa itong hamon sa Kagawaran ng Edukasyon kung
kaya’t ang programang K-12 ay ipinasa hindi lamang para magdagdag ng baitang
kundi kaakibat nito ang pagkakaroon ng makahulugang interbensyon mula sa pahayag
ni Briones sa isang kolum ni Malipot (2018).

Isinasaad rin dito na ang pagkakaroon ng may bagsak na grado ay


nangangahulugang muling pagkuha ng binagsak na asignatura at nararapat na
maikintal ang mga leksiyon sa mga nasabing asignatura hangga’t ito’y makapasa at
makamtan ang tamis ng tagumpay na makamit ang pangarap sa buhay.

xiv
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Mga nakapaloob sa DepEd Order No. 8, s. 2015 (Policy Guidelines sa Silid-Aralan


para sa K to 12 Basic Education Program)

Ang batas na ito ay kinapapalooban ng mga hanay para sa mga papasa at


mananatili. Nakatala rin dito ang mga deskripsiyon, sistema ng paggagrado, at
pagpagmamarka na ang baitang 1 hanggang baitang 10, na may gradong 75 pababa ay
maituturing na bagsak sa naturang learning area ng asignatura.

Kaalinsunod nito ang panapos na estado para sa mga nasa Baitang 11 at


Baitang 12, kung may isa o higit pang ibinagsak na asignatura ay ituturing na iregular
na mag-aaral. Ang mga mag-aaral na mapapabilang dito ay obligadong dumaan sa
proseso ng remediyal na klase, kung hindi naman ay nararapat na kunin muli ang
asignatura o mga asignaturang hindi naipasa. Ang mga mag-aaral ay pinapayagang
mag-enroll sa mga asignaturang walang pangunahing kailangan para sa susunod na
semestre.

Ang mga Eksplorasyon sa Pagkakapantay-pantay ng Pag-aaral ng


Pagkakataon (EE: 55).

xv
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

BALANGKAS TEORITIKAL

Sinasabi na may mga dahilan kung bakit bumabagsak ang mga mag-aaral sa
mga Senior High School na inilahad ng teorya ni Wills na naglalaman ng 10 dahilan.
10 Dahilan Kung Bakit Bumabagsak Ang Mga Mag-aaral
1. Di kayang maghanda sa 5. Negatibong pag-uugali
tamang panahon. 6. Kulang sa tiwala sa
2. Walang pokus. sarili.
3. Di marunong 7. Nasobrahan ng tiwala sa
magkontrol ng oras. sarili.
4. Kulang sa tiyaga.

xvi
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

8. Kulang sa pag-iisip ng 9. Takot na magkamali.


mga bagay na kritikal. 10. Pagiging pabaya
May teorya din na nagpapaliwanag ng relasyon ng akademikong gawain at
mababang antas ng pagtuturo.
“Kung mababa ang antas ng pagkatuto, mataas ang posibilidad ng
pagkabagsak ng grado ng mag-aaral”. Teorya na tumatalakay sa mga resulta ng
pagakaroon ng mababang marka nila Al-Zhoui at Bani (2015).

“GINAWA KO NAMAN ANG LAHAT NGUNIT `DI SAPAT”: PANANALIKSIK TUNGKOL SA


KALAGAYAN AT KARANASAN NG MGA IREGULAR NA MAG-AARAL SA KASIGLAHAN
VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
TAONG PAMPANURUAN 2019-2020

BALANGKAS KONSEPTUWAL

INPUT AWTPUT

 Mga maaaring paraan


 Mga naging karanasan ng upang makapasa
mga iregular na mag-  Angkop na pagtrato sa
aaaral sa loob ng karapatan ng mga
paaralan. iregular na mag-aaral

PROSESO

 Surbey, pakikipanayam
 Pag-aanalisa

Pigura 1. Balangkas Konseptuwal sa Pananaliksik tungkol sa mga


kalagayan at karanasan ng mga iregular na mag-aaral sa Kasiglahan
Village Senior High School sa taong panuruan 2019-2020

xvii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga karanasan ng mga


iregular na mag-aaral at mga dahilan ng hiindi nila pagpasa sa mga asignatura.
Inaasahan na ang mga sumusunod ay masasagot:
1. Anu-ano ang mga demograpikong propayl ng mga iregular na mag-aaral?
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Enrollment Status
1.4 Bilang ng Beses na Bumalik sa Pag-aaral
2. Anu- ano ang mga asignatura na hindi naipasa ng mga iregular na mag-aaral?
2.1 Sa unang semester
2.2 Sa ikalawang semester
3. Tayahin kung ang mga sumusunod ay nakaaapekto sa pagiging iregular na
mag-aaral.
3.1 Estado ng buhay
3.2 Mental
3.3 Sosyal
4. Anu- ano ang mga karanasan, suliranin at epektong naranasan ng mga iregular
na mag-aaral sa loob at labas ng paaralan?
5. Anu- ano ang mga posibleng solusyon sa mga sulraning kinakaharap ng mga
iregular na mag-aaral?

SAKLAW AT DELIMINASYON
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga piling iregular na mag-aaral
ng Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) ng Kasiglahan Village
Senior High School taong panuruan 2019-2020. Limitado lamang amg panahon ng
pananaliksik mula Disyembre 2019 hanggang Enero 2020 sapagkat ito lamang ang
itinakdang panahon para sa mga mananaliksik.

xviii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay kinakailangan at napakahalaga sa mga nabanggit:
Sa mga iregular na mag-aaral na magsisilbing gabay upang magkaroon sila ng
interes na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.Pati rin sa mga guro, upang makakuha
ng ideya sa epektibong pagtuturo sa mga iregular na mag-aaral. Mahalaga rin ito sa
paaralan, upang mabigyan ng solusyon ang dahilan sa suliranin ng pagtaas ng mga
bumabagsak at wastong pag-implementa ng mga karapatan ng mga iregular na mag-
aaral.
Sa komunidad, sapagkat naipapaalam ang mga wastong pagtrato sa mga mag-
aaral na kulang pa sa pagpupursigi at dapat na kasapi sa panghihikayat.
At gayundin naman, sa mga mananaliksik upang maging batayan sa kanilang
gagawin.

KATUTURAN NG PAGTALAKAY

Iregular na mag-aaral – hindi regular, mag-aaral na hindi pinalad na makapasa sa


partikular na asignatura/mga asignatura dahilan ng pagkakaranas nila ng hindi
maayos na pagturing bilang mag-aaral.
Karanasan – mga pangyayari sa buhay na maaaring negatibo o positibo sa loob ng
partikular na panahon .
Pagpupursigi – katangian ng isang indibiduwal kung saan ang indibiduwal ay taglay
ang pagiging matiyaga.
Akademikong Perpormans – pagtataya ng kakayahan ng isang mag-aaral sa loob ng
paaralan

xix
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

KABANATA II:
BANYAGANG LITERATURA

LOKAL NA LITERATURA

Isa sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng irregular na mag-aaral ay ang


pagkakaroon ng bagsak na grado sa mga particular na asignatura. Mula sa Pilipino
Star ni Layson (2014), kinumpirma ni Education Secretary Armin Luistro na patuloy
ang pagtigil sa pag-aaral ng ilang estudyante bunsod ng maraming kadahilanan. Ilan
sa mga ito ay ang pangangailangan ng mga bata na tumulong na sa gawain o
paghahanapbuhay ng magulang dala ng labis na kahirapan, habang ang iba naman ay
maagang nag-aasawa. Iniulat rin ng DepEd na apat sa bawat 10 batang tumuntong sa
Grade 1 ay hindi nakapagtatapos sa high school dahil napipilitan silang tumigil sa
pag-aaral bunsod ng maagang naaatang sa kanila ang maraming obligasyon sa
pamilya.

Batay kay Roque (2016), napakaraming dahilan kung bakit nagiging irregular
ang isang mag-aaral. Binigyang diin niya nan a hindi lahat ng mga irregular na mag-
aaral ay puro bagsak ang grado, mababa ang pagkatuto o mahirap umintindi ng mga
leksyon. May mga irregular na mag-aaral na nagiging irregular dahil sa ang kinuhang
kurso ay walng interes kung kaya’t ang mag-aaral ay nagsi-shift. May mga mag-aaral
rin na transferee at ang mga asignatura na wala sa natapos niyang taon sa nakaraang
paaralan ay kaniyang kinukuha sa kasalukuyang paaralan na nilipatan, ang mga
irregular na ito ay kadalsang nagkakaroon ng problema sa pagsasaayos ng kanilang
mga iskedyul.

Ang pagiging isang irregular na mag-aaral ay hindi madali. Ayon sa blog ni


‘artistanglakwatsera’ , maraming mga suliranin ang kinahaharap ng mga irregular na
mag-aaral. Hindi rin basta-basta maging isang irregular lalo na sa tingin ng mga tao
ay lagi silang kabiguan. Ang mga iregular na mag-aaral ay hindi lang natatapos sa
paaralan ang kanilang buhay. Marami rin silang suliranin sa labas ng eskwelahan.

xx
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Ayon naman sa blog ni Pangilinan (2017), may mga pare-parehong karanasan


ang mga nararanasan ng mga irregular na mag-aaral. Tulad ng mga sumusunod;
nahihirapan ang mga ito sa pagdedesisyon para sa hinaharap, nahihirapan sa pag-
oorganisa ng oras at gawain, nahihirapan kung anong asignatura ba ang uunahin,
nagkakaroon ng overloading sa units (para sa mga kolehiyo), may mga asignatura na
kailangang isakripisyo para mapasa lang yung iba, parati ring nakaririnig ng tanong
na “Gagraduate ka pa ba?”, nahihirapang makisalamuha sa mga regular na mag-aaral,
makakaranas tawagin na “ate o kuyang irreg”, pagkahuli sa mga lessons, hirap
makiisa sa pangkatang gawain at kung minsa’y malilito sa mga kagrupo at kaklase.
Ilan lamang ang mga ito sa mga karanasan na kanilang nararanasan at mga suliraning
araw-araw na kinahaharap.

Ayon kay Bote(2018), mayroong apat na kamalian ang palaging naikikintal sa


isipan ng karamihan kapag nadirinig ang mga katagang “irregular students”, ito ay
ang mga sumusunod:
1. Kailanman hindi kaaya-ayang ihabilo sa mga karaniwan.
2. Kailanman hindi magiging mabuting miyembro ng pamilya.
3. Kailanman hindi magiging mabuting lider.
4. Kailanman hindi kakikitaan ng pagbabago.
Ang mga pagkakamaling isipang ito ay maaari ring maikintal sa mismong
iregular na mag-aaral. Ang mga ito ay nagiging dahilan ng pagkawala nila ng interes
sa pag-aaral.

BANYAGANG LITERATURA

BANYAGANG PAG-AARAL
Batay sa estadistikang isinagawa ni Estregan, nakakintal na sa isip ng mga tao
na maaaring magkaroon ng posibilidad na ang isang mag-aaral ay mawalan ng tiwala
sa sarili at mawalan ng pag-asa na muling sumubok pagkatapos na hindi pumasa at
ang mga mag-aaral na hindi nakapasa ng mga tiyak na requirements ay obligadong

xxi
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

umulit upang kunin ang partikular na asignatura na nakapagpababa at nakasira sa


akademikong rekord nila, ang mas malala pa ay magkakaroon sila ng isiping
bumagsak sa ibang asignatura kahit hindi naman dahil hindi lahat ng mga mag-aaral
na irregular ay nagiging irregular dahil lang sa pagbagsak. May mga mag-aaral na
nawawalan lamang ng interes sa pag-aaral o di kaya’y tuluyan ng humihinto ng pag-
aaral subalit may mga mag-aaral rin namang patuloy pa rin sa pag-aaral kahit na puro
bagsak sa mga nakaraang asignatura.

May mga iba’t ibang salik na nakakaapekto kung bakit may mga nagiging
irregular na mag-aaral. Ayon sa pag-aaral ni Bobiles, isa sa mga salik na ito ay ang
diskriminasyon. Marami sa mga irregular na mag-aaral ay nakararanas ng kakaibang
pagtrato mula sa mga tao sa paligid nila.

Napatunayan naman nina McDille (1999), Levin (2002) at Mishaloudus


(2009), na ang mga taong nakatira malapit sa unibersidad o institusyon ay gumagawa
ng mas mahusay kaysa sa iba pang mag-aaral. Kung gayon, masasabing ang distansya
o layo ng tirahan ng isang mag-aaral ay nagpapakita ng kadahilanan o salik sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ni King at Bannon (2002), naitala na 46% ng


full time working student ay nagtatrabaho ng 25 oras at higit pa kada lingo at 42 %
naman nito ang nagsasabing naaapektuhan nito ng husto ang kanilang pag-aaral.
Subalit, 66 % naman ang tumaliwas sa mga nauna sapagkat hindi sila makapag-aral
kung hindi sila nagtatrabaho.Ang pinakahuli namang naitala noong taong 2014 mula
sa pag-aaral ni Yupo, isa sa limang mga manggagawang mag-aaral ang nagtatrabaho
ng 35 na oras at higit pa upang magkaroon ng pantustus sa kanilang pag-aaral. Mula
naman sa pag-aaral na isinagawa sa Estados Unidos taong 2007, tinatayang 49% ang
bilang ng mag-aaral, 16-24 taong gulang, ang nagtatrabaho habang nag-aaral, 225 dito
ay ay nagtatrabaho ng 24-30 oras sa loob lamang ng isang lingo at 9% naman ang
nagtatrabaho ng higit pa sa 35 na oras.

xxii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Noong taong 2008 naman naglabas ang Bureau of Labor Statistics ng Estados
Unidos ng ulat tungkol sa mga mag-aaral na nakapagtapos ng sekondaryang
edukasyon kahit na sila ay nag-aaral o patigil- tigil sa pagpasok sa pag-aaral dahil sa
pagtatrabaho. Naitala sa 82.1 % ng pag-aaral ay bahagdan ng mga mag-aaral na
nakapagtapos na ipilit ang pagsabayin ang pagtatrabaho habang nag-aaral. Naitala rin
ditto na may kinalaman ang kasarian sa mga nakapagtapos na nagtatrabaho habang
nag-aaral. May 46.1 % ang mga babaeng nakapagtapos habang 36% lamang ang mga
lalaki rito.

Ang mga irregular na mag-aaral ay may kani-kaniyang

LOKAL NA PAG-AARAL
Ang isa pang pagkukulang na natuklasan kumbakit marami ang bumabagsak
at napapabilang sa pagiging irgular na mag-aaral ay ang kawalan ng balance sa
pagitan ng trabaho at akademya. Sa Pilipinas, ito ay normal para sa mga mag-aaral na
kolehiyona nagtatrabaho habang nag-aaral o working students subalit, ayon kina
Kulm at Cramer (2006) ang mga mag-aaral na nagtatrabaho sa labis na oras ay hindi
sapat ang tulog upang magkaroon ng lakas para sa kanilang mga gawaing
pampaaralan sa oras na sila ay pumasok na sa paaralan. Kalimitang nawawalan ng
pokus sa pakikinig o hindi kaya’y nakakatulog sa oras ng talakayan.

Batay naman sa pag-aaral na isinagawa ni Yupo (2014), kaugnay ng mga


irregular na mag-aaral sa Accountancy, nakakatulong ang pagkakaroon ng maayos na
ugnayan at pagkakalapit sa pamilya ng mag-aaral lalo na sa irregular. Kumbaga ang
suporta ng mga pamilya ay mahalaga upang mas lalo silang mabigyan ng pag-asa.
Ayon din dito, nagkakaroon ng epekto ang hindi matiwasay na pagtulog sa kanilang
tahanan kung ito’y madadala sa oras ng pag-aaral.

xxiii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

KABANATA III:
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ginawa ng mga mananaliksik ayon sa


pamamaraang Deskriptibong Disenyo sapagkat ang mga mananaliksik ay gumamit ng
mga kwalitatibong pamamaraan at inaalam ang mga opinyon ng mga irregular na
mag-aaral na maaaring makapagbigay ng solusyon sa kanilang suliranin . Ito ang
napili ng mga mananaliksik sapagkat mas madali ang paglikom ng mga datos.

Mga Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga iregular na mag-aaral mula


sa ika-12 baitang ng Science, Technology, Engineering and Mathemaics (STEM).
Partikular sa mga kumuha ng remediyal sa una at ikalawang semestre. Gumamit ang
mga mananaliksik ng sampling na may layunin o Purposive Sampling.
Sa kabuuan, may anim (6) na bilang ng respondente ang pananaliksik na ito.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng surbey na may


talatanugan at pakikipanayam sa uri ng Focus Group Discussion para makalikom ng
datos upang malaman ang mga opinyon ng mga respondente. Kumuha rin ng mga
impormasyon ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng internet at ibang sanggunian
para sa mga talatanungan.

Tritment ng Datos

xxiv
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Ang analisis at ang pagsalin ng mga datos para maging pamilang na


impormasyon ay gumamit ng pagtatally at hindi na ginamitan ng pormula sapagkat
may kabuuang apat (4) lamang ng respondente ang pananaliksik na ito sa halip ay
inilagay sa mga kategorya ang mga kasagutan sa mga hindi pambilang na katanungan
o mga kasagutan mula sa opinyon ng mga respondente.

APENDISE
xxv
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Enero 23, 2020

Sa kinauukulan,

Isang mapagpalang araw!

xxvi
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Kami po ay mga mananaliksik na nagmula sa Baitang 11 ng Science, Technology,


Engineering and Mathematics (STEM) sa Kasiglahan Village Senior High School.
Nagnanais po sana kaming humingi ng mga datos na aming kakailanganin bilang
suporta sa aming ginagawang pananaliksik. Ang pamagat po ng aming pag-aaral ay
“Ginawa Ko Naman Ang Lahat Ngunit `Di Sapat”: Pananaliksik Tungkol Sa
Kalagayan At Karanasan Ng Mga Iregular Na Mag-Aaral Sa Kasiglahan Village
Senior High School Taong Pampanuruan 2019-2020.

Maraming Salamat po sa inyong pagtugon.

Lubos na Gumagalang,
Samuel Ingal
Rainier Tamayo
Allen Kezeah Bercede
Mary Joy Danay
Mga Mananaliksik

Enero 20, 2020

G. Allan Dilagan
Punongguro

xxvii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

Mabuhay po mahal na punungguro!

Kami po ang mga grupo ng mananaliksik na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa


mga karanasan at kalagayan ng mga iregular na mag-aaral sa ating paaralan. Nais po
naming hingin ang inyong pahintulot upang maisagawa ito. Gayun na rin po ang mga
proseso at pagtatanong sa mga respondent n gaming pananaliksik.

Ang inyo pong tugon ay isang kaluguran sa amin. Maraming salamat po.

Lubos na Gumagalang,

Samuel Ingal
Rainier Tamayo
Allen Kezeah Bercede
Mary Joy Danay
Mga Mananaliksik

TALATANUNGAN:

I. Demograpikong Propayl

Pangalan: (opsiyonal) Enrollment Status:


Edad: Bilang ng beses na pagbalik sa pag-aaral:
Kasarian:

xxviii
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

II. Punan ng tsek ang mga hinihingi ng katanungan.

A. Sa unang semester, anu-ano ang mga asignaturang iyong hindi


naipasa?
___Earth and Science ___Gen. Mathematics
___Oral Communication ___Komunikasyon at
Pananaliksik
___21st Century ___Empowerment
Technologies
___P.E. ___Gen. Biology I
___Filipino sa Piling Larang ___Pre-Calculus

B. Sa ikalawang Semestre, anu-ano ang mga asignaturang iyong hindi


naipasa?
___Statistics And Probability ___Gen.Biology II
___DRRR ___Entrepreneurship
___Practical Research I ___Personal Development
___P.E. ___Pagbasa at Pananaliksik
___Reading and Writing Skills ___Basic Calculus

C. I-rank ang mga sumusunod kung ito ba ay nakapagbibigay ng epekto


sa iyong pag-aaral.

Kung saan:
4 – pinakamalaking epekto
3 – may epekto
2 – may kaunting epekto
1 – walang epekto

Deskripsiyon ng Iskala
Bilang Deskripsiyon
4 Nagpapakita ng malaking epekto upang hindi maipasa ang
asignatura.
3 Kung nakararanas ng epekto sa pag-aaral sanhi upang di
makapasa.
2 Kung nagpapahiwatig ng epekto subalit hindi gaanong
nakakaapekto sa grado.
1 Hindi kailanman kinakitaan ng epekto sa pagbagsak sa
asihnatura.

3.1 SOSYAL
4 3 2 1

xxix
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

1. Nahihiya dahil sa mga posibleng negatibong


iniisip ng kapwa.
2. Nakakaranas ng madalas na pagkukumpara sayo
ng iba sa mga regular na mag-aaral
3. Walang moral na suportang natatanggap mula sa
pamilya, kaibigan, kamag-aral, guro at paaralan
4. Nakakaramdam ka ng pag-iwas nila mula sayo
dahil sa pagiging irregular na mag-aaral
5. Nakakaranas ng pambubulas mula sa mga taong
nasa paligid mo kung kaya’t napanghihinaan ng
loob makasalamuha.

3.2 ESTADO SA BUHAY


4 3 2 1
1. May malayong tirahan mula sa paaralan.
2. Kinukulang sa baon tuwing may pasok.
3. Walang pambayad sa mga gastusing pampaaralan.
4. Naiimpluwesiyahan ng isipang mahirap ang pag-
aaral kung mahirap lamang.

5. May ibang miyembro ng pamilya ang prayoridad


pag-aralin dahil sa hirap tustusan ang pag-aaral.

3.3 MENTAL AT EMOSIYONAL


4 3 2 1
1. Nakakaranas ng pagkatakot sa guro baka
mapagalitan dahil sa pinapakitang perpormans.
2. Mahirap intindihin ang mga leksyon kaya
nakakaramdam ng pagkawala ng interes mag-
aral.
3. Gumugugol ng mahabang oras sa mga bagay na
kinasisiyahan lamang na walang kinalaman sa
pag-aaral halimbawa: Computer Games at Social
Media
4. Hindi nauunawaan ng maigi ang paraan ng
pagtuturo ng guro.
5. Nakararamdam ng pagkabigo sa sarili dahil sa
isiping hindi na makakapasa pa.

III.

xxx
KASIGLAHAN VILLAGE SENIOR HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics

1. Anu- ano ang iyong mga naranasan, suliranin at epekto bilang isang
irregular na mag-aaral sa loob at labas ng paaralan?

2. Anu- ano sa tingin mo ang maaaring solusyon sa mga suliranin ng mga


irregular na mag-aaral?

xxxi

You might also like