You are on page 1of 4

9200 Iligan City, Philippines

Paksa:
ANG PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS NG MGA MAG-AARAL SA
ST. MICHAEL’S COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL AT EPEKTO NITO
SA GAWAIN SA PAARALAN

Nilalaman:
Konseptong papel
Pansamantalang bibliyograpiya

Ipinasa ni:
Andrea Nicole Bautista
Lorie Lord Manuel
Marc Angelo Cabilida
Allen Jean Cadayuna
Migs Montecino
Reynan Pao

Ipinasa kay:
Bb. Rhea Mae C. Ursaiz

GRADE 11- ST.THERESE OF THE CHILD JESUS (ABM)


KONSEPTONG PAPEL

Rasyonale

Tila magkakaiba na ang larawan ng kabataan noon sa larawan ng kabataan


ngayon. Sa pagdaan ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya, ang mga hilig ng
kabataan ay nag-iiba narin. Marami ng kabataan ang nalululong sa paggamit ng mga
gadyets, nagsilabasan narin ang kahit anong mga social networking sites na ginagamit
sa pakikipagkomunikasyon at higit sa lahat ang pagunlad ng mga online games at
video games. Isang halimbawa na rito ang sikat na larong “Mobile Legends”,
Ang Mobile Legends:Bang Bang ay isang laro ng developer na Moontoon na inilabas
noong July 11, 2016. Ito ay nilalaro sa Android at IOS, at ang larong ito
ay Multiplayer online battle arena (MOBA).
Dahil sa labis na pagsikat ng larong ito, maraming estudyante rin ang nalulong
sa paglalaro ng Mobile Legends, lalo na sa mga kalalakihan. Pati sa loob ng silid-
aralan hindi talaga mabitawan ng mga estudyante ang kanilang mobile phones sa
kakalaro nito, puyatan at wala pang tulog na naglalaro nito araw araw. Kasabay ng
pagtaas ng ratings ng larong ito, tumaas rin ang bilang ng mga estudyanteng
napapabayaan na ang kanilang gawain sa paaralan dahil sa paglalaro nito. Marami ng
mga kabataan ang naaadik dito kaya isa ito sa nakikitang sanhi kung bakit
naaapektohan ang performance ng mga estudyante sa gawain sa paaralan.

Layunin

Nais ng papel na ito na mag-pokus sa mga epekto ng sobrang paglalaro ng mga


estudyante sa mga online games kagaya ng Mobile Legends at paano ito
nakakaaapekto sa kanilang mga responsibilidad sa gawain sa paaralan. Nais rin ng
papel na ito na malaman ang mga posibleng epekto nito hindi lamang sa kanilang
gawain sa paaralan kundi pati narin sa kanilang kalusugan. At kung papaano narin
maaaring masolusyonan ang sobrang adiksyon ng mga kabataan sa larong ito
ngayon.

Metodolohiya

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa


iilang estudyante ng St. Michaels College tungkol sa kanilang pag lalaro ng Mobile
Legends bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng
pananaliksik na isasagawa. Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng
obserbasyon sa mga estudyanteng mahilig sa larong ito at ang kanilang mga
performances sa paaralan.

Inaasahang Output o Resulta

Inaasahang makabubuo ng higit sa 20 pahinang output ang pananaliksik na


isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito.
Inaasahan ding makapagpapahayag sa output ng mga rekomendasyon kung papaano
maaaring limitahan ang masamang epekto nito sa mga estudyante.
Pansamantalang Bibliyograpiya

1. AnthonyD (Ace) (Hulyo 2017)

Ano ang kahulugan ng Mobile Legends?


Nakuha noong Oktubre 20, 2019 sa

https://brainly.ph/question/2134343

2. Jeyk Nolven (2016)


" Ang Epekto ng Larong Online sa Performance ng mga Estudyante sa

Senior Highschool "


Nakuha noong Oktubre 20, 2019 sa

https://www.academia.edu/31576711/_Ang_Epekto_ng_Larong_Online_sa_P

erformance_ng_mga_Estudyante_sa_Senior_Highschool_?auto=download

3. Wikipedia (edited Oktubre 2019)


Mobile Legends: Bang bang
Nakuha noong Oktubre 20, 2019 sa

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mobile_Legends:_Bang_Bang

You might also like