You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
CESAR E. VERGARA MEMORIAL HIGH SCHOOL
PUROK 4, BRGY. LAGARE, CABANATUAN CITY

Disyembre 14, 2023

CATALINA P. PAEZ, PhD CESO V


Schools Division Superintendent
Cabanatuan City

WILFREDO R. SISON, PhD


Chief, School Governance Operations Division
Cabanatuan City

Nais ko pong ipaalam sa inyo ang isang insidente na naganap sa loob ng aming paaralan,
Cesar E. Vergara Memorial High School noong Disyembre 13, 2023. Bilang Punong-guro
ng paaralan, tungkulin kong iulat ang insidenteng ito at magbigay ng detalye ukol sa
pangyayari.

Sa pagitan ng ganap na alas 4:00 hanggang alas 10:00 ng gabi, habang nag-iikot at
nagbibilang ng mga alagang hayop ang tagabantay ng paaralan tuwing gabi na si Xander
Riparip ay napag-alamang may mga nawawalang mga alagang hayop na 8 bibe, 2 gansa
at 1 bibe.

Sa tulong ng ating Department Head, Sir Alvin Guillermo, nirepaso nila ang mga CCTV
ngunit, dahil walang fixed CCTV sa nasabing lugar, nasuri na lamang nila ang mga
malalapit na CCTV at wala silang napansing kakaiba sa buong gabing iyon

Bilang kasunod na aksyon, ito ay ipinabatid sa pamunuan ng Barangay Lagare ngayong


huwebes ng umaga, gayundin ito ay ipinabatid sa mga kapulisan at nagkaroon ng inisyal
na pag-iimbistiga.

Kalakip nito ang mga pahayag ng mga tagapangalaga ng paaralan tungkol sa pangyayari.

Address: Brgy. Lagare, Cabanatuan City


Tel No.: 044-960-3932 E-Mail: 307301@deped.gov.ph
https://www.facebook.com/CEVMHSdeped
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
CESAR E. VERGARA MEMORIAL HIGH SCHOOL
PUROK 4, BRGY. LAGARE, CABANATUAN CITY

Agad niyang ibinalita sa akin ang pangyayari kaya agad kong tinawag ang atensyon ng
guard namin sa night shift na si Mr. Xander Riparip.

Nais kong ipaalam sa inyo kaagad ang insidenteng ito at tiyakin sa iyo na ginagawa namin
ang lahat ng posibleng hakbang upang matugunan ang sitwasyon at maiwasan ang
anumang katulad na mga pangyayari. Naiintindihan namin ang bigat ng sitwasyon at
nakatuon kami sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga alagang hayop ng paaralan.

Patuloy po akong magbibigay ng impormasyon kaugnay sa pangyayari

Salamat.

Gumagalang,

LEAH PAULENE V. ESCUADRO, PhD


Principal I

Address: Brgy. Lagare, Cabanatuan City


Tel No.: 044-960-3932 E-Mail: 307301@deped.gov.ph
https://www.facebook.com/CEVMHSdeped

You might also like