You are on page 1of 11

Pangalan:________________________________________________ Petsa: _____________________

Baitang at Pangkat:_______________________________________ Iskor: _____________________

Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at


1 Bunga mula sa Tekstong Napakinggan

MELC: Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa


tekstong napakinggan.
(F5PN-IVa-d-22)

Susing Konsepto


Ang ugnayang sanhi ay ang paglalahad ng dahilan ng pagkakaganap
ng isang pangyayari.
• Ang ugnayang bunga ay ang kinalabasan o resulta ng pangyayaring
ito. Ginagamitan ito ng mga pangatnig na dahil/dahil sa, kung
kaya/kaya, sapagkat/pagkat.
Halimbawa:
Masipag mag-aral si Leo kung kaya madali niyang nasagutan ang
(Sanhi o Dahilan)
kaniyang module at nakakuha ng mataas na marka.
(Bunga o Resulta)

Masipag mag-aral si Leo.

Sanhi

Madali niyang nasagutan Nakakuha ng mataas na


ang kaniyang module. marka.
Bunga Bunga

Gawain 1
Panuto: Ipabasa sa magulang o mas nakatatanda na kasama sa bahay ang
tekstong nasa ibaba. Pagtambalin ang mga pangyayari na nagpapakita
ng sanhi at bunga ayon sa binasa. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
angkop na bunga.

1
Pangalagaan ang Tubig

Mahalaga ang tubig sapagkat ito ay lubhang kailangan ng tao, hayop,


at maging halaman. Ang tubig na malinis ay nagbibigay buhay sa atin
kaya’t hindi ito dapat sayangin.
Kapag umuulan, ang tubig ulan ay dapat sahurin upang magamit
itong panlaba, pampaligo at iba pa.
Dapat nating gamitin ang tubig sa wastong paraan. Kailangan laging
impukin ito nang hindi tayo maubusan. Ipagawa ang mga sira at
tumutulong gripo nang hindi masayang ang tubig.
Kung naghuhugas ng plato at mga pinagkainan, gumamit ng
palanggana nang hindi tuloy-tuloy ang daloy ng tubig. Gumamit ng baso
kung nagsisipilyo.

Sanhi Bunga

_____1. Mahalaga ang tubig. a. hindi masayang ang tubig

_____2. Ang tubig na malinis ay nagbibigay b. ito ay kailangan ng tao,


buhay. hayop at maging halaman.

_____3. Dapat sahurin ang tubig ulan. c. magamit itong panlaba,


pampaligo at iba pa.

_____4. Kailangan laging impukin ang tubig. d. hindi ito dapat sayangin

_____5. Ipagawa ang mga sira at tumutulong e. nang hindi tayo


gripo. maubusan

Gawain 2
Panuto: Kopyahin at kumpletuhin ang dayagram tungkol sa napakinggang
teksto na babasahin ng iyong magulang o mas nakatatandang kasama sa
bahay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

MGCQ, muling ipinatupad!

Ipinatupad ng IATF (Inter-Agency Task Force) ang MGCQ o Modified


General Community Quarantine sa maraming lugar sa Pilipinas dahil sa
patuloy na pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa COVID-19. Muling
ipinagbawal ang paglabas ng mga bata mula edad 14 pababa at matatanda
na edad 65 pataas dahil sila ang madaling mahawahan ng sakit. Ibinalik din
ang pagkakaroon ng curfew mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-singko
ng umaga upang malimitahan ang paglabas ng mga tao. Kinontrol din ang
pagpasok at paglabas ng mga tao sa mga probinsya upang mapigilan ang
pagkalat ng virus dito. Mahigpit ding ipinatupad ang pagsunod sa mga
health protocols para makaiwas sa lumalaganap na sakit.

2
Modified General Community
Quarantine

Sanhi Bunga

Ipinatupad ng IATF ang MGCQ sa


maraming lugar sa Pilipinas

madali silang mahawahan ng sakit

malimitahan ang paglabas ng mga tao

Kinontrol din ang pagpasok at


paglabas ng mga tao sa mga probinsya

makaiwas sa lumalaganap na sakit

Gawain 3
Panuto: Pakinggan ang babasahing teksto ng magulang o mas
nakatatandang kasama sa bahay. Punan ng sagot ang fishbone diagram
mula sa napakinggang teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tao, Tagapag-alaga Ka Ba ng Kalikasan?

Ang kalikasan ay sadyang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon upang


makatulong sa ating pamumuhay sa mundo. Sa gitna ng mga biyayang
tinatamasa natin mula sa kalikasan, unti-unti naman nating nalimutan na
may tungkulin din tayo sa kalikasan. Nalimutan nating magtanim ng mga
bagong puno at halaman kapalit ng mga kinuha natin. Sinunog din natin
ang mga kabundukan para taniman ng palay, na ang naging kapalit at baha
at pagguho ng lupa. Gumamit tayo ng mga paraang nakapipinsala, tulad ng
dinamita at pinong lambat, sa panghuhuli ng mga isda. Naging dahilan ito
ng pagkamatay ng mga maliliit na isda. Hinuhuli natin ang ang ibon at
hayop sa kagubatan na nagiging sanhi ng pagkawala o pagkaubos ng mga
hayop.
Naging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapangalaga.
Ngayon ay nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit na ang

3
panahon dahil sa kawalan ng lilim ng mga puno. Malimit na rin ang
pagbaha.
Nararapat na tayong kumilos ngayon habang may natitira pang
yaman ang ating kalikasan. Harapin natin ang ating tungkulin bilang
tagapangalaga ng kalikasan.

Sanhi

Kalikasan

Bunga

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Isulat ang iyong sagot sa Learning Journal.

1. Ano ang sanhi at bunga?


2. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa sanhi at bunga sa isang pahayag?
3. Paano mo matutukoy ang sanhi at bunga sa mga problema na
kinakaharap ng iyong komunidad?

4
Aralin Paggamit ng Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap sa
2 Pagsasalaysay ng Napakinggang balita.

MELC: Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng


napakinggang balita.
Susing Konsepto
(F5WG-IVa-13.1)

Tatlong Uri ng Pangungusap

• Payak na pangungusap – ito ay isang uri ng pangungusap na


binubuo ng isang simuno at panaguri. Ito ay may isang buong diwa.
Halimbawa:
Ang pamilya ni Noel ay nagmamahal sa Diyos.
Simuno Panaguri

• Tambalang pangungusap – isang uri ng pangungusap na binubuo


ng dalawang payak na pangungusap o sugnay na nakapag-iisa na
pinag-uugnay ng pangatnig na at, o, ni, ngunit, subalit, datapwat,
samantala, at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
Magdidilig ako ng halaman at ikaw naman ang maglilinis ng bahay.
Sugnay na nakapag-iisa Sugnay na nakapag-iisa

• Hugnayang pangungusap – isang uri ng pangungusap na binubuo


ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-
nakapag-iisa.
Ang iba pang uri ng pangatnig na ginagamit sa hugnayang
pangungusap ay upang, kung, kapag/pag, sapagkat/pagkat,
dahil, at nang.
Halimbawa:
Nagsimula sa kanilang imahinasyon ang bagay na ito ngunit ngayon
Sugnay na nakapag-iisa Sugnay na
nagkatotoo na.
di-nakapag-iisa

Gawain 1
Panuto: Pakinggan ang babasahing balita ng magulang o mas
nakatatandang kasama sa bahay. Isulat ang P kung ang pangungusap na
galing sa balita ay payak, T kung tambalan at H kung hugnayan.

5
TVcycle, Bagong Ehersisyo para sa mga Bata

Washington – Inilunsad kamakailan ng isang ospital sa New York ang


TVcycle upang matulungan ang matatabang bata na makapagpapayat sa
pamamagitan ng ehersisyo.
Isang bisikleta ang TVcycle na nakakonekta sa telebisyon at
kailangang ipidal muna ng mga bata ang bisikletang ito upang makapanood
ng kanilang mga paboritong programa.
Ayon sa pag-aaral ng St. Luke’s Roosevelt Hospital, ang labis na
panonood ng telebisyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaba ng
mga bata dahil ninanakaw nito ang panahong ginugugol sana para sa
paglalaro.
Ang TVcycle ay isang alternatibo sa pormal na ehersisyong kailangan
ng mga bata. Malaki ang maitutulong nito upang lumakas at sumigla ang
kanilang katawan.

______1. Inilunsad kamakailan ng isang ospital sa New York ang TVcycle


upang matulungan ang matatabang bata na makapagpapayat.

______2. Isang bisikleta ang TVcycle na nakakonekta sa telebisyon at


kailangang ipidal muna ng mga bata ang bisikletang ito upang
makapanood ng kanilang mga paboritong programa.

______3. Ayon sa pag-aaral ng St. Luke’s Roosevelt Hospital, ang labis na


panonood ng telebisyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng
pagtaba ng mga bata.

______4. Ang TVcycle ay isang alternatibo sa pormal na ehersisyong


kailangan ng mga bata.

______5. Malaki ang maitutulong nito upang lumakas at sumigla ang


kanilang katawan.

Gawain 2
Panuto: Ipabasa sa magulang o mas nakatatanda na kasama sa bahay ang
balitang nasa ibaba. Punan ang kolum ng mga pangungusap ayon sa uri
nito.

ECQ, pinalawig

Umaaray na ang ilang manggagawa at naghahanapbuhay sa


pagpapalawig pa ng Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus Bubble
hanggang sa April 11. Panawagan nila ang sapat na ayuda mula sa
gobyerno at pabilisin ang pagbibigay ng bakuna sa mga mamamayan.
Tiniyak ng DILG na may nakalaang ayuda para sa mga natukoy na
benepisyaryo ng DSWD. Pero sinabi ng grupong Defend Drugs Philippines

6
na pang-apat na araw lamang ang halagang isang libo sa bawat tao o apat
na libo sa bawat pamilya. Para sa grupong Bayan Muna, sampung libong
piso ang nararapat na ayuda sa mga manggagawang lubhang naapektuhan
ng lockdown.
Sa pinalawig na ECQ mas paiigtingin ng pamahalaan ang
pagpapatupad ng Prevent, Detect, Isolate, Treat and Re-Integrate Strategy.
Layunin ng programang ito na mapababa ang kaso ng COVID-19. Kung
makikitang umobra ito sa loob ng isang lingo saka magdedesisyon kung
ilalagay na sa Modified Enhanced Community Quarantine ang NCR Plus.

Payak Tambalan Hugnayan

Gawain 3
Panuto: Makinig ng balita at isalaysay muli ito ng pasulat gamit ang iba’t-
ibang uri ng pangungusap na iyong natutunan.

RUBRIK SA PAGSASALAYSAY NG BALITA

5 4 3 2 1
Maayos at malinaw na naisalaysay ang
napakinggang balita.
Gumamit ng tatlong uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng balita.

Wastong paggamit ng balarila at bantas.

Mga Gabay na Tanong

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa Learning Journal.

1. Ano ang tatlong uri ng pangungusap?


2. Bakit mahalaga ang paggamit ng payak, tambalan at hugnayang
pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita?
3. Paano mo magagamit ang mga uri ng pangungusap upang makabuo
ng balita tungkol sa mga problema na kinakaharap ng iyong
komunidad?

7
Susi sa Pagwawasto

ARALIN 1

Gawain 1
1. b
2. d
3. c
4. e
5. a

Gawain 2
Modified General Community
Quarantine

Sanhi Bunga

Ipinatupad ng IATF ang MGCQ sa patuloy na pagtaas ng bilang ng


maraming lugar sa Pilipinas nagpositibo sa COVID-19

Muling ipinagbawal ang paglabas ng mga


bata mula edad 14 pababa at matatanda madali silang mahawahan ng sakit
na edad 65 pataas.

Ibinalik din ang curfew mula alas-diyes malimitahan ang paglabas ng mga tao
ng gabi hanggang alas-singko ng umaga

Kinontrol din ang pagpasok at


mapigilan ang pagkalat ng virus dito
paglabas ng mga tao sa mga probinsya

Mahigpit ding ipinatupad ang pagsunod makaiwas sa lumalaganap na sakit


sa mga health protocols

Gawain 3

May iba-ibang sagot

8
ARALIN 2
Gawain 1
1. H
2. T
3. H
4. P
5. H

Gawain 2

Payak Tambalan Hugnayan


Tiniyak ng DILG na Panawagan nila ang Umaaray na ang ilang
may nakalaang ayuda sapat na ayuda mula manggagawa at
para sa mga natukoy sa gobyerno at naghahanapbuhay sa
na benepisyaryo ng pabilisin ang pagpapalawig pa ng
DSWD. pagbibigay ng bakuna Enhanced Community
sa mga mamamayan. Quarantine sa NCR
Plus Bubble hanggang
sa April 11.
Sa pinalawig na ECQ Pero sinabi ng grupong
mas paiigtingin ng Defend Drugs
pamahalaan ang Philippines na pang-
pagpapatupad ng apat na araw lamang
Prevent, Detect, Isolate, ang halagang isang libo
Treat and Re-Integrate sa bawat tao o apat na
Strategy. libo sa bawat pamilya.
Layunin ng Para sa grupong Bayan
programang ito na Muna, sampung libong
mapababa ang kaso ng piso ang nararapat na
COVID-19. ayuda sa mga
manggagawang
lubhang naapektuhan
ng lockdown.

Kung makikitang
umobra ito sa loob ng
isang lingo saka
magdedesisyon kung
ilalagay na sa Modified
Enhanced Community
Quarantine ang NCR
Plus.

Gawain 3
Iba’t iba ang posibleng sagot ng bata.

9
Sanggunian

Most Essential Learning Competencies p.164


Agarrado, Patricia Jo C., et.al. Alab Filipino 5, p. 75, 90
Lalunio, Lydia P., Ph.D. at Ril, Francisca G. Hiyas sa Wika at Pagbasa 4,
p. 113, 122-123
Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa 6, p. 148-149

Inihanda nina:
Clarice P. Diag, Guro III
Chilly C. Delos Reyes, Guro I

Tiniyak ang kalidad at kawastuha ni:


Maricel E. Cubos, Dalubguro I

Sinuri nina:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino
Precila P. Perez, Ulonnguro III

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

11

You might also like