You are on page 1of 1

SAGOT SA PANINIRA SA TEAM TISOY

(THE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH)

SADYANG ang mga paninira o panloloko ay ginagamit makuha lang ang tiwala ng iba, lalo na yung mga di alam kung saan
hahagilapin ang katotohanan. Dahil dito, isa-isahin natin ang estilong paninira at panloloko na kanilang ikinalat:

1. Pangangako na pag-appoint bilang marshall. May kandidatong nangangako ng appointment ng marshall. Ang hindi alam ng
mga manggagawa, ilang daang tao na ang napangakuan ng kandidatong ito. Ang totoo, maksimum na limang tao lang ang
nakalagay sa CBA na pwedeng ma-appoint. So, yung mga napangakuan, obvious na sila ay pinapaasa, niloloko at ginagawang
utu-uto makuha lang ng nangako ang kanilang boto.

2. Dummy accounts sa Facebook na ginagamit ang pangalang Joyce Ceyjo at Cristine Javier. Nagkakalat ang dummy accounts na
ito ng paninira sa grupong Tisoy, at kamakailan lang isang Kennard Fernandez ang gumamit ng larawan o image ni Tisoy. Ang
totoo, pwede itong ma-trace. Iisa lang ang purpose / pattern ng mga dummy accounts na ito: Siraan ang mga kandidato sa Team
Tisoy. Ang tanong, bakit gumagamit sila ng dummy account/s sa kanilang pangangampanya? Malinaw din naman ang sagot:
aAng makakuha ng boto sa pamamagitan ng paninira, sa halip na ayusin ang pagpapaliwanag sa kanilang plataporma. Kawawa
ang manggagawa sa ganitong estilo. Ipagkakatiwala mo ba ang boto mo sa mapanira at walang kaseryosohang gampanan ang
trabaho sa unyon?

3. Ang mga paninira nila--sa salitang social media ay tinatawag na gaslighting, o pinalalabas na mali ang ginagawa ng
incumbent treasurer at auditor:

a. Una, sa WEC loans. Ang punto ng paninira nila ay yung 500 pesos na kaltas sa 8,000. Para may ideya, basahin ang naka-attach
na report na ipinaskil nitong Disyembre para malaman kung magkano ang revolving fund para sa WEC. Ang revolving fund ay
kapos o di nako-cover ang halos isang libong borrowers. Halimbawa na lang, sa isandaang taong uutang ng isa lang sa welfare,
educational o calamity loan, 800,000 pesos na kaagad ang lumalabas. Paano kung dalawa pa ang kinuhang loan? Simple lang
naman, dahil kapos ang pondo (muli, basahin ang dokumentong naka-attach), ang paghingi ng tulong sa magpi-finance ay tugon
sa pakiusap ng mga kasama natin na makahiram nang madalian, hindi ito isang kapritso ng treasurer at awditor. Magpakatotoo
tayo na may mapupunta sa nag-finance, na kung ating iisipin ay nagri-risk na ilabas ang kanyang pera at ipagkatiwala. Ang 500
pesos na napunta sa nag-finance bilang tubo ay maliit na balik (wala pang 2% sa kanyang nailabas na pera) sa agarang tulong na
naibigay sa ating mga kasamang nangangailangan. Bukas din ang ating record sa amount na lumalabas sa WEC funds at sa
pumapasok dahil may pinapadalang record of deductions ang accounting.

b. Ikalawa, sa “paninigil ng 500 para sa basketball uniform” noong 2023. Fact: Walang paniningil na ginawa si Christian Andales,
na siyang punong abala sa nasabing palaro. Ang totoo, nagprisintang mag-donate ang Coop ng 305,000 pesos para sa uniform
ng palarong ito na ikinasa para sa ating mga manggagawa. Kung mayroon mang naningil, wala itong koneksyon sa mga
nagpatakbo ng palaro. Ang 305,000 pesos ay intended ng Coop na ibigay para sa uniporme ng manggagawa, pero nang palagan
ng isang tumatakbong kandidato na ibigay ang kabuuang ito sa uniporme, nagdesisyon ang Coop na .ibigay na lang ang kalahati
ng pondong ito sa isang barangay. Dahil nabawasan ang perang donasyon, basketball sandos lang ang na-provide mula sa
donasyon ng Coop.

c. Ikatlo, sa “50,000 pesos” sponsorship ng Coop sa palarong basketball nitong Pebrero 2023. Ang totoo, inisponsor ng Coop
ang bola, trophy, scoreboard at speaker na natokang asikasuhin ni Raffy Cano (pwedeng i-check sa kanya kung ilan ang mga
items na nabili). Ang total na nagastos ay 40,000 plus pesos at ito ay ni-reimburse ng ating kasamang si Raffy Cano sa Coop
(dahil nga ini-sponsor nila). Hindi totoo na umabot sa 50,000 pesos diumano. Mapapatunayan ito ng resibo na ating hawak at
maaaring makita ng lahat. Bagaman, nagpapasalamat ang organisador ng palaro sa donasyon ng Coop, hindi tama na
magpakawala ng maling impormasyon lalo’t pera ang usapin.

d. Ikaapat, ang narrative na “mauubos ang pondo kapag sina Tisoy ang manalo.” Isang ispekulasyon na walang tinutuntungang
pundasyon. In other words, paninira. Bakit kamo? Incumbent sina Tisoy at iba pa sa kanyang team, lalo na sa Executive
positions. Kung totoo ito, paanong intact pa rin at revolving ang perang nakalaan para sa WEC loans? Makikita natin ito sa
financial report/statement at available naman ito. Gaya nang naunang nabanggit, kapos ang pondo ng WEC para ma-akomoda
ang halos isang libong miyembro na pwedeng umutang, pero intact at revolving ang pondo. Isa pang punto, kung naubos nga
ang pondo ng unyon sa ilalim ng incumbent treasurer na humahawak ng pondo, paanong nakapagbigay ang unyon ng more or
less 1.5M na Pamaskong Handog (Christmas cash gift at pagkaing pinagsaluhan) nitong Disyembre 2023? At nagawa rin ito
nuong Christmas 2022 sa mga regular na empleyado. Kung ubos ang pondo, paanong may gumaganang staff pa rin na
sinasahuran ng unyon? Paanong nasusustina ang gastos na kailangan sa pang-araw-araw na pag-function ng opisina at mga
opisyal? Ang punto, ang narrative sa taas ay purong paninira at kontra sa track record ng ating incumbent treasurer.

Sa huli, tinatagubilin lang natin na ang pagsagot sa paninira at panloloko ay kailangan. Sabi nga, when a lie is repeated often
enough, it becomes truth. Kaya ang mga paninira at kasinungalingang ito ay kailangang sawatain. Sa pananaw ng Team Tisoy,
ang paninira ay senyal na hindi nila kayang ipaliwanag ang kahalagahan ng kanilang plataporma at di buo ang kanilang
kumpyansa na sila’y mapagkakatiwalaan.

Maraming salamat! Mabuhay tayong mga manggagawa!


-- TEAM TISOY

You might also like