You are on page 1of 5

Mga Dapat Malaman Tungkol sa

GSIS EDUCATIONAL SUBSIDY PROGRAM (GESP)

1. Ano ang GSIS Educational Subsidy Program (GESP)?

Ang GESP ay programang nagkakaloob ng tulong na pinansiyal (subsidy) sa


pag-aaral ng qualified dependent ng GSIS member. Isa itong corporate social
responsibility program ng GSIS.

KUNG NAIS MAG-APPLY


2. Sino ang maaaring mag-apply sa GESP?

Maaaring mag-apply sa GESP ang active GSIS member na:

a. Permanent ang status;

b. May salary grade na 24 pababa;

c. Walang unpaid o underpaid loan amortization nang higit sa tatlong buwan; at

d. May anak o dependent na nasa alinmang year level sa kolehiyo at nasa


kursong hindi lalampas ng limang taon sa private o public school na kinikilala
ng Commission on Higher Education (CHED).

3. Ano ang qualifications ng dependent upang maging GESP grantee?

Ang dependent ay dapat:

a. May general weighted average (GWA) na 80% at walang failing grade o


incomplete mark sa anumang subject; at

b. Hindi tumatangap ng scholarship o subsidy sa anumang pribado o


pampublikong ahensiya, kabilang ang GSIS Scholarship Program (GSP).

4. Ilang slots ang nakalaan sa GESP?

May 10,000 slots na inilalaan kada taon sa qualified members na may


pinakamababang suweldo.

Ibabatay ang bilang ng GESP grantees sa membership base sa bawat rehiyon


kada taon. Kung kulang ang qualified members o grantees sa isang rehiyon,
maaaring kumuha sa ibang rehiyon upang maabot ang itinakdang bilang ng slots.

5. Magkano ang subsidy ng GESP grantee?

Makakatanggap ang grantee ng PhP10,000 kada academic year.

Page | 1
6. Ano ang requirements sa pag-aapply sa GESP?

Ang sumusunod ang requirements sa pag-aapply:

Mga dokumento ng GSIS member:

a. Filled-out GESP application form; at

b. Certificate of Employment o certified true copy ng Service Record na pirmado


ng authorized agency officer.

Mga dokumento ng dependent:

c. Original o copy ng birth certificate na galing sa Philippine Statistics Authority


(PSA);

d. Notarized affidavit na nagsasaad na hindi tumatanggap ng anumang subsidy


o scholarship grant, kabilang ang GSP. (Kung mapatunayang lumabag sa
patakarang ito, awtomatikong mawawala ang subsidy.);

e. School certification na nagsasad na tanggap na o naka-enroll sa


kasalukuyang academic year. Nakasaad din dito ang kurso, haba ng kurso
(kung ilang taon), at year level; at

f. Report card o school certification na nagpapakita na at least 80% ang GWA at


walang failing grade o incomplete mark sa anumang subject sa nakaraang
semester o term ng academic year.

7. Saan makakakuha ng GESP application form?

Makakakuha ng application form saanmang GSIS office. Maaari din itong i-


download sa GSIS website (www.gsis.gov.ph).

Tatanggapin lamang ng GSIS ang application kung kumpleto ang requirements


na kasama nito.

8. Saan dapat i-submit ang GESP application form at kasamang


requirements?

I-submit ang GESP application form at iba pang requirements sa alinman sa


sumusunod:

 Corporate Social Advocacies and Public Relations Facilities Department


(CSAPRFD), Level 2, GSIS Head Office, Pasay City; o

 Pinakamalapit na GSIS branch o extension office.


(Titingnan dito kung kumpleto ang requirements na tinanggap na mula sa
aplikante bago ipadala sa GSIS Head Office para sa ebalwasyon at
pagpoproseso.)

Page | 2
9. Paano malalaman o makikita ang resulta ng GESP?

Aabisuhan ng GSIS ang qualified members sa pamamagitan ng opisyal na


tawag, text message, o sulat. Ilalathala rin ang listahan ng GESP grantees sa
website (www.gsis.gov.ph) at Facebook page (@gsis.ph) ng GSIS.

KAPAG NAPILING GESP GRANTEE


10. Kapag napabilang na sa listahan ng qualified grantees, anong requirements
ang kailangang i-submit?

Kailangang i-submit ang sumusunod na limang requirements nang hindi


lalampas sa 60 calendar days mula nang ilathala o ilabas ang nasabing
listahan:

a. Pirmado at notarized agreement;

b. Information sheet na may kalakip na 2 piraso ng latest 2 x 2 I.D. picture;

c. Alinman sa sumusunod na dokumento mula sa school: certificate of


registration, assessment form, o registration form;

d. Course curriculum; at

e. Land Bank of the Philippines (LANDBANK) account number ng grantee.

Kapag hindi nai-submit ang kumpleto at wastong dokumento sa itinakdang


panahon, makakansela ang GESP subsidy.

11. Saan dapat i-submit ang nasabing requirements (nasa Bilang 10)?

I-submit ang requirements sa alinman sa sumusunod:

 Corporate Social Advocacies and Public Relations Facilities Department


(CSAPRFD), Level 2, GSIS Head Office, Pasay City; o

 Pinakamalapit na GSIS branch o extension office.

12. Bilang GESP grantee, kailan ko matatanggap ang aking unang subsidy?

Matatanggap mo ang iyong unang GESP subsidy sa pagbubukas ng school term


matapos na mai-submit mo ang kumpletong requirements at mai-award ang
GESP sa GSIS member.

13. Paano ko matatanggap ang aking GESP subsidy?

Page | 3
Kailangang may LANDBANK account ka, kung saan papasok ang subsidy mo
kada school term.

14. Upang magpatuloy ang aking subsidy sa susunod na semester o term,


anong requirements ang kailangang i-submit?

Kailangang i-submit ang dalawang sumusunod na requirements nang hindi rin


lalampas sa 60 calendar days pagtapos ng semester o term:

a. Certified true copy ng grades sa katatapos na semester o term; at

b. Certificate of registration sa kasalukuyang semester o term.

I-submit ang requirements sa alinman sa sumusunod:

 Scholarship Division, CSAPRFD, Level 2, GSIS Head Office, Pasay City; o

 Pinakamalapit na GSIS branch o extension office.

15. Paano kung hindi mai-submit ng nasabing requirements (nasa Bilang 14) sa
takdang panahon?

Kapag hindi nai-submit ang requirements sa takdang panahon, mafo-forfeit ang


GESP subsidy. Makakatanggap kayo ng written notice of termination of subsidy
mula sa GSIS.

16. Puwede ko bang ipagpaliban (defer) ang pag-eenrol ko?

Hindi pinapayagan ang deferment ng enrolment maliban kung magkakasakit ka,


maaaksidente, o lilipat ng tirahan dahil may problemang panseguridad o
pangkaligtasan.

17. Puwede ba akong mag-underload sa school term?

Hindi ka puwedeng mag-underload sa school term. Dapat kang naka-full load


kada school term. Papayagan ka lamang mag-underload sa huling school term
bilang graduating student.

18. Puwede ba akong mag-enrol sa summer o midterm class?

Oo, puwede kang mag-enrol sa summer o midterm class, pero hindi ka


tatanggap ng GESP subsidy para doon.

19. Puwede ba akong mag-shift ng course o mag-transfer ng school?

Oo, puwede kang mag-shift ng course sa kondisyong matatapos mo ang


lilipatang kurso sa loob ng orihinal na haba ng kurso na unang nairehistro sa
GESP.

Page | 4
Puwede ka ring lumipat sa kolehiyo o unibersidad na kinikilala o rehistrado sa
CHED.

Gayunman, bago lumipat ng kurso, kolehiyo, o unibersidad, kailangan mo


munang mag-submit ng written notice sa Officer IV, CSAPRFD, GSIS, Financial
Center, Pasay City.

20. Puwede ba akong tumanggap ng educational o financial assistance mula sa


ibang institusyon kasabay ng GESP?

Hindi ka puwedeng mag-avail ng ibang educational o financial assistance


kasabay ng GESP. Kailangang mong pumili sa GESP o ibang educational
assistance.

21. Puwede bang ilipat sa iba ang GESP subsidy?

Hindi puwedeng ilipat sa iba ang GESP subsidy.

22. Ano-ano ang posibleng dahilan ng pagkansela ng aking GESP subsidy?

Maaaring makansela ang iyong GESP subsidy kapag:

a. Hindi umabot ang iyong GWA sa 80% o may bagsak o incomplete na marka;

b. Hindi nakapag-submit ng kumpleto at wastong dokumento sa itinakdang


panahon;

c. Nag-shift ng course o lumipat ng paaralan nang walang abiso sa GSIS; o

d. Hindi updated ang account ng magulang o guardian mo (GSIS member).

23. Kung may tanong o kailangang detalye tungkol sa GESP, kanino dapat
makipag-ugnayan?

Maaaring makipag-ugnayan kay Mgr. Raymundo Andres V. Palad; kay Ms. Leslie
Anne M. Fangonil, Acting Officer I, Scholarship Division, CSAPRFD; o sa
sinumang CSAPRFD staff sa sumusunod na contact details:

Direct line: (02)84793571 hanggang 72


Mobile number: 09157364175
Email address: gesp@gsis.gov.ph

Page | 5

You might also like