You are on page 1of 1

Background ng pananaliksik

Base sa nakalap naming pagsasaliksik, lumalabas na ang Pilipinas ang may


“pinakamatandang” propesyon ng accountancy sa Asya. Kung ikukumpara sa iba pang
"oldies" sa rehiyon, ipinagdiriwang ng Japan Accountancy ang ika-79 anibersaryo
nito ngayong taon, habang ang CPA India ay ipinagdiwang din ang kanilang ika-78
anibersaryo. Ang Pilipinas ay maaari ding magkaroon ng isa sa pinakamalaking bilang
ng mga kwalipikadong propesyonal na accountant sa mga bansang Asyano. Sa ngayon,
batay sa pinakahuling bilang ng mga miyembro ng Philippine Institute of Certified
Public Accountants (CPAs) na may magandang katayuan, mayroon lamang 28,642 hanggang
Hunyo 30, 2021.

Katulad ng nalaganap ng mga mananaliksik, ang kusong "Accountancy" ay in-demand sa


buong mundo. Ngunit bago mo makuha ang titulong ito, kailangan mo muna ng matinding
pagsusumikap bago ito makamit ng husto. Malaki man ang ipinapakitang interes ng mga
estudyanteng Pilipino sa larangan ng accountancy bilang isang propesyon ay
kadalasang hindi rin naman itinutuloy ng ibang estudyante ang pagpasok sa nasabing
kurso. Lumalabas sa istatistika ng Commission on Higher Education na mula 2015
hanggang 2017, may humigit-kumulang 160,622 na nag-enroll sa Bachelor of Science in
Accountancy sa 572 paaralan na nakarehistro sa CHED. Sa parehong panahon, 23,225 na
mag-aaral lamang (mga 14 porsiyento ng mga enrollees) ang nagtapos. Base sa riserts
na aming nalakap, ipinapakita nito na karamihan sa mga estudyanteng pinili ang
kursong accountancy noong sila'y nag-enrol ay hindi rin napanindigan ang napiling
kurso at pinipili na lamang lumipat sa ibang kurso o huminto sa pag-aaral dahil sa
mga hindi masabing dahilan.

Naisip ng aming pangkat na pag-aralan ang ang dahilan at sanhi kung bakit bumababa
ang bilang ng mga estudyante kada semester sa kursong BS Accountancy. Bakit nga ba
nangyayari ang ganitong mga senaryo? Anong mga dahilan? Maaari ba itong maiwasan? O
masasabi nating ito’y isang penomenon? Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito lubos
na mauunawaan hindi lamang ng mga mananaliksik, maging ang mga taong makakabasa ng
pag-aaral na ito ang mga kadahilanan at sanhi kung bakit bumababa ang bilang ng mga
estudyante kada semester sa kursong BS Accountancy. At ito'y magiging daan upang
mabigyan ng solusyon o aksyon ang problemang ito ng ating bansa.

https://businessmirror.com.ph/2018/07/08/numbers-that-count/

You might also like