You are on page 1of 9

DR. YANGA’S COLLEGES, INC.

1
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga


Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng

Kolehiyo Accountancy ng

Dr. Yanga’s Colleges Inc.

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang ng Integratibong Pananaliksik

Castro, Donna Mae R.

Dela Cruz, Missy P.

De Torres, Cherry M.

Nicolas, Kenneth John D.V

Rubio, Deshieka Anne E.

Oktubre 2022
DR. YANGA’S COLLEGES, INC. 2
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

KABANATA I

Panimula

Ang Bachelor of Science in Accountancy (BSA) ay isang kursong “in-

demand” hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Ngunit isa rin ito sa

mahihirap na kurso sa kolehiyo at hindi ito isang biro lamang. Kinakailangan sa

kursong ito ng matinding pag-aaral, pag-aanalitika, pananaliksik, at pang-uunawa

upang mas higit itong maunawaan. Nangangailangan na buong tapang mong haharapin

ang mga pagsubok sa kursong ito. Dito rin masusubukan ang iyong determinasyon at

lakas ng loob. Dahil tama ang sinasabi ng karamihan “matatapang lang ang mga nasa

kursong Accountancy”.

Marami ang nagnanais kuhanin ang kursong accountancy, ang ilang mga

dahilan nito ay ang mga sumusunod; gusto talaga nila ang kursong ito at dahil mayroon

na silang kaalaman dito batay sa kinuhang strama noong Senior High School, magiging

kita o income kapag nagsimulang magtrabaho na, maganda ang mga oportunidad

pagkatapos ng pag-aaral, at mayroon din namang napilitan lamang dahil ito ay gusto ng

kanilang mga magulang.

Ang Accountancy ay hindi lamang basta simpleng bagay, hindi totoo yung

“1 + 1 lang naman yan”, “add tsaka minus lang yan”, “magbibilang ka lang pera diyan”.

Hindi ito simpleng gawa lang ng Ledger. Mayroong itong sinusunod na prinsipyo at

lohika na nagsisilbing pamantayan upang makagawa ng Financial Statement.


DR. YANGA’S COLLEGES, INC. 3
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

Maraming estudyante ang nagsisikap upang maaging Certified Public Accountant

(CPA). Ngunit hindi ibig sabihin na Accountancy ang iyong kinuha sa unang taon mo sa

kolehiyo mananatili ka hanggang dulo. Sa kursong ito mayroon tinatawag na

“qualifying exam” na magiging batayan upang malaman kung ikaw ay mananatiling

estudyante ng BSA, ito ang isa sa mga kinakatakutan ng mga estudyante. Ika nga nila,

“matira matibay”.

Background ng Pag-aaral

Base sa nakalap naming pagsasaliksik, lumalabas na ang Pilipinas ang may

“pinakamatandang” propesyon ng accountancy sa Asya. Kung ikukumpara sa iba pang

"oldies" sa rehiyon, ipinagdiriwang ng Japan Accountancy ang ika-79 anibersaryo nito

ngayong taon, habang ang CPA India ay ipinagdiwang din ang kanilang ika-78

anibersaryo. Ang Pilipinas ay maaari ding magkaroon ng isa sa pinakamalaking bilang

ng mga kwalipikadong propesyonal na accountant sa mga bansang Asyano. Sa ngayon,

batay sa pinakahuling bilang ng mga miyembro ng Philippine Institute of Certified

Public Accountants (CPAs) na may magandang katayuan, mayroon lamang 28,642

hanggang Hunyo 30, 2021.

Katulad ng nalaganap ng mga mananaliksik, ang kursong "Accountancy" ay

in-demand sa buong mundo. Ngunit bago mo makuha ang titulong ito, kailangan mo

muna ng matinding pagsusumikap bago ito makakamit ng husto. Malaki man ang
DR. YANGA’S COLLEGES, INC. 4
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

ipinapakitang interes ng mga estudyanteng Pilipino sa larangan ng accountancy bilang

isang propesyon ay kadalasang hindi rin naman itinutuloy ng ibang estudyante ang

pagpasok sa nasabing kurso. Lumalabas sa istatistika ng Commission on Higher

Education na mula 2015 hanggang 2017, may humigit-kumulang 160,622 na nag-enroll

sa Bachelor of Science in Accountancy sa 572 paaralan na nakarehistro sa CHED. Sa

parehong panahon, 23,225 na mag-aaral lamang (mga 14 porsiyento ng mga enrollees)

ang nagtapos. Base sa riserts na aming nalakap, ipinapakita nito na karamihan sa mga

estudyanteng pinili ang kursong accountancy noong sila'y nag-enrol ay hindi rin

napanindigan ang napiling kurso at pinipili na lamang lumipat sa ibang kurso o huminto

sa pag-aaral dahil sa mga hindi masabing dahilan.

Naisip ng aming pangkat na pag-aralan ang ang dahilan at sanhi kung bakit

bumababa ang bilang ng mga estudyante kada semester sa kursong BS Accountancy.

Bakit nga ba nangyayari ang ganitong mga senaryo? Anong mga dahilan? Maaari ba

itong maiwasan? O masasabi nating ito’y isang penomenon? Sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito lubos na mauunawaan hindi lamang ng mga mananaliksik, maging

ang mga taong makakabasa ng pag-aaral na ito ang mga kadahilanan at sanhi kung

bakit bumababa ang bilang ng mga estudyante kada semester sa kursong BS

Accountancy. At ito'y maging daan upang mabigyan ng solusyon o aksyon ang

problemang ito ng ating bansa.


DR. YANGA’S COLLEGES, INC. 5
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

Paglalahad ng Suliranin

Pangkalahatang Suliranin

Ano ang mga dahilan sa pagbaba ng bilang ng mga estudyante kada semestre sa

programang BS Accountancy sa Dr. Yanga’s Colleges Inc.?

Ang pananaliksik na ito ay may kinasasaklawan na mga suliranin. Ang mga suliranin na

ito ay ang mga sumusunod:

1. Gaano kalaki ang hindi nakapapasa sa “Qualifying Exam” kada semestre

ng kursong Accountancy sa Dr. Yanga’s College?

2. Gaano kahirap ang Kursong BS Accountancy upang maging sanhi ng

pagbaba ng bilang ng mga estudyante kada semestre?

3. Kinakailangan ba na sobrang magaling sa matematika para sa kursong

ito?

4. Ano ang kinakailangan gawin upang makapasa sa “Qualifying exam” ng

mga nagnanais manatili sa kursong BS Accountancy?

5. Ano ang mga patunay na bumaba ang bilang ng mga estudyante kada

semestre sa kursong BS Accountancy?

6. Anong mga kadahilanan ang nagpapababa sa bilang ng mga mag-aaral

sa programang accountancy bawat semestre?

7. Ano ang pakiramdam ng mga mag-aaral, magulang at administrador sa

sitwasyong ito?
DR. YANGA’S COLLEGES, INC. 6
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

Balangkas na Konseptwal

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang sanhi ng

pagbaba ng bilang ng estudyante sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Ang

larawan na susunod ay ang balangkas na konseptwal ng pananaliksik na ito.

Input Process Output

Ninanais ng mananaliksik Inaasahan na magkakaroon Pagkakaroon ng sapat na

malaman ang sanhi ng ng sarbey ang mga kaalaman patungkol sa

pagbaba ng bilang ng mga mananaliksik sa mga sanhi o mga rason na

estudyante kada semester mga estudyante mula sa Dr. nagiging dahilan ng pag

sa kursong Bachelor of Yanga's Colleges Inc. na kaunti ng bilang ng mga

Science in Accountancy kumukuha ng kursong mag-aaral sa kursong

accountancy accountancy

Sa unang hanay matatagpuan natin ang input kung saan ito ang mga

kailangan sa pananaliksik. Sa pangalawang hanap naman ay makikita ang proseso ng

pagsasagawa ng mga estudyanteng kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik. Kung

saan sila ay magsasagawa ng isang sarbey sa mga estudyanteng kabilang sa kursong


DR. YANGA’S COLLEGES, INC. 7
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

accountancy. Lahat ng baitang sa kursong accountancy ay inaasahang makikilahok sa

sarbey na gagawin ng mga mananaliksik. Mag kakaroon lamang ng tatlo hanggang lima

na kalahok kada seksyon sa nasabing sarbey. Ang resulta ng isasagawang sarbey ay

maka tutulong sa pag kakaruon pa ng kungkretong sagot sa mga sanhi ng pag baba ng

bilang sa kursong accountancy.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa katanungan na ano ang dahilan ng

pagbaba ng bilang ng mga estudyante kada semester sa programang BS Accountancy sa

Dr. Yanga’s Colleges Inc. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey upang

makapangalap ng sapat na datos mula sa respondent.

Ang pag-aaral na pagbuo ng pamanahong papel na ito ay sumasaklaw sa (5

kada seksyon) na mag-aaral sa Dr. Yanga’s Colleges Inc., na nasa programang BS

Accountancy. Sila ang mga indibidwal na siyang tutugon sa sarbey.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang papel ng pananaliksik na ito ay isinagawa upang matukoy ang mga

sanhi sa kadahilanan na kung bakit bumababa ang bilang ng mga estudyante kada

semestre sa kurso ng “BS Accountancy”. Ang mga mananaliksik ay maglalahad ng mga

solusyon upang makatulong sa mga mag-aaral na balak kumuha ng kursong ito at sa

mga estudyanteng kasulukuyang nag-aaral sa nasabing kurso. Ang pananaliksik na ito

ay makatutulong sa mga sumusunod:


DR. YANGA’S COLLEGES, INC. 8
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

Para sa mga Estudyante

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa estudyanteng nagnanais kumuha ng

kursong “BS Accountancy” upang hindi magalinlangan na kuhanin at tapusin ang

kursong ito. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng takot at hina ng loob na magenroll

sa kursong accountancy. Ang papel na ito magsisilbing gabay din sa mga kasulukuyang

kumukuha ng kursong ito.

Para sa Magulang

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga magulang upang magbigay gabay

sa mga anak nilang nagnanais kumuha ng kursong “BS Accountancy”. Magbigay lakas

at inspirasyon upang magkaroon ng lakas ng loob ang mga anak nilang nagnanais na

kunin ang kursong accountancy.

Para sa Susunod na Mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga susunod na mananaliksik upang

magkaroon sila ng credible na batayan ng kanilang pananaliksik na may kinalaman sa

papel na ito.

Kahulugan ng mga Terminolohiya

Bachelor of Science in Accountancy (BSA) – ay isang apat na taong programa na

nagbibigay ng pangkalahatang edukasyon sa accounting sa mga mag-aaral na gustong

ituloy ang isang propesyonal na karera bilang mga accountant.


DR. YANGA’S COLLEGES, INC. 9
Pananaliksik ng Sanhi kung Bakit Bumababa ang Bilang ng mga Estudyante kada Semester sa Kursong BS Accountancy

Certified Public Accountant (CPA) - ay isang pinagkakatiwalaang tagapayo sa

pananalapi na tumutulong sa mga indibidwal, negosyo, at iba pang organisasyon na

magplano at maabot ang kanilang mga layunin sa pananalapi. Ngunit kinakailangan mo

munang makapasa sa Board Exam bago maging isang CPA.

Qualifying Exam – ay isang pagsusulit upang malaman kung ikaw ay magpapatuloy

bilang BSA o hindi na. Ito rin ang isa sa pinaka kinakatakutan ng mga mag-aaral sa

kursong BSA.

In-demand – kinakailangan o kagustuhan ng maraming tao. “Patok sa masa”

Ledger – ay isang talaan ng mga transaksyon sa pananalapi ng isang Negosyo.

Financial Statement - ay mga pormal na talaan ng mga aktibidad sa pananalapi at

posisyon ng isang kumpanya, negosyo, tao, o iba pang entity.

Semester – kalahating taong termino sa isang paaralan o kolehiyo, kadalasan ito ay ang

tinatawag na 1st sem at 2nd sem.

Sarbey – ginagamit upang magkaroon ng kaalaman sa opinyon ng ibang tao.

You might also like