You are on page 1of 3

CFC ANCOP GLOBAL FOUNDATION, INC.

KASUNDUAN
(College)
KASUNDUAN SA PAGIGING SCHOLAR NG CFC ANCOP GLOBAL FOUNDATION, INC. (CAGFI)

Ako, bilang isang iskolar ng CAGFI ay pumapayag na sumailalim sa kasunduang ito para sa
pagpapatuloy ng aking pag-aaral sa kolehiyo o TVET. Kaakibat nito ang pagtupad sa mga sumusunod
na patakaran at alituntunin sa panahong ako’y sinusuportahan ng ANCOP:

1. Ako, bilang iskolar ay nangangakong tatapusin at ipapasa ang lahat ng subject na aking kinuha
bawa’t semester o sa TVET at ibibigay ang kopya ng sumusunod sa PIT/ANCOP bilang
basehan sa pagpapatuloy ng aking pag-aaral :

1.1. Kopya ng last semester grades na galing sa Registrar’s Office;


1.2. College assessment or Certificate of Enrollment (COE) for next sem;

2. Bibigyan ko ng prayoridad ang aking pag-aaral at pagtatapos sa kolehiyo / TVET at ilalaan


ang buong panahon at lakas upang mapanatili ang kabuuang marka (General Average) na 83
pataas at walang bagsak sa anumang subject na sinang-ayunan ko sa ANCOP.
1st Warning
2nd Warning
Final-
3. Naiintindihan ko na ang kursong pang medical gaya ng Dentistry, Nursing, Medical
Technology, Pharmacy, Physical Therapy, Radiation Therapy, at katulad nito ay hindi sakop
sa mga kursong prayoridad suportahan ng ANCOP ESP.
4. Naiintindihan ko na dapat akong mag-enrol ng kolehiyo sa State Universities & Colleges
(SUCs) dahil waived ang tuition fees dito. Subali’t maari din akong mag-aral sa pribadong
unibersidad kung :
a) wala ng slot sa State Universities & Colleges ;
b) ako ay nakakuha ng “academic scholarship”;
c) Hindi ako academic scholar, pero below P 10,000 ang aking babayaran bawa’t
semester
5. Makikipag-ugnayan at makikipagtulungan ako sa nakatakdang Program Implementing Team
(PIT) para sa pagpasa ng mga sumusunod na ESP requirements sa itinakdang panahon :

School Year Thank You Christmas Annual Remarks


Letter Letter Progress
Report
August~April Not later than 30 November 30 May 15 or Compliance
(current year)~ days after receipt (current year) 15 days with the
(following year) of funds after the deadline is a
end of SY must to ensure
2020-2021 continuous
(following sponsorship.
year)

CAGFI-ESP-F-06/Rev.02/17Jul2020
CFC ANCOP GLOBAL FOUNDATION, INC.
KASUNDUAN
(College)

6. Sa pag gawa ng Thank You Letter, Christmas Letter at Annual Progress Report Message at iba
pa, hindi ko ilalagay ang aking address, telephone number, email address, social media
accounts tulad ng Facebook, Messenger, Viber at iba pa na maaaring magdulot ng diretsong
ugnayan sa aking sponsor. Ito ay alinsunod sa patakaran ng pamahalaan (DSWD-Child
Protection Policy) at sa pagpapahalaga na rin sa aking pribadong buhay at ng aking sponsor.

7. Naiiintindihan ko na bawal ang humingi ng anumang bagay sa aking sponsor, maliban na


lamang kung ito ay kusang-loob na ibinigay sa akin.

8. Pinapahintulutan ko ang CAGFI na kumuha/magtago ng aking larawan at personal na


impormasyon / istorya na ilalathala sa “website” or “social media” para sa pag promote ng
programa ng ANCOP gayundin ang pangangalap ng sponsor/donor mula sa iba’t-bang panig
ng mundo.

9. Naiintidihan ko ang kahalagahan ng aking pagdalo sa mga sumusunod na activities kung


kailangan: Ancop Summit, Sponsors’ visit, sharing/video shoot/training. Ako at ang aking
magulang ay aktibong makikilahok sa mga gawaing nakatakda sa kinabibilangan kong sector
o probinsiya bilang kasali sa programa ng ANCOP;

10. Ilalaan ang benepisyong natanggap mula sa CAGFI para sa pag-aaral alinsunod sa ESP Benefit
Package at tutugunan ng aking mga magulang ang ibang pangangailangan na hindi saklaw ng
benepisyo ng CAGFI.

11. Kung ako ay mabibigyan ng ATM card bilang daluyan ng pinansyal na tulong para sa
edukasyon ko , iingatan ko ito na wag mawala. Naiintindihan ko na ang pagkawala nito ay
may kaakibat na responsibilidad sa akin at kailangan kong ma proseso ang pagkuha ng kapalit
nito upang di maantala ang suporta para sa edukasyon ko

12. Na naiintindihan ko at ng aking magulang na maari ako/kaming matanggal sa scholarship sa


CAGFI kung kami ay:

a) Nagkaroon ng bagsak na grade sa kahit isang subject, nag drop sa kalagitnaan ng semester
at may back subjects. Ang INC ay ikokonsidera subali’t kailangang ko na ma- kumpleto
ang lahat ng requirement para magkaroon ng grade bago matapos ang kasalukuyang SY.

b) Nagpalit ng kurso o paglipat ng paaralan ng walang pahintulot o di pinaalam sa PIT/


Social Worker/CAGFI.

c) Hindi nagsumite ng last semester grades issued by the Registrar’s office; College
Assessment o Certificate of Enrollment next semester;
CAGFI-ESP-F-06/Rev.02/17Jul2020
CFC ANCOP GLOBAL FOUNDATION, INC.
KASUNDUAN
(College)
d) Tumigil sa pag-aaral ng walang mabigat na kadahilanan;

e) Piniling mag-asawa o magka-anak o magkaroon ng sariling pamilya;

f) Hindi nakikipagtulungan sa PIT para sa mga requirements na kailangan sa nakatakdang


panahon gaya ng Report Card; resibo ng mga pinagbayaran; TYL, CL at APR.

g) Hindi dumadalo sa mga gawain ng ANCOP;

h) May nagawang pag-abuso sa tulong na ibinibigay ng ANCOP; gayundin sa mga PIT na


sumusubaybay sa amin;

i) Lumipat na ng ibang tirahan na walang paalam;

j) Lumipat ng tirahan na walang ANCOP na puwedeng sumalo upang ipagpatuloy ang


sponsorship sa amin;

k) Boluntaryong umayaw at hindi na kwalipikado base sa criteria ng ANCOP.

13. Naiintindihan ko/namin ang mga paglabag na magiging dahilan upang matigil ang suportang
pang-edukasyon ng ANCOP at ibabalik sa ANCOP ang halagang kanilang itinustos sa aking
hindi natapos na semester.

14. Ang aking paglagda ay nagpapatunay na ako ay susunod at sasang-ayon sa anumang


alituntunin/patakaran na nakasaad sa kasunduang ito.

SINANG-AYUNAN NI: BATID NI:

________________________________________________________ __________________________________________________________
LAGDA NG ISKOLAR SA IBABAW NG PANGALAN LAGDA NG MAGULANG SA IBABAW NG PANGALAN

______________________________________ _______________________________________
PETSA NG PAGLAGDA PETSA NG PAGLAGDA

CAGFI-ESP-F-06/Rev.02/17Jul2020

You might also like