You are on page 1of 17

FILIPINO 5

UNANG MARKAHAN
•Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o
Reaksyon sa Isang Napakinggang
Balita, Isyu o Usapan
(F5PS-la-j-1)
Basahin ang balita. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod.

Tulong pinansiyal sa senior high tuloy - DepEd

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na


tuluy-tuloy pa rin ang kanilang Senior High School Voucher Program (SHS-
VP), na nagkakaloob ng tulong pinansiyal sa mga mag-aaral na nasa senior
high school.
Aminado ang DepEd na malaking hamon ito sa kanila sa ngayon ngunit
tiniyak na gumagawa sila ng mga pamamaraan upang maipagpatuloy ang
implementasyon ng programa.
“DepEd would like to reassure the public of its commitment to
continue with the program. While this is a big challenge, we
continue to pursue other funding to provide this aid as it is our
learners’ right,” bahagi ng pahayag ng DepEd.

Isinasapinal na ng DepEd ang implementasyon ng SHS-VP at


tiniyak na kaagad na bubuksan ang aplikasyon nito para sa nalalapit
na school year, sa sandaling makumpleto ang enrollment, gayundin
ang kinakailangang impormasyon at maisasaayos ang pondo para
rito.
Sa isang pahayag kamakailan, nagkaroon ng kalituhan kung matutuloy
pa ba ang programa matapos na sabihin ni Education Secretary Leonor
Briones na naghahanap sila ng pondo para sa voucher program dahil
nabawasan ng P8 bilyon ang kanilang pondo bilang kontribusyon ng
departamento sa Bayanihan to Heal as One Act Fund.

Ang SHS-VP ay isang taunang programa ng DepEd na nagbibigay ng


financial assistance sa mga kuwalipikadong Grade 10 completers na nais
kumuha ng kanilang SHS education sa private schools, state universities
and colleges (SUCs), at local universities and colleges.
Sagutin ang mga tanong.

1.Tungkol saan ang balita?


2.Bakit nagkaroon ng kalituhan kung matutuloy ang
programa?
3.Ayon sa balita, saan napunta ang P8 bilyong ibinawas sa
pondo ng Departamento ng Edukasyon?
4.Sino ang mga benepisyaryo ng Senior High School
Voucher Program ?
5.Ano ang iyong opinyon o reaksyon sa balita?
Naranasan mo na ba na kinakailangan mong
magpasya sa isang bagay subalit hindi ka makagawa
ng pagpapasya?

Humingi ka ba ng tulong sa iba?

Sino ang iyong nilapitan upang tulungan ka?


Pagbibigay ng Opinyon o Reaksyon

Ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil


naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw hinggil sa mga
kaisipang inilahad.

Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon


sa mga pangyayaring nagaganap o nasasaksihan sa paligid. Sa pagbibigay ng
opinyon o reaksyon, mahalaga na tayo ay may sapat na kaalaman sa
paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga
bagay at maging makatarungan, patas at balanse ang paghuhusga sa mga balita,
isyu o usapang napakinggan.
Ang pagbibigay-reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o
pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sikapin lamang na maging
magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.
Mga pahayag sa pagbibigay ng matatag na opinyon:
-Buong igting kong sinusuportahan ang . . .
-Kumbinsido akong . . .
-Lubos kong pinaniniwalaan . . .
-Labis akong naninindigan na . . .
Mga pahayag sa pagbibigay ng neutral na opinyon:
-Kung ako ang tatanungin . . .
-Kung hindi ako nagkakamali . . .
-Sa aking palagay . . .
-Sa aking pananaw . .
Malayang Gawain 1
Basahin ang mga isyu sa bawat bilang. Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa
patlang kung sang-ayon ka sa isyung inilalahad ng bawat bilang. Kung hindi,
lagyan ng ekis ( x ) ang patlang.
__________ 1. Pag-angkas sa motor, puwede sa MECQ areas “basta essential
worker,” kahit hindi mag-asawa.
__________ 2. Public transpo suspendido uli sa Metro Manila, 4 pang
probinsiya.
__________ 3. Quarantine pass, gagamitin ulit sa MECQ areas.
__________ 4. Dine-in, salon, gym sarado ulit.
__________ 5. Dagdag benepisyo ng health workers, ihahabol sa Bayanihan 2
Act.
Malayang Pagtataya 1
Mamili ng isang isyu sa na nakasulat sa loob ng kahon. Sumulat ng opinyon o
reaksyon sa isyu.
Face to face learning
Gagamit ng vape, aarestuhin
Reservists, isasabak sa COVID 19
Magkakalat ng fake news, maaring kasuhan
Paggamit ng face shield at face mask, gawing mandatory
Isyu:
______________________________________________________________
Reaksyon:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Malayang Pagtataya 2
Basahin at unawain ang balita sa ibaba. Pagkatapos ay sumulat ng iyong
opinyon o reaksyon hinggil dito.

MANILA, Philippines – Sa gitna na rin ng pagbabalik muli sa Metro Manila


at ilan pang mga lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),
kinalampag ng isang mambabatas ang Inter-Agency Task Force (IATF) nag
awing mandatory ang pagsusuot ng face mask, face shield at 2 metrong physical
distancing upang maiwasan magkahawaan sa COVID-19.
Sinabi ni Senior Citizen partylist Rep. Francisco Datol Jr. na dahil sa mataas
na kaso ng COVID ay kailangang gumawa ng kaukulang hakbang upang
mapigilan ang pagkalat pa ng virus.
“Ipatupad sana ng IATF ang two meters na minimum physical distancing,
imbis na one meter lang sa mga palengke, botika, bakery, malls, at iba pang
pampublikong lugar tulad ng ginagawa ngayon sa City of Manila,” ani Datol.
“Dapat required na sa lahat ng MECQ, GCQ areas ang face shield bukod pa
sa face mask para sa lahat ng tao na lumalabas ng bahay o nasa trabaho,” anang
solon.
Ayon kay Datol, masyadong malapit ang isang metrong distansiya na kapag
may nabahing o inubo at kung may coronavirus ito ay siguradong makahahawa.

Opinyon o Reaksyon:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Malayang Pagtataya 3
Gamit ang isang pangungusap, isulat sa patlang ang iyong opinyon/reaksyon
sa mga isyung nakasulat sa bawat bilang.

1. Mataas na bilang ng mga walang hanapbuhay.


________________________________________________________
2. Paghahanapbuhay ng mga Pilipino sa ibang bansa.
________________________________________________________
3. Kawalan ng disiplina ng mga motorista sa kalsada.
________________________________________________________
4. Maraming bilang ng mga kabataang hindi nakapagtatapos sa kolehiyo.
________________________________________________________
5. Problema ng Pilipinas sa basura.
________________________________________________________
Dapat bang ipagbawal muna sa publiko ang pagpunta sa mga
shopping mall sa mga panahon ng pandemya? Ipaliwanag ang
iyong opinyon.

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_______________________________________________
Sumulat ng isang opinyon na nagpapahayag ng iyong saloobin o
damdamin kaugnay ng isyu na nakasulat sa kahon.

CLIMATE CHANGE

You might also like