You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education

FIRST PERFORMANCE TASK IN ESP – IV

PANGALAN: __________________________________________________ISKOR: __________________


BAITANG: ___________________ SEKSYON:____________________ PETSA: ____________________

I - Panuto : Gumawa ng isang patalastas tungkol sa pagtatanim ng mga kahoy sa


inyong paaralan. Kompletuhin ang detalye ng patalastas. (5 puntos)

PATALASTAS
Ano : ___________________________________________
Sino : ___________________________________________
Saan : ___________________________________________
Kailan : ___________________________________________

II – Panuto: Suriin ang kuwento at sagutan ang mga sumusunud na katanungan.


Gamitin ang likurang bahagi ng papel.

Ang Balita ni Tatay Emilio

Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Emilio.


“Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang DXBB, nagbabalita ngayon!
“Naitala na naman ang bagong bilang ng kaso ng paglaganap ng Covid-19,
sinasabing walang pinipili ang sakit. Bata man o matanda, mahirap o mayaman lahat ay
dinadapuan ng sakit. Kaya pinaaalahanan at pinag – iingat ang lahat ng mamamayan
sa buong Pilipinas.
Pinakikiusapan ng pamahalaan lalo na ng Department of Health o (DOH) na
ugaliing maghugas ng kamay, laging mag suot ng mask, manatili sa loob ng bahay,
uminom ng maraming tubig, kumain ng masustansyang pagkain at gawin ang social
distancing. Wala pang gamot na natuklasan laban sa virus kaya dobleng pinag-iingat
ang mga tao.”
Nabahala si Mang Emilio sa napakinggang balita sa radio. Kinausap niya ang
kanyang anak. Binigyan niya ito ng babala tungkol sa lumalaganap na sakit. “Ano po
ang dapat naming gawin tatay para makaiwas sa sakit?” tanong ni Marla sa ama.
“Anak dapat hindi kayo lalabas ng bahay, huwag kayong maglaro sa labas at
laging maghugas ng kamay, uminom ng maraming tubig, kumain ng masustansyang
pagkain at matulog ng maaga upang maiwasan na magkasakit.”
“Salamat po, Tatay Emilio,” sabi ni Marla.
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Tungkol saan ang balita?
4. Bilang isang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang hindi magkakaroon ng
sakit?
5. Ano ang kabutihang naidudulot ng pakikinig ng balita? Ipaliwanag

You might also like