You are on page 1of 7

FILIPINO 

6
Pangalan: ________________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pag-ugnay ng Binasa sa Sariling Karanasan

I. Panimula

Ayon sa Wikipedia, ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na


nakukuha sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o
pagpapanood ng ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain. Isa
itong pag-aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa, galaw, o kilos.

Ang karanasan ay bahagi ng buhay na may hatid na aral; ito man ay


karanasan mo o ng ibang tao; ito ay nagsisilbing guro na tumutulong sa inyo
upang mahubog ang inyong pagkatao.

Gaya ng mga napakinggan o nabasa ninyong mga kuwento o teksto


mula nang kayo ay bata pa, madali ninyong naiuugnay ang inyong sarili dahil
naranasan o maaaring naihahalintulad ang mga pangyayari dito.

Sa pagbabasa ng teksto, nakatutulong ang karanasan upang


maunawaan ang tekstong binasa. Madali ninyo itong naiintindihan dahil
naranasan ninyo ang katulad na sitwasyon kaya naiuugnay ninyo ang inyong
sarili.

Kapag naiugnay ninyo ang inyong karanasan sa inyong binasa,


nangangahulugan itong nauunawaan ninyo ang inyong binasa.

Sa pamamagitan din nito, nabibigyan din kayo ng pagkakataon na


maipahayag ang inyong sarili.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan.

Koda: F6PB-IVa-1
III. Mga Gawain

Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga gawain na


lilinang sa iyong kaalaman sa pag-ugnay ng sariling karanasan sa nabasang
teksto.

Gawain 1
A. Sa isang pangungusap isulat ang iyong pinakamasayang karanasan sa
nakalaang espasyo sa loob ng puso.

Ang Pinakamasaya
Kong Karanasan
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

B. Buuin ang talata batay sa iyong karanasan. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

Itinaas na ang signal number 2 dahil sa ______________________. Nanatili


kami sa aming __________________. Patuloy na nakikinig ng weather reports sa
_____________ at __________________. Inihanda rin namin ang aming mga
______________, malinis na inuming ______________ at mga first aid kits.

Gawain 2
LIGTAS ANG MAY ALAM
Alam ba ninyong sa panahong mayroong mga bagong sakit na
natutuklasan mas nakasasama kung tayo’y magpapanic. Katulad na lang ng
bagong sakit na tinatawag na NOVEL – CORONA VIRUS O NCOV. Ayon sa
Health Advisory ng DOH dapat manatiling kalmado at maniwala lamang sa
abiso na nanggaling sa kanilang ahensiya. Pinapayuhan ang lahat na
siguraduhin ang madalas at tamang paghugas ng kamay. Ang pagtakip sa
ilong at bibig tuwing umuubo at iwasan ang malapitang kontak sa mga taong
may sintomas ng trangkaso. Magsuot ng wastong proteksiyon sa katawan
kung lalapit sa mga hayop mula sa farm o sa mga wild animals. Dapat lutuin
nang mabuti ang ating pagkain at palakasin ang ating resistensiya sa
pamamagitan ng healthy lifestyle at pagtulog nang mahaba.

Base sa health advisory sa tekstong “Ligtas ang May Alam” ano-ano ang iyong
naranasang gawin at ginagawa hanggang ngayon para makasunod dito?
Magbigay ng tatlo.

1. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 3
Naranasan mo bang malungkot dahil hindi ka makalabas ng inyong
bahay dahil sa Enhanced community Quarantine o ECQ?

Naranasan mo bang lumabas ng inyong bahay habang ECQ?

Nasabik ka bang mag-aral at pumasok muli sa paaralan?

Naranasan mo bang mapagalitan ng iyong nanay o tatay dahil puro


paggamit ng gadgets ang iyong inaatupag?

Naranasan mo bang makitang nagsisikap ang iyong mga magulang


kahit panahon ng pandemya para may ipangtustos sa araw-araw?

Noong pumutok ang balitang nagkaroon na ng unang kaso ng Covid-19


sa bansa, lahat tayo ay nagulantang. Kasunod nito ang pagpapatupad ng
Enhanced Community Quarantine o ECQ upang mapabagal o mapigilan ang
paglaganap ng sakit na ito.

Habang ipinapatupad ang ECQ, may kani-kaniya tayong karanasan.


Marahil ikaw ay natakot, nalungkot, nadismaya o nainip. Maaari rin namang
punong-puno ng pasasalamat ang iyong puso dahil sa kabila ng lahat, ikaw ay
buhay, malakas, walang sakit kahit dumanas ng maraming pagsubok sa ilalim
ng pandemya.

A. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang isinaad na pangungusap ay naranasan mo


noong Enhanced Community Quarantine at ekis ( X ) kung hindi.
__________ 1. Mananatiling sarado ang mga paaralan.
__________ 2. Lahat ng pampublikong sasakyan ay suspendido.
__________ 3. Pinahihintulutan ang paglabas ng mga may edad na 20 pababa
at 60 pataas (Senior Citizen).
__________ 4. Ang lahat ay dapat manatili sa loob ng kanilang tahanan.
__________ 5. Isa lang ang maaaring sumakay sa bisekleta.

B. Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng pangungusap batay sa


iyong karanasan.
__________ 1. Maaaring lumabas ng bahay ng walang face mask.
__________ 2. Palaging maghugas ng kamay upang maiwasan ang Covid-19.
__________ 3. Ang Covid-19 ay isang nakakahawang sakit.
__________ 4. Ang karaniwang sintomas ng may sakit na Covid-19 ay lagnat,
hirap sa paghinga at walang panlasa o pang-amoy.
__________ 5. Nagsimula ang ECQ noong Mayo 2020.

Gawain 4
Basahin ang kuwentong hango sa tunay na buhay ni King James Diparine at
sagutin ang mga katunangan at gawain.
Ang Haring Nakatira sa Puno
Isinulat ni Philadelphia G. Peñalba
Si King James Diparine ay isang mag-aaral mula sa ikaanim na baitang
ng Tinabunan Elementary School na desididong ipagpatuloy ang kaniyang pag-
aaral sa kabila ng kinakaharap na pandemya.
Nakatira ang kaniyang pamilya sa isang subdivision na may
naggagandahang bahay ngunit naiiba ang kanilang bahay sa mga ito.
Tinatawag na “tree house” ang kanilang bahay dahil nakatayo ito sa ilalim ng
mayabong na punong mangga. Gawa ito sa pinagtagpi-tagping yero at kahoy
na may maliliit na espasyo para sa limang miyembro ng pamilya.
Ang kaniyang Nanay Linda ang nag-aalaga sa kanilang magkakapatid
samantalang nangangalakal at pumapasok bilang construction worker ang
kaniyang amang si Delfin upang may pantustos sa pamilya.
Simula ng kumalat ang sakit na Covid-19, naging suliranin ng kanilang
pamilya ang kawalan ng trabaho at pagkakakitaan habang pinatutupad ang
Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Bagama’t walang-wala sa buhay, matapos na mabalitaan na
magkakaroon ng pagbabago sa pagpasok at pagkatuto sa paaralan, buo ang
loob ni King na hindi huminto kahit walang kagamitan sa pag-aaral.
“Pangarap ko pong maging engineer pagdating ng panahon upang
maipaayos, mapaganda at mapalaki ang bahay namin,” ani ni King.
Mas lalo mang nahirapan dahil sa krisis, wala mang gadgets o internet
connection, handa namang gumabay ang kanyang nanay at tatay dahil
naniniwala silang hindi dahilan ang pandemya upang matigil ang pangarap ng
kanilang anak para a kanilang pamilya.
Sa tulong ng Panginoon, nananalig si King na balang araw siya ay
magiging isang hari na may maayos at magandang bahay kasama ang
kaniyang pamilya.
A.
1. Sino ang batang kahanga-hanga na binanggit sa kuwento?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano ang pangalan ng kaniyang nanay at tatay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang kaniyang pangarap?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bakit nahirapan ang pamilya Diparine sa panahon ng pandemya?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, paano matagumpay na maaabot ng bata ang kaniyang
pangarap?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Sa kuwentong nabasa mo, ano-ano ang naranasan ni King na iyo ring


naranasan? Maaari mo bang pag-ugnayin ang mga ito?
Naranasan ni King Naranasan Ko

Gawain 5
A. Sagutan ang Tsart.
Karanasan Noong Wala Pang Pandemya VS Ngayong May Pandemya
Noon Ngayon
1. transportasyon
2. Pag-aaral
3. Kabuhayan/Trabaho
4. Pamumuhay
5. Pangkalusugan
B. Batay sa iyong karanasan, ano ang nararapat mong gawin sa mga
sumusunod na sitwasyon?
1. Hindi pinapayagang lumabas ng bahay ang mga bata ngunit
nagpupumilit ang iyong kapatid.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Niyaya kang gumala ng iyong kaibigan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ayaw magsuot ng facemask ang iyong kuya.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Nakita mong itinapon lang sa kalye ng inyong kapitbahay ang gamit
nang facemask.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Hindi dinidisinfect ng iyong ate ang kayang mga pinamili sa groseri sa
bayan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

IV. Repleksyon/Pangwakas

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap:

Natutunan ko na ____________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Pinaka-nagustuhan ko ang __________________________________________________
______________________________________________________________________________
Mas gusto kong matuto tungkol sa ___________________________________________
______________________________________________________________________________

Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing ito.


Mahalaga na nauunawaan natin ang mga teksto na ating binabasa at
maiugnay ang mga ito sa sarili nating karanasan upang lalo nating maintindihan
ang mga ito. Isa ring mahalagang  layunin ng araling ito
ay  upang malinang  pa ang  kahusayan natin sa malikhaing pagbasa.

V. Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
A. Iba-iba ang mga kasagutan ng mga bata sa gawaing ito
B. Itinaas na ang signal number 2 dahil sa bagyo. Nanatili kami sa
aming bahay. Patuloy na nakikinig ng weather reports sa radyo at
telebisyon. Inihanda rin namin ang aming mga damit, malinis na
inuming tubig at mga first aid kits.

Gawain 2
Iba-iba ang mga kasagutan ng mga bata sa gawaing ito

Gawain 3
A. 1. / 2. / 3. X 4. / 5. /
B. 1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali

Gawain 4
A. Iba-iba ang mga kasagutan ng mga bata sa gawaing ito
B. Iba-iba ang mga kasagutan ng mga bata sa gawaing ito

Gawain 5
A. Iba-iba ang mga kasagutan ng mga bata sa gawaing ito
B. Iba-iba ang mga kasagutan ng mga bata sa gawaing ito

VI. Sanggunian

Agarrado, Patricia Jo C. et al, Alab Filipino Batayang Aklat sa Filipino 6-


Kagawaran  ng  Edukasyon

Antonio, Eleanor D. et al, Yamang Filipino Batayang Aklat sa Filipino 6-


Rex Bookstore

https://tl.wikipedia.org/wiki/Karanasan

https://www.youtube.com/watch?v=Iwco-ULYuzQ

SARAH A. COMIDA
May Akda

You might also like