You are on page 1of 1

LAMBUNAO NATIONAL HIGH SCHOOL

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT


UNANG KWARTER

FILIPINO 8

Pangalan:__________________________ Cluster :__________________________

I.Salungguhitan ang mga salita/pahayag na ginagamit sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw.


Hal. Kung ako ang tatanungin, malaki ang pag-asa natin na makaraos sa kahirapan.
1. Sa aking palagay maraming Pilipino ang naghihirap ngayon dahil sa pandemya.
2. Sa tingin ko mataas ang iskor mo sa pagsusulit dahil nag-aral ka nang mabuti.
3. Sa aking pananaw magkakaroon lamang ng kapayapaan ang ating bansa kung ang bawat isa ay may
pagmamalasakit sa kapwa.
4. Lubos kong pinaniniwalaan na maging ligtas tayo sa anumang sakit kung mag-iingat lamang.
5. Labis akong naninindigan na ang edukasyon ay daan tungo sa katuparan ng pangarap.
II. Tukuyin kung ang may salungguhit na pahayag ay sanhi o bunga ng pangyayari. Isulat ang sagot sa
patlang.
__________6. Maraming Pilipino ang nahihirapan dahil sa pandemya, kaya naglabas ng malaking pondo ang
gobyerno para dito.
__________7. Simula nang iniwan si Abby sa bahay ampunan ay naging mahiyain na ito.
__________8. Maraming manggagawa ang hindi nakapasok sa trabaho dahil sa malakas na ulan.
__________9. Palibhasa’y laki sa layaw kaya hindi na ni Jay binibigyang halaga ang mga simpleng bagay sa
kaniyang paligid.
__________10.Malakas ang loob ni Apple kaya hinarap niya nang may pagpakumbaba ang nagawang kasalanan.
III. Piliin ang angkop na pangatnig sa loob ng panaklong upang mabuo ang pangungusap. Titik lamang ang
isulat bago ang bilang.
_________11. Nag-aaral si Vicky nang mabuti (a.palibhasa, b.sapagkat, c.kaya) gusto niyang makapagtapos ng
pag-aaral at makapaghanap ng magandang trabaho.
_________12. (a.Naging, b.kasi, c.palibhasa) palaaral na si AJ simula nang pinagalitan ng ina dahil sa
nagbulakbol.
_________13. Hindi na ako makakapag-aral sa susunod na taon (a.kaya, b.bunga nito, c.kasi) namatay si Itay at
wala namang trabaho si Inay.
_________14. Ang pagdating ng pandemyang Covid-19 ay hindi inaasahan ng mga tao (a.dahil, b.sapagkat,
c.naging) dito marami ang nagpanic buying ng mga face mask at alcohol.
_________15. Nagkasakit siya (a.dahil, b.kaya, c.ngunit) palaging nagutuman si Jenny.
IV. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_________16. Si Prayle Jose Castano ang nakarinig ng isinalaysay na epiko mula kay Cadundong kaya isinalin
niya ito sa wikang: a. Filipino b. Espanyol c. Ingles.
_________17.Ang Ibalon ay matandang pangalan ng: a.Ilocos b. Bikol c. Iloilo
_________18. Ang Ibalon ay isang halimbawa ng: a. alamat b. epiko c. kwentong bayan
_________19. Si Baltog ay isang bantog na: a. mangingisda b.mangangalakal c. mandirigma
_________20. Isa sa mga katangian ni Baltog ay: a.makatarungan b. mapagmahal c. mapagbigay.

You might also like