You are on page 1of 4

ST. PETER PAROCHIAL SCHOOL, (IBAJAY, AKLAN), INC.

POBLACION, IBAJAY, AKLAN


FOUNDED 1988
Telephone No. 287-27-62

LEARNING ACTIVITY SHEET


IKAANIM NA BAITANG
FILIPINO
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikapitong Pagsasanay Petsa: Mayo 3, 2021
Paksa: Ang Haring Nakatira sa Puno Linggo: 7 Sesyon: 1

Hangaring Pagkatuto: sa pagtatapos ng ikapitong pagsasanay, ang mga mag-aaral ay naiuugnay ang sariling
karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa;
1. nailalahad ang sariling karanasan batay sa nabasang teksto at;
2. nasasagot ang mga tanong batay sa teksto

Pagpapahalaga: Pagkamapagmahal

I. PANALANGIN

Mapagmahal naming Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na iyong ipinagkaloob sa amin. Patawarin
mo kami sa aming mga kasalanan na nagawa sa araw-araw. Nawa’y maintindihan at masagutan ko ang mga
pagsasanay ng may buong katapatan at husay. Ito ay hinihiling naming sa pangalan ni Jesus na iyong anak.
Amen.

II. PAGGANYAK

Isang mapagpalang araw sa inyo mga giliw kong mag-aaral. Isang panibagong aralin na naman ang ating
tatalakayin ngayon. Nais kong lagyan ninyo ng malungkot na mukha

ang patlang kapag ito ay naranasan ninyo.

________1. Naranasan mo bang malungkot dahil hindi ka makalabas ng inyong bahay noong Enhanced
Community Quarantine?

________2. Nasasabik ka bang makita ang iyong mga kaibigan dahil sa pandemya hindi ka makakadalaw sa
kanila?

________3. Nasabik ka bang mag-aral at pumasok muli sa paaralan?

________4.Naranasan mo bang mapagalitan ng iyong nanay o tatay dahil puro paggamit ng gadgets ang iyong
inaatupag?

________5. Naranasan mo bang makitang nagsisikap ang iyong magulang kahit panahon ng pandemya para
may maipangtustos sa araw-araw?

Noong pumutok ang balitang nagkaroon na ng unang kaso ng COVID 19 sa bansa, lahat tayo
ay nagulantang. Kasunod nito ang pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine (ECQ)
upang mapabagal o mapigilan ang paglaganap ng sakit na ito. Habang ipinapatupad ang ECQ,
may kani-kaniya tayong karanasan. Marahil ikaw ay natakot, nalungkot, nadismaya o nainip.
Maaari rin namang punong-puno ng pagpapasalamat ang iyong puso dahil sa kabila ng lahat,
ikaw ay buhay malakas, walang sakit bagamat dumanas ng maraming pagsubok sa ilalim ng
pandemya,
III. MAHALAGANG KONSEPTO

Klase, basahin ang inihandang kong kuwento. Ito ay hango sa tunay na buhay ni King
James Diparine. Basahing mabuti sapagkat may mga tanong kayo na dapat sagutin.
Ang Haring Nakatira sa Puno
Isinulat ni: Phildelphia G. Peňalba

Si King James Diparine ay isang mag-aaral mula sa ikaanim na baiting ng Tinabunan Elememtary
School na desididong ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa kabila ng kinakaharap ng pandemya.

Nakatira ang kaniyang pamilya sa isang subdivision na may magagandang bahay ngunit naiiba ang
kanilang bahay sa mga ito. Tinatawag na “tree house” ang kanilang bahay dahil nakatayo ito sa ilalim ng
mayabong na punong manga. Gawa ito sa pinagtagpi-tagpin yero at kahoy na may maliit na espasyo para sa
limang miyembro ng pamilya.
Ang kaniyang nanay Linda ang nag-aalaga sa kanilang magkakapatid samantalang nangangalakal at pumapasok
bilang construction worker ang kaniyang amang si Delfin upang may pantustos sa pamilya.

Simula nang kumalat ang sakit na COVID 19, naging suliranin ng kanilang pamilya ang kawalan ng
trabaho at pagkakakitaan habang pinapatupad ang Enhanced Community Quarantine.

Bagamat walang-wala sa buhay, matapos mabalitaan na magkakaroon ng pagbabago sa pagpasok at


pagkatuto sa paaralan, buo ang loob ni King na hindi huminto bagamat walang kagamitan.

“Pangarap ko pong maging engineer pagdating ng panahon upang maipaayos, mapaganda at mapalaki
ang bahay naming”, ani ni King.
Mas lalo mang nahirapan dahil sa krisis, wala mang gadgets o internet connection, handa namang gumabay ang
kaniyang nanay at tatay dahil naniniwala silang hindi dahilan ang pandemya upang matigil ang pangarap ng
kanilang anak para sa kanilang pamilya.
Sa tulong ng Panginoon, nananalig si King na baling araw siya ay magiging isang hari na may maayos at
magandang bahay kasama ang kaniyang pamilya.

 Ang karanasan ay bahagi ng buhay na may hatid na aral. Ito man ay karanasan mo o karanasan ng
ibang tao. Ito ay ating guro na tumutulong sa atin upang mahubog an gating pagkatao. Gaya ng
inyong nabasang kuwento, madali ninyong naiugnay ang inyong sarili sa dahil naranasan ninyo ang
mga pangyayaring ito.

Kapag naiugnay ninyo ang inyong karanasan sa inyong nabasa nangangahulugan itong
naunawaan ninyo ang inyong nabasa o napakinggan. Sa pamamagitan din nito. Nabibigyan din
kayo ng pagkakataon na maipahayag ang inyong sarili. Subukin natin ang inyong galling, sagutin
ang mga sumusunod na tanong.

IV. PAGSASANAY

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Sino ang batang kahanga-hanga na binanggit sa kuwento?

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
2. Ano ang pangalan ng kaniyang nanay at tatay?

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
3. Ano ang kaniyang pangarap?

_________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
4. Bakit nahirapan ang pamilya Diparine sa panahon ng pandemya?

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, paano matagumpay na maabot ng bata ang kaniyang pag-aaral?

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

V. INDIBIDWAL NA PAGSASANAY

Panuto: Sa kuwento na inyong nabasa, ano-ano ang naranasan ni King na inyo ring naranasan?
Maaari mo bang pag-ugnayin ito? Isulat ang iyong sagot sa kahon. (kung wala ay maaaring isulat ang
inyong karanasan na di niyo malilimutan noong panahong nas Enhanced Community Quarantine)

Naranasan ni King

Naranasan ko

VI. SANGGUNIAN

Retrieved from: https://www.youtube/GfdxHNJiso4/Naiuugnay ang sariling karanasan ang mga karanasang


nabanggit sa binasa.angharingnakatirasapuno.

VII. PANAPOS NA PANALANGIN

Ama naming salamat po sa araw na ito. Maraming salamat sa kaalaman na ipinagkaloob mo sa amin. Nawa’y
magbunga ang aming mga pinag-aralan upang kami’y maging produktibo at maibalik ang pagpapapala na iyong
ibinigay. Ito’y ipinapanalangin naming sa ngalanng iyong anak na si Jesus. Amen.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


EMILYN A. OLID Rev. Fr. CESAR V. ECHEGARAY
Papalit na Guro School Director
Cp#09383649560

Inaprobahan ni:

TERESITA G. MIRALLES
Principal

You might also like