Professional Documents
Culture Documents
QF PPD 42 Rev 00 Effectivity Date June 30 2020 Annex 1 Urban Agriculture Program Pangunahing Impormasyon 1
QF PPD 42 Rev 00 Effectivity Date June 30 2020 Annex 1 Urban Agriculture Program Pangunahing Impormasyon 1
PANGUNAHING IMPORMASYON
Panuto: Pakisagutan ang mga hinihingi ng impormasyon. Kapag may kahon, lagyan ng (x) anginyongsagot.
Pribadong Pahayag
Ang Agricultural Training Institute (ATI) ay naglalayong pangalagaan at irespeto ang inyong personal na datos.
Alam namin ang aming mga responsibilidad at ang mga karapatan ng mga nagmamay-ari ng impormasyon na
nakalahad sa Republic Act No. 10173, o tinatawag na Data Privacy Act of 2012.
Pahintulot ng Indibidwal
Nabasa ko at naintindihan ang Pribadong Pahayag ng Institusyon tungkol sa datos o impormasyon at nagbibigay
ako ng pahintulot sa ATI na hingin, itabi, gamitin, ipamahagi, iproseso at pasariwain ang aking personal na
impormasyon. Naiintindihan ko rin na ang mga impormasyon na hiningi ay gagamitin ng ATI sa kanilang gawaing
pagsubaybay at pagsusuri na kung saan ako, na nakatanggap ng tulong sa kanila, ay pwedeng makipag-ugnayan o
bisitahin ng ATI at sumailalim sa panayam para makakalap ng mahalagang impormasyon. Kasama rito ay ang
pagtanong sa akin para makakalap ng pananaw tungkol sa mga tulong o ayuda upang makabuo ng mahalagang
rekomendasyon at isagawa ang mga nararapat na aksyon nang sa gayon ay matiyak ang wastong pamamahala ng
organisasyon sa pagsasagawa ng mga aktibidades sa hinaharap. Ako rin ay nagpapahiwatig na ang impormasyon na
aking ipinagkaloob ay makatotohanan, ito rin ay pananatilihing pribado at gagamitin para sa mga gawaing
pagsubaybay at pagsusuri lamang.
__________________________________________________________ _________________________________
PIRMA SA NAKALIMBAG NA PANGALAN PETSA
Ang form na ito ay ibibigay sa mga tatanggap ng Urban Agriculture starter kit. Isusulat nila ang
mga impormasyon na kailangan ng Departamento ng Agriculture para sila ay mamonitor. Ang
sumusunod ay mga impormasyon na dapat nilang sagutan:
1. PETSA KUNG KAILAN NATANGGAP ANG STARTER KIT: Petsa kung kalian natanggap
ang starter kit.
2. PANGALAN: Kumpletong pangalan ng benepisyaryo (First name, Middle Initial, Last
name)
3. KASARIAN: Kasarian ng benepisyaryo
4. KATAYUANG SIBIL: Kasalukuyang katayuang sibil ng benepisyaryo
5. EDAD: Kasalukuyang edad ng benepisyaryo
6. BILANG NG MGA DEPENDENTS/UMAASA (KUMAKAIN SA PAREHONG KUSINA):
Bilang ng mga kasama sa bahay na magkakasamang kumakain
7. PINAKAMATAAS NA ANTAS NA NATAPOS SA PAG-AARAL: Pinakamataas na pinag-
aralan o natapos sa pag-aaral ng benepisyaryo
8. CELLPHONE/ LANDLINE NUMBER: Contact number ng benepisyaryo maaaring ito ay
cellphone or landline
9. EMAIL ADDRESS: Email address ng benepisyaryo
10. PANGALAN SA FACEBOOK/MESSENGER ACCOUNT: Pangalan ng benepisyaryo na
ginagamit sa Facebook or Messenger
11. TIRAHAN: Kumpletong address ng tirahan ng benepisyaryo
12. KLASE NG KLIENTE: Pumili ng isa o higit pa sa mga mapagpipilian
13. PRIBADONG PAHAYAG: Layunin nito na maipaunawa sa benepisyaryo na lahat ng mga
impormasyon na kanilang isusulat sa Form ay mananatiling kumpidensyal at gagamitin
lamang ng gobyerno bilang reperensya sa pagmomonitor at pag-susuri. Kung ang
benepisyaryo ay boluntaryong sumasang-ayon, lagdaan ang form at petsa kung kalian
nilagdaan.
Ang nasagutang form ay kokolektahin ng mga tauhan ng LGU at mga ATI partners
(LSAs/SPAs/ESPs). Ito ay ipapasa sa ATI para pagsamahin at magawan ng database.