You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

MUNICIPAL GOVERNMENT OF TERESA


Rizal Province
Municipal Hall, Corazon C. Aquino Ave., Brgy. Poblacion, Teresa, Rizal, 1880
mswdoteresa@gmail.com
PLDT No. 8250-6800
MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

KASUNDUANG PANG-TULONG PINANSYAL

ALAMIN NG LAHAT NA:

Ang kasunduang ito ay isinagawa nina:

Kgg. Rodel N. Dela Cruz sa kanyang kakayahan bilang kagalang-galang na


Punong Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Teresa, Rizal. Isang Pamahalaang Lokal na
itinatag at patuloy na umiiral sa ilalim ng batas ng Pilipinas at matatagpuan sa Barangay
Poblacion, Teresa Rizal dito makikilala bilang UNANG PANIG.

- at -

______________________________
(Pangalawang Panig)

Pilipino, walang asawa, nasa hustong gulang/ menor de edad at ang kanyang
ama/ina tagapatnubay na si ____________________________________, Pilipino, may
asawa / walang asawa, nsa hustong gulang at parehong naninirahan sa
_________________________________________________ dito ay makikilala bilang
IKALAWANG PANIG.

AY NAGPAPATUNAY AT NAGSASAYSAY

Kung saan, ang Pamahalaang Bayan ng Teresa, Rizal sa pagkilala sa


pambansang polisiya ukol sa Edukasyon, sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkakakataon na makapag - aral ang mga kabataang maralita pero matalinong bata
upang makapagpatuloy sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Kung saan pinagkasunduan ng UNANG PANIG at IKALAWANG PANIG na


magtulong upang makamit ang minimithing layunin ng programang pang tulong pinasyal
na ito:

Kung saan ang IKALAWANG PANIG ay isa sa mga kwalipikadong kabataan sa


ilalim ng programang pan-tulong pinansyal na ito. Pinili ang
__________________________________________ paaralang kanyang papasukan na
may curriculum program na semestral basis para sa kursong
_______________________________________________,

NGAYON KUNG GAYON matapos mabigyan konsiderasyon ang mga naturan,


ang lahat ng panig ay napagkasunduang ipagawa ang mag sumusunod:

I. PASUBALI PARA UNANG PANIG

1. Magkaroong tuntuning susundin upang makapamili ng kwalipikadong aplikante at


masubaybayan ang IKALAWANG PANIG sa ilalim ng pang tulong pinasyal na ito.
2. Ibigay ang tulong pinansyal sa halagang Php1,500.00 kada isang buwan bilang
dagdag panggastos sa pagpasok araw-araw ng IKALAWANG PANIG sa
paaralang kanyang pinapasukan.
3. Isuspinde ang pagbibigay ng tulong pinansyal kung hindi na sapat ang pondo sa
programng ito, o putulin ang tulong pinansyal kung dina kwalipikado ang
IKALAWANG PANIG.
II. PASUBALI PARA IKALAWANG PANIG

1. Mamuhay ng naayon sa magandang asal at hindi magbibigay ng kahihiyan sa


UNANG PANIG
2. Naninirahan sa sa Bayan ng Teresa ng hindi bababa sa isang taon (1) bago
lagdaan ng kasunduang ito
3. Ang mag-aaral ay maaaring mag-enrol sa mag paaralan /unibersidad sa Lalawiagn
ng Rizal at piling paaralan sa Regional Areas
4. Ang magulang ng isang aplikante ay may taunang kita na Php120,000.00 o
mababa pa
5. Ang aplikante ay may edad na dalawamput isang (21) taon gulang pababa
6. Ang bawat iskolar ay dadalo sa buwanang pag pupulong upang mapag usapan
ang mag suliranin sa pag-aaral at pamilya.
7. Ang mga iskolar ay kinakailangan magkaroon ng community service sa kanilang
barangay tatlong (3) beses sa isang buwan na may katumbas na sertipiko na may
lagda ng Pinuno ng barangay
8. Ang mga sertipiko ay isusumite sa tanggapan ng MSWD Teresa sa araw ng pag
kuha ng kanilang allowance
9. Ang bawat iskolar ay makikilahok sa anumang programa ng Pamahalaang Bayan
kung kinakailangan
10. Isusumite sa MSWD-TERESA Office ang lahat ng pang paaralang tala o datos sa
loob ng dalawang lingo matapos ang semester
11. Magpatuloy lamang ang mga tulong pinasyal sa ilalim ng TANGGAPAN NG
PUNONG BAYAN at sa patnubay ng MSWDO-TERESA, RIZAL kung
1) Ang benepisyaryo ay mayroong kabuuang marka na 1.0 hanggang 2.2 sa
kada semester
2) Ang benepisyaryo ay hindi magkakaroon ng bagsak na marka 3.1 o mas
mababa pa
3) Ang benepisyaryo ay magkakaroon ng markang 2.3 ay bibigyan ng isa pang
pagkakataon na mapataas sa susunod na semestral at kung sakaling hindi
na nya ito mapataas muli siya ay matatangal na sa programa.
4) Ang benepisyaryo ay nagkaroon ng kabuuang marka o GWA na 2.4 o mas
mababa sya ay otomatikong matatanggal sa programa.

Sa katunayan ng lahat ng ito, ang lahat ng panig ay lumagda ngayong Ika-_____


ng _____________________ sa bayan ng Teresa, Rizal.

Kgg. RODEL N. DELA CRUZ


Unang Panig

IKALAWANG PANIG
Magulang at Benepisyaryo

______________________________ ______________________________
Pangalan at lagda ng benepisyaryo Pangalan at lagda ng magulang

Numero ng sedula: ______________ Numero ng sedula: ______________


Petsa: ______________ Petsa: ______________
Lugar ng pinagkunan:_____________ Lugar ng pinagkunan:____________

SINAKSIHAN NINA:

JUANITO S. SANTIAGO MARJORIE E. ACILO, RSW


Local Youth Development Officer OIC - MSWDO

You might also like