You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN – 6

Pangalan: ________________________________ Petsa:


____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat:


__________________

Markahan: Ikaapat Linggo: Ikaapat


MELC(s): Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan AP6TDK-IVc-d-4
Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Kayamanan Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan 6, 2017 Edisyon
➢ Paksa: Ang Mga Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino Mula 1986
Hanggang sa Kasalukuyan.
➢ Layunin: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.

Tuklasin Natin

Mga Suliranin at Hamon ng Ikalimang Republika

Matapos mapaalis si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng Rebolusyong EDSA,


kaagad na nagtatag ng Rebolusyong Pamahalaan si Pangulong Aquino. Agad din niyang
pinawalang-bisa ang Saligang Batas 1973 na nagbibigay ng malawak na kapangyarihan
sa administrasyong Marcos, bumuo din si Pangulong Aquino ng kanyang gabinete na
tutulong sa kanya sa pagpapalakad sa pamahalaan. Upang maging matatag ang
demokrasya ng bansa, binuo ang Constitutional Commission na bumabalangkas sa
Saligang Batas na naging batayan ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Ang nabuong
Saligang Batas ay iniharap sa sambayanan at pinagtibay ito noong Pebrero 2, 1987.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Ang pagpapatibay sa Saligang Batas 1987 ay nagbigay wakas sa
Rebolusyonaryong Pamahalaan at nagbigay daan naman sa pagkatatag ng Ikalimang
Republika.

Hindi naging madali ang pamamalakad ng pamahalaan sa Ikalimang Republika.


Ito ang mga pangunahing suliranin na kinaharap ng mga Pilipino at pamahalaan mula
1986 hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga pangunahing suliraning pangkabuhayan at pang-ekonomiya ikinaharap ng


mga Pilipino:

• Paglugmok ng ekonomiya;
• Kawalan ng trabahong mapapasukan;
• Patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin;
• Malawakang paghihirap ng mga mamamayan;
• Pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho;
• Pagkalugi ng mga bangkong pag-aari ng pamahalaan;
• Malaking pagkakautang ng ating bansa sa dayuhang bansa;
• Kawalan ng tiwala ng mga lokal at dayuhang negosyante sa ekonomiya ng bansa;
• Maraming lupang pansakahan ang ginawang subdibisyon at iba pang gusali na
naging sanhi ng pagbaba ng agrikultura sa bansa.

Nagkaroon din ng suliranin sa pangkapayapaan at panlipunan na aspeto ng ating


bansa. Ito ang ilan sa mga suliranin:
• Paglala ng terorismo sa bansa;
• Pagbagsak ng moralidad ng mga mamamayan;
• Madalas na pagrali at welga ng iba’t-ibang sektor;
• Paglala at malawakang katiwalian sa pamahalaan;
• Kaguluhan sa Mindanao sa pagitan ng mga terrorista at sundalo;
• Pagtaas ng antas ng kriminalidad tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot o
droga, carnapping, panggagahasa at pagpatay, paghoholdap sa mga bangko,
pagnanakaw, kidnap for ransom at smuggling.

Mula sa taong 1987 hanggang sa kasalukuyan, ito na ang mga naging hamon at
suliraning kinaharap ng mga Pilipino lalo na ng pamahalaan. Kung kayo ang magiging
pangulo ng bansa, paano kaya ninyo masosolusyunan ang mga hamon na ito?

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Subukin Natin

Batay sa tekstong binasa, suriin ang mga pahayag tungkol sa mga mga Pilipino
mula 1986 hanggang sa kasalukuyan. Isulat ang S kung ito ay suliranin at HS naman
kung hindi.
_______1. Paglala ng kaso ng korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan
_______2. Paglobo ng bilang ng mga mamamayang walang trabaho
_______3. Pagdami ng mga turista sa dumadalaw sa bansa
_______4. Madalas na pagdaraos ng rali ng iba’t-ibang sektor
_______5. Pagbili ng mga produkto mula sa ibang bansa

Isagawa Natin

Batay sa tekstong napag-aralan, punan ang Graphic Organizer ng mga


pangunahing suliranin na kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan.

Mga Pangunahing Suliranin ng mga Pilipino mula


1986 hanggang kasalukuyan

Suliraning Suliraning Pang- Suliraning Suliraning


Pangkabuhayan ekonomiya Pangkapayapaan Panlipunan
2.______________
1.______________ 3.______________ 4.______________
________________
________________ ________________ ________________
________________
________________ ________________ ________________
________________
________________ ________________ ________________
________________
________________ ________________ ________________
________________
________________ ________________ ________________
________________
________________ ________________ ________________
__________
__________ __________ __________

Ilapat Natin

Bakit mahalaga na suriin natin ang mga problema na pinagdadaan ng mga


Pilipino at ng ating bansa? Ipaliwanag sa maikling pangungusap o sanaysay.
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Rubrik

Mamarkahan ang iyong gawain batay sa rubrik na ito.

Pamantayan 5 4 3

Wasto ang mga May kamalian sa Paligoy-ligoy ang


detalye at angkop ang detalye at may mga detalye at may
Mga Detalye mga salitang ginamit kulang sa mga salita mga salita o
sa pangungusap o pangungusap na pangungusap na di
ginamit angkop
Lubhang malinaw at Hindi gaanong Malabo at hindi
nauunawaan ang malinaw at maunawaan ang
Paglalahad pagkakalahad ng nauunawaan ang pagkakalahad ng
sagot pagkakalahad ng sagot
sagot
Wasto ang baybay ng May ilang kamalian Maraming kamalian
mga salita, bantas, at sa baybay ng mga at hindi maayos ang
anyo ng mga salita, bantas, at mga pangungusap at
Pagbaybay
pangungusap at anyo ng mga talata
talata pangungusap at
talata

Sanggunian

Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallo Kayamanan


Batayang Aklat at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6, 2017 Edisyon

Rubrik mula sa LAS Araling Panlipunan 6, Elma A. Panis

Karagdagang kaalaman na nakuha sa www.google.com

SSLM Development Team


Writer: John Rey L. Vallejo
Evaluator: Carolina L. Cruz, Lulu Dayupay, Teresita M. Cornelia
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Lito S. Adanza, Ph.D
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like