You are on page 1of 8

FILIPINO – GRADE 8

Pangalan: _______________________________ Petsa: _____________

Baitang: _______________________________ Pangkat:___________

Markahan: Ikatlo Linggo: Ikaapat SSLM No. : 4


MELC(s):
a. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto
ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa) (F8WG-IIId-e-31)
b. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo.
(F8PU-IIId-e-31)
➢ Layunin:
a. Nakasusulat ng pangungusap gamit ang mga ekspresyon sa
pagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
b. Nakabubuo ng iskrip ng dokumentaryong panradyo ayon sa ibinigay
na tagubilin.
➢ Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Modyul sa Filipino 8
➢ Paksa: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
Dokumentaryong Panradyo

Tuklasin Natin

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw

May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang


ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala
ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o
paniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa:
1. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang
pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng
edukasyon.
2. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong
Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga
Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.
3. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang
plano.

1 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Mayroong iba’t ibang uri ng dokumentaryo na ating napapanood at napapakinggan
sa telebisyon man o radyo na tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng
panahon ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat
ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinakaharap
sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa
edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng
taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat
maaksyunan.

Bago makasulat ng isang dokumentaryong panradyo ay narito ang mga dapat


tandaan:
• Magsaliksik ng mga impormasyon
• Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga
detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
• Magkaroon ng malinaw na pagpapasya sa paksa

Subukin Natin

Pagsasanay I : Bumuo ng limang makabuluhang pangungusap gamit ang mga


ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Salungguhitan ang mga Konseptong
Pananaw na ginamit sa bawat pangungusap.

1.
2.
3.
4.
5.

Pagsasanay II: Buoin ang iskrip ng dokumentaryong panradyo ayon sa hinihingi ng


bawat patlang. Sundin ang mga panutong nasa loob ng panaklong ( ) upang mabuo
ang iskrip.

Pamagat ng Programa: (Umisip ng Pamagat)_____________________________


Uri ng Programa: Dokumentaryong Panradyo
Petsa ng Pagpapalabas: (Magbigay ng Petsa)____________________________
Oras ng Broadcast: (Magbigay ng Oras)_________________________________
Band: AM
Call Sign: (Magbigay ng Apat na Letra)_________________________________
Paksa ng Dokumentaryo: Epekto ng Covid-19 sa mga Negosyante
ON AIR
1. SFX at Background Music (BGM):___________________________________

2 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


2. OBB: (Maglagay ng introduksyon tungkol sa paksa)____________________
3. ANCHOR: Upang higit nating maunawaan ang epekto ng Covid-19,
kapanayamin natin si Mang Ronel, isang negosyante sa Heneral Santos.
4. INTERBYU (Maglagay ng mga maaaring sabihin ni Mang Ronel)
_________________________________________________________________
5. ANCHOR: (Maglagay ng maaaring sabihin ng Anchor)
_________________________________________________________________
6. INTERBYU (Maglagay ng mga maaaring sabihin ni Mang Ronel)
_________________________________________________________________
7. ANCHOR: (Maglagay ng maaaring sabihin ng anchor, huling mga opinyon)
_________________________________________________________________
8: ANCHOR: (Maglagay ng maaaring sabihin ng anchor, pagpapaalam)
_________________________________________________________________
9. CBB: (Kung ano ang nakalagay sa OBB ay siya ring ilalagay sa CBB)
_________________________________________________________________
10. SFX at Background Music (BGM):
_________________________________________________________________

Isagawa Natin

Pagsasanay I: Ilahad ang sariling pananaw tungkol sa sumusunod na mga paksa


gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

Paksa Konsepto ng Pananaw

Online Learning

Modular Learning

Pagsasanay II: Magsaliksik ng halimbawa ng dokumentaryong panradyo. Ilahad ang


kailangang impormasyong nasa loob ng kasunod na kahon.

Pamagat ng Dokumentaryong Panradyo


Mga Katotohanang Isiniwalat
Mga Patunay
Suliranin
Solusyon
Pangyayaring Nakaantig sa Damdamin

3 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Ilapat Natin

Panuto: Bumuo ng isang dokumentaryong panradyo sa napapanahong isyu na


naglalahad ng pansariling pananaw, opinyon at saloobin gamit ang mga ekspresyong
nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Rubrik

RUBRIK SA PAGGAWA NG DOKUM ENTARONG PANRADYO


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Ang nilalaman ay naaayon sa paksa/isyu
2. Magkakaugnay ang mga pahayag/ideya
3. Naglalahad ng pansariling pananaw, opinyon at saloobin
4. Naggagamit ang ang mga ekspresyong nagpapahayag ng
konsepto ng pananaw
4. Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng angkop na
salita at bantas
Kabuuan
5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman 2-Limitado
1-Nangangailangan pang ayusin

4 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Sanggunian

http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/
K TO 12 Basic Education Program Teaching Guide in Filipino 8
Panitikang Pilipino – Ikawalong Baitang/ Filipino – Modyul para sa Mag-aaral
/Unang Edisyon, 2013, ISBN: 978-971-9990-85-7

SSLM Development Team


Writer: Princes B. Bohol
Content Editor: Imelda V. Villanueva at Iluminada A. Babad
LR Evaluator: Jessa H. Bautista/Vernaliza Cornel Forones
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Norma E. Pascua
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

5 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Susi sa Pagwawasto

Subukin Isagawa
Maaaring magkaiba-iba ng sagot. Maaaring magkaiba-iba ng sagot.
Nasa guro ang magpapasya kung Nasa guro ang magpapasya kung
tama ang bawat sagot. tama ang bawat sagot.

Ilapat
Maaaring magkaiba-iba ng sagot.
Sumangguni sa pamantayan ng
pagmamarka.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


7 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021
8 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021

You might also like