You are on page 1of 2

Pangalan: __________________________________ Baitang at Seksiyon: _____________ Iskor: ________

Paaralan: ______________________________Guro: __________________________ Asignatura: Filipino 8

Manunulat ng LAS: SARAH L. TABUGO Tagasuri ng Nilalaman: GINALYN S. VILLAFLOR
Paksa: Wika ng Kabataan Quarter 4 Wk 2 LAS 2
Mga Layunin: Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may akda, gamit ang wika ng kabataan
(F8WG-IVa-b-35)
Sanggunian:
Infantado, R., 2018, Baybayin 8, Sampaloc Manila: Rex Bookstore, Inc. pp. 427-431.
________________________________________________________________________________________
Nilalaman

Sa pagsulat ng kahit anong sulatin napapaloob ang saloobin o damdamin at layunin ng may-akda.
Binibigyang tuon ang nais mangyari ng isang manunulat sa kanyang mambabasa, hikayatin ang mambabasa,
maaari rin itong mangaral, at magbahagi ng isang paniniwala o prisipyo. Ang pagbabahagi ng saloobin o
pananaw ay maaaring isagawa nang pasalita o pasulat.

Wika ng mga Kabataan

Nang lumaganap ang texting nagkaroon ng pagpapaikli o shortcut ng mga salita dahil sa pagtitipid ng
oras at pera. Halos hindi natin namalayan na nagkaroon pala ng panibagong paraan ng komunikasyon.
Halimbawa: Wer na u? D2 na me. “San kna? Haws pko. Nagkaroon pa ng lengguwahe ang jejemon (mula sa
kombinasyon ng hehe at pokemon) na hindi naman gaanong lumaganap pero pansamantalang nakaapekto sa
madla.
Isa pang halimbawa ang gayspeak. May iba’t iba ring gamit dito. May lengguwaheng pamparlor, may
pansosyalan, may pantsismis, at iba pa. Halimbawa: gorabels, melon shake, chokes to go, at iba pa. Wala
naman talagang eksaktong kahulugan ang ilang salita pero nagkakaintindihan ang mga gumagamit. Kung
minsan, ekspresyon lang ang mga ito kapag kinakapos at wala nang masabi o para pagtawanan lang.
Sa paglaganap ng paggamit ng kompyuter at social media, lalo pang napabilis ang ebolusyon ng
wikang Filipino. Halimbawa: Nabasa mo na sa FB? I-share mo. I-like mo. Ininstagram ko na. Re-tweet mo.
I-favorite mo naman yung tweet ko.I-follow mo naman ako. Re-blog mo naman. Tsek mo sa You Tube. Ilang
halimbawa lamang ito na nagpapakita na ang wika ay buhay.
Malikhain, mapagmasid, at may kakayahang sumubok sa hamon ng buhay ang mga kabataan. Walang
takot nilang hinaharap ang mga pagbabago. Hinihingahan ng mga kabataan ang wika kaya nabubuhay,
umuunlad, nagbabago, at umuuso, kaya push mo ‘yan ‘teh. Peg ko yan.

Gawain
Panuto: Ipagpalagay na ikaw si Francisco Balagtas na nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Paano mo
ilalahad ang iyong damdamin o saloobin bilang makata? Pumili ng isa sa mga paksa. Sumulat ng
isang talatang naglalahad gamit ang wika ng katulad mong kabataan.

Paksang pagpipilian:
1. Ako at ang Aking Tapat na Pag-ibig
2. Ako at ang Pandemyang COVID-19
3. Ako at ang Lipunang Pilipino sa Kasalukuyan

_______________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

Rubrik sa Paglalahad ng Saloobin

3 2 1 Puntos
Napakalinaw ng tema, at Malinaw ang tema, at damdamin Hindi malinaw ang tema, at
damdamin o saloobing nais o saloobing nais ipahiwatig, damdamin o saloobing nais
ipahiwatig ipahiwatig.
Napakalinaw ng paglalahad Malinaw ang paglalahad ng Hindi malinaw ang inilalahad
ng paksa. paksa na paksa.
Angkop na angkop ang mga May dalawa o higit pang salitang Hindi angkop ang mga
salitang ginamit at tama lahat hindi angkop ang pagkagamit at salitang ginamit at maraming
ang mga elementong may mga pagkakamali sa mali sa elementong
gramatika. elementong gramatika. gramatika.
Kabuuang Puntos

You might also like