You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN – 6

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikaapat Linggo: Ikalima


MELC(s): Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang
administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng
mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan (AP6TDK-IVef-6)
➢ Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Yaman ng Pilipinas, Batayang Aklat sa
Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika 6, Kayamanan Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan 6, 2017 Edisyon
➢ Kabanata: 7 Pahina: 79-81, 260-301 Paksa: Ang Mga Programang Ipinatupad ng
Iba’t ibang Administrasyon sa Pagtugon sa Mga Suliranin at Hamong Kinaharap ng
mga Pilipino Mula 1986 Hanggang Kasalukuyan
➢ Layunin: 1. Nasusuri ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon
sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino
mula 1986 hanggang sa kasalukuyan
2. Nakikilala ang mga programa ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon
mula 1986 hanggang kasalukuyan.

Tuklasin Natin

Ang bawat administrasyon na ginagampanan ng mga naging pangulo mula 1986


hanggang sa kasalukuyan ay nagpatupad ng mga programa na tumutugon sa mga suliranin
at hamong kinaharap ng mga Pilipino. Pag-aralan, suriin ang mga larawan at teksto sa ibaba.
Corazon C. Aquino
Pebrero 25, 1986-Hunyo 30, 1992
Ang People Power ang nagluklok kay Corazon C. Aquino sa
pagkapangulo ng ating bansa. Naitatag ang pamahalaang demokratiko.
Maraming mga pagbabago at programang naipatupad sa ilalaim ng
administrasyong Aquino. Napataas ang pasahod sa mga kawani ng
pamahalaan, nabago ang Saligang Batas at naitatag ang Presidential
Commission on Good Governance.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Fidel V. Ramos
Hunyo 3-, 1992-Hunyo 30, 1998
Ang pangunahing layunin ng administrasyong Ramos ay ang
mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas. upang maging isang Newly
Industrialized Country ang ating bansa, ipinatupad ang proyektong
Philippines 2000. Para matugunan ang kapayapaan sa bansa, itinatag din
niya ang Southern Philippines Council for Peace and Development
(SPCPD) na pinamunuan ni Nur Misuari, ang pinuno ng Moro National
Liberation Front (MNLF).

Joseph E. Estrada
Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001
Ipinagpatuloy ni Pangulong Estrada ang mga programa ng dating
Pangulong Aquino at Pangulong Ramos, isa rito ay ang Trade Liberization
o ang pagluwag at pagpataw ng malaking buwis ng pamahalaan sa mga
kalakal na pumapasok sa bansa. Ipinagpatuloy rin niya ang Asset
Privatization Trust na kung saan ipinagbili ang mga kompanya na nasa
pamamalakad ng pamahalaan upang makalikom ng pera para sa
pangangailangan ng Pilipinas.

Gloria M. Arroyo
Enero 20, 2001-Hunyo 30, 2010
Sa pagkatanggal ni Pangulong Estrada sa posisyon bilang pangulo,
pumalit sa pwesto si Gloria M. Arroyo na noon ay bise presidente. Sa
panahon ng kanyang panunungkulan bilang presidente naitatag ang
Economic Reform Agenda na naglalayong palakasin ang ekonomiya ng
bansa. Naisabatas ang Expanded Value Added Tax na ang naging layunin
nito ay mapataas ang pamumuhunan ng bansa. May mga programa ang
kanyang administrasyon na nakapagbigay ng milyong trabaho sa mga
Pilipino.
Benigno Simeon C. Aquino III
(Hunyo 30, 2010-Hunyo 30, 2016)
Naging tatak sa administrasyon ni Aquino ang slogan na Matuwid na
Daan na batayan ng kanyang mga programa. Ilan sa kanyang mga
programa ay ang pagpapatibay ng serbisyong pangkalusugan, pagsulong
ng katahimikan sa Mindanao sa pamamagitan ng Comprehensive
Agreement on the Bangsamoro at pagpapagawa ng mga daan at tulay.

Rodrigo R. Duterte
Hunyo 30, 2016-Kasalukuyan
Si Rodrigo R. Duterte ang ikalabing-anim na pangulo ng ating bansa.
Kilala ang kanyang administrasyon sa programang War on Drugs na ang
layunin ay labanan ang pagpalaganap ng illegal na mga gamot sa lipunan.
Ilan din sa kanyang mga programa ay paglaban sa matinding korupsyon sa
pamahalaan at pagsulong ng transparency sa anumang proyekto sa
pamahalaan.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Subukin Natin

Handa ka na ba sa ating gawain? Batay sa binasang teksto, isulat sa kahon na


nakatapat sa bawat larawan ng mga pangulo ang mga programang ipinatupad ng
kanilang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan.

Isagawa Natin

Pagtambalin ang mga pangalan ng pangulo sa Hanay A sa mga programa nito sa Hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
_______1. Corazon C. Aquino a. War on Drugs
b. Pagpapatuloy ng Asset Privatization Trust
_______2. Fidel V. Ramos
c. Pagpapatibay ng serbisyong pangkalusugan
_______3. Joseph E. Estrada
d. Presidential Commission on Good Governance
_______4. Gloria M. Arroyo e. Philippines 2000
_______5. Benigno Simeon C. Aquino f. Economic Reform Agenda
_______6. Rodrigo R. Duterte

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Ilapat Natin

Isaysay Ko
Iba’t iba ang mga programang ipinatupad ng bawat administrasyon, bilang isang
mag-aaral masasabi mo bang sapat ang mga programang ito upang matugunan ang mga
hamon at suliranin ng mga Pilipino? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrik
Mamarkahan ang iyong gawain batay sa rubrik na ito.

Rubriks sa Paggawa ng Sanaysay

Pamantayan 5 4 3

Wasto ang mga detalye at May kamalian sa detalye at Paligoy-ligoy ang mga
angkop ang mga salitang may kulang sa mga salita o detalye at may mga salita
Mga Detalye
ginamit sa pangungusap pangungusap na ginamit o pangungusap na di
angkop
Lubhang malinaw at Hindi gaanong malinaw at Malabo at hindi
Paglalahad nauunawaan ang nauunawaan ang maunawaan ang
pagkakalahad ng sagot pagkakalahad ng sagot pagkakalahad ng sagot

Wasto ang baybay ng May ilang kamalian sa Maraming kamalian at


mga salita, bantas, at baybay ng mga salita, hindi maayos ang mga
Pagbaybay
anyo ng mga bantas, at anyo ng mga pangungusap at talata
pangungusap at talata pangungusap at talata

Sanggunian

Maritez B. Cruz, Julia t. Gorobat, Norma C. Avelino, Florecia C. Domingo,


Ph. D.(Editor) Yaman ng Pilipinas Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan, At Sibika 6
Binagong Edisyon 2010, Batayang Aklat ng DepEd – Bureau of Learning Resources (DepEd
– BLR) Meralco Avenue, Pasig City.
Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallo Kayamanan Batayang
Aklat at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6, 2017 Edisyon

Mga Larawan ng Pangulo ng Bansa 1986 hanggang kasalukuyan na nakuha sa


google
LRMDS, DepEd Philippines

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like