You are on page 1of 9

1

ARALING PANLIPUNAN 6- IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: _____________________________________________________
Pangkat: __________Guro: ________________________ Petsa: ________

Aralin
MGA SULIRANIN AT HAMONG KINAHARAP SA

8 IKATLONG REPUBLIKA

Most Essential Learning Competency/Kasanayan:


Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa
pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang
kasalukuyan. (AP6SHK-IIIab-1)
1. Corazon Cojuangco Aquino
2. Fidel Valdez Ramos
3. Joseph Ejercito Estrada
4. Gloria Macapagal Arroyo
5. Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
6. Rodrigo Roa Duterte

1. Natatalakay ang mga programa naisagawa ng mga pangulo mula kay Aquino
hanggang sa kasalukuyan.
2. Naipaghahambing ang mga programa ng mga pangulo.
3. Naibabahagi ang mga saloobin tungkol sa mga programang pinatupad ng
adminstrasyong Aquino -Duterte.

Bago natin simulan ang ating bagong


aralin sa araw na ito, magkakaroon muna
tayo ng paunang pagsusulit upang
malaman natin kung handa ka na para sa
araling ito.

AP 6-Qrt.4- Week 8
2
ARALING PANLIPUNAN 6- IKAAPAT NA MARKAHAN

PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang hindi nabibilang na programang ipinatupad ng


pangulong nakasaad sa bawat bilang.

1. Rodrigo R. Duterte
a. Pagbabawal niya ng open-pit mining b. Transformational Leadership
c. Sinimulan niya ang isang pambansang kampanya kontra-droga
2. Diosdado Macapagal
a. Programang Sosyo-Ekonomiko b. Pag-aangkin sa Sabah
c. Paglikha ng Bagong Saligang Batas
3. Joseph Ejercito Estrada
a. Pantawid Pamilyang Pilipino Program b. Asset Privatization Trust
c. Angat Pinoy 2004
4. Ferdinan E. Marcos
a. Pagbibigay ng pahintulot sa mga Pilipino na magtungo sa China.
b. Pagpapadala ng mga inhinyero, doctor at mga sundalo sa Vietnam upang tulungan
ang mga biktima ng digmaan. Tinawag ang grupong ito na PHILCAG o (Philippine Civic
Action Group).
c. Makamit ang Pambansang Pagkakaisa
5. Fidel V. Ramos
a. Enhanced Retail Access for the Poor b. pagpapaunlad ng bansa
c. Paglutas sa Suliranin ng Kalusugan

Tukuyin ang pangulong nagpatupad ng sumusunod na programa.


Programa Pangulo

1. Pilipino First Policy

2. Pilipinismo

3. Green Revolution

4. Pagtatag ng Rehabilitation Finance


Commision
5. Pinagtibay ang Land Tenure Reform
Law

AP 6-Qrt.4- Week 8
3
ARALING PANLIPUNAN 6- IKAAPAT NA MARKAHAN

Kumusta ang iyong pagsagot sa nga


katanungan sa balik-tanaw? Nakakuha ka
ba ng mataas na marka? Ngayon naman
ay sabay-sabay nating alamin ang mga
Programa na ipinatupad ng
administrasyong Aquino hanggang Duterte

PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Corazon C. Aquino (Pebrero 1986 – Hunyo 1992)


Mga Programa ni Aquino
 Pagbabalik ng Demokrasya sa Bansa – naibalik ni Aquino ang
demokrasya ng bansa ng mapatalsik sa pwesto si pangulong
Marcos.
 Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos - itinatag ng
pangulo ang Presidential Commission on Good Government
(PCGG) upang muling mabawi ang mga yaman ng bansa na ninakaw ng pamilya
Marcos.
 Libreng Edukasyon sa Elementarya at Secondarya - sa bisa ng RA 6655 o Free
Secondary Education Act of 1986, naging libre ang pag-aaral sa lahat ng pampublikong
paaralan sa elementarya at mataas na paaralan sa buong bansa.
 Paglikha ng Bagong Saligang Batas - Ipinag-utos ni Pang. Aquino ang pagbuo ng
Constitutional Commission upang gumawa ng bagong Saligang Batas.
 Karapatan sa Pagboto - Muling ibinalik sa mga Pilipino ang karapatang pumili ng
kanilang mga pinuno sa loob ng mahabang panahon. Ginanap ang unang halalan sa
ilalim ng bagong saligang batas noong Mayo 11, 1987.

Fidel V. Ramos (Hunyo 1992 – Hunyo 1998)


Mga Programa ni Ramos
 Philippines 2000 - Layunin ng programang ito na makamit ang
kaunlarang pang-ekonomiya at mapabilang ang Pilipinas sa mga
newly industrialized country (NIC) sa taong 2000.
 Special Economic Zones (SEZ) - Ito ay ang pagtatakda ng mga
lugar sa Pilipinas bilang sentro ng industriyalisasyon at kalakalan.
Kabilang dito ang mga dating base-militar ng mga Amerikano sa Subic at region ng
CALABARZON.

AP 6-Qrt.4- Week 8
4
ARALING PANLIPUNAN 6- IKAAPAT NA MARKAHAN

 National Unification Commission (NUC) - Layunin ng samahang ito na makamit ang


pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga kalaban ng
pamahalaan tulad ng mga rebeldeng sundalo at mga miyembro ng NPA at MILF.
 Oplan Alis Disease - Layunin ng programang ito na malutas ang suliranin ng bansa
sa kalusugan.
Joseph Ejercito Estrada (Hunyo 1998 – Enero 2001)

Mga Programa ni Estrada


 Angat Pinoy 2004 - Layunin ng programang ito ang pagtugon
sa mga pangunahing pangangailangan (basic services) ng mga
Pilipino tulad ng edukasyon, kalusugan, at seguridad.
 Asset Privatization Trust - Layunin ng programang ito ang
pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan (basic
services) ng mga Pilipino tulad ng edukasyon, kalusugan, at seguridad.
 Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP) - Nagtayo ito ng mga rolling stores na
nagbebenta ng murang bigas, asukal, at iba pang pangangailangan ng mga Pilipino.

Gloria Macapagal Arroyo (Enero 2001 – Hunyo 2010)


Mga Programa ni Arroyo
 Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI) - Programang
nilikha upang labanan ang kahirapan sa bansa.
 Self-Employment Assistance – Kaunlaran (SEA-K)
• Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong
walang hanapbuhay para sa pagsisimula ng negosyo.
 Strong Republic Nautical Highway (RORO) • Layunin nitong mabawasan ang
gastusin sa transportasyon mula Luzon hanggang Mindanao sa pamamagitan ng mga
RORO ports (roll-on/roll-off).
Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
(Hunyo 2010 – Hunyo 2016)
Mga Programa ni Aquino
 Walang “wang-wang” - Tampok sa kaniyang inaugural
speech ang pagbabawal ng sirens sa mga pribadong
sasakyan.
 Paglutas sa Kagutuman - Mula 20.5% na self-rated hunger
noong Marso 2010, bumaba na ito sa 15.1% nitong Hunyo 2012.
 Pag-unlad ng ekonomiya • Sa larangan ng negosyo, pitong ulit na nalagpasan ang
all-time- high stock market.

AP 6-Qrt.4- Week 8
5
ARALING PANLIPUNAN 6- IKAAPAT NA MARKAHAN

Rodrigo R. Duterte (Hunyo 2016 – Kasalukuyan)


Mga Programa ani Duterte
 Ang isang pangunahing patakaran ng administrasyong Duterte
ay ang pagtanggal sa katiwalian sa korapsyon.
 Sinimulan ni Duterte ang isang pambansang kampanya kontra-
droga
 Pagbabawal niya sa open-pit mining.
 Itinaguyod ni Duterte ang federalismo bilang isang mas mahusay na sistema ng
pamamahala para sa Pilipinas.

Gawain A. Panuto: Magbigay ng programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon


ayon sa sumusunod na suliranin o hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986
hanggang kasalukuyan.

Pagkasira ng kalikasan,
Kahirapan Kalusugan
kabundukan o kapaligiran
1.
2.
1. 3. 1.

Gawain B. Panuto: Isulat sa Hanay A ang mga programang may magpareho ang
layunin at sa hanay B naman ang magkaiba. Piliin ang sagot mula sa mga programang
nasa kahon.

Paglutas sa Kagutuman
Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan
Enhanced Retail Access for the Poor
National Unification Commission
Federalismo

AP 6-Qrt.4- Week 8
6
ARALING PANLIPUNAN 6- IKAAPAT NA MARKAHAN

Hanay A Hanay B

Ang bawat pangulo ay may kaniya-kaniyang programang ipinatupad sa taon ng


kanilang panunungkulan. Ilan sa mga programang ito ay pinapakinabangan pa natin
hanggang sa kasalukuyan bagamat maraming hamon ang kanilang kinahaharap hindi
pa sila nabigo na bigyan ang mga Pilipino ng mga magagandang programa na
makakatulong sa pag – unlad ng ating bansa.

Binabati kita at natapos mo ang araling ito.


Bilang pagwawakas, maaari mo bang isalaysay ang
iyong mga natutunan sa araling ito sa pamamagitan ng
pagdugtong sa pahayag na nasa ibaba?

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Ang aking natutunan sa module na ito ay….


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

AP 6-Qrt.4- Week 8
7
ARALING PANLIPUNAN 6- IKAAPAT NA MARKAHAN

Suriin kung sino ang pangulong na nagpatupad ng sumusunod na programa sa Hanay


A. Isulat ang sagot sa hanay B.
A B
1. AHON
Programa _______________________________

2. Pangrepormang
Panlupang _______________________________
Pansakahan

Libreng
3.
Edukasyon sa
Elementarya at _______________________________
Secondarya

4. Makamit ang
Pambansang _______________________________
Pagkakaisa

Transformational
5.
Leadership –
pagbuwag sa _______________________________
korapsyon

Ang kahirapan ay isa sa patuloy na hamon at suliraning kinakaharap na mga nakalipas


na administraston hanggang sa kasalukuyan. Isa mga programang ipinatupad ni dating
Pangulong Benigno Aquino III ay ang 4’PS o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na
ang layunin ang pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pinakamahirap na pamilya at
pagsira sa siklo ng kahirapann naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng
pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na kabataan.
Ano-ano ang programang ipinatutupad ng inyong lokal na pamahalaan? Alam mo ba
ang kung para saan ito o ang layunin nito?

Napakagaling! Iyong
napagtagumpayan at natapos
ang modyul na ito.

Binabati kita!

AP 6-Qrt.4- Week 8
8
ARALING PANLIPUNAN 6- IKAAPAT NA MARKAHAN

PALASAGUTANG PAPEL- Week 8


Pangalan: ___________________________________ Pangkat: __________________

Guro:______________________________________Petsa: ______________________

Paunang Pagsusulit

1 . ________ 2. _________ 3 ________ 4.____________ 5. ______________


Balik-tanaw
1. __________________
2. ___________________
3 ___________________
4. ___________________
5. ___________________
Gawain A.
Pagkasira ng kalikasan,
Kahirapan Kalusugan
kabundukan o kapaligiran
1.
2.
1. 3. 1.

Gawain B.

Pag-alam sa Natutuhan

Pangwakas na pag susulit


1 . ________ 2._________ 3 ________ 4.____________ 5. ______________
Pagninilay
Lahat ng sagot tatanggapin.
______________________________________________________________________
_________________________________________________________

AP 6-Qrt.4- Week 8

You might also like