You are on page 1of 4

I.

MELC Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at
hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan
Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 6
W7-8 Quarter 4 Date Hunyo 28-Hulyo 9, 2021
Pangalan

IV. LEARNING PHASES Learning Activities


A. Introduction
Sa nakaraang aralin, natutuhan natin ang mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan at
mga pagsubok na nilabanan upang matugunan ang mga hamon. Sa araling ito, matatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t
ibang administrastyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan.
Bilang isang mag -aaral, ikaw ay inaasahang;
a. Natutukoy ang mga programa ng iba’t ibang administrasyon mula 1986 hanggang sa kasalukuyan;
b. Naipaliliwanag ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon; at
c. Napahahalagahan ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon. Sukatin mo ang iyong kaalaman sa pagsagot sa
gawain sa ibaba. Punan ang Concept Map ng iyong kasagutan ang paksa na matatagpuan sa loob ng kahon.

Bago mo simulan ang pag-aaral sa araw na ito, sagutin ang mga tanong gamit ang chart. Magtala ng ilang suliranin na nararanasan ng
ating pamahalaan sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Basahin ang teksto sa ibaba na tumatalakay sa mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan upang madagdagan pa ang iyong kaalaman at maunawaan ang bagong aralin.

Mga Programang Ipinatupad ng Ibat-Ibang Administrasyon mula 1986 Hanggang sa Kasalukuyan

Corazon C. Aquino (1986-1992)


Noong 1988 ay nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Ang batas
ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na
babayaran ng pamahalaan. Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel mga monopolyo at mga oligopolyo ng
mga industriya na itinatag ni Pang. Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal. Binigyang-pansin din
niya ang pagbawi sa mga yaman ng ni Pangulong Marcos sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa at pagbibigay
ng libreng edukasyon sa elementarya at secondary. Ipinatupad din niya ang trade liberalization at proyektong
pabahay sa tulong ng NHA National Housing Authority. Itinaas din ang suweldo ng mga kawani ng
pamahalaan dahil sa Salary Standardization.
Fidel V. Ramos (1992-1998)
Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang repormang "Philippines 2000" na naglalayong baguhin ang
ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatkabo ng pamilihan. Binigyang pansin din
niya ang paglutas sa suliranin ng kalusugan, clean and green program, makamit ang pambansang pagkakaisa
at pagpapaunlad ng bansa. Inilunsad din niya ang Moral Recovery Program (MRP) upang matulungan ang
mga Pilipino na magkaroon ng mataas na pagtingin o pagpapahalaga sa sarili. Inilunsad din niya ang
Amnesty Program upang mabigyan ng pagkakataon ang mga rebelde na magbagong-buhay.

1|Page
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Joseph E. Estrada (1998-2001)
Inalis niya ang countrywide development fund o mas kilala sa “pork barrel”. Ipinatupad din niya ang Asset
Privatization Trust upang makalikom ng salapi para sa pangangailangan ng bansa at pagsasagawa ng Adopt-a-
School Program. Nagsagawa siya ng Enhanced Retail Access for the poor at pagbibigay tuon sa Poverty
Eradication Program. Inilunsad din niya ang Angat Pinoy 2004. Isa sa mga pangunahing proyekto niya ay ang
paglulunsad ng mga programang magpapaunlad sa agrikultura ng bansa. Sa panahon ng panunungkulan niya,
dumating ang panahon ng El Niño.
Maria Gloria M. Arroyo (2001-2010)
Programa niya ang sugpuin ang kahirapang dinaranas ng masang Pilipino. Naging
programa din niya ang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI), Self-Employment Assistance Kaunlaran
(SEA K), Small and Medium Enterprises Development, Strong Republic Nautical Highway, Gloria Labandera
Rolling Stores. Isinulong din niya ang Mindanao National Initiative o Mindanao Natin na naglalayong isulong
ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao. Bilang pagtugon sa panawagang ito ay inilunsad ang bagong
kurikulum na BEC o Basic Education Curriculum.
Benigno Simeon C. Aquino III (2010-2016)
Inilunsad niya ang Transformational Leadership, pagbuwag sa korapsyon, pagpapatupad ng mga batas na walang
kinikilingan. Binigyan din niya ng halaga ang edukasyon, hanap buhay, kalusugan, agrikultura kapayapaan at
kaligtasan. Isa sa mga tumatak sa mga Pilipino ang kaniyang sinabi sa kanyang panunumpa bilang pangulo. Ang
kanyang slogan na “Matuwid na Daan “ang naging batayan ng kanyang programa.
Rodrigo R. Duterte (2016 hanggang sa kasalukuyan)
Pangunahin sa mga programa ani Pangulong Duterte ang pagtanggal sa katiwalian at korapsyon. Sinimulan din
niya ang pambansang kampanya kontra-droga, paggamit o pagbebenta ng illegal na droga na isang malaking
pagkakasala sa batas at ang pagbabawal din sa open-pit mining. Itinaguyod din niya ang federalismo bilang isang
mas mahusay na sistema ng pamamahala para sa Pilipinas. Isinailalim din niya ang Boracay sa rehabilitasyon.
Ang progresibong reporma sa buwis, mas mabisang pagkolekta ng buwis at pag-index ng mga buwis sa
implasyon. Sa kasalukuyan, itinataguyod niya ang kaunlaran sa kanayunan at halaga ng kadena patungo sa
pagtaas ng pagiging produktibo ng agrikultura at turismo sa kanayunan. Siniguro din niya ang seguridad ng pag-
upa ng lupa upang hikayatin ang mga pamumuhunan, at tugunan ang mga bottleneck sa pamamahala ng lupa at
mga ahensya ng titling. Mamuhunan sa pagpapaunlad ng kapital ng tao, kabilang ang mga sistemang
pangkalusugan at edukasyon, at mga kasanayan sa pagsasanay. Itinataguyod din ng pangulo ang agham,
teknolohiya, at ang malikhaing sining upang mapahusay ang makabagong ideya at malikhaing kakayahan.

B. Development
Gawain sa Pagkatuto 1: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa inyong pagkaunawa sa tekstong binasa sa itaas. Pamprosesong
Tanong:
1. Ano-anong programa ang ipinatupad ng mga nagdaang pangulo mula noong taong 1986 hanggang sa kasalukuyan?
2. Mahalaga ba ang mga programa ng bawat administrasyon? Bakit?
3. Alin sa mga programa ng mga nakaraang pangulo ang nagustuhan mo? Bakit?
4. Sa iyong palagay, anong programa ng bawat administrasyon ang naaangkop para sa kasalukuyan? Bakit?
5. Paano mo mapahahalagahan ang mga programang ipinapatupad sa kasalukuyan?

Gawain sa Pagkatuto 2: : Piliin sa Hanay B ang pangulo na nagpatupad ng iba’t ibang programa na
tinutukoy sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
_____1. Kontra-Droga A. Corazon C. Aquino
_____2. Moral Recovery Program (MRP) B. Joseph E. Estrada
_____3. Kapit Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI) C. Rodrigo R. Duterte
_____4. Poverty Eradication Program D. Fidel V. Ramos
_____5. Comprehensive Agrarian Reform Program E. Benigno S. Aquino III.
F. Maria Gloria M. Arroyo

C. Engagement
Pakikipagpalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang Tama sa patlang kung ito ay nagsasaad
ng katotohanan at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

2|Page
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
___1. Transformational Leadership ang isa sa programa ni Pangulong Fidel Ramos.
___2. Inilunsad ni Pang. Benigno Aquino III ang pambansang kampanya kontra-droga.
___3. Sa panahon ni Pang. Gloria Arroyo, inilunsad ang bagong kurikulum na Basic Education Curriculum.
___4. Ipinatupad ni Pangulong Joseph Estrada ang Asset Privatization Trust.
___5. Nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gamit ang Fish Bone Diagram, isulat sa itaas na bahagi ang mga suliranin na may kaugnayan sa
usaping pangkapayapaan at kaunlaran. Sa ibabang bahagi naman ang naging programang tugon sa suliranin. (Pangulong Corazon
Aquino, Pangulong Fidel V. Ramos, Pangulong Joseph Estrada at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pumili ng isang programa ng mga nakaraang administrasyon na sa iyong palagay ay naaangkop sa
kasalukuyan nating sitwasyon? Ipaliwanag ito sa sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gamitin ang Read and React organizer sa pagpapaliwanag sa iyong sariling pananaw. Gumawa ng
reaksyon sa programang ipinatupad ng pangulo.

D. Assimilation
Gawain sa pagkatuto Bilang 7 (Performance Task)
Panuto: Pumili ng isang gawaing angkop sa iyong interes at kakayahan. Talakayin ang programang ipinatupad
ng isang administrasyon na naging pagtugon sa suliranin at hamon ng bansa. Ilagay ito sa isang bond paper.
a. gumuhit ng isang poster
b. gumawa ng open letter o bukas na liham
c. sumulat ng tula

E. ASSESSMENT
Ang bawat pangulo ay may iba’t iba at kaniya kaniyang programa na naayon sa mga suliranin at hamong kanilang kinaharap sa panahon
ng kanilang pamamahala. Sa kasalukuyang panahon, ang ating pangulo ay may mga programang ipanatutupad. Bilang isang mag-aaral o
mamamayang Pilipino, paano mo bibigyang halaga ang mga programa ng pangulo?

3|Page
IV. LEARNING PHASES Learning Activities

4|Page

You might also like