You are on page 1of 13

Mga Programang Ipinatupad ng Ibat-

Ibang Administrasyon mula 1986


Hanggang sa Kasalukuyan
Araling Panlipunan 6
WEEK 7

Teacher Jayral
Corazon C. Aquino (1986-1992)
Noong 1988 ay nilagdaan ni Pangulong
Aquino ang Comprehensive Agrarian
Reform Program. Ang batas ay nagbabahagi
ng mga lupain sa mga manggagawang
magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na
babayaran ng pamahalaan. Sinikap ni
Aquino na kalasin ang mga cartel mga
monopolyo at mga oligopolyo ng mga
industriya na itinatag ni Pang.
Corazon C. Aquino (1986-1992)
Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal. Binigyang-
pansin din niya ang pagbawi sa mga yaman ng ni Pangulong
Marcos sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa at pagbibigay ng
libreng edukasyon sa elementarya at secondary. Ipinatupad din
niya ang trade liberalization at proyektong pabahay sa tulong ng
NHA National Housing Authority. Itinaas din ang suweldo ng
mga kawani ng pamahalaan dahil sa Salary Standardization.
Fidel V. Ramos (1992-1998)
Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang
repormang "Philippines 2000" na naglalayong
baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian
tungo sa isang industriyal na pinapatkabo ng
pamilihan. Binigyang pansin din niya ang
paglutas sa suliranin ng kalusugan, clean and
green program, makamit ang pambansang
pagkakaisa at pagpapaunlad ng bansa.
Fidel V. Ramos (1992-1998)
Inilunsad din niya ang Moral Recovery Program
(MRP) upang matulungan ang mga Pilipino na
magkaroon ng mataas na pagtingin o pagpapahalaga
sa sarili. Inilunsad din niya ang Amnesty Program
upang mabigyan ng pagkakataon ang mga rebelde na
magbagong-buhay.
Joseph E. Estrada (1998-2001)
Inalis niya ang countrywide development
fund o mas kilala sa “pork barrel”. Ipinatupad
din niya ang Asset Privatization Trust upang
makalikom ng salapi para sa pangangailangan
ng bansa at pagsasagawa ng Adopt-a-School
Program. Nagsagawa siya ng Enhanced Retail
Access for the poor at pagbibigay tuon sa
Poverty Eradication Program.
Joseph E. Estrada (1998-2001)

Inilunsad din niya ang Angat Pinoy 2004. Isa sa


mga pangunahing proyekto niya ay ang
paglulunsad ng mga programang magpapaunlad
sa agrikultura ng bansa. Sa panahon ng
panunungkulan niya, dumating ang panahon ng
El Niño.
Gloria M. Arroyo (2001-2010)
Programa niya ang sugpuin ang
kahirapang dinaranas ng masang Pilipino.
Naging programa din niya ang Kapit Bisig
Laban sa Kahirapan (KALAHI), Self-
Employment Assistance Kaunlaran (SEA
K), Small and Medium Enterprises
Development, Strong Republic Nautical
Highway, Gloria Labandera Rolling Stores.
Gloria M. Arroyo (2001-2010)
Isinulong din niya ang Mindanao National
Initiative o Mindanao Natin na naglalayong
isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa
Mindanao. Bilang pagtugon sa panawagang ito
ay inilunsad ang bagong kurikulum na BEC o
Basic Education Curriculum.
Benigno Simeon C. Aquino III
(2010-2016)
Inilunsad niya ang Transformational Leadership,
pagbuwag sa korapsyon, pagpapatupad ng mga
batas na walang kinikilingan. Binigyan din niya
ng halaga ang edukasyon, hanap buhay,
kalusugan, agrikultura kapayapaan at kaligtasan.
Isa sa mga tumatak sa mga Pilipino ang kaniyang
sinabi sa kanyang panunumpa bilang pangulo.
Ang kanyang slogan na “Matuwid na Daan “ang
naging batayan ng kanyang programa.
Rodrigo R. Duterte (2016-2022)
Pangunahin sa mga program ani Pangulong
Duterte ang pagtanggal sa katiwalian at korapsyon.
Sinimulan din niya ang pambansang kampanya
kontra-droga, paggamit o pagbebenta ng illegal na
droga na isang malaking pagkakasala sa batas at
ang pagbabawal din sa open-pit mining. Itinaguyod
din niya ang federalismo bilang isang mas mahusay
na sistema ng pamamahala para sa Pilipinas.
Isinailalim din niya ang Boracay sa rehabilitasyon.
Rodrigo R. Duterte (2016-2022)
Ang progresibong reporma sa buwis, mas mabisang pagkolekta
ng buwis at pag-index ng mga buwis sa implasyon. Sa kasalukuyan,
itinataguyod niya ang kaunlaran sa kanayunan at halaga ng kadena
patungo sa pagtaas ng pagiging produktibo ng agrikultura at
turismo sa kanayunan. Siniguro din niya ang seguridad ng pag-upa
ng lupa upang hikayatin ang mga pamumuhunan, at tugunan ang
mga bottleneck sa pamamahala ng lupa at mga ahensya ng titling.
Rodrigo R. Duterte (2016-2022)
Mamuhunan sa pagpapaunlad ng kapital ng tao,
kabilang ang mga sistemang pangkalusugan at
edukasyon, at mga kasanayan sa pagsasanay.
Itinataguyod din ng pangulo ang agham, teknolohiya,
at ang malikhaing sining upang mapahusay ang
makabagong ideya at malikhaing kakayahan.

You might also like