You are on page 1of 1

JOSEPH MARELLO YOUTH PHILIPPINE PROVINCE

OFFICE OF THESECTORALYOUTH DIRECTOR


Youth Center, Blessed Sacrament Parish, South City Homes Biñan City, Laguna 4024 Philippines

Pebrero 29, 2024

PAHINTULOT
Mga minamahal naming Magulang,
Pagbati ng Kapayapaan!
Ang samahan ng Marello’s Altar Knights at Marellettes ng Kongregasyon ng Oblatos ni San Jose
sa Pilipinas na mula sa South Sector ay muling magsasama-sama para sa kanilang taunang
pagtitipon na tinaguriang “Kapatiran kay Marello.” Ito po ay gaganapin sa darating na ika-13 ng
Abril 2024, sa ganap na ika-6 ng umaga sa Holy Family Academy, Padre Garcia, Batangas.

Ang tema po ng okasyong ito ay “Loquere, Domine” – “Speak, Lord.” Layon ng gawaing ito na
tipunin, buhayin at pagtibayin ang samahan ng mga kabataang may puso sa gawaing
paglilingkod sa Simbahan. Ito rin ay okasyon upang hubugin at palalimin ang kanilang pagkilala
at pagmamahal kay San Jose at kay San Jose Marello. Sa taong ito ay minabuti po naming
gawing Sectoral ang “Kapatiran kay Marello” upang ang JMY South Sector ay: (1) magkaroon ng
pagkakataon na makasama ang bawat kabataan mula sa iba’t-ibang parokya, eskwelahan at
komunidad na may presensya ng mga Oblatos at (2) makapagbigay daan sa iba pang
programang pang-kabataan gaya ng vocation awareness, Josephite-Marellian promotion,
cultural presentation, at socialization.

Kaugnay po nito, kami po ay humihingi ng inyong pahintulot upang makadalo at makaisa namin
ang inyong anak sa nasabing gawain. Umaasa po kami sa inyong positibong pagtugon at malalim
na pang-unawa.

Maraming salamat po at patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal.


________________________________________________________________________

Pinahihintulutan ko ang aking anak na si ______________________________ na dumalo sa


gaganaping “KAPATIRAN KAY MARELLO 2024” sa ika - 13 ng Abril, 2024 sa Holy Family
Academy, Padre Garcia, Batangas.

__________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang
Contact No: ________________
Petsa ng Lagda: _____________

You might also like