You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL
CONGRESSIONAL SOUTH AVENUE, BUROL I, CITY OF DASMARIÑAS, CAVITE
_________________________________________________________________________________________________________
PANGALAN: Rhyan Jehu Cachero GURO: G. Jerome Penit
TAON AT PANGKAT: 9-M.Trias PETSA: Febuary 9, 2024 MARKA:

Aralin 2: Parabula ng Alibughang Anak


(Epiko ng Israel / Lucas 15:11-32)

Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki.


Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-
arian na nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan. Lumipas ang ilang araw,
pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang
malayong lupain at doon ay labis na nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong
pamumuhay. Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing
iyon at nagsimula siyang naghirap. Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya
ay sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. Mahigpit niyang hinangad na kumain ng
mga bunga ng punong-kahoy na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.
Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana
sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama.
Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat
na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. Sa pagtayo niya, pumunta siya sa
kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang
ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.
Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako
karapat-dapat na tawaging anak mo.
Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at
isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang
mga paa. Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang
anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya.
At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig
siya ng tugtugin at sayawan. Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig
sabihin ng mga bagay na ito. Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng
pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.
Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya.
Sumagot siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan
ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing
upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka
para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga patutot.

_______________________________________________________________________________________________

(Formerly Dasmariñas National High School)


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Telephone No.: (046) 506-1208 / 416-0498
Email: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL
CONGRESSIONAL SOUTH AVENUE, BUROL I, CITY OF DASMARIÑAS, CAVITE
_________________________________________________________________________________________________________
Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang magsaya at magalak ay
kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.

MGA GABAY NA TANONG:

1. Anong uri ng ama ang ama sa akdang binasa?

Ang ama sa akdang binasa ay isang mabait at mapagbigay na ama.

2. Kung ikaw ang ama sa parabula, ibibigay mo ba ang iyong ipamamana sa iyong anak kahit ikaw ay
buhay pa?

Hindi, hindi ko ibibigay ang ipamamana ko sa aking anak kung ako ay buhay pa. Ang ipamamana ay
karaniwang ibinibigay kapag ang ama ay wala na at ito ay isang paraan upang matulungan ang mga
naiwan.

3. Nakabuti ba sa bunsong anak ang pagkuha agad ng kanyang mana? Ipaliwanag.

Hindi, hindi nakabuti sa bunsong anak ang pagkuha agad ng kanyang mana. Ang pagkakaroon ng pera
at ari-arian ng hindi pinaghihirapan ay maaaring magdulot ng kawalan ng pagpapahalaga at kawalan ng
kasanayan sa pagpapahalaga sa pera.

4. Paano nilustay ng bunsong anak ang nakuha niyang mana? Ikuwento.

Ang bunsong anak ay marahil ay naglustay ng kanyang mana sa pamamagitan ng paggastos sa mga
bagay na hindi kinakailangan, pag-aaksaya, at hindi wastong pamumuhay.

5. Makatarungan ba ang ginawa ng amang pagtanggap sa kanyang anak na muling nagbalik? Kung ikaw
ang nasa katayuan ng ama, ganoon din kaya ang iyong gagawin?

Ang pagtanggap sa anak na muling nagbalik ay makatarungan, sapagkat ang pagmamahal at


pagpapatawad ay mahalaga sa pagtahak ng landas ng pagbabago at pagbabalik-loob. Subalit, ang
pagsasaliksik sa motibo ng pagbabalik at pagpapasya kung paano tutugon ay mahalaga rin.

6. Masisisi mo ba ang panganay na maghinanakit sa kanyang ama? Kung ikaw ang nasa kanyang
kalagayan, ganoon din kaya ang iyong gagawin? Ipaliwanag.

Depende. Maaaring maintindihan ng panganay na maghinanakit sa kanyang ama, importante pa rin ang
mag patawad.
_______________________________________________________________________________________________

(Formerly Dasmariñas National High School)


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Telephone No.: (046) 506-1208 / 416-0498
Email: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL
CONGRESSIONAL SOUTH AVENUE, BUROL I, CITY OF DASMARIÑAS, CAVITE
_________________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

(Formerly Dasmariñas National High School)


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Telephone No.: (046) 506-1208 / 416-0498
Email: 301186@deped.gov.ph

You might also like