You are on page 1of 30

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM

S.Y. 2021-2022
BARON, KIRSTI YVONNE N.
Name: __________________________________________________________Date: ________________

4
Grade: ___________ FILIPINO Activity: ________________________________
Learning Area: ________________ READ ALOUD
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________

Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at


matalino rin siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga,
kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay
nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa
malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito,
nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit
si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na
ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang


dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti
ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya. Nagpagawa
siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at
pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan
pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria
ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog


ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang
ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria
ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa
loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa
kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-


araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay
pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog.
Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng
magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka
lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang
paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa


kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang
pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang
sunung-sunong.
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022
BANTUG, DANENIELLE T.
Name: __________________________________________________________Date: ________________

4
Grade: ___________ FILIPINO Activity: ________________________________
Learning Area: ________________ READ ALOUD
Si Juan, ang Pumatay ng Higante

Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya


ang baka natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng
ating mga kailangan.”

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at


hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang
matandang lalake.

“Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.

“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.

“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic


ito, makikita mo,” alok ng matanda.

“Siyanga po? Mahiwaga?” Sapagkat bata, mahilig sa magic talaga si


Juan, at madali ring mapaniwala. “Sige po, payag ako.”

Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na palit sa baka.


“Nasaan ang perang pinagbilhan mo sa baka?” tanong ng kanyang ina.

“Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga butong ito.


Mahiwaga raw po ito, sabi ng matanda.”
Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito, itinapon niya ang mga
buto sa bintana. “Ikaw talagang bata ka, hanggang ngayon ay madali
ka pa ring maniwala sa mga manloloko.”

Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na may punong


mataba sa labas ng bintana niya. Lumabas siya para masdan ang bigla
na lamang na lumitaw na puno at nakita niyang pagkataas-taas nito.
Hindi niya maabot ng tingin ang tuktok nito dahil nasa mga alapaap
na.

“Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala ang mga buto!
Aakyatin ko po.”

Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating sa tuktok. Sa


itaas, may nakita siyang malapalasyong bahay at pumasok siya rito.
May babaeng sumalubong sa kanya. “Naku! Bakit ka pumarito? Hindi
mo ba alam na bahay ito ng higante? Naku, ayan na siya, dumarating!
Tago ka diyan sa ilalim ng mesa at baka ka makita.”

“Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko?” Malakas ang tinig ng higante.


“May ibang tao ba rito?”

“Wala po,” sagot ng babae. “Naaamoy lang po ninyo ang masarap na


pagkaing luto ko. Sige po, kumain na kayo.”

Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang pagkain na


inihain sa kanya. Nagpahid ng bibig at tumawag sa babae, “Dalhin mo
rito ang manok ko.”

Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita niyang ibinigay ng


babae ang isang makulay na inahing manok sa higante. “Mangitlog ka,
manok, at pagkatapos ay umawit ka para ako makatulog,” utos ng
higante at inilagay sa mesa ang hinahaplos na manok.
Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang gintong itlog na
tuwang-tuwang isinilid sa bulsa ng higante. “Ngayon, patulugin mo
ako sa pag-awit mo.”

Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil madaling nahimbing
ang higante. Dagling lumabas sa pinagtataguan si Juan, sinunggaban
ang manok sa mesa, at nagtatakbo sa punong inakyatan niya.

Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang inahin, “Tak-ta-la-


ok!” Malakas at hindi na ginintuan ang boses nito, kaya nagising ang
higante.

“Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko?” Nakita niyang halos
nasa kalagitnaan na ng puno si Juan at ito’y hinabol niya.

“Inay, dali!” tawag ni Juan sa ina.

“Akina ang palakol. Hinahabol ako ng higante.”

Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya itong dali-dali sa


puno. Halos nasa ibaba na ang higante nang maputol niya ang puno.
Patay ang higante nang bumagsak ito sa lupa.

Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina dahil sa manok


nilang umiitlog ng ginto. Hindi naman nila ipinagmaramot ang mga
biyaya nila sapagkat tumulong sila sa maraming salat sa buhay.

WAKAS
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________

Ang Dakilang Kaibigan

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng


kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando.
Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang
mapatay na lahat kung hindi uurong.

Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando.


Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa naman sila na walang
iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para magpaalam.

“Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa siya ng


labanan.”

“Hindi maaari,” sabi ng kapitan. “Ayokong ipakipagsapalaran ang buhay


mo sa isang taong maaaring patay na.”

Alam ni Arman na mapanganib ang magbalik sa lugar ng labanan kaya


ayaw siyang payagan. Nang gumabi ay tumakas siya sa kanilang
kampo. Gusto niyang balikan ang kanyang kaibigan. Hindi siya
matatahimik hangga’t hindi niya ito nakikita. Kung namantay ito sa
labanan. Makita man lang niya ang bangkay at mapanatag na siya.

Nang magbalik si Arman sa kabilang kampo ay sugatan siya. Marami


siyang sinuong na panganib. Galit na sinalubong siya ng kapitan.
“Sabi ko na sa iyo na patay na ang kaibigan mo. Ngayon, malamang na
mamatay ka na rin dahil sa mga sugat mo. Ano ang halaga ng ginawa
mo, sabihin mo nga?” galit na tanong ng kapitan.

“Kapitan, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko siya. Bago siya
nalagutan ng hininga sa aking kandungan, naibulong pa niya sa akin,
utol, alam kong babalikan mo ako.”

Parang napahiya ang kapitan. Hindi na siya nakipagtalo pa, agad


niyang ipinagamot si Arman sa mga kasamahan nila. Naglakad-lakad
siya sa paligid ng kampo nang gabing iyon. Hindi siya makatulog.
Naiisip niya ang kanyang kaibigan sa kanyang pangkat. Tulad ng
kaibigan ni Arman, hindi rin ito nakabalik sa kampo nang sila’y
umurong. At hindi niya ito binalikan para hanapin.
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________

Modelong Bata

Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siya’y hinarang


ng limang batang lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng basag-ulo.

Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, “Kung talaga


kang matapang ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki
mo,” ang hamon.

Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban


sa inyo? Hindi naman tayo nagkagalit!”

“Umiiwas ang Boy Scout sa away.”

“Lumaban ka!” at dinuraan ang mukha ni Danilo. Ang lumait na bata ay


maliit kaysa kay Danilo. Siya’y mayabang at nagmamagaling. Muling
hinamon si Danilo, “Ikaw ay isang duwag!”

“Kaibigan ako ng sinuman. Ang sabi ng titser ay dapat akong


magpaumanhin sa umaaglahi sa akin!”

“Totoong maraming dahilan! Lumaban ka kung lalaban. Isa kang


duwag!” at sinipa si Danilo.

Nakiusap si Danilo, “Ako’y aalis na. Hinihintay ako ng aking ina. Ayaw
niyang ako’y gabihin sa pag-uwi!”

Lumakad nang paunti-unti si Danilo. Siya’y sinundan ng mga batang


mapanudyo. Sila’y nakarating sa puno ng tulay.
Sa ilalim ng tulay ay may narinig silang pagibik, “Sag… gi… pin… ninyo
ako! Tulong!” Isang bata ang nalulunod!

Walang kumilos sa mga batang nagmamatapang. Mabilis na lumusong


si Danilo sa pampang ng ilog. Ibinaba niya ang mga aklat at naghubad
na dali-dali. Lumukso at nilangoy ang batang sisingab-singab.

Nang mga unang sandali’y nahirapan si Danilo sa pagkawit at


pagsakbibi sa bata ng kanyang kaliwang kamay. Ikinaway niya ang
kanan sa paglangoy. Ang dalawa’y dinala ng mabilis na agos. Malayo
sila sa pampang subalit sa katagala’y nakaahon.

Ang mga batang iba ay nakapanood lamang. Nakita ng pinakalider ng


gang na ang bata palang sinagip ni Danilo ay kanyang kapatid. Siya’y
nagpasalamat kay Danilo at humingi ng tawad, “Maraming salamat sa
iyo. Patawarin mo ako sa aking ginawa kanina. Ngayon ko nabatid na
ang katapangan ay hindi nasusukat sa salita kundi sa gawa at tibay ng
loob!”
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________

Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung


saan siya pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang
makapagtuturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay
bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa
prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay,
pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa


kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa.
Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit
nawawala ang prinsesa sa hating-gabi.

Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang


tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw
ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang
tulungan nito.

Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong.


“Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong
magtagumpay ako sa kanya.”

Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang


isinampay sa mga balikat niya ay hindi siya makikita ninuman.
Binindisyunan siya ng matanda at pinagbilinang magpakaingat bago
siya nagpaalam.
Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at
handang magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa
kanyang paningin ang napakagandang binibini.

May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod


ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman.
Naluoy agad ang mga dahon ng halaman.

Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin.


Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya
ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang
tagong pintuan ito na palabas sa palasyo.

Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. ‘Di nito alam


ay kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito.

Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga


kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag-sayaw siya sa
mga gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya.

Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at


naglagay ng maskara.

Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw. Nagsayaw sila nang


nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga
suwelas ng sapatos.

Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at


sila’y bumalik sa palasyo.

“Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?”


tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.
“Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat
gabi-gabi. Ito po ang katunayan. Itong halos warak nang sapatos na
kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya.”

Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa


amang nagpakita ng katunayan.

Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata,


ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na
kinagiliwan nang nagdaang gabi.

Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila


ng prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________

Wala na Siya

“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng


Santisima De Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang
pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room 214.

Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga


nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya ay
punong-puno ng matatayog na pangarap. Kahit dalawang taon na
silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa
katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Donna sa takot na
mapurnada ang magagandang plano at pangarap nilang ito.

Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga


bukas na darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na
sa tagal makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na
piraso? Paano ba siya gigising sa umaga kung wala na ang kaisa-isang
dahilan ng kanyang pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing gabi
na bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan
kung ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?

Kay-gulo ng isip.

Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng


mga luha niyang bigla na lamang pumatak nang marinig niyang wala
na nga si Donna. Napasandal siya sa pader at walang lakas na napaupo
at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan. Kung bakit naman kasi
sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan ng power ang
battery ng kanyang cellphone. Marahil ay tumatawag sa kanya ang mga
kapatid ni Donna nang mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap
man lang niya sana ito kahit sa huling sandali. Marahil ay galit sa kanya
ang ina ni Donna dahil sa pag-aakalang pinabayaan niyang bawian ito
ng hininga habang pangalan niya ang hinahanap at tinatawag.

“Bakit kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Donna ng hindi


ipinaalam sa akin?”

Magulo ang isip ni Ralph. Naghahalong emosyon ang namamayani sa


kanyang puso.

Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng


pag-asa.

Sana hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip


siya ng umagang iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip
na siya’y magdiretso na sa ospital. Kung alam niya lang na sa wala
mauuwi ang kanilang pagsasama at pagluha ang katumbas ng lahat ng
kanyang pagsisikap, hindi na sana niya pinanghinayangan ang
anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y ginastos at ginamit niya
upang mapaligaya ang kinakasama. Para saan pa ang kanyang mga
naipon?

Alam ni Ralph maghahari na ang kalungkutan sa kanilang bahay na


kailan lang ay halakhak nilang dalawa ang namamayani. Magiging
kalbaryo ang kanyang bawat araw. Magiging madilim ang kanyang gabi
at pati na ang umagang darating. Matagal bago muling mabuo ang
pangarap na gumuho. Matagal bago muling makabangon mula sa
pagkakadapa. Hindi niya batid kung kailan sisilay muli ang napingasan
niyang ngiti. Hindi niya alam kung kailan muling makakakita ng
liwanag ang kanyang matang nahilam ng luha.

Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni


Donna at halos hindi naging paksa ang kanyang karamdaman dahil
tuluyan nang bumaba ang platelets ng nobya, sensyales na pawala na
ang dengueng apat na araw nang nagpapahirap sa kinakasama. Pinag-
usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon at
planong pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni
Donna sa trabaho bilang manager ng Logistics Department sa
kompanyang pinapasukan nito at ang balaking pagdu-Dubai ni Ralph
sakaling may dumating na magandang oportunidad.

Kaya hindi sukat akalain ni Ralph na sa kisapmata’y wala na si Donna!


Wala na ang kanyang buhay, wala na ang kanyang bukas. Marami nang
dengue case kasi ang humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong sa
biglaang kamatayan kahit sabihin pang bumuti na umano ang lagay ng
biktima. Pag-aakalang umokay na ang pasyente ngunit sa kabila ng
nakaantabay na mga nurse at doktor, availability ng mga medical
equipment ng ospital ay hindi pa rin naisalba ang buhay ng dengue
victim.

“Sir, sir…” tinatapik-tapik ng nurse si Ralph na nakatungo ang ulo,


nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader. Mugto ang nga mata,
sumisinok-sinok na halatang galing sa isang pag-iyak. Narinig niya ang
nurse ngunit wala siyang pakialam sa sasabihin nito, bahagyang
iniangat niya ang kanyang ulo.

“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po


siya, si Ma’am Donna. Gusto na raw po niyang umuwi dahil gusto niya
raw pong i-celebrate ang anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver
na pinirmahan niya kanina.” Mahabang paliwanag ng nurse.

Tulala si Ralph dahil sa narinig niya mula sa nurse.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.

Anniversary nila kahapon.


San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________

Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada

Isang hapon may isang magtotroso na nagtungo sa kagubatan upang


pumutol ng isang puno upang gawing panggatong. Pinili niya ang isang
mataas at tuwid na puno sa tabi ng isang lawa. Sinimulan niyang putulin
ito ng kanyang palakol. Ang ingay na nilikha ng palakol ay
umalingawngaw sa buong kagubatan.

Mabilis ang pagkilos ng lalaki sa dahilang ayaw niyang abutan siya ng


dilim. Nang di sinasadya, ang talim ng palakol na kanyang tangan ay
tumilapon sa lawa.

Agad niyang sinisid ang lawa ngunit sa kasawiang palad nabigo siyang
makita ang kanyang hinahanap. Naupo siya sa paanan ng puno at nag-
isip kung ano ang susunod niyang gagawin. Nang biglang lumitaw sa
kanyang harapan ang isang engkantada, “Ano ang problema mo?”

“Ang talim ng aking palakol ay nahulog sa tubig, tugon niya. Hindi ko


alam kung ito’y makikita ko pang muli.”

“Tingnan natin kung ano ang aking maitutulong sa iyo,” wika ng


engkantada sabay talon sa lawa.

Paglitaw ng diwata ay may hawak siyang talim ng palakol na lantay na


ginto. “Ito ba ang hinahanap mo?” tanong ng engkantada.

Pinagmasdang mabuti ng magtotroso ang palakol. “Hindi, hindi sa akin


iyan,” ang tanggi ng magtotroso.
Inilapag ng diwata ang gintong talim sa may pampang at sumisid na muli
ito sa lawa.

Di nagtagal ay muli siyang lumitaw na hawak ang pilak na talim ng


palakol. “Ito ba ang talim ng iyong palakol?”

“Hindi, hindi sa akin iyan.”

Inilapag ng engkantada ang pilak na talim sa tabi ng gintong talim at


pagdaka’y muli itong sumisid sa lawa.

Nang muling lumitaw ang diwata tangan niya ang isang bakal na talim,
“Ito ba ang iyong hinahanap?” tanong niya.

“Oo, iyan nga ang aking nawawalang talim,” masayang sagot ng lalaki.
“Maraming salamat sa iyong pagtulong sa akin.”

Ibinigay ng engkantada ang kanyang talim pati na ang ginto at pilak na


mga talim at ito’y nagsabing:

“Ako’y humahanga sa iyong katapatan. Kaya’t bilang gantimpala,


ipinagkakaloob ko sa iyo itong ginto at pilak na mga talim.”

Nagpasalamat ang lalaki at lumakad na siyang pauwi sa taglay ang


kagalakan.

May kapitbahay ang lalaki na isa ring magtotroso na nakakita sa mga


talim na ginto at pilak, at ito’y nag-usisa. “Saan mo nakuha ang mga
talim na ‘yan?”

“Mangyari’y pumuputol ako ng isang punongkahoy sa tabi ng isang lawa


sa gubat nang matanggal at nahulog sa tubig ang talim ng aking palakol.
May tumulong sa aking isang engkantada at ako’y binigyan pa niya ng
dalawa.” May pagmamalaking salaysay nito.
“Sabihin mo sa akin kung paano ako makakarating doon. Nais ko ring
subukin ang aking kapalaran,” wika ng magtotrosong kapitbahay.

Hindi naman nahirapan sa paghahanap ang lalaki sa naturang lawa at


sinimulan niya ang pagputol ng isang puno. Dinig na dinig sa buong
kagubatan ang ingay na nilkha niya. Hindi nagtagal at ang talim ng
palakol na sadya niyang niluwagan ay natanggal at nahulog sa tubig.
Sumisid siya at nagkunwaring naghahanap. Naupo siya sa pampang at
kunwa’y nalulungkot sa kanyang sinapit.

Maya-maya’y lumitaw ang isang diwata at nagtanong. “Ginoo, tila yata


malungkot ka?”

“Mangyari’y nawala ang pinakamahalaga kong pag-aari,” hinagpis ng


magtotroso.

“Ano ang nawala at paano nawala ito?” tanong ng diwata.

“Pinuputol ko ang punong ito, malungkot na wika ng lalaki, Nang biglang


natanggal ang talim ng aking palakol at nahulog sa tubig. Naglagay ako
ng panibagong talim at nagtatrabahong muli ngunit nahulog din ito sa
lawa. Sinisid ko, ngunit hindi ko natagpuan,” nagpatuloy sa pag-iyak ang
lalaki.

“Huwag ka nang umiyak,” wika ng dalaga, “at titingnan ko kung ano ang
aking maitutulong.”

Nang lumitaw ang diwata ay tangan niya ang isang gintong talim. “Ito
ba ang iyong nawawalang talim?” tanong ng diwata.

Kinuha ng lalaki ang gintong talim at nagsabing, “Oo, ito nga ang aking
gintong talim. Maraming salamat sa iyo. Mayroon pa akong isang talim
na nawawala.”
“Susubukin kong hanapin din iyon,” wika ng diwata at pagdaka’y sumisid
muli sa lawa.

Ngayon, naisip ng lalaki, magiging kasing yaman na ako ng aking


kapitbahay.

Ilang sandali pa’y lumitaw ang diwata na may hawak na pilak na talim.
Iniabot niya ito sa lalaki at nagtanong, “Ito ba ang isa mo pang talim na
nawawala?”

Iniabot ng lalaki ang talim na pilak at nagwika, “Oo, oo! Iyan nga ang
isa pa. Hanga ako sa iyo, napakagaling mong sumisid. Maraming salamat
sa ginawa mong pagtulong sa akin.”

Ngunit hindi pinagkaloob sa kanya ng diwata ang talim at nagwika ito,


“Hindi mapapasaiyo ang mga ito. Ang mga matatapat lamang ang aking
pinagkakalooban ng tulong. Ang mabuti pa’y umalis ka na sa kagubatang
ito kung hindi ay magsisisi ka!” Pagwika nito ay naglaho na ang diwata.

Nahihiyang lumakad nang pauwi ang lalaki. Ngayon nawala pa ang aking
bakal na talim, wika niya sa sarili. “Sana naging matalino ako.”

WAKAS
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________

Pagatpat

Isang gabing namamahinga na sila, nabanggit ni Dindo ang napuna nito


sa dulong hilaga ng pulo. “May mga latian pala po sa gawing hilaga ng
pulo,” sabi niya kay Mang Pisyong. “At marami po akong nakitang isang
uri ng punongkahoy na ngayon ko lang nakita. Malalaki po ito, at may
mga sumusulpot na kung anong matutulis na bagay sa tabi nila, parang
maliliit na puno, pero medyo namumuti-muti.”

“Pagatpat ang tawag sa mga punongkahoy na ‘yon,” sabi ni Mang


Pisyong. “Nasa putikan sila, at ang sinasabi mong matutulis na
tumutubo sa paligid ay tinatawag na air roots, bahagi rin ng mga
punong iyon. Nakatutulong sa paghinga ng mga puno dahil nasa putikan
nga sila. At ang mga uring ugat na ‘yon ay nagagamit sa mga lambat
upang lumutang ito sa tubig. Nagagawa ring cork o tapon sa mga bote.”

“Parang may mga bunga rin po,” sabi pa ni Dindo.

“Mayroon nga,” ayon ni Mang Pisyong. “At nakakain din ang mga
bungang iyon, medyo lasang keso, puedeng pagkapitas sa puno ay kanin,
o kaya ay iluluto. At nagagamit ding gamot, na pampaampat sa
hemorrhage o labis na pagdugo.”

“Hindi ko po yata alam ang punong sinasabi n’yo,” sabi ni Kiko.

“Kasi, ang mga kilala mong mga puno ay yaong tumutubo sa bundok,”
sabi ni Mang Pisyong. “E, ito ngang pagatpat, sa mga latian at putikan
matatagpuan.”
“Ano po naman ang silbi ng pagatpat?” tanong ni Inday. “Nagagamit din
po ba ang kahoy noon?”

“Puwede ring magawang haligi, pinto, sahig, dingding at kahit sa mga


pantalan at tulay, nagagamit din,” paliwanag ni Mang Pisyong. “Kaya
lamang, mahirap lagariin, at saka ang kahoy ay may taglay na asin, dahil
nga tumutubo nang malapit sa dagat o kaya ay mga ilog na malapit sa
dagat. Ang mga pakong kailangan sa kahoy na ito ay dapat na yari sa
tanso at dahil masyadong matigas ang kahoy, kailangan pa rin ang mga
turnilyo.”

“Pambihira namang uri ng kahoy iyon,” buong paghangang sabi ni Kiko.

“Ang mapupuna ninyo sa ating mga punongkahoy, iba-iba ang silbi sa


kapaligiran,” pagpapaliwanag pa ni Mang Pisyong. “tulad nitong
pagatpat, nabubuhay nga sa tabi ng mga latian at mapuputik na tabing-
dagat. At sa gayong paraan, naililigtas nila ang lupa sa pagkaagnas.
Nakatutulong din sa paligid ang kanilang mga ugat na sadyang
ginagamit nila upang makahinga sa maputik na kinaroroonan.”

“Kung susuriin po,” sabi ni Inday, “talagang mapupuna natin ang Kamay
ng Diyos sa iba-ibang tanim, puno, ibon, hayop at maging mga tao. Iba-
iba ang silbi natin… At kung iisipin lamang ng mga tao ang kabutihan ng
Diyos sa pagbibigay ng buhay sa atin at sa ibang mga bagay sa ating
kapaligiran, makikiayon tayo sa kalikasan.”

“At laging may kaparusahan ang tao sa mga maling gawa,” malungkot na
dagdag ni Kiko. Nagbuntong-hininga, “Noong araw, hindi ko
naiintindihang masama pala ang pagkakaingin. Kainginero ang aking ama,
at sa simula ng kanyang pagtatanim ng palay sa bundok, maganda ang
ani, pero habang lumalaon, humina na nang humina. At napilitang maging
mangingisda ang aking Kuya, at ako po naman, Mang Pisyong, nakita
n’yo, lumikas na rin ako mula sa lupang binungkal ng aking ama
pagkaraang silaban niya ang mga puno upang magkaroon ng kaingin.”
“Ang sinisikap nga natin ngayon, mapaunawa sa mga nagsisipagkaingin
pa rin na hindi mabuti iyon,” sabi ni Mang Pisyong. “At ang kabutihang
nagagawa ng mga NGO para sa kanila, sila mismo, ang mga kainginero,
ang kinakatulong sa pagtatanim sa mga gulod na panot.”

“Ang kaso po,” mapait pa rin ang tinig ni Kiko, “maraming mga
makapangyarihan sa ating mga kababayan, mayayaman, mga nasa
kongreso at matataas ang puwesto sa pamahalaan ang siya pang
nakasisira sa ating mga kagubatan. Sila ang mga illegal loggers. Mas
higit po ang pinsalang nagagawa nila kaysa mga kainginerong tulad ng
tatay ko.”

“Totoo rin ang sinasabi mo. Kiko,” malungkot ding ayon ni Mang
Pisyong, “at hanggang hindi nasasawata ang pamiminsala ng mga illegal
loggers, hindi mawawala ang panganib sa ating kapaligiran.”

“Kung sana po naman, mabilanggo ang mga mayayamang taong


nagkasalapi dahil sa pamiminsala sa ating mga bundok,” sabi ni Inday.

“Kaya nga, tayong lahat, dapat laging magsuri sa pagkatao ng mga


ibinoboto natin, sa mga taong hahawak ng pamahalaan, iyon ang una sa
lahat,” sabi ni Mang Pisyong. “Kapag tapat sa tungkulin ang mga pinuno
ng barangay, alkalde, gobernador, kongresman, senador at pangulo ng
ating bansa, matatakot gumawa ng masama ang naninira ngayon sa
ating kapaligiran”

WAKAS
San Lorenzo Homes, Lower St. Ignatius, Macasandig Cagayan de Oro
Contact: Teacher Bem

HOMESCHOOL-SUPPORT PROGRAM
S.Y. 2021-2022

Name: __________________________________________________________ Date: ________________

4 FILIPINO READ ALOUD


Grade: ___________ Learning Area: ________________ Activity: ________________________________

You might also like