You are on page 1of 27

MODULES IN

GRADE 1
QUARTER 2 – WEEK 1

Page 1 of 27
Page 2 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Unang Araw

A. Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


napakinggang Pabula.
B. 1. Panimula:
Ang Pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay
ang gumaganap na tauhan. Ito ay kadalasang nagbibigay
ng aral sa mga mambabasa.

Tingnan ang mga larawan na nasa ibaba. Ito ay ilan lang sa


halimbawa ng mga Pabula.

Ngayong alam mo na ang pabula, anu-anong pabula ang


nabasa mo na sa mga sumusunod? Natatandaan mo pa ba
ang mga kwento at aral ng mga ito?

1. Ang Langgam at ang Tipaklong


2. Ang Daga at ang Leon
3. Ang Uwak at ang Gansa
4. Ang Kuneho at ang Pagong
5. Ang Agila at ang Maya

Page 3 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

2. Mga Gawain
GAWAIN 1: Ating alamin
Panuto: Babasahin ng kasama sa bahay ang pabula. Alamin
natin ang dahilan ng pag aaway ng dalawang magkaibigang
daga. At sagutan ang sumusunod na katanungan.

May dalawang dagang magkaibigan, sina Dagang Bayan at


Dagang Bukid. Magkalayo ang kanilang mga tirahan subalit patuloy
pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
Isang araw, dinalaw ni Dagang bayan si Dagang Bukid.
“Napakalayo ng lugar mo. Nagutom ako sa pagod. Kumain na tayo,”
ani Dagang Bayan.
“Wala akong pagkain dito. Halika, maghanap tayo,” sagot ni Dagang
Bukid.
“Ano? Maghahanap pa tayo?” di-makapaniwalang tanong ni Dagang
Bayan.
“Oo, ganyan talaga dito sa bukid. Hahanapin mo muna ang iyong
kakainin,” malumanay na sagot ni Dagang Bukid.
Naglakad silang dalawa. Sa may daan, nakakita sila ng supot. Dali-dali
nila itong binuksan.
“Tinapay! Masarap na tinapay!” sabi ni Dagang Bayan.
“Teka, akin ‘yan. Ako ang unang nakakita r’yan,” sabi naman ni
Dagang Bukid.
“Para walang away, hati nalang tayo,” mungkahi ni Dagang Bayan.
Tango lamang ang tugon ng kanyang kaibigan.
Hinati ni Dagang Bayan ang tinapay. Iniabot niya ang maliit na bahagi
kay Dagang Bukid.
“Naku, hindi pantay ang pagkakahati mo,” reklamo ni Dagang Bukid.
“Oo, nga ‘no? bawasan natin,” sagot ni Dagang Bayan, at
pagkatapos ay kinagatan niya ang mas malaking bahagi.
“Naku, lumiit naman tong isa,” sabi ni Dagang Bukid.Kinagatan naman
ni Dagang Bayan ang kabilang bahagi ng tinapay.

Page 4 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

“Naku, lumiit nang pareho,” himutok ni Dagang Bukid.


“Para walang problema, akin na lang lahat ito. Ang susunod nating
makikita ay sa iyo naman,” sabi ni Dagang Bayan sabay subo sa lahat
ng tinapay.
Dito nakahalata si Dagang Bukid.
“Niloko mo ako! Paano kung wala tayong makitang pagkain?”
pagalit niyang wika kay Dagang Bayan.
Dahil dito, nag-away ang magkaibigang daga at ang kanilang
pagkakaibigan
PANUTO: ay at
Basahin tuluyang naglaho.
unawain ang sumusunod na katanungan.
Bilugan ang tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng kwento?
A. Si Dagang Bundok at Si Dagang Bayan
B. Si Dagang Bukid at Si Dagang Palayan
C.Si Dagang Bayan at Si Dagang Bukid
2. Ano ang nakita nila sa daan sa paghahanap ng
makakain?
A. Supot na may lamang tinapay
B. Supot na may lamang isda
C.Supot na may lamang keso
3. Sino ang naghati ng tinapay?
A. Si Dagang Bukid
B. Si Dagang Bayan
C. Sabay nilang hinati ang tinapay
4. Bakit nagalit si Dagang Bukid kay Dagang Bayan?
A. Dahil hindi ito nagdala ng sariling pagkain
B. Dahil hindi siya nito tinulungang maghanap ng pagkain
C.Dahil nilamangan siya nito at inubos lahat ang nakita
nilang tinapay
5. Tama ba ang ginawa ni Dagang Bayan na lamangan
ang kanyang kaibigan?
A. Oo, dahil nagugutom na siya
B. Hindi, dahil masama ang manlamang ng kapwa
C.Hindi, dahil pareho silang nagugutom ni Dagang Bukid

Page 5 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

Pagtataya
PANUTO: makinig ng mabuti habang binabasa ng kasama sa
bahay ang pabula. At sagutan ang mga katanungan na nasa
ibaba.

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si


Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa
kanyang lungga sa ilalim ng puno.
Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang
pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga?”
tanong ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?”
“Naku, mahirap na,” aniya. “Malapit na ang tag-ulan. Iba na
ang may naipon na pagkain bago dumating ang tag-ulan.”
“Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig,”
pagmamalaki ni Paruparo.
“Bakit nga ba?” Nagtataka si Langgam.
“Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa
damuhan?” inginuso niya ang nasa di kalayuan.
“Sino?’ tanong ni Langgam.
“Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang
kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng proteksyon. Baka akala
mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin,”
pagyayabang ni Paruparo.
“A, ganoon ba?” sabi ni Langgam.
“Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito.
Ikaw lang e,” sabi ni Paruparo.
Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod
dito, kayod doon,” mababa subalit madiin ang tinig ni
Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking
gawain.”
Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa. “

Page 6 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang


mahabang tag-ulan. May kasama pang bagyo at baha.
Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring
matagpuang pagkain.
Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig
dahil malalim din ang mga ilog at dagat. Tumagal ang baha.
Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin
ang pagbuhos ng ulan.
Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa
guwang ng puno. Namamahinga. Sagana siya sa pagkain.
Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang
kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?
Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig.
Patay ang dalawa. Mayamaya’y dalawang mabilis na ibon
ang mabilis na dumagit sa kanila.
Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit
nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: “Kung sino ang may
tiyaga, siya ang magtatamong pala.”

SAGUTAN:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
________________________________________________________
2. Sino ang nakita ni Paruparo na naghahakot ng pagkain
at pagod na pagod?
________________________________________________________
3. Ano ang nangyari sa mga sumunod na araw matapos
nilang mag usap?
________________________________________________________
4. Ano ang nakita ni Langgam nung siya ay dumungaw
upang tingnan ang paligid?
________________________________________________________
5. Ano ang katangian ni Langgam na nakapagligtas sa
kanya sa dumating na bagyo?
References for Further Enhancement:
Mabisang Pag-aaral sa Pagbasa p. 200-204

Inihanda ni:
LOUISE T. ZUASOLA
T. Paez Elementary School

Page 7 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ikalawang Markahan / Unang Linggo / IkalawangAraw

A. Layunin :
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
tugma/tula at tekstong pang impormasyon.

B.1 Panimula:
Ang tugma at tula ay kawili-wiling pakinggan.
Panuto:
Pakinggan ang iyong magulang habang binabasa ang
tugma/tula. Sa tulong nila ay sagutin ang mga tanong sa
ibaba . Lagyan ng ( ) tsek ang kahon ng tamang sagot.

Gatas at Itlog
Alagaan mo ang manok.
Bibigyan ka ng itlog.
Ang gatas at ang itlog
Ay pagkaing pampalusog.
Ang saging at papaya
Ay pagkaing pampaganda.
Uminom ka ng gatas
At kumain ka ng itlog.
Hindi magtatagal
Ikaw ay bibilog.

Pagsagot sa mga tanong:


1. Anong hayop ang nagbibigay ng itlog?
manok baka aso

2. Ano ang dapat inumin para ikaw ay lumusog?


kape gatas softdrink

3. Anu-ano ang mga prutas na pampaganda ayon sa tula.


saging at papaya
tsokolate at kape
kendi at chirchirya

Page 8 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

4. Ano ang mangyayri sa batang uniinom ng gatas at


kumakain ng itlog?
bibilog papayat liliit

5. Dapat bang kumain ang isang batang katulad mo ng


prutas at gulay? Bakit?

Pagsasanay 1

Panuto: Makinig sa iyong magulang habang binabasa ang


tugma/tula. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.
Ang Aking Laruan
Ang aking laruan
Isang manikang basahan.
Bigay ay kaligayahan.
Sa musmos kong isipan.
Sa aming tahanan
Siya’y aking kinakantahan.
Ipinag hehele sa kandungan
At pinapatulog sa duyan.

_____ 1. Ano ang pamagat ng tula?


A. Ang Aking Laruan
B. Ang Bola
C. Ang Manika

_____ 2. Ano ang laruan ng bata?


A. basahan B. manika C. bola

_____ 3. Ano ang binibigay sa kanya ng kanyang laruan?


A. lungkot B. kaligayahan C. wala

_____ 4. Saan niya pinapatulog ang kanyang laruan?


A. Sa duyan B. sa mesa C. sa upuan

Page 9 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

_____ 5. Ano ang dapat gawin sa laruan pagkatapos mong


maglaro?
A. Iligpit at ibalik sa tamang lalagyan.
B. Hayaan si nanay ang magligpit.
C.Iwan sa tabi-tabi.

Pagsasanay 2

Panuto: Makinig sa iyong magulang o nakakatandang


kapatid. Sa tulong nila ay sagutin ang mga tanong sa
tugmang napakinggan.
Ako’y May Alaga

Ako’y may alaga.


Asong mataba.
Buntot ay mahaba.
Malinis ang mukha.

Ako ay mahal niya.


Mahal ko din siya.
Kaya’t kaming dalawa
Laging magkasama.

Bilugan ang tamang sagot.


1. Anong hayop ang binanggit sa tula?
pusa aso ibon

2. Ano ang itsura ng aso ayon sa tula?


madumi malinis malaki

3. Paano inilarawan ang buntot ng aso sa tula?


mahaba maiksi kulot

4. Ano ang nararamdaman nila kapag sila ay magkasama?


galit masaya malungkot

Page 10 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

5.Ano ang dapat gawin sa mga alagang hayop?


Bigyan ng pagkain at paliguan araw-araw.
Sipain at itaboy.
Huwag pansinin.

Tandaan:
Makinig mabuti at unawain ang tula o
tugmang pinakikinggan upang masagot ang
mga tanong tungkol dito.

Pagtataya:
Panuto: Makinig sa iyong magulang o nakakatandang
kapatid habang binabasa ang tula. Sagutin ang mga
sumusunod tanong.

Ang Aking Pamilya

Ang Aking Pamilya


Tunay na masaya.
Lagi kaming magkakasama
sa tuwi-tuwina.
Masipag si Ama.
Mapagmahal si Ina.
Si ate at kuya sa akin
Ay laging nag-aalaga.
Salamat sa Diyos
Sa aking pamilya.

_____1. Ano ang pamagat ng tula?


A. Ang Aking Pamilya
B. Si Nanay at Tatay
C. Ang Aking Kapatid

Page 11 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

_____ 2. Anong uri ng pamilya ang binaggit sa tula?


A. masaya B. pala away C. malungkot

_____ 3. Ano ang katangian ni ama?


A. masipag B. tamad C. maamo

_____ 4. Ano ang katangian ni ina?


A. masungit B. makulit C. mapagmahal

_____ 5. Iguhit mo ang iyong pamilya sa loob ng kahon.

References for Further Enhancement:


1. Sanayang aklat sa Filipino 1 p. 172-174

Inihanda ni:
ARMIDA B. DUCAO
TimoteoPaez Elementary School

Page 12 of 27
Module Code: Pasay F1 – Q2- W1-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Ikatlong Araw

A. Layunin : Nakapagtatanong tungkol sa isang larawan


B.1 Panimula:

 Ang bawat larawan ay may mga mensahe na ipinahahatid,


upang lubos itong maunawaan ay maari nating gawan ito
ng naaangkop na mga tanong.
Halimbawa :
 kapag ang larawan ay nagpapakita ng tao, at nais
mong malaman ang pangalan nito, maaari mong
itanong ang – Sino
 kapag hayop o bagay ang ating nakita maaaring
itanong
ang: Ilan - para malaman ang bilang
Ano – para malaman ang kulay, hugis, itsura
Saan – para malaman ang lugar
 Tandaan kapag nagtatanong gagamitin natin ang bantas
na tandang pananong (?)sa hulihan ng pangungusap.

ATING TUKLASIN: Tingnan ang mga sumusunod na larawan


Sino ang nag-aalaga sa mag-anak?
Sino ang pinakabatang kasapi ng mag-
anak?
Ano ang hayop na nasa larawan?

Saan ka nakatira?
Ilan ang mais na nakuha mo?

 Ang mga salitang nakasulat ng “bold” ay mga salitang


ginagamit para nagtanong ng detalye ng larawan.

Page 13 of 27
Module Code: Pasay F1 – Q2- W1-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN


A. MGA GAWAIN

Gawain 1: Itanong Mo!


Panuto: Pag-ugnayin ang larawan at ang tanong na maaring
buuin dito. Pagdugtungin ang mga bilog

Hanay A Hanay B

1. Ilan ang mani?

2. Sino ang tatay mo?

3. Ilan ang daliri sa kamay?

4. Ano ang laro ng bata?

5. Ano ang kulay ng


manga?

Page 14 of 27
Module Code: Pasay F1 – Q2- W1-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________
Gawain 2: Larawan Mo, Tanong Ko

Panuto: Magyaya ng makakalaro, magpapakita ang


kalaro mo ng mga larawan at gagawa ka ng mga tanong
tungkol dito.

Page 15 of 27
Module Code: Pasay F1 – Q2- W1-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN
 Ang mga salitang Sino, Ano, Ilan,at Saan ay inilalagay
sa unahan ng pangungusap upang makabuo ng
tanong tungkol sa larawan.
 Ang tandang pananong (?) ay makikita sa hulihan ng
pangungusap na nagtatanong

TARA ITULOY NATIN…

Gawain 3: Tanong Ko.. Buuin Mo


Panuto: Buuin ang mga pangungusap na nagtatanong
tungkol sa larawan. Isulat ang Sino, Ano, Ilan o Saan sa
patlang.

1. ____ ang isda sa aquarium?

2. ____ ang nag aalaga sa ating kaligtasan?

3. ____ ang kulay ng mga kamatis?

4. ____ ang dahon sa sanga?

5. ____ pupunta ang mga bata?

Page 16 of 27
Module Code: Pasay F1 – Q2- W1-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGTATAYA

Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawan, gumawa ng tanong


tungkol dito. Isulat ito sa patlang.

1. ____________________________

2. _____________________________

3. _____________________________

4. _____________________________

5. _____________________________

References for Further Enhancement:


1. Bumasa at Sumulat 1 p. 8-9

Inihanda ni:
LIGAYA A. ABLOG
P. Burgos Elementary School

Page 17 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Ika-apat na Araw

A. Layunin : Nagagamit ang magalang na pananalita sa


angkop na sitwasyon- pagpapakilala sa sarili
B.1 Panimula:

 Ang mga Pilipino ay likas na magagalang, at kapag


nagpapakilala ng ating sarili sa iba ay maipapakita natin
ang paggalang sa pamamagitan ng:
 Paggamit ng po at opo sa pagsasalita
 Pagbibigay ng kumpletong impormasyon tungkol sa
ating pangalan, edad, kung saan nakatira, pangalan
ng magulang ,guro at iba pa.

ATING TUKLASIN: Tingnan ang mga sumusunod na sitwasyon na


nagpapakita ng wastong pagpapakilala sa pangalan.

Hinilingan ng kanyang guro si Maya na ipakilala ang


kanyang sarili sa harap ng klase. Ganito ang sinabi niya:

Ako po si Maya Santos.


Ako ay 6 na taong gulang.
Nakatira ako sa 123 Tramo St., Pasay City.
Ang nanay ko ay si Lena Santos.
Ang tatay ko ay si Mando Santos.

Page 18 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN


NATIN.
A. MGA GAWAIN
Gawain 1: Itanong Mo!
Panuto: Kumuha ng kapareha, Itanong at sagutin ang mga
sumusunod sa magalang na paraan.

Ngayon ay sagutin mo ang mga sumusunod


na mga tanong tungkol sa iyong sarili sa
magalang na paraan.

1 . Ano ang pangalan mo?

2 . Ilang taon ka na?

3 . Saan ka nakatira?

4 . Ano ang pangalan ng nanay mo?

5 . Ano ang pangalan ng tatay mo?

Page 19 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 2: Isang Tanong. Isang Sagot!

Panuto: Pag-ugnayin ang sumusunod na tanong at ang


angkop na sagot dito.

Hanay A Hanay B

1 . Ano ang pangalan mo? Ang nanay ko ay si


Mila Tan

2 . Ilang taon ka na? Ako ay nakatira sa


43 Aurora St., Pasay City

3 . Saan ka nakatira? Ang tatay ko ay si


Mark Tan

4 . Sino ang nanay mo? Ako po ay si Lisa Tan

5 . Sino ang tatay mo? Ako po ay 7 taong


gulang

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN
 Kapag nagpapakila o nagbibigay ng impormasyon
tungkol sa iyong sarili dapat tandaan na dapat na ito
ay sa kumpletong pangungusap, at sa magalang na
paraan at maipapakita ito sa paggamit ng po at opo
sa iyong pangungusap.

TARA ITULOY NATIN…

Page 20 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 3 : Magsanay Tayo

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang pagpapakilala sa sarili


nang may paggalang.

1. Dinala ka ni nanay sa doktor dahil may sakit ka, tinanong ka


ng doktor kung ano ang pangalan mo, paano ka sasagot?
A. Donna Lim B. Bakit po? C. Ako po si Donna Lim

2. Tinanong ka uli niya kung ilang taong gulang ka na, ano


ang isasagot mo?
A. ewan ko po B . Ako po ay 6 na taong gulang C. 6

3. Namamasyal kayo ng pamilya mo nang mapansin mo na


nawawala na ang mga kasama mo kaya lumapit ka sa
guwardiya para magpatulong, tinanong ka niya kung saan
ka nakatira. Ano ang isasagot mo?
A. diyan lang po sa malapit
B. sa may Pasay lang
C. Ako po ay nakatira sa 75 Libertad St., Pasay City

4. Tinanong ka rin ng guwardiya kung ano ang pangalan ng


nanay mo, paano mo siya sasagutin?
A. si Amy po
B. Ang nanay ko po ay si Amy Lim
C. Amy po

5. Pagkatapos ay tinanong naman niya ang pangalan ng


tatay mo, ano ang isasagot mo?
A. Ang tatay ko po ay si Ogie Lim
B. tatay Ogie po
C.Tatay Ogie

Page 21 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang mga impormasyon tungkol sa sarili sa


magalang na paraan. Isulat ang sagot sa patlang.

1 . Ano ang pangalan mo?

_________________________________________________

2 . Ilang taong gulang ka na?

_________________________________________________

3 . Saan ka nakatira ?

_________________________________________________

4 . Ano ang pangalan ng nanay mo?

_________________________________________________

5 . Ano ang pangalan ng tatay mo?

_________________________________________________

References for Further Enhancement:


1. Pagdiriwang ng Wikang Filipino1, 1997 p 4-5

Inihanda ni:
LIGAYA A. ABLOG
P. Burgos Elementary School

Page 22 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Ikalimang Araw

A. Layunin: Nagagamit ang magalang na pananalita sa


angkop na sitwasyon pagpapahayag ng sariling karanasan
B. 1. Panimula
May mga magagalang na pananalita na angkop
gamitin sa ibat-ibang sitwasyon.

Basahin ang mga sitwasyon na nasa ibaba. Sagutin ang


mga sumusunod na tanong.
1. Nakasalubong ni Luiz isang umaga ang kanyang guro:
“Magandang umaga ”Magandang umaga
po Bb. Lovegood.” din sayo Luiz.”

A. Ano ang sinabi ni Luiz sa kanyang guro nang


masalubong niya ito isang umaga?
B. Ano naman ang naging tugon ng kanyang guro?

2. Hindi sinasadyang naitulak ni Ron si Harry habang sila


ay naglalaro:

“Harry paumanhin ”Okey lang,


hindi ko sinasadya. salamat.”
Halika tutulungan
na kita.”

A. Ano ang sinabi ni Ron kay Harry?

Page 23 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

B. Ano ang naging sagot ni Ron kay harry nang


tinulungan siya nito tumayo?

Ang mga iyan ay ilan lang sa magagalang na


pananalita na ating ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon
na ating nakakaharap.

MGA GAWAIN
GAWAIN 1:
Panuto: Kulayan ng asul ang kahon na naglalaman ng angkop
na magalang na pananalita batay sa mga ibinigay na
sitwasyon.

1. Nag-uusap sa pintuan ang iyong ina at ang kanyang


kaibigan, nais mong dumaan para lumabas. Ano ang
sasabihin mo?
“Padaan.”
“Maaari bang umalis kayo diyan, dadaan ako.”

“Mawalang galang po, maaari po bang makidaan?”

2. Nasa loob ka ng silid-aralan nang maramdaman mo na


kailangan mong mag banyo. Paano ka magpapaalam sa
iyong guro?
“Bb. Lovegood maaari po ba akong lumabas upang
magbanyo?”

“Bb. Lovegood, magbabanyo po ako.”

“Bb. Lovegood, lalabas po ako.”

3. Naliligaw ka at hindi mo alam ang papuntang Libertad.


Paano ka magtatanong?
“Manong ihatid mo nga ako sa Libertad”.

“Manong, saan ba ang papuntang Libertad?”

“Manong, Magandang araw po. Maari po bang


magtanong? Saan po ang daan papuntang Libertad”?

Page 24 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

4. Hindi sinasadyang nasagi mo ang baso na nasa lamesa at


nabasag ito. Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay?
“Nanay paumanhin po, hindi ko sinasadyang
mabasag ang baso?”

“Sino ba kasi naglagay ng baso diyan?!


Nahulog tuloy!”

“Nanay, hindi po ako ang nakabasag ng baso.”

5. Kumakain kayo ng hapunan, nais mo kumuha ng kanin


ngunit malayo ito sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa iyong
tatay?
“Tatay, gusto ko ng kanin.”

“Tatay, maaari po bang pakiabot ang kanin?”

“Tatay, pakiabot naman yung kanin ang layo kasi!”

GAWAIN 2:
Panuto: Isulat ang magagalang na pananalita na angkop sa
mga ibinibigay na sitwasyon.
1. Pinahiram ka ng ate mo ng laptop para sa iyong online
class. Ano ang sasabihin mo?
__________________________________
__________________________________
__________________________________
______________________________

2. Nais mong bumili ng lobo, ngunit hindi mo alam kung


magkano ito. Paano ka magtatanong?

Page 25 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

3. Nasalubong mo isang hapon ang lolo at lola mo. Paano


mo sila babatiin?

________________________________
________________________________
________________________________

4. May activity na pinapagawa sa inyo ang guro ninyo sa


Art. Ngunit naiwan mo ang gunting mo. Paano ka
manghihiram sa kaklase mo?

______________________________
______________________________
______________________________
______________________________

5. Pinapila kayo isang umaga nang inyong guro at binati


kayo ng “Magandang umaga.” Ano ang isasagot ninyo?
________________________________
________________________________
________________________________

Page 26 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q2-W1-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

Pagtataya
Panuto: Makinig habang binabasa ng nakatatanda sa iyo ang
mga sitwasyon, alamin ang sabihin kung anong magalang na
pananalita ang dapat sabihin. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Dumalaw kayo sa lola mo na may sakit. Ano ang sasabihin
mo sa kanya pagkatapos mong mag mano?
A. Lola, kamusta ka na? magpagaling ka po ha.
B. Lola, siguro matigas ang ulo mo.
C.Lola, bakit ka nagkasakit?
2. Tinulungan ka ng kaibigan mong magdilig ng halaman. Ano
ang sasabihin mo?
A. Bukas uli ha!
B. Maraming salamat sa pag tulong mo.
C.Sana pati sa pagwawalis tulungan mo din ako.
3. Nawawala ang lapis mo at may pinapasulat sayo ang iyong
guro. Paano ka manghihiram sa kaklase mo?
A. Pahiram ng lapis.
B. Maaari ba akong makahiram ng lapis mo?
C.Pahiram ako ng lapis mo total naman hindi mo ginagamit.
4. Dumating ang tita mo galing probinsya. Paano mo siya
babatiin?
A. Pasok ka tita.
B. Maligayang pagdating tita, tuloy po kayo.
C.Andito ka na pala tita, pasok ka na at umupo.
5. Naglalaro kayo ng mga kaklase mo, nang hindi sinasadya
naitulak ka ng isa mong kaklase at nadapa ka. Humingi siya
ng paumanhin sayo. Ano ang isasagot mo?
A. Okay lang hindi mo naman sinasadya.
B. Sa susunod kasi mag iingat ka!
C. Hindi na kita bati.

References for Further Enhancement:


1. Sanayang Aklat sa Filipino p- 12-14

Prepared by:
Louise T. Zuasola
Rivera Village Elem. School

Page 27 of 27

You might also like