You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL
CONGRESSIONAL SOUTH AVENUE, BUROL I, CITY OF DASMARIÑAS, CAVITE
______________________________________________________________________________________________________

1. “Malayo pong mangyari. Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang
naaalala.” Anong katangian ang ipinapahiwatig ng pahayag?
a. May malasakit sa kapwa
b. Mapagmahal sa bayan
c. Mahusay na lider
d. Maaasahang mamamayan
2. “Paano kita malilimot? Kasama kong lagi ang iyong alaala at siyang nagligtas sa akin sa lahat ng
panganib sa paglalakbay.” Si Maria Clara ay ____________
a. Makasarili
b. Maaalalahanin
c. Tapat sa kasintahan
d. Mapagmataas
3. Wala ka bang nakita kundi iyan? Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa
napakaliit na bagay, kahit munting batang nag-aaral ay nakakaalam niyan!” Si Padre Damaso ay
nagpakita ng ugaling ______________.
a. Mapang-alipusta
b. Maginoo
c. Matapang
d. Pagiging mahusay na kura
4. Maghapong pinanabikan ni Sisa ang pagsapit ng gabi. Nalalaman niyang uuwi ang kanyang
dalawang anak kaya’t ipinasiyang ipaghanda ng masarap na hapunan. Si Sisa ay nagpapakita ng
pagiging ____________.
a. Mapagmahal na asawa
b. Maaalalahaning ina
c. Matapang na ina
d. Masipag na ina
5. “Hindi ka nagkakamali! Pero kailanman ay hindi ko naging kaibigang matalik ang iyong ama.”
Anong damdamin ang ipinapahiwatig ni Padre Damaso?
a. Nag-aalala
b. Nalulungkot
c. Naglalambing
d. Nagagalit
6. Buksan niyo ang pinto, nanay! Buksan niyo!” humahangos ang tinig ni Basilio mula sa labas. Si
Basilio ay ___________.
a. Natatakot
b. Naguguluhan
c. Nagulat
d. Nagtataka
7. Malalakas ang kabog sa kanyang dibdib ngunit pinili niyang mapakinggang muli ang tinig. Mahal
na mahal niya ang tinig na yaon. Napakinggan ng dalaga na itinatanong siya ng binata. Si Maria
Clara ay ___________.
a. Nagseselos
b. Nasasabik
c. Nalilito
d. Nalulungkot

______________________________________________________________________________________________________

(Formerly Dasmariñas National High School)


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Telephone No.: (046) 506-1208 / 416-0498
Email: dasmarinas.ihs@depeddasma.edu.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL
CONGRESSIONAL SOUTH AVENUE, BUROL I, CITY OF DASMARIÑAS, CAVITE
______________________________________________________________________________________________________
8. “Mahalagang maging payapa ang kaluluwa at tahimik ang kalooban at katawan upang
matanggap ng pag-iisip ang mga bagong ideya.” Ang gurong kausap ni Crisostomo Ibarra ay
___________.
a. Nangangaral
b. Nagsesermon
c. Nanunumbat
d. Nambibintang
9. “Napag-isip-isip kong mas mabuting isakatuparan ko ang kanyang mga balak kaysa iluha na
lamang, o ipaghiganti pa ang kanyang kamatayan.” Ipinapahiwatig ni Crisostomo Ibarra na
_____________.
a. Ang paghihiganti ang sagot sa lahat ng kanyang problema.
b. Mas mabuting tumahimik na lamang sa lahat ng nangyayari.
c. Mas mabuting ibaling na lamang ang kalungkutan sa pagpapatuloy kung ano ang
nasimulan ng kanyang ama sa halip na magbalak pa ng masama.
d. Lahat ng nabanggit
10. “Sinungaling silang lahat! Magnanakaw raw tayo dahil sa maraming bisyo ang tatay natin.” Ano
ang ibig ipakahulugan ng pahayag ni Crispin?
a. Natatakot ang magkapatid sa nangyayari.
b. Kung ano ang puno, ay siya ring bunga.
c. Namamana ng anak ang masasamang ugali ng magulang.
d. Nagkakaroon ng negatibong pagtingin ang mga tao sa mga anak na may amang
iresponsable at maraming bisyo.

______________________________________________________________________________________________________

(Formerly Dasmariñas National High School)


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Telephone No.: (046) 506-1208 / 416-0498
Email: dasmarinas.ihs@depeddasma.edu.ph

You might also like