You are on page 1of 7

Republic of the Philipines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
NAMBALAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Santa Ignacia Tarlac

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 9

Pangalan: _________________________________________ Iskor:____________


Baitang at Seksiyon:_________________________________ Petsa:____________

Panuto:Basahin at unawain ang bawat tanong. Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Isulat angf letra ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

____1. Sino ang napangasawa ni Rama?


a. Sita b. Ravana c. Lakshamanan d. Maritsa
____2. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pmu-
muhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin
ng tao.
a. Pabula b. parabula c. anekdota d. talambuhay
____3. Sige patayin mo siya! sabi ni Rama. Ang pahayag ay____
a. Nakikiusap b. nagmamakaawa c. nag-uutos d. nagpapaunawa
____4. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko
sa iyo ang lahat ng kayamanan”, sabi ni Ravana.pero hindi siya napasuko ni Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay
Ravana ay nangangahulugang
a. natatakot b mahal ang kanyang asawa c. hindi si Ravana ang kaniyang gusto d. nanniniwala sa Milagro
____5. Sino ang naging higante dahil sa selos niya kay Rama- Mula sa “Rama at Sita”
a. Ravana b. Suparnaka c. Lakshamanan d. Maritsa
____6.Nagsalin sa filipino ang akdang “Rama at Sita”.
a. Rene O. Villanueva b. Pat. V. Villafuerte c.Amado V. Hernandez d. Manny Ledesma
____7. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari, bilin ni Rama sa kapatid. Ang mahihinuha sa pahayg na ito?
a. nagagalit b. naghahabilin c. nagpapaunawad. nag-uutos
____8. Anong bansa nagmula ang akdang “Rama at Sita”, sikat dito rin ang pelikulang “Every Child is a special”.
a. Saudi b. Bhutan c. India d. Israel
____9. Nag-isip ng patibong si Ravana at Maritsa upang maagaw si Sita? Anong mahihinuha sa pahayag na ito?
a. paraan b. pain c. plano d. panambabg
____10. Ang pahayag na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” aiy nangangahulugang____
a. Kung sino ang unang dumating ay siya rin ang unang aalis.
b. Lahat ay pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.
c. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
d. Mahalaga ang oras
____11. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga ng gawa sa lupa.”
a. Pangangatuwiran b. pangangaral c. pagpapayo d. pagdadahilan
____12. Nagpangap si Ravana ng isang matandang pari upang makalapit kay Sita. Ang pahayag ay
a. nagbihis b. nagkunwari c. kumilos d. nagpakilala
____13. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana na agawin si Sita nang hindi sasaktan si Rama. Anong kasingkahulugan ng
Nasalungguhitang salita sa pangungusap?
a. napapayag b. nabulag c.napasagot d. nangatwiran
____14. Saan hango ang akdang “Ang Talinghaga sa may-ari ng ubasan?
a. bibliya b. koran c. dula d. nobela
____15. Binigyan ng may-ari ng karampatang upa ang mga manggagawa ng ubusan. Anong mahihinuha sa pahayag?
a. tulong b. benipisyo c. bayad d. reaglo
____16. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kaniyang ina.
Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
a. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
b. Habang may buhay, magpakasaya ka
c. Alam ng magulang kung anong makakabuti sa anak
d. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
____17. Sinabi nila, “Isang oras lamang ang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming natra-
baho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa? Kung ikaw
ang isa sa mga nahuling damating na isang oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?
a. tatanggapin ang ibinihgay na upa
b. pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa
c. hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
d. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
____18. Anong mangyayari kung lagging sumusunod sa payo ng magulang?Alin ang pinakaangkop na sagot.
a. Magiging sikat sa pamayanan
b. Bibigyan ng medalya ng pagkilala
c. Mapapbuti ang buhay
d. Hindi masasangkop sa kapahamaklan
____19. “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay.”
a. pag-iisa b. paglubog ng araw c. pagpanaw ng isang tao d. panibagong araw na darating
____20. Isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin
Patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
a. dalit b. elehiya c. sanaysay d. parabula
____21. Anong tawag sa pagpuri sa mga santo at santa o sa isang tao?
a. dalit b. elehiya c. sanaysay d. parabula
____22. “Wala nang dapat ipagbunyi, Ang masaklap na pangyayari ay nagwakas na! Sa pamamagitan ng luha naglandas
Ang hanggannan, gaya ng paggunita. Anong pinakaangkop na damdamin sa pahayag?
a. malungkot b. masaya c. suklam d. masaya
____23. “Matamis na Virgeng mahal pinaghahandugan, kami nangangaco naman pong mag-alay. Nang isang guirnalda
Bawat isang araw at ang magdudullot yaring murang camay”. Mula sa Ang mga Dalit kay Maria”.
Kanino nangangako at mag-aalay ng sang guirnalda bawat isang araw?
a. Bathala b. Birheng Maria c. Hesusd. Santo/Santa
____24. Paano ipinadama ang pagmamahal kay Birheng Maria?
a. pagsamba b. paggunita c. pag-aalay d. pag-awit
____25. Nahagip ang kanyang espada ang tenga at ilong ng higante. Ano ang kahulugan ng salitang
nahagip?
a. nasugatan b. natamaan c. nasagasaan d. nadaplisan
____26. Ang ebedisiyang inihain laban sa kaniya ay walang bisa. Ang salitang ebedisiya ay nangangahulugang
a. patunay b. papeles c. paratang d. paniwala
____27. Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na. Ang salitang masaklap ay nangangahulugang
a. hindi malilimutan b. kawalang pag-asa c. hindi maganda d. masama
____28. Malungkot lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay. Ang salitang lumisan ay nangangahulugang
a. lumayo b. lumikas c. umalisd. humiwalay
____29. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa ay
a. pautang b. bayarin c. utang d. kaukulang bayad sa paggawa
____30. “Kailangan makasama ka, kung hindi mapag-iiwanan ka. Ano ang layunin ng nagsasalita?
a. manghikayat b. magpaliwanag c. magturo d. mang-aliw
____31. Mula sa pelikulang “Every Child is Special” (Mga Patak ng Luha), Anong sakit ng pangunahing tauhan
na si Ishaan?
a. amnesia b. dyslexia c. ADHD d. aneurysm
____32. Sino ang nagpabago, nakaunawa, nagpahalaga at nakadiskubre ng sakit ni Ishaan?
a. Kapatid b. tatay c. bagong guro d. kaibigan
____33. Makatuwiran ba ang pagpaparusang ginawa ng kanhang mga guro?
a. Oo, sapagkat siya’y mahina at makulit na bata
b. Hindi, sapagkat kinakailangan ang pang-unawa at pagpapahalaga kay Ishaan
c. Oo, sapagkat siya’y hindi nakikinig sa kanyang mga guro
d. Hindi, sapagkat may kahinaan din ang bata sa pagbabasa.
____34. Saan bansa nagmula ang “Mga patak ng Luha o Every Child is Special?
a. Bhutan b. Israel c. India d. Saudi Arabia
____35. Saan bansa nagmula ang Isang Libo’t Isang gabi
a. Bhutan b. Israel c. India d. Saudi Arabia
____36. Saan ikinulong ng babeng mangangalakal ang mga limang lalaki?
a. compartment b. cabinet d. container d. kuwarto
____37. Uri ng panitikan na nagbibigay ng impormasyong, kuro-kuro o opinion.
a. sanaysay b. maikling kuwento c. dula d. tula
____38. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha sa lamang sa ating mga kauring banga”. Anong nais ipahiwatig ito?
a. Iwasan ang pakikipagkaibigan.
b. Huwag magtitiwala sa iba
c. Huwag pakialaman ang buhay ng iba.
d. Huwag sasama sa hindi kauri
____39. Isang babeng mahilig maglakbay sa buong ang kanyang napangasawa. Dahilan ito upang siya ay malungkot.
Umibig siya sa isang batang lalki ang mas bata sa kanya. Ang pahayag sa itaas ay isang synopsis ng nobela.
Maari itong
a. Gitna b. wakasc. tungalian d. simula
____40” Nang makita ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan sila. Lumabas sila nbg bahay na tinatakpan ang
Kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay. “Ang pahayag sa itaas ay
bahagi ng_____ isang kuwento.
a. simula b. wakas c. tunggalian d. gitna
____41. “Sa mga taong naghahasik ng kaguluhan, lumiliit na ang inyong mundo at may kalalagyan kayo”. Anong
ang damdamin ang nagsasalita?
a. naiinis b. nalulumbay c. masaya d. nalulungkot
____42. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaring bumuo rito sa detalyeng pangungusap?
a. Iwasan ang masamang bisyo
b. Ingatan natin ang kalusugan
c. Ipagtanggol natin ang ating karapatang mabuhay
d. Lahat ng nabanggit
____43. Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Anong damdamin ang mahinuha sa bahagi ng tula?


a. malungkot b. nagaglit c. masaya d. pagkasuklam

____44. Sino ang tinutukoy sa bahagi ng tula ang lumuha?


a. bayan b. dagat c. lupa d. laot

____45. Mula sa Elehiya sa kamatayan ni Kuya


Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa
Wala nang dapat ipagbunyi.
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhakAt ang ligayang di-malilimutan

Ano ang tema sa bahagi ng Elehiya sa kamatayan ni Kuya


a. pighati b. inis c. galit d. pagkabunyi

46-50 Sagutin nang pasanaysay (essay) ang katanungan


Naniniwala ka ba na ang bawat isa ay may kani-kaniyang pagbubukod tangi? (unique)

Inihanda nina

Jocelyn A. Orio
Guro sa Filipino

Patrizia D. Tomas
Guro sa Filipino

Binigyan pansin ni:

Gloria Z. Lorenzo, Ph.D


Punongguro II
Republic of the Philipines
Department of Education
Region III – Central Luzon
z
Schools Division of Tarlac Province
NAMBALAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Santa Ignacia Tarlac

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 7

Pangalan: _________________________________________ Iskor:____________


Baitang at Seksiyon:_________________________________ Petsa:____________

I. Panuto:Basahin at unawain ang bawat tanong. Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Isulat angf letra ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
____1. Ano ang ibang tawag sa tulang panudyo?
a. Tugmaang walang diwa b. tugmang panlaro c. tugmang patula d. tugmang paawit
____2. Ano ang tawag sa pagpapakahulugan o mga paalaala na maaaring matagpuan sa mga pampublikong sasakyan
a. tulang panudyo b. tugmang de gulong c. bugotng d. palaisipan
____3. Ano ang tawag sa pahulaan o patuunan na binigbkas ng patula
a. tulang panudyo b. tugmang de gulong c. bugtong d. palaisipan
____4. Nagpaptalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot.
a. tulang panudyo b. tugmang de gulong c. bugtong d. palaisipan
____5. Ano naman ang sinasambit bilang pagbibigay-galang sa makapangyarihang Espiritu upang hindi magalit o manakit, gayundin
Bilang pagpapahalaga sa kakaibang bagay at mahalagang pook?
a. Bulong b. tulang dula c. awiting bayan d. tulang panudyo
____6. Ano ang layunin ng nagsasalita sa kasunod na bulong?
Dagang Malaki.
Dagang Maliit
Heto ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan ng bagong kapalit
a.Ibinigigay lahat ng ngipin sad aga
b. Ipipinapaayos ang mga ngipin sad aga
c. Inutusan ang daga na palitan lahat ng ngipin niya
d. Ibinigay ang mga sira at pangit na mga ngipin at hinihiloing na palitan ng mas maganda.

II. -A Panuto: Surin ang mga pahayag kung saan akma ito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Kung ito’y : ( a.) tulang panudyo (b.) tugmang de gulong
____7. Aanhin ang gasoline kung ang jeep ay sir ana.
____8. Bata o Batuta isang perang muta.
____9. Tatay mong bulutong, puwede ng igatong
____10. God knows hudas not pay.
____11. Bayad muna bago matulog o magtext.
____12. Si Maria kong dende, nagtinda sa gabi, nang hindi mabili, umupo sa tabi
____13. Huwang kang dumekuwatro ang jeep ko’y ‘di mo kuwarto

II-B. Panuto: Basahin nang Mabuti ang halimbawa ng bugtong at Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
____14. Nagtalo si Pilo nakalitaw ang ulo.
a. pako b. zipper c. timba d. sombrero
____15. Ang balat ay luntian, laman ay kulay dalandan, mga negrito naninirahan
a. bayabas b. papaya c. dalandan d. pipino
____16. Isda ko sa Mariveles puno ng kaliskis
a. sili b. papaya c. isda d. ahas
____17. Gumagapang pa ang ina, umuupo na ang anak.
a. Pinggan b. kalabasa c. papaya d. palaka

III. Panuto: Piliin ang tamang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang,
____18. Si Liza Soberano ay ( a. síkat b. sikát) ngayong panahon na ito.
____19. Ang ganda ng ( a. síkat b. sikát) ng araw.
____20. Bihira na sa kababaihan nagsusuot ng (a. sáya b. sayá)
____21. Ang . (a. sáya b. sayá) niya nang makita niya ang kanyang iniidolo.

III. Panuto: Tukuyin ang hinihinging pahayag. Isulat sa letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
____22. Sa pangungusap na na: Hindi akin iyan!
Hindi/akin iyan.
Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita sa pagsasalita upang malinaw na
maihatid ang mensaheng nais iparating
a. tono b. diin c. antala d. diin
____23. Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig kapag binibigkas?
a. antala b. diin c. hinto d. intonasyon
____24. Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita?
a. antala b. diin c. hinto d. intonasyon
____25. Ano ang isa sa matandang uri ng panitikan sa Pilipinas na ang karaniwang tauhan ay higante, duwende, ada, hari, prinsesa at
Iba pang nakikita?
a. Alamat b. kuwentong bayan c. epiko d. mito
____26. Ano ang nagging suliranin ni Martines sa kuwentong “Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan”?
a. Nabasag ang kanyang mg itlog
b. Nasira ang kanyang pugad
c. Nawala ang kanyang mga pagkain
d. Nawala ang kanyang minamahal
____27. Bakit patuloy pa ring may dalang itak at bumubulong si lamok? -Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan
a. Hinahanap pa rin niya si Martines upang maghiganti
b. Kokak pa rin ng kokak si Palaka
c. Hinahanap pa rin niya si alimango
d. Hinahanap pa rin niya si Kabayo.
____28. Saan nagmula si Malakas at si Maganda?
a. Itlog b. kawayan c. bunga ng prutas d. sa langit
____30. Mula sa akdang “Sandaang damit”, bakit laging nag-iisa ang batang babae sa kanilang silid aralan?
a. Madalas tinutukso siya ng kanyang mga kaklase.
b. Ayaw niyang makipagkaibigan sa mga kaklase
c. Gusto niyang mapag-isa at nahihiya siya sa kanyang mga kaklase
d. Lahat ng nabanggit.
____31. “Sa buong pagiging tahimik ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang
kanilang pag-aasar. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Pilit na ipinasok nila sa kanyang isip. “ Anong
damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito?
a. pagiging magagalitin b. pagtataka c. pagkagulat d. pagkalungkot
____32. “Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi makapagsalita si Maria sa nangyari. Umiyak siya ng umiyak. Gumuho ang kanhyang
pangarap kasabay ng pagbasak ng limang dosenang itlog sa kanyang sunong-sunong. Anong damdamin ang nangibabaw sa
pahayag na ito.
a. pagkagalit b. masaya c. pagkalungkot at kawalan ng pag-asa d. pagpapakumbaba sa sarili3
____33. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang nang halos pabulong kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa
Kung magsalita. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. pahimig b. paimpit c. papahina/pawala na d. pasigaw
____34. Aling bahagi ng maikling kuwento ang pinakamasidhing bahagi kung saa kakaharapin ng pangunahing tauhan ang tunggalian o
Suliranin
a. kasukdulan b. resolusyon o wakas c. simula d. gitna

____35. Anong uri ng panitikang tuluyan ang isinusulat nang patalata na nagpapahayag ng sariling pananaw, kuro-kuro, opinion
at damdamin tungkol sa isang mahalagang isyu?
a. dula b. sanaysay c. maikling kuwento d. nobela
____36. Maaaring sa simula, nalilibang sila sa paggamit ng internet subalit sa kalaunan ay nahuhumaling na sila rito. Ano ang salitang
nanghihinuha ang ginamit sa pangungusap?
a. kalaunan b. maaaring c. simula d. subalit
____37. Ang internet ay nasisilbing “Mendiola naming mga kabataan ngayon”. Tungkol saan ang pahayag?
a. Ang internet ay nagsisilbing instrument upang magkaroon ng maraming kaibigan
b. Maraming kabataan ang gumagamit ng internet sa kasalukuyan
c. Maipapahayag ang mga naiisip, damdamin at salobin sa pammagitan ng internet
d. Ang internet ay nagsisilbing tambayan ng kabatamn sa kasaluyan upang sila’y gumawa ng mga proyekto.
____38. “Binigyan tao ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip. Ano ang mensahe ng pahayag?
a. Lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos
b. Ang tao ang pinakamahalagang element ng daigdig
c. Malaya ang taong magpahayag ng kanyang mga pananaw ayt opiniyon
d. Pananagutan ng tao anuman ang kaniyang maging desisyon
____39. Hindi dapat magkaron ng deskriminasyon sa pagsasalita.
a. nagbababala b. nagpapaalala c. nagpapayo d. nanunumbat
____40. “Hindi siya namimili ng tao”, Ano ang ibig ipakahulugan ng pangungusap?
a. Magaling siyang makisama
b. Lahat ng tao ay kaibigan niya
c. Wala siyang kinikilingang tao
d. Mahusay siyang makipagkapuwa-tao
____41. _____Malaki ang epekto ng labis na pagamit ng internet sa kabataan lalo na sa kanilang pag-aaral. Ano ang angkop na
pahayag ang dapat ipuno sa patlang?
a. Dahil sa b. Sa Simula c. Sa aking palagay d. Walang ano-ano’y
____42. _____Napatunayan na ang bisa ng malunggay bilang halamang gamut. Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa
patlang?
a. Sa huli b. Kasunod c. Pagkatapos d. Sa simula pa lamang
____43. “Lagi siyang nakadikit sa isang sulok. NAkaupo na’y tila’y ipinagkit”. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. Idinidikit ang upuan b. hindi inaalis ang upuan c. hindi tumitigil sa kinauupuan d. hindi umaalis sa kinauupuan
____44. Anong uri ng pelikula ng media ang may kapangyarihang pakilusin ang Biswal na pandama at lumilinang ng pagkamalikhain sa
pakikinig?
a. pelikula b. radyo c. teatro d. telebisyon
____45. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa kasidhian ng kahulugan?
a. Inis,galit,suklam,poot b. inis, poot, galit, suklam c. poot,inis,suklam,galit d. suklam,inis,poot, galit
____46. Ano ang angkop na mga salitang dapat ipuno sa kasunod na patlang?”Tabi-tabi po, Baka po kayo___
a. malito b. mapuno c. maupo d. mabunggo
____47. Batay sa kasunod ba saknong, ano ang layunin ng sumulat?
Sitsit sa aso
Katok ay sa pinto
_____ang para sa tabi tayo’y hihinto
a. Isenyas b. Isigaw c. Sambitin d. Sundin
____48. Ang laki ng pinayat mo! Ano ang tono ng pangungusap?
a. nagpupuri b. nanunudyo c. nagdududa d. pumupuri
____49. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasalaysay ng isang kuwento na ginagawa sa pamamagitan ng malikhain paraan?
a. pagsasadula b. malikhaing pagkukuwento c.masining na pagmomonologo d. masining na paglalahad
____50. “Ano ang karaniwang iniwan ng isang akdang pampanitikan sa mambabasa?
a. alaala d. kaisipan c. damdamin d. konsepto

Inihanda ni:

Patrizia D. Tomas
Guro sa Filipino

Binigyan pansin ni:

Gloria Z. Lorenzo, Ph.D


Punongguro II

You might also like