You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Antipolo City

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL


#15 Marigman St., Brgy. San Roque, Antipolo City

UNANG MARKAHAN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA SA FILIPINO 9
UNANG LINGGO
TP 2021-2022

Pangalan:____Zaniah Epifania______________________ Iskor: _________


Baitang at Pangkat: _9 Bethany_____________________ Petsa: 10/15/2021

I. PAKIKINIG
PANUTO: Basahin ang buod ng maikling kuwentong “Ang Ama” o maaaring ipabasa sa magulang o
kasama sa bahay at makinig mabuti. Pagkatapos, piliin ang letrang angkop na pagsusuri sa mga
pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Para sa bilang 1-5
Ang Ama (Buod)
Isang maikling kuwento mula sa Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Mayroong isang ama na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang pamilya. May anim itong anak
na lahat ay takot sa kaniya dahil laging mainit ang ulo nito at lagi silang sinasaktan kabilang ang kanilang ina.
Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama. Mainit ang ulo nito pagdating sa kanilang bahay. Tiyempo
naman na malakas ang iyak ng anak niyang si Mui Mui. Dahil sa pagkainis nito sa mga nangyayari, nabalingan
niya ng galit ang anak.
Sinapak niya ito at tumilapon malapit sa silid. Nawalan ito ng malay ngunit nakabangon naman
matapos ang ilang sandali. Gayunman, dalawang araw matapos ang pananakit sa bata ay yumao ito.
Noong panahong iyon, ay nabuhay ang konsensya ng ama dahil sa nagawa sa anak. Sa kaniyang
pagmumuni-muni, naisipan niyang mula noon ay magiging mabuti na siyang ama. Ang perang ibinigay ng amo
niya bilang abuloy ay ibinili niya ng mga pagkain.
Ngunit ang mga iyon ay dinala niya sa puntod ng namayapang si Mui Mui. Hindi niya batid na
sinundan siya ng iba pa niyang mga anak.
Inialay niya ang ipinamili sa anak na si Mui Mui kasama ang pagsusumamo na patawarin siya nito.
Nang umulan, sumugod ang magkakapatid sa puntod at pinagsaluhan ang alay na pagkain ng ama.

1. Anong katangian ang makikita sa ama sa unang bahagi ng kuwento?


A. mapagmahal C. maalaga sa mga anak
B. malupit na ama D. naghahanap-buhay para sa pamilya
2. “Noong panahong iyon ay nabuhay ang konsensya ng ama dahil sa nagawa sa anak”. Ano ang nais
iparating ng pahayag?
A. pagmamahal sa nawalang anak
B. pagkamuhi sa anak kahit na ito ay namatay na
C. gawin ang alam na tama dahil nasa huli ang pagsisisi
D. pagkalungkot sa tuwing iiwan tayo ng ating mahal sa buhay
3. “Mula sa kaniyang awa sa kaniyang sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na
bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, “Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!”
Anong damdamin ang namayani sa ama?
A. takot at galit C. pagkabahala at pagmamahal
B. galit at pagsisisi D. pagmamahal at pagsisisi

“Thriving towards feat of synergy”


vby:gsc26
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Antipolo City

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL


#15 Marigman St., Brgy. San Roque, Antipolo City

4.“Dumalaw sa puntod ang ama at inialay ng niya ang kanyang ipinamili sa anak na si Mui Mui
kasama ang pagsusumamo na patawarin siya nito.” Anong kultura ang masasalamin sa bahaging ito
ng kuwento?
A. pagbibigay ng pera upang mapatawad
B. paglalagay ng rosaryo tanda ng pagsusumamo
C. hindi na muling pagbisita sa puntod ng yumao
D. pag-aalay ng pagkain o bulaklak sa puntod ng yumaong mahal sa buhay
5. Mayroong isang ama na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang pamilya. May anim itong
anak na lahat ay takot sa kaniya dahil laging mainit ang ulo nito at lagi silang sinasaktan kabilang ang
kanilang ina. Anong kultura o sitwasyon sa kasalukuyan ang maiuugnay sa pangyayaring ito?
A. kahirapan ng buhay C. pagiging responsableng ama
B. kawalan ng hanapbuhay D. pagmamaltrato sa anak at asawa

II. PAGLINANG NG TALASALITAAN


PANUTO: Bigyang kahulugan ang malalim na salitang may salungguhit sa mga pangungusap batay
sa denotatibo o konotatibong kahulugan nito. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
Para sa Bilang 6
“Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid,
ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa
kaniyang mangibang-bayan upang manatilisa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-
hulihang yugto ng kaniyang buhay.”
Hango sa kuwento Nang Minsang Naligaw si Adrian
6. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa konotatibong kahulugan?
A. obligasyon o tungkulin C. bahagi ng katawan
B. gawain o aktibidad D. direksyon o panuto
Para sa Bilang 7
“Ngunit tumakas ang dugo sa kaniyang mukha habang sinisilay ang isang pilit na ngiti sa
kaniyang labi.”
Hango mula sa “Kuwento ni Mabuti” na isinulat ni Genoveva Edroza Matute.
7. Alin sa sumusunod ang konotatibong kahulugan o pagkakagamit ng salitang tumakas sa
pangungusap o pahayag?
A. umalis B. lumayo C. tumaas D. umaahon
Para sa Bilang 8
“Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupa na pinagkaitan ng ulan. “
Halaw mula sa Paalam sa pagkabata salin ni Nazareno D. Bas

8. Ano ang denotatibong kahulugan ng pahayag?


A. walang pakialam B. tuyot na tuyot C. walang tanim D. basang-basa
Para sa Bilang 9
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama sa kaluwagang
palad nito.
Mula sa akdang “Ang Ama” Salin sa Filipino Mauro R. Avena)

9. Alin sa sumusunod ang angkop na konotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap?
A. mabigat na kamay C. walang pag-aalinlangang
B. hugis kandila na palad D. mabuting kalooban

III. PAG-UNAWA SA BINASA


PANUTO: Bumuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga pahayag/sitwasyon mula sa
akdang “Ang Ama”. Piliin ang letra ng angkop na sagot.
“Thriving towards feat of synergy”
vby:gsc26
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Antipolo City

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL


#15 Marigman St., Brgy. San Roque, Antipolo City

10. “Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama. Mainit ang ulo nito pagdating sa kanilang bahay.
Tiyempo naman na malakas ang iyak ng anak niyang si Mui Mui. Dahil sa pagkainis nito sa mga
nangyayari, nabalingan niya ng galit ang anak”. Alin ang angkop na paghahatol sa pangyayaring
pagkainis sa pagkakatanggal sa trabaho?
A. Hayaan na lamang na ilabas ang inis dahil ito ay lilipas rin.
B. Tama lang na ibaling ng ama ang inis sa anak dahil sa nakaiiritang iyak nito.
C. Maaaring ibaling sa iba ang pagkainis kung ikaw ay mayroong pinagdadaanan upang
maibsan ito.
D. Sikaping kontrolin ang inis o galit sapagkat ito ay hindi nakabubuti sa ating pamilya at
kapwa.
11. “Inialay niya ang ipinamili sa anak na si Mui Mui kasama ang pagsusumamo na patawarin siya
nito.” Tama ba ang kilos na ginawa ng ama?
A. Mali, sapagkat hindi naging tama ang pakikitungo niya kay Mui Mui.
B. Mali, sapagkat huli na para humingi ng tawad dahil namatay na si Mui Mui.
C. Tama, sapagkat ito ay tanda ng pagsisisi sa pagiging malupit niya sa kaniyang anak.
D. Tama, sapagkat ito ay paraan upang maipakita niya ang kaniyang pagmamahal kay Mui Mui
kahit sa huling sandali nito.
12. “Noong panahong iyon, ay nabuhay ang konsensya ng ama dahil sa nagawa sa anak. Sa kaniyang
pagmumuni-muni, naisipan niyang mula noon ay magiging mabuti na siyang ama. Ang perang
ibinigay ng amo niya bilang abuloy ay ibinili niya ng mga pagkain”. Ano ang masasabi mo sa naging
kilos na ito ng ama?
A. Tama lang na maging pabaya sa pamilya sa oras ng kahirapan.
B. Tama lang na ibili niya ng pagkain ang pera sa halip na mapunta ito sa kaniyang bisyo.
C. Nararapat lang na pagsisihan niya ang kaniyang nagawa dahil ito ay magsisilbing daan
upang siya ay magbago.
D. Marapat na tayo ay mamuhay ng mabuti at mapagmahal sa ating pamilya dahil minsan
lang natin sila makakasama sa ating buhay.

13. “Sinapak niya ito at tumilapon malapit sa silid. Nawalan ito ng malay ngunit nakabangon naman
matapos ang ilang sandali. Gayunman, dalawang araw matapos ang pananakit sa bata ay yumao ito.”
Makatarungan ba ang ginawa ng ama sa kaniyang anak?
A. Oo, dahil iyak ng iyak si Mui Mui ng walang dahilan.
B. Oo, dahil hindi natin naiiwasan ang pananakit sa tuwing tayo ay galit.
C. Oo, dahil likas sa magulang na masaktan ang anak kung ito ay may nagawang mali.
D. Hindi, dahil wala tayong karapatan na manakit ng kapwa anuman ang nagawa sa sa atin lalo na
kung ito ay bata at anak mo pa.

IV. PANONOOD
PANUTO: Sa tulong ng buod ng telenobela o teleseryeng “Ang Probinsyano” na napapanood mo sa
telebisyon, ihambing ang mahahalagang pangyayari o isyu sa kuwento sa mahahalagang pangyayari
sa ating lipunan, bansa, asya o sa buong mundo. Maaaring gamitin ang venn diagram sa pagtutulad o
pagkakaiba.
Para sa bilang 14-15

“Thriving towards feat of synergy”


vby:gsc26
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Antipolo City

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL


#15 Marigman St., Brgy. San Roque, Antipolo City

“Ang Probinsyano”
Buod

Ang kuwento ng “Ang Probinsyano” ay tungkol sa isang pulis na nagngangalang Ricardo


“Cardo” Dalisay. Siya ay ang pumalit na pinuno ng mga pulis nang mamatay ang kaniyang kapatid na si
Ador de Leon. Namatay ang kapatid ni Cardo sa isang drug bust operation matapos siyang ipagkanulo
ng kapuwa pulis. Ipinagpalagay ni Cardo Dalisay ang pagkakakilanlan ng kaniyang yumaong kapatid
upang matiyak na maihatid ang hustisya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sindikato ng droga at
maruming pulis na responsable sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Simula ito ng pagbabago ng
kaniyang kapalaran dahil sa dami ng taong kaniyang makakasangga na tiwali at hindi tapat sa
sinumpaang tungkulin. Napakaraming kalaban ni Cardo ngunit sa kabila nito patuloy siyang
nakikipagsapalaran para sa pamilya at sa mga taong nangangailangan ng tulong.

PAGKAKAIBA PAGTUTULAD PAGKAKAIBA

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

SHIELA C. SARABA RENATO B. PANTOJA JR.


Guro sa Filipino 9 Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

MA. LUISA B. ESPLANA ROSA T. TAYAMORA


Language Validator Punongguro I

RHVIN T. SANTIAGO
Content Validator

MA. TERESA P. BARCELO


Dalubguro I

“Thriving towards feat of synergy”


vby:gsc26
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Antipolo City

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL


#15 Marigman St., Brgy. San Roque, Antipolo City

“Thriving towards feat of synergy”


vby:gsc26

You might also like