You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
TAPINAC SENIOR HIGH SCHOOL
Donor St., East Tapinac, Olongapo City, Zambales

ANG MAPAGLARONG NGITI NG ISANG INA


Isinulat ni:
JOVELYN OBIAS
Ang ngiti ay isa sa mga magagandang tanawin na makikita natin mula sa mukha ng isang
tao. Mga mapupulang labing humuhugis arko sa bawat pagkakataon na magkakausap kami at
mga matang nagpapahayag ng mga kaaya-aya at masasayang karanasan na tila nag-uutos sa
aking mga labi na gantihan rin ito ng matatamis na ngiti. Ngunit sa likod pala ng nakahahawang
ngiting ito ay may kumukubling kalungkutan at kahirapan na nadarama ang aking ina.
Sa pagbungad pa lamang sa pintong binabalutan ng puting pinta ng aming tahanan
ay masisilayan na rito ang aming sala. Sa gitna nito ay naroon nakapwesto ang malaking
telebisyon napinaliligiran ng tatlong malalambot na sofa. Ito ang lugar sa loob ng aming bahay
kung saan kami ay sama-samang nanunuod at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin
sa buong araw. Dito rin naming paulit-ulit na pinakikinggan ang kwento ng aking ina. Musmos
pa lamang ako nang simulang marinig ito ng aking mga tenga. Sabi nito, simula pa lamang nang
malaman niyang dinadala niya ang panganay na anak nila ni Papa ay labis na kagalakan na ang
kanilang nadama, at labis pa itong nadagdagan nang kaming mga sumunod pang mga anak ay
ibiniyaya sa kanila ng Panginoon. Bakas sa mga mata nito na tunay ang bawat salitang kaniyang
sinasambit. Hindi lamang iyon kundi marami pang ibang masasayang pangyayari ang
ikinikwento sa amin na hindi ko na lubos matandaan sapagkat ako’y napakabata pa nang mga
panahong iyon.
Sa loob ng ilang taon simula nang iluwal ako sa sinapupunan ng aking ina,
kailanma’y hindi ko naramdaman na nagkaroon kami ng kahit isa man lang na problema. Ito ay
sa kadahilanang sa bawat pag-uwi naming magkakapatid mula sa aming pribadong paaralan ay
sinasalubong kami ng isang babaeng mula sa malayo ay amin ng natatanaw. Ito ay may tama
lang na tangkad, medyo matabang katawan, maikling mga buhok na nagbibigay hugis sa
kanyang mukha na nakatayo sa tapat ng aming trangkahan na may galak at ngiti sa kaniyang mga
labi. Sa pagbaba ng sasakyang humahatid-sundo sa amin ay magiliw siyang lalapit upang halikan
kami isa-isa sa aming mga noo at matapos ay sasabayan kaming lalakad papasok sa aming
tahanan. Hindi mababakas sa mga mukha nito ang pagod resulta sa buong araw na paglilinis ng
bahay.
Akala ko maayos ang lahat, akala ko walang problema, akala ko kami na ang
pinakaperpektong pamilya, ngunit ang lahat ng ito ay isang maling akala lang pala. Isang beses
nang mapaaga ang aking pag-uwi, hindi ko inaasahan ang aking madadatnan. Papalapit pa lang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
TAPINAC SENIOR HIGH SCHOOL
Donor St., East Tapinac, Olongapo City, Zambales
ako ng pinto, narinig ko na ang hagulgol ng aking ina. Nabalot ng tanong ang aking isipan. Hindi
ko alam ang aking gagawin. Binuksan ko ang kahoy na humahadlang upang makita ko ang
hinagpis na nadarama ng aking ina. Bawat hikbi, bawat patak ng mga luhang sumisimbolo ng
kalungkutan na dumadaloy sa maputing pisngi nito ay siya rin ang bawat kirot na nadarama ng
aking puso. Halata sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang Makita niya ako. Dali-dali niyang
pinunasan ang likido sa kanyang mukha at sa muling pagkakataon ay nagkaroon na naman ng
hugis ang kanyang mga labi. Muli itong ngumiti na tila wala siyang sakit na nadarama. Ngunit
hindi maitatago ng kanyang bilugang mga mata ang hinagpis sa mga ito. Dito ko nalaman ang
balita na nagpabago ng aming buhay. Ilang taon na pala nang malaman niya ito at ilang taon na
rin siyang nagdudusa dahil dito. Ni isang beses hindi pumasok sa aking isipan ang ganitong
pangyayari sa aming buhay dahil sa bawat ngiting ibinibigay sa amin ng aming ina. Labis akong
nasasaktan ng mga oras na iyon kaya’t siya’y aking hinagkan.
Sa mga pangyayaring iyon ay natauhan ako. Natutunan ko na hindi lahat ng ngiti ay saya,
hindi lahat ng tawa ay tuwa at hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo, sapagkat may
pagkakataon na puso lamang ang makakadama nito. Simula noon ay hindi na ako muling
nagpalinlang pa sa mga ngiting ipinapakita ng aking ina. Hanggang ngayon ay ikinukubli niya pa
rin ang lungkot sa kanyang mga ngiti ngunit bago ako maniwalang muli ay tinititigan ko muna
ito sa kanyang mga mata. Marahil ito ay kaniya lamang paraan upang patuloy na maging
matatag, ang makita kaming masaya. Kaya’t para sa kaniya, kami ay magpapakatatag rin.

http://stemafilipino.blogspot.com/2016/11/ang-mapaglarong-ngiti-ng-isang-ina.html
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
TAPINAC SENIOR HIGH SCHOOL
Donor St., East Tapinac, Olongapo City, Zambales

Pagsubok:
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang magandang tanawin na makikita mula sa mukha ng isang tao.
a. luha b. ngiti c. nunal d. labi
2. Bakit sinasabing hindi lahat ng ngiti ay nagpapahayag ng kasiyahan?
a. may nagkukubling kalungkutan
b. nakakaranas ng kahirapan
c. may suliranin na kinakaharap
d. lahat nang ito
3. Mababakas sa __________ ang tunay na sinasambit ng ating mga bibig.
a. bibig b. mata c. mukha d. ngiti
4. Inilarawan siya bilang ang babaeng may galak at ngiti sa kanyang labi.
a. Ina b. ate c. tita d. lahat nang ito
5. Ang _______ ang sinasabing durungawan ng ating buong pagkatao.
a. mata b. labi c. mukha d. bibig
6. Anong damdamin ang nangibabaw sa binasang teksto?
a. galit b. lungkot c. masaya d. takot
7. Ano ang katangian ng Ina sa binasang teksto?
a. masayahin b. mapagmahal c. mapagkunwari d. matapang
8. Paano nalaman ng anak ang hinanakit ng Ina?
a. nang mapaaga ng uwi ang anak galing sa eskwelahan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
TAPINAC SENIOR HIGH SCHOOL
Donor St., East Tapinac, Olongapo City, Zambales
b. nang makita ng anak na umiiyak ang kanyang ina.
c. nang pinunasan ng ina ang luha sa kanyang mga mata.
d. lahat nang ito
9. “Hindi lahat ng ngiti ay saya, hindi lahat ng tawa ay tuwa at hindi lahat ng nakikita ng ating
mata ay totoo. Ang kahulugan ng pahayag na ito ay;
a. Bakas ang kahirapan b. kalungkutan c. hinagpis d. galit
10. “Hindi mababakas sa mga mukha nito ang pagod resulta sa buong araw na paglilinis ng
bahay. Ang pahayag ay nagpapakita ng;
a. walang kapaguran b. lahat ay gagawin para sa anak c. sakripisyo d. lahat nang
ito
11. “Papalapit pa lang ako ng pinto, narinig ko na ang ________ng aking ina.
a. iyak b. hikbi c. hagulgol d. hinagpis
12. Dali-dali niyang pinunasan ang ______ sa kanyang mukha.
a. pawis b. luha c. likido d. dumi
13. “Labis akong nasasaktan ng mga oras na iyon kaya’t siya’y aking _________.
a. hinagkan b. hinalikas c. niyakap c. niyapos
14. “Sa loob ng ilang taon simula nang _______ako sa sinapupunan ng aking ina.
a. inilabas b. ipinanganak c. iniluwal d. ipinakita

Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.


15. “Binuksan ko ang kahoy na humahadlang upang makita ko ang hinagpis na nadarama ng
aking ina.
a. nakaharang b. nakatakip c. nakasara d. pumipigil
16. Musmos pa lamang ako nang simulang marinig ito ng aking mga tenga
a. bata b. paslit c. sanggol d. lahat ng nabanggit
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
TAPINAC SENIOR HIGH SCHOOL
Donor St., East Tapinac, Olongapo City, Zambales
17. Ilang taon na pala nang malaman niya ito at ilang taon na rin siyang nagdudusa dahil dito.
a. naghihirap b. naghihinagpis c. nagpapakasakit d. nagtitiis
18. Labis na kagalakan na ang kanilang nadama.
a. kasiyahan b. kaligayahan c. karangyaan d. kayamanan
19. Sa pagbungad pa lamang sa pintong binabalutan ng puting pinta ng aming tahanan ay
masisilayan na rito ang aming sala.
a. matatanaw b. makikita c. mapupuna d. lahat nang ito.
20. Anong uri ng teksto ang binasa?
a. naratibo b. deskriptibo c. argumentatibo d. persuweysib

Susi sa Pagwawasto
1. b
2. d
3. b
4. a
5. a
6. b
7. b
8. d
9. b
10. d
11. c
12. c
13. a
14. c
15. a
16. d
17. a
18. a
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
TAPINAC SENIOR HIGH SCHOOL
Donor St., East Tapinac, Olongapo City, Zambales
19. d
20. b

You might also like