You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


TAONG PANURUAN 2022 – 2023

I. PANUTO: Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat pangungusap. Itiman lamang ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Isang akdang hinango sa bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa


marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinhagang pahayag na
lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
A. Anekdota B. Parabula C. Pabula D. Talambuhay
2.“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa”. Ito ay isang _____.
A. Pagdadahilan C. Pangangatuwiran
B. Pangangaral D. Pagpapayo
3.“Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral
ng kaniyang ina. Ano ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid.
B. Habang may buhay, magpakasaya ka.
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
D. Walang mabuting maidudulot ang pagsuway sa magulang.
4. Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa magulang?
A. Magiging sikat sa pamayanan
B. Pibigyan ng medalya ng pagkilala
C. Mapapabuti ang buhay
D. Hindi masasangkot sa anumang kapahamakan
5. Isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni nanagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang
mahal sa buhay.
A. Maikling kuwento B. Epiko C. Elehiya D. Parabula
6. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng elehiya maliban sa:
A. Pananangis C. Pag-alaala sa mahal sa buhay
B. Matimpi D. Masayahin
7. “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na
inialay”. Ang unang linya ng tula ay nagpapahiwatig ng ______.
A. Pag-iisa C. Pagpanaw ng isang tao
B. Paglubog ng araw D. Panibagong araw na darating
8. Hango sa binasang elehiya, ang mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan, aklat,
talaarawan at iba pa ay sumisimbolo sa:
A. Mga alaalang naiwan C. Pag-aari ng namayapa
B. Di natapos na gawain D. Lahat ng nabanggit
9. Anong damdamin ang ipinapahiwatig ng mga sumusunod na taludtod?
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan.
A. Labis na kalungkutan C. Pamamaalam
B. Panghihinayang D. Pagdurusa
Address: Macasaet St. Pinagtongulan, Lipa City, Batangas
Telephone Number: (043) 774 – 1389
Email Address: pulanintegratedhs2017@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

10. Sabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho
ninyo ang aming upa? Kung ikaw ang isa sa mga huling dumating na isang oras lamang
gumawa, ano ang gagawin mo?
A. Tatanggapin ang ibinigay na upa
B. Ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
C. Hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
D. Pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa
11. Ito ang piangmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari, o katawagan na maaaring kathang
isip lamang o may bahid ng katotohanan
A. Alamat B. Pabula C. Parabula D. Talambuhay
12. Isang munting ilaw na mabagal na kumilos sa daan, Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak
at inaantok na kapatid.
A. Pasan B. Yakap C. Apo D. Karga
13. Ang pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay
nangangahulugang:
A. Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
B. Lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan
C. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
D. Aahalaga ang oras sa paggawa
14. Ang parabulang “Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”ay tungkol sa:
A. Pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus
B. Pangyayaring naganap noong panahon ng digmaan
C. Pangyayaring naganap noong nililikha pa ang mundo
D. Pangyayaring naganap noong panahon ni Noah
15. Ito ay pagbibigay kahulugan sa salita na nakabatay sa kung paano ginagamit ang salita sa
pangungusap.

A. Pagpapakuhulugang metaporikal/semantika C. Pagpapahulugan ponemiko


B. Pagpapakahulugang gramatika D. Pagpapakahulugan retorikal

Para sa bilang 16-19

Nalaglag ang pera ni Aling Ruby habang namamalengke. Nakita ito ni Angel at agad
pinulot. Hinabol niya ang ale at ibinalik ang pera. Laking pasasalamat ni Aling Ruby sa
dalaga at inalok itong kumain. Tumanggi si Angel at masayang umalis. Natanaw ni
Aling Ruby na nagtitinda ng gulay ang dalaga. Isang tindera ang nagsalita, “Talagang
mabait ang batang iyan. Sa murang edad ay nagtitinda para sa inang may sakit.”

16. Nang ibalik ni Angel ang pera ni Aling Ruby, anong katangian ang kaniyang ipinakita?
A. Maalalahanin B. Matapat C. Mapagpanggap D. Sipsip

Address: Macasaet St. Pinagtongulan, Lipa City, Batangas


Telephone Number: (043) 774 – 1389
Email Address: pulanintegratedhs2017@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

17. Anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakita ni Aling Ruby nang alukin niyang kumain si
Angel dahil ibinalik nito ang kaniyang pera?
A. Pagpapasalamat C. Pagtanaw ng utang na loob
B. Pagiging mapagmalaki sa pera D. Pagpapakita ng malasakit sa kapwa

18. Ano ang kahulugan ng pagtanggi ni Angel sa alok ni Aling Ruby na kumain?
A. Ayaw niyang makasabay kumain si Aling Ruby.
B. Ang ginawa niya ay labag sa kaniyang kalooban.
C. Ang pagbabalik niya ng pera ang dapat lamang niyang gawin.
D. Hindi siya naghihintay ng kapalit sa ginawa niyang pagtulong.

19. Bilang anak, paano mo naman ilalarawan si Angel?


A. Madaldal C. Mapagmahal B. Makulit D. Masinop

20. Napansin ni Bb. Rose ang pagbaba ng marka ng kaniyang mag-aaral na si Carlo.
Nababahala siya dahil hindi niya makontak ang mga magulang nito. “Kailangan ko na
siyang puntahan sa kaniyang bahay mamaya para naman malaman ko kung paano ko siya
matutulungan.” Bilang isang guro, anong katangian ang ipinakita ni Bb. Rose?
A. Maalalahanin B. Matapat C. Masayahin D. Masungit

21. Dahi sa pag-amin ng kanilang nararamdaman, lumalim ang kanilang ugnayan, nangako
sa isat isa, naghintay sa pagbabalik hanggang lumipas ang maraming taon, Ang ipinakita ni
Beha ay pagiging
A. Tapat B. Matiyaga C. Palaasa D. Mapagmahal

22. Nagbalik ako upang sabihin sa ‘yo ang aking nararamdaman. Ako ay nahulog na sa iyo,
Beha.” Anong karakter ni Tonio ang kaniyang ipinamalas.
A. Pagiging tapat B. Agresibo C. Mambobola D. Mapagmahal

24. Si Daniela ay gustong gustong maipagamot ng kanyang mga anak subalit ayaw siyang
tanggapin sa ospital dahil sa wala siyang pera. Anong uri ng tunggalian ang ipinakita dito?
A. Tao laban sa kalikasan C. Tao laban sa lipunan
B. Tao laban sa sarili D. Tao laban sa tao

25. Si Li Hua, na umuungol pa ay nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan. Ano ang


pinagmulang salita (etimolohiya) ng salitang may salugguhit.
A. Kuwarto C. Palikuran
B. Karanasan D. Kusina

26. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo.
“ mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan, “ sabi ni Ravana. Pero
hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang
____.
A. Natatakot C. Mahal ang kaniyang asawa
Address: Macasaet St. Pinagtongulan, Lipa City, Batangas
Telephone Number: (043) 774 – 1389
Email Address: pulanintegratedhs2017@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

B. Naniniwala sa milagro D. Hindi si Ravana ang kaniyang gusto


27. Ano ang pinagmulang salita ng salitang may salungguhit sa loob ng pangunusap. “Ang
pugon ay yari sa luwad”.
A. Kalan C. Pinggan
B. Kaldero D. Palayok

28. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog sa Lian-
Chiao. Ang higaang kahoy ay nangangahulugang _____.
A. Kama C. Duyan
B. Bangko D. Papag

29. Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapataymni Rama ang hari ng mga
higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang Makita nilang patay ang kanilang pinuno.
Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama
nang maligaya. Sa tagpong ito, alin sa mga sumusunod na katangian ng epiko ang hindi
kabilang?
A. Kabayanihan ng tauhan C. Nakatitinag na damdamin
B. Mabilis na aksyon D. Maligoy na pangyayari

30. “Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan
sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila
si Sita. Anong pilosopiya ng India ang masasalamin dito?
A. Pinagpapala ng Diyos ang kumikilos nang naaayon sa lipunan.
B. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mo ring gawin sa iyo.
C. Ang lahat ng bagay ay may kapalit.
D Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

31. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng
salitang bihagin?
A. Ikulong B. Bitagin C. Hulihin D. Akitin

32. “Nahagip ng kanyang espada ang tenga at ilong ng higante”’ ang


kahulugan ng salitang nahagip ay ____.
A. Nasagasaan B. Natamaan C. Nadaplisan D. Nasugatan

33. “Nagbalatkayo si Ravana bilang isang matandang paring Brahman. Ang salitang
nagbalatkayo ay nangangahulugang ____.
A. Nagtanong B. Nagpanggap C. Nagsagawa D. Nagpakita

34. Sa lahat ng kanyang ginawa para sa bayan, kailanman ay hindi lumaki ang ulo ni Gandhi.
Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ___.
A. Nagkasakit sa ulo B. Naging mayabang C. May tumor D. Sumakit ang ulo

Address: Macasaet St. Pinagtongulan, Lipa City, Batangas


Telephone Number: (043) 774 – 1389
Email Address: pulanintegratedhs2017@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

35. “Hindi na ako tumuloy. Hindi ko pala kaya kayong iwan,” ang masayang sabi nito sabay
yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng inaakala nilang
Brahaman.Ipinakikilala nitong ang espiritu ay….
A. Mapagpanggap pero mabait C. Isang masamang espiritu
B. Mapanlinlang at mapagsamantala D. Nananabik talaga sa pagmamahal ng isang
pamilya
36. “Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin, napakahirap. Gusto kong
magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi.” Ipinakikilala nitong ang tauhan ay ____.
A. Gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod
B. May mataas na ambisyon at labis na mapaghangad
C. Nais ng makatakas sa kanyang responsibilidad sa tahanan
D. Nagnanais makipagsapalaran at tuloy makaiwas sa mga gawain sa bukid

37. “Hindi na po uli ito mangyayari. Ang tunay ko po pa lang kayaman ay ang aking minamahal
na ina at asawa,” ang sabi ng Brahman habang mahigpit na niyayakap ang kayang asawa at
ina. Ipinakikita dito na siya ay ____.

A. Naghihirap ang kalooban dahil sa nangyari


B. Natatakot sa naging pasya ng raha para sa kanya
C. Nagsisisi at natuto mula sa kanyang naging karanasan
D. Nawalan na siya ng asawa,ina at kayamanang kanyang hinangad

38. Ang baol ay dahan-dahang binuksan ng bata upang lumuha ng salapi. Anong uri ng pang-
abay ang salitang may salunguhit?
A. Pang-abay na pamanahon C. Pang-abay na pamaraan
B. Pang-abay na panlunan D. Pang-abay na pang-agam

39. Ito ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kaniyang
anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon.
A. Metolohiya C. Hudyat ng pagkakasunod-dunod
B. Etimolohiya D. Masidhing damdamin

40. “Kami ay sama-samang nagbabakasyon sa aming probinsya tuwing sasapit ang Mahal na
Araw.” Ang salitang may salungguhit ay pang-abay na _____.
A. Panlunan B. Pamaraan C.Pamaraan D. Pananhi

II. Panuto : Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang sumusunod na pangungusap. Itiman
lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Tao laban sa Sarili C. Tao laban sa Tao


B. Tao laban sa Kalikasan D. Tao laban sa Lipunan

Address: Macasaet St. Pinagtongulan, Lipa City, Batangas


Telephone Number: (043) 774 – 1389
Email Address: pulanintegratedhs2017@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

41. Maraming nasugatan at namatay dahil sa bagyong Tisoy na naminsala noong nakaraang
araw.
42. Nagdadalawang- isip si Mica kung dapat ba siyang sumama sa kanyang kaibigan.
43. Naglakas-loob si Aling Narda na nagtanong sa pamunuan ng barangay kaugnay sa hindi
pagkakasali ng kanilang pamilya sa programang 4ps.
44. Buong lakas niyang sinuntok si Carding dahil sa masamang salitang sinabi niya.
45. “Nahihirapan akong sumagot.Nahihiya ako sa aking sarili.”

III. PANUTO: Tukuyin kung ang mga bahaging ito ay makatotohanan o hindi makatotohanan
kung ang pagbabatayan ay ang tunay na buhay. Itiman lamang ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

A - makatotohanan B- di makatotohanan.

46. Gustong-gusto na ng kanyang ina na magkaasawa na ang kanyang anak. Tumatanda na


kasi ang ina kaya’t ninanais niyang makapag-asawa ang anak upang magkaroon siya ng
katuwang sa buhay.
47. Maingat ngang itinatali ng asawa ng Brahman ang kanyang buhok sapagkat alam niyang sa
dinadaanan niyang mga puno ay may nakatirang shakchunni, isang espiritu ng may bahay
na walang ibang hangad kundi magpanggap bilang asawa.
48. Isang espiritung tuwang-tuwa sa nakikinitang tagumpay ang agad nag anyong hangin at
isinilid ang sarili sa loob ng bote.
49. Isang raha ang pinuntahan ng Brahman upang magpatulong sa kaniyang mabigat na
suliranin.
50. Ilang taon ang lumipas subalit hindi na nagbalik ang kaniyang kasintahan. Dinamdam ito
ng dalaga kaya mula noon sinasabi ng mga tagabaryo ang dalagang ito ay naging mga
pinong buhangin sa dagat.

Inihanda nina: Pinagtibay ni:

MERCEDES G. JUMARANG
IVY L. GATARIN Principal II

VANESSA KATIGBAK
Guro sa Filipino

Address: Macasaet St. Pinagtongulan, Lipa City, Batangas


Telephone Number: (043) 774 – 1389
Email Address: pulanintegratedhs2017@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

Address: Macasaet St. Pinagtongulan, Lipa City, Batangas


Telephone Number: (043) 774 – 1389
Email Address: pulanintegratedhs2017@gmail.com

You might also like