You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY
________________________________________________________________________________________
`SANAYANG PAPEL sa ARALING PANLIPUNAN

Baitang: 1 Quarter Two Aralin 2

I. Layunin :

Nailalarawan ang sariling pamilya batay sa: (a) komposisyon (b)

kaugalian at paniniwala (c) pinagmulan at (d) tungkulin at karapatan ng

bawat kasapi. AP1PAM- IIa-3

II. Gawain sa Pagkatuto:

Ang bawat kasapi ng pamilya ay may kanya-kanyang tungkulin.

Ang ama ang nagsisilbing haligi ng tahanan. Siya ang nagtatrabaho

para sa pamilya. Ang ina ang katulong ng ama sa pamilya. Siya ang

nag-aalaga sa mga anak at nagsisilbing ilaw ng tahanan. Ang mga anak

ang katulong ng mga magulang sa mga gawaing bahay. Kasama rin sa

pag-aalaga ng pamilya ang mga lolo at lola.

Ang mga tungkulin ay dapat gampanan o gawin ng bawat

kasapi ng pamilya para sa maayos na samahan sa loob ng tahanan.

Ang bawat pamilya rin ay may kanya-kanyang paniniwala at kaugalian.

Ang pagsunod ng mga kasapi sa mga ito ay makatutulong para sa

maayos at masayang pamilya.

__________________________________________________________________________________
Sorsogon City, Sorsogon “Reach, Shine, Build A LEGACY”
Telefax No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph
www.depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY
________________________________________________________________________________________
III. Pagsasanay - 1

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang ipinapahayag

sa pangungusap at malungkot na mukha kung di-wasto.

____1. Ang ama ang naghahanapbuhay para sa pamilya.

____2. Ang ina ang nag-aaruga sa kanyang mga anak at

nag- aasikaso sa mga gawaing bahay.

____3. Magkapareho ang tungkulin na ginagampanan ng ama at ina sa

pamilya.

____4. Hindi dapat tulungan sa mga gawaing bahay ang ina.

____5. Dapat kong mahalin ang aking ama at ina.


IV. Pagtataya:
Panuto: Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng kaugalian at
paniniwala ng pamilya.

__________________________________________________________________________________
Sorsogon City, Sorsogon “Reach, Shine, Build A LEGACY”
Telefax No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph
www.depedsorsogoncity.ml

You might also like