You are on page 1of 1

Aplikasyon sa SHS voucher, puwede na

(May 25, 2019)

Matapos ang ilang buwang pagkaantala dahil sa kawalan ng pondo, magsisimula na


bukas (KAILAN; May 26-June 2)ang aplikasyon para sa Senior High School Voucher Program,
para sa School Year 2019-2020.

Sa paabiso ng Department of Education (DepEd) sa official Facebook page nito, sabay na


magbubukas ang manual at online application para sa programa. Ayon sa DepEd, ang mga nais
mag-apply nang manu-mano ay maaaring mag-email o personal (PAANO) na magsumite ng
kanilang napirmahang Voucher Application Form (VAF-1), kasama ang kumpletong
requirements, sa National Secretariat ng Private Education Assistance Committee (PEAC), sa 5th
floor ng Salamin Building, 197 Salcedo Street, Makati City 1229, (SAAN) hanggang sa Mayo 31.
Ang online applications naman ay maaaring isumite sa Online Voucher Application Portal
(OVAP) (PAANO) hanggang sa Hunyo 2, kasama ang filled-out form at scanned copy ng
kumpletong requirements, ngunit kailangang ang OVAP accounts ay nilikha hanggang Mayo 31
lang. Nilinaw naman ng DepEd na ang kinakailangan lang na mag-apply para sa SHS voucher
program ay ang mga Grade 10 completers na mula sa pribadong junior high school (SINO) dahil
hindi sila kabilang sa mga awtomatikong voucher recipients. Ang mga Grade 10 completers
naman mula sa public schools, local universities and colleges (LUCs) at state universities and
colleges (SUCs), gayundin ang mga mula sa pribadong eskuwelahan ngunit grantee ng
Education Service Contracting (ESC) program, ay hindi na kinakailangang mag-apply dahil
awtomatikong kuwalipikado sila sa programa.

Inaasahang ilalabas din kaagad ng DepEd ang kumpletong listahan ng requirements at


application procedures para sa SHS VP bago tuluyang magsimula ang aplikasyon para rito.
Alinsunod sa programa, ang mga kuwalipikadong SHS students ay tatanggap ng subsidiya mula
sa pamahalaan para sa mga bayarin nila sa eskuwelahan, mula P8,750 hanggang P22,500
(ANO).

You might also like