You are on page 1of 2

August 6, 2020

Para sa lahat ng mga magulang ng Officially Enrolled Students ng S.Y. 2020-2021,


Ipinaaalam namin sa inyo na ang RCAI ay ganap nang nakapag-comply sa DepEd
requirement alinsunod sa D.O. 13, s. 2020 (Readiness Assessment Checklist) at nag-qualify
ang paaralan para sa implementasyon ng Combined/Online Distance Learning (ODL)
/Modular Distance Learning (MDL), o Blended Learning na gagamitin ng paaralan ngayong
SY 2020-2021.
Dahil sa pagdedeklara ng MECQ mula August 4-18, 2020, ang RCA ay magbubukas kasabay
ng Public School sa August 24, 2020.
Ipinaaalam din namin na magkakaroon ng Virtual Parent’s Orientation via Zoom bago
magsimula ang klase upang maipaliwanag at masagot ang inyong mga katanungan.
Ang schedule ng klase ng inyong anak na si Dela Torre, Nicholas ay 08:00 AM – 11:35
AM.
Nagkaroon ng dalawang session sa mga grade level na lumagpas sa 25 students dahil
nilimitahan ang bawat klase sa 20 minimum at 25 maximum bilang pagtupad sa
panuntunan ng DepED pati na sa social distancing kapag pinahintulutan na ang Face-to-
face classes. Nais naming bigyang-diin na ang RCAI ay handa na rin para sa Face-to-face
Learning.
Ang RCAI ay nakipag-tie-up sa PLDT/MICROSOFT LMS na siyang magiging Learning
Management System (LMS) ng ating mga mag-aaral. Sa LMS na ito, magkakaroon ang
FIRST 400 na mag-aaral na OFFICIALLY ENROLLED mula Grade 2 hanggang Grade 12 ng
libreng lisensya para ma-access ang kanilang lessons at modules sa mga Major at Minor
Subjects. Ang PLDT/MICROSOFT LMS ay maaaring buksan ng mga mag-aaral 24/7. Ang
mga mag-aaral na lalagpas na sa 400 na bilang ay magbabayad na ng 199/month
hanggang sa magtapos ang klase para sa lisensya ng PLDT/Microsoft LMS.
Nag-qualify ang inyong anak sa libreng PLDT/Microsoft License dahil pasok siya sa first
400 enrollees at isa sa mga requirement ng PLDT/Microsoft LMS ay ang pagkakaroon ng
mga mag-aaral ng exclusive GMAIL ACCOUNT. Ang email address na ito ay para lamang
sa pag-access PLDT/Microsoft LMS at mag-eexpire rin sa pagtatapos ng school year na ito.
Sa pagbuo naman ng paaralan ng Gmail account ng bawat mag-aaral, ito ang mga
impormasyong kakailanganin:

1. Active Phone Number- Kinakailangan po ng individual phone number para


dito. I-sesend po roon ang verification code. Real-time po ito at tumatagal lamang
ng ilang minuto kaya’t kinakailangan ng agarang pagsesend ng code na ito sa amin.
2. Parent’s Email Address at Password- Kailangan po ito bilang parent’s
consent ninyo sa paggawa ng account ng mag-aaral.

1|
Inaasahan ng paaralan ang pagtutuon ninyo ng pansin sa pagbibigay ng impormasyon na
ito para sa agarang pagproseso ng lisensya ng inyong anak sa PLDT/Microsoft LMS.
Kinakailangang magawa na ito bago ang August 18, 2020.

Sinisigurado ng paaralan na wala kayong dapat alalahanin sa mga impormasyon na


ibibigay ninyo sa paaralan, we will hold it in confidence, dahil pagtugon lamang ito sa
pangangailangan sa pag-aaral ng inyong anak para maka-access sa PLDT/Microsoft LMS.
Hindi makakapag-avail ng libreng lisensya ang inyong anak kung hindi ninyo agad
tutugunan ang mga impormasyong ito. Nais namin ipaalam na may mga nakaabang na
mag-aaral upang mabahagian ng libreng lisensya dahil ngayon ay mayroon na tayong 426
students.
Sa pagtugon ninyo sa liham na ito ay mangyaring sagutan ang form para sa mga
hinihinging impormasyon sa pagsasagawa ng google account ng inyong anak.

Here’s the link for LMS Information Sheeet


https://qrgo.page.link/HWx2B

Ang mga Kinder at Grade 1 ay walang PLDT/Microsoft dahil printed modules ang inilaan
ng paaralan para sa kanila. Kukunin ng magulang sa paaralan sa itinakdang araw at oras
ang mga Modules at Learning Kit.
Ipinaalam rin namin na karamihan sa mga magulang ay installment basis ang napiling
paraan ng pagbabayad sa Tuition Fee ng kanilang anak. Dahil sa mga pagbabago ng
itinakdang araw ng pagbubukas ng klase, magkakaroon din ng pagbabago sa magiging
computation ng inyong monthly dues. Hahatiin sa 8 buwan ang natitirang balance mula
September hanggang April. Magsisimula ang pamimigay ng Statement of Account sa
First Week ng September na may Due date na September 15.
Muli, ang lahat ng inyong mga katanungan ay masasagot sa araw ng Orientation na i-
aanunsyo sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po, pagpalain kayo ng Panginoon!

MRS. RAYMUNDA M. SAYSON


RCAI, Administrator

2|

You might also like