You are on page 1of 2

ATTENTION: LIS ENCODING (K-10) 7-6-18

Pwede na po nating umpisahan ang encoding provided po na babasahin muna natin itong basic
instructions sa ibaba para maiwasan ang maraming problema. Pwede po kayong mag-suggest ng
karagdagan kung may nakita kayong kulang o kung may nakitang mali sa instruction ay maaari po
kayong mag-comment.
1. Sa pag-log in, tiyaking ikaw ay nasa school na iyong pinaglilingkuran. Kung ikaw ay multi-grade,
basahing mabuti kung saan ka naka-log especially School Head account. Mayroong Account
Context naman ang LIS kapag na-click mo ang MY ACCOUNT upang i-link ka sa paaralan na gusto
mong pag-enrolan ng mga learner. May mga cases na tayong nagkapalit ng learners ang dalawang
schools na iisa ang school head.
2. Ang mga personnel sa inyong paaralan na lumipat na ng ibang istasyon ay kailangan I-UNROLE
samantalang maaari nang i-close ang mga personnel na nag-retired na.
3. I-prioritize sa pag-enrol ang mga learners na sa inyong school ang First Day at BOSY (1st Week
of Class) at may SUPPORTING DOCUMENTS. Huwag munang i-enrol sa LIS ang mga
TEMPORARY ENROLLED..
4. Kung tapos nang ma-enrol ang mga priority learners, saka i-enrol ang mga late enrolees pero
walang pinanggalingang school, ibig sabihin sa inyo sila nag FIRST DAY pero LATE ENROLEES.
5. Kapag nagawa na ang mga priorities, saka pa lamang i-encode yung mga transferred in at
transferees in o yung mga learner na may pinangalingan nang school within the school year 2017-
2018. (ex. June 5 School A, then June 13 School B.) Make sure po na ini-enrol muna ng
pinanggalingang school bago nyo i-enrol.
6. Maging maliwanag na ang First day na ilalagay sa bata ay kung kailan ang learner nag-warm
body o pumasok/nagpakita sa klase at hindi dapat gawing basehan ang pagpapa-enrol lamang.
Hindi dapat i-enrol ang learner na nag-enrol lamang subalit hindi naman actual na pumasok. Huwag
makipag-agawan o makipag-unahan sa paglalagay ng FIRST DAY lalo na kung maraming
pinuntahang school ang learner. Huwag ding gamitin ang papel na may listahan ng mga learner
nung nagsagawa ng moving up ceremony noong nakaraan dahil posible na may hindi talaga
pumasok na bata.
7. Ang buwan ng July ay iba sa June kaya hindi dapat pagkamalang parehas lamang na buwan.
Maghinay-hinay at kumalma habang iniencode ang First Day upang maiwasan ang mga
pagkakamali.
8. Huwag i-enrol ang learners na hindi sa inyong school pumasok. In Short HUWAG MAG-ENROL
NG GHOST STUDENTS.
9. Huwag mag-expect ng UNENROL facilities upang hindi ka masaktan sa bandang huli. Ganun kasi
yun sa LOVE. =)

10. Ang mga learners na over-age na subalit hindi pa nakapag kinder ay kailangang dumaan sa
kinder. Pa-exam-in na lang po ng PEPT kapag nagkaroon. K-12 po ang curriculum natin at hindi G1-
G12.
11. Ang mga learners na galing sa mga private schools na hindi recognized or walang permit ay
kinakailangang kumuha ng PVT exam.
12. Ang mga learners na walang credentials na dala ay dapat maging “TEMPORARY ENROLLED”.
Dapat malaman ng magulang ang sitwasyon ng kanilang mga anak at magawan nila ng action lalo
na ang mga learners na may accounts payable pa sa private schools. Discretion ng School Head
kung i-e-enol sila o hindi sa LIS kapag wala pang credential. Paki-consider na may transfer tab tayo
na maaaaring i-confirm or idecline ng pinaggalingang school guided by DO54. Kung walang
credential ang learners, mas maiging may basis ang pageenrol sa LIS para hindi maligaw ng grade
level,( ex promoted ang nakalagay sa LIS pero dropped pala or G1 lang dapat pero sa card ay dapat
G2 na.)
13. Ang may EOSY status katulad ng Conditionally Promoted kapag muling pumasok ang bata ay
marapat na itama na. Kung sila ay kumuha o nakapasa sa Remedial Class ay dapat gawing
PROMOTED, subalit kung sila ay hindi kumuha dapat ito ay RETAIN. Ito ay magli-lead upang
magkaroon kayo ng ENROLLMENT OF INELLIGIBLE.
14. Siguraduhing tama ang reason na gagawin sa pag-ienrol ng mga INELLIGIBLE. May mga cases
na para mawalan ng drop out ay ginagawang retain ang learner. Huwag na huwag po nating gawin
ito.
15. Ang mga may for Approval ng Planning Officer katulad ng Enrolment of Inelligible, Correction of
Grade Level, Erroneously Tagged at LRN Approval ay mas makakabuting ipadala kaagad gamit ang
mga bagong templates upang maiwasan ang problema na may kinalaman dito.
16.Ang mga batang nag-appear sa LIS Transferred Out Tab ay marapat lang na maipadala kaagad
sa requesting school ang credential at i-confirm maliban na ang learners ay may mga previous
accounts sa private schools na pinanggalingan.
17. Sa mga may issues ng duplicate LRN at deactivated LRN makipag-ugnayan na lang po muna sa
Planning upang mabigyan kayo ng suhestiyon kung anong marapat gawin..
18. Yung mga schools na may naiwang assignment last school year ay asikasuhin na.
19. Kung hindi naman PEPT/PVT Passers, huwag piliin ang pamimilian na ito. Never manghula ng
pept reference number.

You might also like