You are on page 1of 2

ADVISER:__________________________________

GRADE AND SECTION:______________________

PANANAGUTAN NG ISANG MAG-AARAL NG LAGUNA COLLEGE

Sa abot ng aking kakayahan ay pagsisikapan kong gawin ang mga sumusunod upang ako ay
maging isang mabuting mag-aaral ng Laguna College.
1. Papasok ako ng maaga upang hindi mahuli sa aking first period class sa umaga at sa
hapon.
2. Mag-aaral akong mabuti upang maipasa ko lahat ng asignatura o makakuha ng
mataastaas na marka.
3. Gagamitin ko ang vacant period sa pagbabasa o paggawa ng takdang aralin.
MAHALAGA ANG BAWAT SANDALI.
4. HINDING-HINDI ako mam-bu-bully kahit kanino dahil hindi ko din gusto na ako ay ma-
bully kahit ninuman. Kung mangyayari ito sa akin ay iiwasan ko ang agad ay
makapanakit o gumanti sa halip ay agad kong isusumbong sa aking guro para sa
madaliang aksyon.
5. Hindi ko aaksayahin ang oras at pera na pinaghirapan ng aking magulang.
6. Susundin ko ang mga patakara ng paaralan, ang tagubilin ng mga guro at hindi ako
magiging pasaway sa kanila.
7. Igagalang ko lahat ng guro at opisyales ng paaralang ito.
8. Igagalang ko ang aking mga kamag-aaral upang ako man ay igalang din nila.
9. Magiging matapat ako lalu na sa oras ng quiz o major examinations. Alam kong ito ay
may kaparusahang mabigat ayon sa nakasaad sa Student Handbook.
10. Papasok ako sa klase nang suot ang nararapat na kasuotan (uniform or white shirt/
blouse), at tamang gupit ng buhok.
11. HINDING-HINDI ako magda-download ng malalaswang panoorin sa cell phone or ipad
upang ipakita at pagkaguluhan ng mga kamag-aaral. Batid kong ito ay may mabigat ding
kaparusahan.
12. Kung sakaling ako ay lumiban sa klase ay ipapaalam ko sa aking mga guro ang sanhi sa
pamamagitan ng pagmensahe sa kanya sa messenger o facebook.
13. Kung sakaling ako ay di makakuha ng test sa takdang oras, ipapaalam ko agad sa guro.
Kung dahil sa problema sa wifi ako ay di makakuha ng test sa takdang oras, ipapaalam ko
agad sa guro, at kung maayos na ang internet connectivity, ako ay magpapaalam sa guro
na kukuha agad ng test. Hindi ko na ito patatagalin pa.
14. Gagawin ko ang mga takdang aralin o mga proyekto sa bawat asignatura.Hindi ko na
hihintayin pa ang deadline ng pagpapasa. Kung hindi ko maipasa sa takdang oras,
ipapaalam ko agad sa guro ang dahilan. Pipilitin ko na matapos at maipasa ang
proyektong hinihingi ng guro. Hindi ko hihintayin na matapos ang tatlong linggo bago
maipasa ang proyekto.Ipapasa ko ang mga takdang aralin at proyekto sa itinalagang oras
at araw ng guro.
Dahil ako ay isang mabuting tao, makatao, makabayan, makakalikasan at maka Diyos,
ang lahat ng nakasaad ditto ay pipilitin kong gawin.

______________________.
Pangalan ng Mag-aaral

_________________________.
Lagda ng Mag-aaral/ Magulang

You might also like